Chereads / Our bet is Love / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Good morning world! This is it pansit! Friday na today, ang saya saya! Who doesn't love friday anyway?

Malapit na din matapos yung midterm namin, kaya exam na namin next week. Buti nalang nakapag advance review na ako. Chill nalang this weekend.

May gig na din pala ako mamaya sa Hi-Up, ktv bar siya and kumakanta ako dun every Friday night. Pandagdag allowance ko din kasi yon, sayang naman.

Tinignan ko yung laman ng ref dito sa dorm at may nakita pa akong itlog na pwedeng lutuin.

Sosyal talaga sa dorm ng DLU, halos lahat ng kailangan mo meron. Well, except sa pagkain. May allowance namang binibigay so yun yung pinapang bili ko ng pagkain. Speaking of, kailangan ko na din palang mag grocery. Wala ng laman yung ref dito sa dorm.

Wala kasing malapit na palengke dito kaya sa mga grocery stores ako namimili. Doble tipid tuloy ako sa allowance ko dahil mas mahal ang mga bilihin doon.

Nakatapos na akong magluto at kumain, nakapag ligpit at hugas na din ng pinggan at handa na akong maligo at mag asikaso papasok ng school ng mag vibrate yung phone ko.

from:0995*******

"Don't forget our bet Lexi. See you at our game later"

Damn! I forgot. Ngayon na nga pala yung first game nila yabang!

Ngayon din yung pustahan namin kung magiging girlfriend niya ba ako o hindi.

Aish nawala sa isip ko 'to ah! Oh, Friday!

--

Mabilis na natapos yung mga klase namin na halos wala naman na talagang ginawa dahil exams na nga next week.

Hila hila ako ngayon ni Hannah papuntang gym dahil dito gaganapin yung first game nung inter collegiate league ng basketball.

Syempre high-end facilities meron dito sa DLU kaya laging dito.

"Elize bilisan mo, baka hindi ko mapanuod si Alec maglaro!" ewan ko ha? pero feeling ko gusto niya na din talaga si Alec.

Wala naman akong kagana ganang manuod dahil kinakabahan ako sa magiging resulta ng pustahan.

Mula kasi noong nagpunta kami sa mall ay di ko na ulit nakita o nakausap si yabang. Wala namang kaso sakin yun, mabuti nga at walang asungot sa buhay ko.

Malakas na sigawan ang bumungad samin pagpasok ng gym.

"GO DLU KNIGHTS!" sigawan ng mga tao. 2nd half na pala ng makapasok kami. Mabuti at di pa tapos.

"Hannah, tara dito!" Tinawag si Hannah ng isang magandang babae na may maikling buhok. Ang cute niya.

"Kendra! Sorry nalate kami" sabay beso dun sa cute na babae.

"Okay lang! Hi, you're Elize right?" Nagulat naman ako ng bumaling siya sakin at ilahad yung kamay niya. Medyo lumapit pa siya sakin para marinig ko siya dahil sa ingay ng cheer ng mga tao.

"I'm Kendra. Nice to finally meet the one and only girl na lumaban kay Renz ng ganon!" kinuha ko lang yung kamay niya at ngumiti.

So kilala nila ako dahil sa ginawa ko kay yabang? Tsk.

Nagulat nalang ako at napatingin sa court ng biglang nagsigawan yung mga tao na parang nag aalala.

Nakita ko si Marco na naka upo habang hawak yung bandang kilay niya.

Napa time out yung DLU Knights dahil sa nangyari, ang sabi nung mga nag uusap na kababaihan eh tumama daw yung kamay nung isang players sa mukha ni Marco at yung kuko ata eh dumaplis sa bandang kilang niya.

Nasugatan nga ata kasi parang  ginagamot ngayon si Marco.  Pumito na ulit yung referee at bumalik na ulit sa pag lalaro yung nga players. Warriors pala ang kalaban ng Knights ngayon.

Warriors yung kabilang school na pang mayayaman din naman kaso, tumatanggap sila ng mga hindi din gaanong mayayaman.

Matinding karibal 'to ng Knights at sila pa ang nagharap sa unang laro.

"Go Alec!!!" Sigaw ni Hannah.

"Go Ray!!! I LOVE YOUUU" sigaw ni Kendra. So si Ray pala ha? The Playboy.

Nagulat naman ako ng biglang tumingin sa banda namin si yabang at biglang nag smirk!

Aba!

Hindi pa siya natapos dun dahil tinuro niya pa ako sabay takbo na ulit para mag focus sa laro.

"Did you see that, girl?? Tinuro niya ako. Wahhhh ang gwapo ni Renz!!" sabi ng isang babae.

"Anong ikaw?? Didn't you see his fingers? Ako yung tinuro niya. Ambisyosa!" sabi naman ng babaeng katabi niya. Mukhang mag aaway pa yata sila ah.

"Hey Elize, ikaw ba yung tinuro ni Renz ha?" Tanong sakin ni Kendra.

Agad namang napalingon sakin yung dalawang babae at sinamaan agad ako ng tingin.

"Uhh, hindi ako ah! Bat naman niya ako ituturo?" Binalik din naman nila agad yung tingin nila sa mga naglalaro pero si Kendra at Hannah tinawanan lang ako at mukhang di naniniwala.

Napatingin ako sa side ni Marco na ngayon ay ginagamot pa din. Ugh! Sayang ang gwapong mukha! Nasugatan!

Erase erase Elize!!! Eww F5 yan!

Napaiwas akong bigla ng magtama yung mata naming dalawa. Damn. Ang dami namang tao diba? Hindi naman siya sakin tumingin, diba?

Dahan dahan ko ulit binalik yung tingin ko kay Marco at kitang kita ko yung pagtawa ng bibig niya ng mahuli akong tinitignan na naman siya.

Aish Elize nakakahiya ka!!!

Manuod ka nalang ng game!!!

Malapit ng matapos ang game ngayon at sa di malamang dahilan parang hindi naman na ako gaanong kinakabahan.

Malabo namang mashoot ni Renzo outside 3-point line yung last ball. Imposible yun.

Habang pinapanuod ko siya ngayon ay naamaze ako kasi magaling pala talaga siya mag laro. Akala ko pati title niya as captain ball kinuha niya lang dahil siya ang may ari ng DLU. Pero upon watching him play, I was proven wrong. Ugali aside, pwede na din talaga tong si Renzo eh, kaso, kung ano ang ikinagwapo ganon din ang ikina sama ng ugali. Tsk

84-86 na yung score at syempre lamang sila yabang. Aminado akong hirap din sila kalaban 'tong Warriors. Wala pa si Marco. One minute nalang at mukang mananalo naman na sila yabang.

Nasa Warriors ngayon ang bola matapos mag ka foul ng jump ball. Tsk. Tumakbo yung may hawak ng bola at dahil sa liksi niya hindi siya agad nasundan nung player na pumalit kay Marco.

Rinig na rinig ko yung dismaya ng mga tao na nag chicheer para sa Knights ng maishoot yung bola as a 3-point shot. Lamang na ng one point ang kalaban. Hindi na rin tumigil ang mga estudyante sa kaka cheer para sa magkabilang koponan.

Maging si Kendra at Hannah ay kanina pa sigaw ng sigaw sa tabi ko. At syempre kasama din ako sa nag chicheer. Malamang, school pa din namin ang nakasalalay dito.

30 seconds nalang ang natitira at hawak pa din ng kalaban ang bola. Ano na?! Lamang sila oh!

"Go KNIGHTS!!" Hindi ko namalayan na tumayo na pala ako at sumigaw. Napatingin sakin si yabang sabay tawa.

Nagulat ako ng biglang naagaw niya yung bola dun sa player ng kabila at nag fast break papasa kay Alec. Tumili naman tong si Hannah at kuntodo cheer.

10 seconds nalang ngayon. Nakita kong nag jump shot si Alec pero nang tumalon din ang kalaban para harangin yung bola bigla niyang pinasa yung bola kay yabang. Fake shot pala.

5 seconds nalang ang natitira at nasa labas na ng 3-point line si yabang.

Oh no!

Nakita kong nag smirk pa siya sakin bago tuluyang ipwesto yung kamay niya at ishoot yung bola.

4 3 2 1. Tumunog na yung buzzer hudyat na tapos na ang game at di pa rin ako makapaniwala na na-ishoot ni Renzo yung bola.

89-87 yung score at syempre panalo kami. Todo hiyawan at nagsi talunan yung mga nanunuod habang ako nakaupo pa din at gulat na gulat.

How could he do that? Omg! I lost our bet!

Natigil ako sa pag iisip ng hilahin ako ni Hannah at igiya pababa kasabay ng mga hindi magkamayaw na mga estudyante.

"Tara na Elize, let's go downstairs. Puntahan naten F5" Ayoko nga sana kaso nagmamadali siya at wala na akong nagawa.

Ang daming babaeng nakapalibot sa F5 ngayon. Hindi naman sila lumalapit dahil mukang kausap pa sila ni Coach Azy, yung coach ng Knights.

Matapos mag usap ay lumapit na ang Knights sa kabilang players para makipag kamay. Nang pabalik na sila sa bench para kuhanin ang kanya kanya nilang water jug nagulat ako ng tumakbo si Kendra papunta kay Ray at bigla niya itong niyakap.

"Baby, ang galing galing mo kanina!" parang iritableng iritable naman si Ray habang nilalayo si Kendra.

"Let go Kendra, pawis na pawis ako"

"Nakuuu nahiya pa ang baby. Ang bango bango mo pa din naman kahit pawis ka!" natawa naman ako kasi inis na inis pa din si Ray kay Kendra. Ang cute nila.

Nakita ko naman si Hannah na pinupunasan si Alec ng pawis. Ugh! Lovebirds everywhere. Sibat na nga ako.

Aalis na sana ako ng makita ko naman na parang nanlulumo at naiinis yung kabilang team. Infairness ha? Gwapo din 'tong mga to. Pwede hehehe

"Ehem" napatingin ako sa taong nakatayo ng malapit sa'kin ngayon.

Sino pa nga ba? Eh di si yabang. Bakit ang bango niya pa din kahit pawis na pawis siya? Unfair!!

Nakatingin siya sakin ngayon ng may nakakalokong ngiti. Nairita agad ako sa ngiting 'yon.

Lalapit na sana si Hannah dahil sa pag aalalang kung anong gawin sakin ni yabang pero napahinto siya - and actually pati ako dahil

"Thanks for the cheer earlier, GIRLFRIEND"

Inemphasize niya pa talaga yung salitang girlfriend, kaya ayun, lahat ng tao sa paligid namin gulat.

Hindi ko alam dito sa katawan ko pero super lakas ng kabog ng dibdib ko.

Lorenzo De Leon, bakit mo ako ginaganito?!

--