Walang nagsasalita samin ni Renzo ngayon dito sa clinic. Kasalukuyan ginagamot nung nurse yung nga natamo kong sugat mula dun sa mga babae na 'yon.
Nilalagyan niya nalang ng bandage yung sugat ko sa braso at binti habang tinitignan ko naman yung repleksyon ng mukha ko sa telepono. Mabuti at di 'to nabasag kanina. Hayy, may pasa ako sa kaliwang pisngi.
Hassle naman may gig pa ako eh sa biyernes eh. Bahala na nga, matatakpan naman siguro to ng make-up.
"Dito muna kayo ha? Kukuha lang ako ng extra bandage naubusan pala kami" tumango naman ako habang si yabang eh nakasandal lang aa pader ng nakatingin ng masama sa'kin. Ano na namang problema nya?
Hindi ako gumagalaw dito sa kinauupuan kong clinic bed.
Umalis na yung nurse at nabalot na naman kami ni yabang ng katahimikan.
"Uhh, okay na ako. Pwede ka ng umalis" sabi ko sakanya. Nag smirk lang siya at lumapit sakin. Hinila niya yung monobloc at binaligtad sabay upo sa harap ko. Yung nga braso niya nakapatong dun sa ibabaw ng sandalan nung monobloc.
"Ibang klase ka rin no? Wala man lang thank you?" Napairap naman ako sa sinabi niya. Eh dahil nga sakanya kaya ako nandito eh.
"Thank you. Pero kung di rin naman dahil sa'yo di sana nila 'to ginawa sakin" sumama na naman yung tingin niya sa'kin. Just telling the truth no.
"Hawak ko ba isip nila ha? Mabuti nga at niligtas kita kahit wala ka ng ginawa kundi kalabanin ako" Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. Hindi niya naman talaga kasalanan. Aish.
"Thank you, really. Hindi mo naman talaga kasalanan. Nakakainis lang na ang daming may gusto sa'yo to the point na aawayin nila kahit sino" Sinubukan kong ayusin yung salamin ko. Pero wala na nga pala akong salamin dahil basag na yung kanina. Hassle sanay akong inaayos yung salamin ko.
"Are you jealous of those girls?"
Ngumiti pa siya sakin ng nakakaloka. Ako, selos? Asa!
"Eew!!" Sinipa ko pa ng bahagya yung inuupuan niyang monobloc kaya tinignan niya na naman ako ng masama.
"Hey, baka nakakalimutan mo na pwede pa kitang i-kick out dito sa DLU, hindi pa tayo tapos mag usap diba?" Oo nga pala, nakalimutan ko na yung pag uusap na 'yon!
"Ano ba yung sinabi mo kanina. Hindi ko talaga gets eh" Tanong ko.
"Be my girlfriend" Seryoso niyang sabi sa'kin. Tumawa naman ako sa sinabi niya. Joke yun diba? Hahahaha
"I'm serious Lexia" Napahinto ako sa pag tawa at tinignan siya ng masama. Isa pa, Lexia siya ng Lexia, eh Elize naman yung dapat itawag sakin. Kaasar.
"Sige nga, anong buong pangalan ko?" Para naman siyang nagulat sa tanong ko.
"Uhh, Lexia, Elena? Elisa? Eliana?" wtf. Sino yon?
"See? Ni hindi mo nga alam ang buong pangalan ko tapos girlfriend girlfriend ka dyan. Asa ka oy!"
"But that's the only way para di kita patalsikin dito sa DLU. Kung di ka papayag bukas makakareceive ka na ng notice of Dismissal" WHAT THE HECK!
"Hindi ba pwedeng magisip muna? Agad agad! Wala man lang ligaw ligaw?" Dalagang Pilipina to no! Tinawanan niya lang ako ng sabihin ko 'yon.
"Why would I? I don't even like you."
"Eh ayon naman pala eh. So bakit gusto mo akong maging girlfriend? Anong rason?" Seryoso lang siyang nakatingin sabay huminga ng malalim.
"I need you to get the girl I truly like." so may nagugustuhan din pala tong yabang na 'to. Akala ko wala siyang puso. Hehehe
Sino kaya yung babae? Ang malas niya naman.
Binigyan ko lang siya ng nagtatakang tingin kasi di ko pa din gets kung anong kinalaman ko sakanila nung babaeng gusto niya.
"I'll explain to you everything once you agree"
"Paano kung ayoko? Wala na bang ibang way para di ako mapatalsik?
"You mention you'll do anything. And this is what I need from you. Nothing else"
"Bat ka ba nag eenglish Pilipino naman tayo?" timitigan niya na naman ako ng masama kaya napa peace sign nalang ako.
"Wala kang kwenta kausap" sabi niya sakin. Alam ko naman yun, hindi niya na kailangang sabihin. Hahaha.
Bago pa ako makasagot ay dumating na yung nurse. Akala ko di na siya babalik e.
Tinapos niya lang yung pag babandage sakin at pinauwi na din kami.
Nang makalabas kami ni Renzo sa clinic akala ko iiwan niya na ako pero sinasamahan niya pa din ako sa pag lalakad. Aish di ata 'to titigil hanggat di ako pumapayag!
"Pwede bang pag isipan ko muna? Kahit ngayong gabi lang? Bukas sasabihin ko kung papayag ako"
"Okay. Or how about we make a bet huh? Basta pag nanalo ako, girlfriend na kita. Ano game?" Pustahan ha?
"Pag nanalo ako titigilan mo na ako sa girlfriend girlfriend na 'yan at di mo na ako papatalsikin dito sa DLU?" Tumango naman siya na nagpasaya sa'kin. Pero anong bet naman 'to?
"Sa first game namin sa Friday, kapag nashoot ko outside 3-point line yun last ball, ako panalo. Kapag hindi, ikaw ang panalo."
"Hindi ba unfair 'yon. Kontroladong kontrolado mo 'yon eh" He smirk at me.
"Wow so you really believe that I'm good huh? Yes controlled ko nga yung shooting ng bola pero huling makaka shoot at the end of the game? Hindi." napaisip naman ako sa suggestion niya.
"Sabi ko na nga ba isa ka din sa fan ko eh. Bilib na bilib ka sakin magbasketball hahahha" Natigil ako sa pag iisip sa kung ano anong pinagsasasabi nitong si yabang. Mayabang talaga.
"Hoy asa ka no! Never nga ako nanuod ng game niyo eh. I bet ginawa ka lang Captain kasi ikaw may ari nitong school. Deal! Payag na ako diyan sa bet na yan!" He smiled instantly at my reply. Ngayon ko lang napansin, ang gwapo niya pala.
Erase erase Elize! Mandiri ka sa sinasabi mo! Eew!
"Okay. It's on" sabay lakad palayo. Bwiset. Bat feeling ko nabudol ako. Amp!
Timitignan ko siya habang naglalakad palayo. Nagulat ako kasi bigla siyang humarap sakin habang patuloy na naglalakad palayo.
"See you tomorrow, future girlfriend" sabay smirk.
Ewan ko pero napahawak ako sa puso ko. Masama to!
Hindi ako gaanong nakatulog dahil sa kaiisip ng mga nangyayari sakin these past few days. Para akong nasa drama na di ko maintindihan.
Naglalakad na ulit ako sa CBA building ng dahan dahan dahil wala na akong salamin. Medyo blurred sakin lahat.
Hassle talaga wala pa akong pampalit non eh.
Nagulat nalang ako ng may humawak sa braso ko at sinabayan akong maglakad. Si Hannah pala.
"Elize, saan yung glasses mo?" tinitigan niya naman ako at biglang nanlaki ang mata. Napa oh my gosh din siya.
"Sabi ko na nga ba dapat hinatid kita kahapon eh. Ang dami mong pasa ah! Saan ka pa may sugat ha?" Sinuri niya pa yung buong katawan ko habang hawak yung magkabilang braso ko. Natawa naman ako sa pag alala niya sakin. Ang swerte ko kay Hannah.
"Okay lang ako Hannah, malayo to sa bituka" nag thumbs up pa ako para ipakitang okay talaga ako.
Hindi pa siya nakakasagot ng bigla kaming harangin ni yabang sa daan.
Bat nandito na naman 'to?
"Come with me Lexia" Napahigpit naman yung kapit sakin ni Hannah.
"Renz, hindi sinasadya ni Elize yung ginawa niya sayo. Please ako na yung nag sosorry" Ngumiti naman si yabang kay Hannah.
"Don't worry, wala akong gagawin sakanya. Tara na Lexia" Hinawakan niya ako sa braso kaya napabitaw na si Hannah sakin. Hinila na ako ng ungas na 'to kaya nag wave nalang ako kay Hannah para magpaalam.
Ang hirap kapag may pang blackmail sakin 'to. Kaasar. Napatingin naman ako sa kamay niyang hila hila ako at bigla naman akong kinabahan.
Nahila ko tuloy sakanya yung kamay ko. Nagkibit balikat lang siya at pinindot yung susi ng kotse niya.
Nandito na pala kami sa parking ng F5. Ang ganda nung kotse ni yabang. May black matte color na halatang alaga at mamahalin.
"Get in" Sabi niya habang pumapasok din sa loob ng kotse. Sumunod din naman ako sa sinabi niya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang palinga linga sa loob ng kotse niya. Ang linis at lalaking lalaki yung amoy. Nakita ko naman dun sa maliit na screen lumabas yung salitang Aston Martin. Yun siguro yung brand ng kotse niya.
"Mall" agad akong napatingin sakanya dahil sa sinabi niya.
"Mag cucutting tayo? Hoy, baka nakakalimutan mong scholar ako sa university mo!" Singhal ko sakanya.
"You're so loud. Di mo ba kayang makipagusap ng di sumisigaw ha?"
"Buksan mo 'to bababa na ako!" pinipilit kong buksan yung kotse pero nilolock niya ng paulit ulit.
"Kumalma ka nga Lexia. Nagpaalam na ako sa mga prof natin. Bibili lang tayo ng salamin mo. I'm sure hirap na hirap ka na ngayon." Nagulat ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung matotouch ako o ewan.
"Alam ko naman kasing you're too poor para makabili agad ng kapalit" sabay smirk. Walang hiyang lalaki to!
"Hoy kaya kong bumili ng salamin. Ihintoo mo na nga to. Napakayabang mo talaga!" Tumatawa lang siya habang chill na chill sa pag mamaneho.
"I'm just kidding, chill Lexia"
"Bakit ba Lexia ka ng Lexia diyan? Elize ang itawag mo sakin. Ang weird ng Lexia!"
"Oh so Elize pala yung isa mo pang name. Hahah I thought it's Eliana or something. Lexia is a cute name. Lexi for short" Daldal niya.
Mabilis naman kaming nakarating sa mall dahil di naman 'to kalayuan dun sa university.
Hindi ako pumupunta dito kasi mukhang pang mayamang mall eh. Dito din nag pupunta yung mga brat na students sa DLU.
Pag pasok palang namin ay may sumundo na agad saming lalaking naka coat. Parang manager ang pormahan niya.
"Welcome to our Mall Mr. De Leon, how can I assist you today?"
"To the optical please?" iginiya naman kami nung parang general manager papunta kung saan yung optical centre dito.
Lumapit ako kay yabang para bumulong.
"Renzo, sainyo rin ba to? Bat may sumundo pa sa'tin sa entrance ng mall? Ang weird" tinignan niya naman ako na parang ako yung weird saming dalawa.
"This is Marco's mall and isa ako sa stakeholder dito. This is a high class
mall and every stakeholder talaga is inaassist ng manager-in-charge" Oh, so manager nga itong lalaking sumalubong samin.
Nakadating naman kami dun sa optical at namangha ako sa dami ng mga available frames na nandun.
May nakita akong simple black rounded frame na sa tingin ko bagay sakin.Kinuha ko yun para tignan yung presyo ngunit muntik ko ng mabitawan ng makita ko yung 20,000 dun sa nakasabi na tag.
Grabe naman, ano yan ginto?! Frame palang yan ha!
"Just pick whatever you want. I will pay. Don't look at the price" He said to me. Nakita niya ata yung gulat ko sa presyo.
Lumapit siya dun sa parang doctor at may sinabi. Lumapit sakin yung doctor at sinabing susukatan na daw niya ako para sa grado ko.
Sumama naman ako dun sa parang kwarto at ginawa yung eye test. Nang matapos yung test ay sinabing within an hour lang pwede ko ng makuha. Grabe ang bilis.
Pag labas ko ay wala na si yabang sa optical centre. Kinabahan ako bigla kasi baka ako pagbayarin niya dito. Huhuhu saan ako kukuha ng 20,000?
"Here's the receipt Ma'am. you can come back after an hour" sabi sakin nung personnel sabay abot nung resibo.
"Bayad na po?"
"Yes po. Paid na po by Mr. De Leon"
Hindi ako makapaniwala na yung susuotin kong salamin worth 30,000.Yes, 30,000 kasi plus 10k yung para sa mismong grade ng mata ko. Anong klaseng optical shop ba 'to?
Lumabas muna ako para hanapin si yabang at magpasalamat.
Hindi pa ako nakakalayo ay nakita ko na siyang may tintignang endorsement poster ng isang kilalang brand sa loob ng isang shop.
Lumapit ako ng bahagya para mas tignan yung larawang tinutignan ni yabang.
Doon ay may isang babae at lalaki na nakatingin sa isa't isa habang nakatawa.
Ang ganda nung babae. Meron siyang long straight black hair. Yung mata niya hugis almond na may shade of brown. She has small red cupid lips. Morena siya. Ang sexy din ng katawan niya at halatang matangkad.
Gwapo din naman yung lalaking kasama noong babae kaso typical na model look. Nadala talaga nung babae yung larawan.
Sino kaya siya?
Lalapitan ko na sana ng tuluyan si Renzo pero natigilan ako ng makita ko siyang lumapit dun sa litrato sabay hawak dun sa larawan nung babae. Seryosong seryoso siyang nakatingin habang hawak sa muka yung larawan nung babae. Parang ang lungkot ng mga mata niya. Bakit?
Bakit sa pangalawang pagkakataon, di ko na naman maintindihan kung ano yung nararamdaman ko?
--