Hindi pa din ako makapaniwalang girlfriend na ako ng the great Lorenzo De Leon. Ang dating nobody, ngayon naging usap usapan na sa school.
Mabilis kumalat ang balitang girlfriend na ako ni yabang. Maging si Hannah ay gulat na gulat, sabi niya ay mag uusap daw kami tungkol dito.
Hindi naman natuloy ang paguusap na 'yon dahil tuwing tatanungin ako ni Hannah eh iibahin ko na ang usapan.
Ano bang ikekwento ko? Ni hindi pa namin napaguusapan ni yabang ang tungkol dito. Ang sabi niya, ieexplain niya daw kapag girlfriend niya na ako diba? Pero wala MIA ang loko. Hindi naman sa hinahanap ko siya ha? Pero estudyante pa rin siya 'no! Pasok pasok din.
Nasa kalagitnaan na kami ng klase ni Prof Garcia nang pumasok si Renzo kasama ang iba pang F5.
Agad na nag tilian yung nga kaklase kong babae. Ang oa!
"Sorry for being late Ma'am. Pwede po ba silang maki sit-in?" sabay turo sa F5
Wala namang nagawa si Prof kundi tumango nalang. And as usual katabi ko siya sa klaseng to kaya katabi ko din ang F5.
"Hi Elize!" sabi sakin ni Marco. Nginitian ko lang siya pero napawi din agad yung ngiti ko ng akbayan ako ni yabang.
"Ano ba? Tanggalin mo nga yang kamay mo!" sita ko sakanya.
"Aww, pakipot pa yung girlfriend ko" tatawa tawa niya lang sinabi habang pinandidilatan ako ng mata.
Natatawa naman samin yung F5.
Kanina ko pa din napapansin yung mga babaeng sulyap ng sulyap dito sa gawi namin. Distraction talaga tong mga 'to.
Lumapit ako kay yabang sabay bulong ng "Marami kang dapat iexplain sakin ungas. At isa pa ayaw ko niyang pahawak hawak mo" natawa lang siya ng peke halatang plastik lang. Ang galing magpanggap ng gunggong na 'to.
Mabuti naman at inalis na niya yung kamay niyang naka akbay sa'kin. Nakinig nalang din ako kay Prof dahil takot na akong mapalabas ulit. Nanahimik na din naman ang F5 na halatang bored na bored lang dito.
Bakit ba kasi sila nandito?
Nang matapos ang klase lumapit agad sa'kin si Hannah para yayain ako mag lunch. Aalis na sana kami ng harangin ako nung 5 babae na nang-away sa'kin. Agad akong napa atras sa takot na saktan na naman nila ako, pero nasa likod ko pala si Renzo kaya sakanya ako bumangga.
"Ms. Elize, sorry dun sa nagawa namin. Hindi na namin uulitin." sabi nung isa sakanila.
"Hindi niyo na talaga mauulit 'yon because from this day forward all of you are kicked-out." sabat ni yabang
Gulat naman yung limang babae. Napapansin ko din na dumadami na din yung mga taong nakiki usyoso sa amin.
Nagulat ako ng biglang lumuhod yung parang leader ng grupo at hinawakan ako sa binti. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko.
"Sorry na po. Gagawin po namin lahat wag niyo lang kami patalsikin please?" umiiyak na silang lima. Tinignan ko naman si yabang na parang bored na bored lang sa mga kaganapan.
Nag sorry naman na sila so okay na 'to. Nakaka awa yung pag iyak nila. Aish!
"Renzo, okay na. Wag mo na sila i-kick out. Okay naman ako." Hinawakan ko yung braso ni yabang sabay ngiti.
"Anong okay, muntik ka ng-"
"Please?" nakita ko kung paano siya bumuntong hininga, sabay higit sakin palapit sakanya.
Bigla na naman tuloy akong kinabahan kasi ang lapit niya sakin.
Dahil sa ginawa niyang pag hila nasubsob yung babaeng may hawak sa binti ko kanina sa sahig. Nilapitan agad siya nung mga kaibigan niyang babae.
"Pasalamat kayo, mabait yung girlfriend ko. Pero sa susunod na maulit to-" nakatitig ako sakanya habang sinasabi niya yan.
Bakit ang gwapo niya? Erase erase Elize! Gising!
Tumingin siya sa iba pang mga estudyante na nakikiusyo sabay sabing
"Kahit sino man sa inyo, ang may gawing masama kay Elize Lexia Ramirez, ay malalagot sakin. Maliwanag?" Halos lahat ng tao dun nag sitanguan. Bakit mo ba 'to ginagawa yabang?
"No one mess with my girlfriend. Alis na!" agad na nagtayuan at takbuhan yung mga nakikiusyoso kabilang na yung limang babaeng nag sorry sakin kanina.
Hanggang ngayon titig na titig ako kay yabang dahil di ko lubos maisip na ang gaya niya, ipagtatanggol ang tulad ko.
"Smooth bro. Galawang Renz! Ganon pala dapat" sabi ni Ray.
"Kakaiba ka Lorenzo, bilib ako" Dagdag pa ni Chris
Sumipol lang si Alec habang si Marco ay tatawa tawa lang. Nakangiti din si Hannah habang nakatingin samin ni Renzo sa halos magkayakap na sitwasyon.
Magkaya-
"Ano ba bakit ang lapit lapit mo?" agad ko siyang natulak at mukhang nabigla siya. Di kalaunan ay tumawa din siya.
"Kanina pa ganon yung posisyon naten ngayon mo lang narealize? Nag enjoy ka?" pang aasar ni gunggong.
"Eww pls. Asa ka pa!" nagtawanan naman yung F5 maging si Hannah. Nakalimutan kong nandito pa sila.
"Tara na nga Hannah. Gutom na ako" hinila ko na ang kaibigan kong katabi pa ni Alec ngayon. Ayoko nang makasama pa 'tong F5.
"Hep! We will have lunch together Babe" Sabay hila rin sa'kin ni Renzo.
Babe?! Eew!
"Sorry Elize, sabay sa'kin si Hannah" Sabi pa ni Alec.
"Bakit di nalang sabay, Alec?" nagtatakang tanong ni Hannah.
"Gusto ko sana, kami lang muna. Alam mo na, first lunch namin to, together ng kaibigan mo" sabat ni yabang sabay ngiti pa ng todo kay Hannah. Napatango nalang si Hannah habang nakangiti. Nooo! Ayoko siya kasama Hannah!
"Anong kami, kami lang ka dyan askahakdnk" hindi na maintindihan ang sinasabi ko dahil tinakpan na ni Renzo yung bibig ko. Nasa likod ko siya so parang nakayakap siya sakin.
"See you later guys" sabi niya sabay lakad habang naka takip pa din sa bibig ko.
Nang medyo makalayo na kami kinagat ko ang kamay niya. Bwiset to. Pero kailangan talaga namin mag usap kung ano ba tong girlfriend-boyfriend set up.
"Ouch! What the heck Lexi?!" singhal ni yabang matapos ko siyang kagatin. Buti nga sa'yo.
"Wag mo ako ini english english ha. Hindi mo naman kailangang takpan yung bibig ko. Sasama naman ako. Kailangan din talaga natin mag usap. Pero pwede bang kumain na muna tayo? Gutom na ako"
"Daldal. Let's go" ang epal!
Ang daming tao dito sa cafeteria namin ngayon, pipila na sana ako ng biglang lumapit si Renzo sa isa pang counter exclusive for F5. Oo nga pala, may sarili silang pila at pagkain. Napaka unfair diba?
Pupunta na sana ako sa pila ng mga estudyante ng bigla niya akong hilahin.
"Where are you going? Dito tayo." He said.
Pagkalapit palang namin sa counter nakita ko na agad yung presyo ng mga pagkain dun sa Menu.
Jusko, isang buwan na allowance ko ata 'to huhuhu.
"Uhh Renzo, doon nalang ako bibili. Hehehe" napakamahal, hindi ko kayang bilhin yon.
"Lexi, don't look at the price. It's on me, so umorder ka na" Grabe nakakahiya naman to.
"Uyy wag na, nakakahiya" sabi ko pa. Tinitigan niya lang ako nang masama. Okay, order pala ha?!
"Okay, itong Pasta Fresca nga po, pati Choco Fudge delight, tsaka yung Kebab na din po. Padagdag na din nung Strawberry Milk shake. Ayun lang po" sabi ko ng nakangiti. Nakatingin lang sakin yung cashier sa gulat pero mukhang nakuha niya din naman at agad nilista yung mga order ko.
"Ganyan ka pala mahiya" sabi sakin ni yabang kasabay ng tingin na parang may ginawa akong masama.
"Sabi mo libre eh, sayang naman." sagot ko. Iiling iling nalang siya na parang di makapaniwala sakin.
"Sa katawan mong 'yan hindi halatang ang takaw mo" Well, talent ko ata ang di pagtaba.
Nang masabi niya na ang order niya, agad naman siyang umalis ng di nagbayad tapos dire diretso dun sa usual place ng F5.
And yes, may space na para sakanila lang. Ganon ka special yung treatment sa F5 dito sa DLU. Walang pwedeng gumamit ng space na 'to kung hindi sila lang.
"Hoy, yab- Renzo, bakit di ka nagbayad? Tsaka bakit di natin hinintay yung pagkain naten? Umupo na siya na parang bored na bored na naman sa lahat ng bagay.
"They will serve it here. And, akin 'tong school diba? Why do I need to pay?" mayabang na sagot ng lalaking 'to. Kainis! Oo nga pala, sakanila ang DLU at may sariling waiter na magseserve para sa F5.
"Sabi ko nga" Luminga linga naman ako para hanapin sila Hannah. Kung kasama niya kasi si Alec bakit wala sila dito? Eh pang F5 na space 'to.
"They eat outside the campus. I ask our space to be for us for now dahil kailangan nating magusap talaga" He said na para bang nabasa ang isip ko. Tango nalang ang naging sagot ko sakanya.
"So explain everything now, De Leon" Sumandal ako sa upuan at humalukipkip.
"Shoot your questions,
Ramirez" saad niya sabay smirk.
"Bakit may ganitong set-up? Bakit ako? Anong sasabihin kong rason kay Hannah pag tinanong niya kung paano? Kelan pa? Anong kwento?!" Hindi na ako nag pa tumpik tumpik pa at natanong ko na lahat ng gumugulo sa isipan ko.
"Shhh, pwede ba hinaan mo yang boses mo. You're too loud." suway niya sakin. Tinitigan ko naman siya ng nakakainis na tingin. Sabi magtanong tapos magagalit galit. Labo!
"Here is your order Mr. De Leon. Enjoy your lunch" Hatid sa amin ng isang lalaking naka uniform na pang waiter. Meron siyang tulak tulak na food service cart at isa isa nang nilagay sa lamesa yung order namin. Matapos maihain lahat ng orders, nagpasalamat at umalis na din siya.
Hindi ko pa din ginagalaw yung mga pagkain kahit takam na takam na ako dahil hinihintay ko pa din ang sagot ni Renzo. Mukhang nakuha niya naman ang gusto kong mangyari. He sighed then said,
"Well, me and F5 had a bet. Na kung magiging girlfriend kita for 3 mos, I will win. As for why you? Maybe because di sila makapaniwala na may babaeng kayang lumaban sa F5, lalo na sa akin" Pauna niyang sagot. Napaka immature talaga nila. Pati ako idadamay pa para sa katuwaan lang? Bwiset sa lipunan!
"And syempre, alam nila kung totoo o hindi itong mga nangyayari, so we need to make sure that this thing among us -" sabay turo niya saming dalawa
"Is real. Of course not real like what you are thinking, kundi yung kapani paniwalang real. In return, after that 3 months, you can live peacefully in DLU hanggang makagraduate ka. No F5, no Renz na guguluhin ka" parang mahirap yung live peacefully after all of this, pero para kila Momsy at Popsy.
"Kapag may nagtanong, ikaw na bahala sa kwento, I'll just go with your story. Last and most importantly, walang dapat maka alam nito, lalong lalo na ang F5. This should only be between us. Understood?" Dagdag niya pa. Tumango nalang ako.
Three months lang naman diba? At walang dapat maka alam? Simple lang naman 'to. Kaya mo 'to Elize!
"So if you win on that bet, what would be your prize?" He just smirk at me.
"The girl I love" Oh, sino?
"Sino?" Nakatitig lang siya sa'kin ng seryoso. Bakit ba sa tuwing tititigan niya ako ng ganyan, kinakabahan ako?
"Sakin nalang yun Lexi, now eat" He said with finality. Hindi ko na pinilit pa yung tanong na 'yon.
"Can you lose at that bet?" I added then he nod.
"How?" I asked again, out of curiousity.
He gave me a playful smile. Nilalaro ng index at thumb finger niya ang mga labi niya ngayon. Why is he so handsome?
Erase erase Elize!
"I will lose if I fall for you" *thump thump* I don't know why I am feeling this way kapag ganito si Renzo.
"Which is impossible. Nakakatawang naisip talaga nila 'yon" He added. Ewan ko kung bakit may kirot dun sa sinabi niya. Oo alam kong malabo naman talaga 'yon, pero bakit kailangan niya pa sabihin?
"Ako din naman no! Never magkakagusto sa mayabang na kagaya mo" sagot ko. Kala naman nitong lalaking 'to. Never in my entire life yabang!
"So do we have a deal?" He ask seriously.
"Deal" I bravely answer. Then nag simula na akong kainin yung mga pagkaing nilibre sakin ni yabang.
Bet? Deal? Sus, kaya ko 'to.
--