Chereads / Our bet is Love / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

Kanina pa ako pa linga linga dito sa campus dahil sa kakaiwas ko kay Renzo. Simula nang marealize kong crush ko siya nagbago na ang lahat.

Okay ang OA pero hindi ko kasi matanggap. Ako magkakacrush sa lalaking 'yon? No way! Isa pa crush ko din ata si Marco! Ginagayuma na talaga ako ng F5 na 'yan.

Natapos na lahat ng klase at wala pa ring Renzo na nangulit sa'kin. Mabuti naman at di ko siya nakikita nang di ako naguguluhan.

"Elize! Kamusta?" sabay akbay sakin ni Marco. Muntik na akong makuba sa bigla niyang pag akbay, ang bigat ng braso. Ang lapit namin sa isat isa at hindi ko alam ang gagawin ko.

"Ehem bro, lagot ka kay Renz kapag nalaman niya na hinahawakan mo girlfriend niya" Sabi ni Ray. Tumawa lang si Marco sabay bitaw at taas ng dalawang kamay na parang sumusuko.

"Hindi mo ba hinahanap yung boyfriend mo?" Tanong ni Chris na titig na titig sakin.

"Ugh, magkatext naman kami hehe" pagsisinungaling ko.

"Really? Sabi niya kanina matutulog daw muna siya. Taas ng lagnat niya eh" Sagot ni Alec sakin.

Lagnat? May sakit siya?

"Wait, so di mo alam na may sakit siya?" Tanong na naman ni Chris na parang nabasa yung naguguluhan kong tingin.

"Ah sige tapos na kasi klase ko pupuntahan ko muna si Renzo" Nagmamadali kong sabi. Nag aalala ako ng sobra, okay naman siya kahapon ah? Bat bigla siyang nilagnat? Naglalakad na ako palayo sa F5 nang hilahin ako ni Marco.

Tinignan ko siya ng nagtatakang tingin.

"Hindi mo alam kung saan siya nakatira diba? Tara hahatid na kita?" Sabi niya. Tumango nalang ako at nagpatianod sa hila niya.

Nakarating na kami sa isang malaki at eleganteng bahay. Malapit lang pala 'to sa campus. Yung theme ng bahay ay white and gold. Pati yung mga muwebles ay halata mong mamahalin. Ang bigtime talaga nito ni Renzo.

"Hi Ate Lira!" sabi ni Marco sabay beso sa isang magandang babae sa harap ko. Maputi siya na hanggang balikat ang wavy na buhok, slim ang pangangatawan at parang model kung manamit. Ang ganda niya!

"Hi Marco and - " sabay tingin sakin.

"Elize, Elize Ramirez" sabay abot ng kamay ko. Inbot din naman to ng magandang babae.

"Lira De leon" matipid niyang sabi. De leon? Kapatid ni Renzo?

"Girlfriend siya ni Renz ate dadalawin daw yung mokong." Tumango naman si ate Lira at tinignan ako.

"Paano Elize, iwan na kita dito?" Pagpapatuloy ni Marco. Tumango naman ako sakanya at tinignan siyang umalis na ng Mansyon nila yabang.

"I didn't know nagbago na pala ang taste ng kapatid ko" sabi ni ate Lira na sinusuri pa din ako. Tinignan niya pa ako from head to foot na ikina concious ko naman. Kinabahan din ako dun sa words na ginamit niya, hindi ko alam kung anong meaning nun.

"Anyways, I like you better than "that" girl. Tara hatid kita sa kwarto ni Renz" sinukbit niya yung kamay niya sa braso ko habang nakangiti at hinihila ako paakyat sa mansyon.

That girl? Sino kaya yun?

May pinasukan kaming kwarto na akala ko kwarto na ni yabang pero parang living room pa din yung style, may malaking TV at gold colored couch that makes the place feel cozy.

Tapos pumasok pa sa kami sa isa pang kwarto kung saan nakita ko si Renz na tulog na tulog sa isang king size bed.

"Paano maiwan na kita ah? Just call me if you need anything, Elize" I just smile as a response. Ang bait ni ate Lira saan nagmana 'tong isa?

Lumapit ako sa tulog na tulog na si yabang.

Ang amo ng muka niya kapag tulog. Yung pilik mata niya ang haba. Ang unfair. Parang siya yung babae. Pati mga pores oh!! Nag bebelo ba 'to? At yung lips.

Erase erase. Bakit ko ba siya tinitignan? Tsaka ano bang ginagawa ko dito? Nakakainis naman self. Bat ka ba pumunta dito? Bat ka ba nag alala sa yabang na yan?

"I miss you" sabi niya. Ano daw? Nabingi ba ako? Diba tulog 'to?

Tinry kong mas lumapit pa sakanya para tignan kung natutulog ba siyang talaga.

"Please stay" hala gising nga ata tong si yabang!!! Tinry kong hawakan yung mukha niya pero hinila niya ako at niyakap. What the heck! Kala ko ba tulog 'to.

"I miss you so much, Cassandra"

WHAT? CASSANDRA? Bigla ko siyang naitulak na dahilan para tuluyan na nga siyang magising.

So nanaginip lang siya kanina? Sino si Cassandra? Yun ba yung babaeng mahal niya?

"Elize?" nanghihinang sabi niya. Elize? Diba Lexi? :(

Erase. Erase. Ano naman kung Elize ang itawag niya eh pangalan ko naman yun.

"Hello, may sakit ka daw kaya surprise, bumisita ako hehehe" ang awkward shet. Ano ba yan Elize!!!

Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko. Bakit parang ang soft ng features ni yabang ngayon? Ang pungay ng mata niya. Halatang bagong gising, pero ang gwapo pa din.

Siya ba ang may sakit o ako? Nababaliw na ata ako.

"Wala ka man lang dala for me? Pabisi bisita ka pa" soft feature my ass. Mayabang pa din tong isang to may sakit man o wala.

"Sorry naman ha?! Nag alala kasi ako sayo kaya dali dali akong pumunta dito tsss" shoot. Bat ko yun sinabi?

Binigyan niya naman ako ng makahulugang ngiti dahil sa sinabi ko.

"Uyy concern siya sakin"

"Asa ka no? Natakot lang ako baka dahil pala napagod ka kahapon sa bahat namin kaya ka nagkasakit. Wala kasing aircon doon" sabay irap ko sakanya.

"Why are you angry? Nag jojoke lang ako" he said a bit lauging. What's funny yabang?

"Tss panget ng joke mo"

"Okay lang gwapo pa din naman ako" nahampas ko siya dahil dun.

"Aww may sakit ako remember? At totoo namang gwapo ako ah" talaga nga naman!

"Totoong mayabang ka!" singhal ko saknya na ikinatawa niya na naman. Anong nakakatawa dun?

"But thanks for visiting Lexi" He said while smiling.

So Lexi na ulit? De wala, tinawag mo akong Elize kanina!

Irap lang yung sinagot ko sakanya. Iniba ko na din yung tingin ko kasi ang gwapo niya habang nakangiti. Lord, crush ko na nga 'tong lalaki na 'to.

"But wait, how did you know my house?" he suddenly ask

"Hinatid ako ni Marco dito" sabi ko. Bigla namang kumunot yung noo ni yabang.

"Why?" He ask.

"Anong why? Hinatid niya ako dito, why? Weird mo"

"Why are you together?" He ask again.

"Ha?" I ask pero nagulat ako ng hilahin niya ako papalapit sakanya. Ang puso ko, omg.

"I don't want my girlfriend hanging out with other guy. Kahit pa bestfriend ko yun." Sinabi niya ng diretso habang nakatingin sa mata ko.

Lord, okay lang naman pong crush, pero wag naman po sana mahulog ng todo. :(

--