Chereads / Our bet is Love / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Sunday night na ngayon at hindi ko p din alam kung paano ko sasabihin kila Momsy at Popsy na kick-out na ako sa DLU. For sure malulungkot at masasaktan sila.

DLU offers everything a student could ask for in a university. Lahat libre, ultimo uniform. Oo, school to for rich people pero isa din to sa pinaka kinapipitagang school sa buong bansa. Halos lahat ng graduate dito eh kilala sa ibat ibang larangan.

The school also offers dorm sa lahat ng scholars and halata talagang pang rich kid yung dorm, kasi isang student per room lang. Konti lang naman kaming scholars kaya sa tingin ko sobra talaga yung dorms dito sa school.

"Ate, bakit kanina ka pa lakad ng lakad diyan?" tanong ng kapatid ko.

"Wala ichan, may iniisip lang si ate" si Christian yung kapatid kong 8 years old. Ang kulit kulit pero cute, mana sa ate.

Nagkibit balikat naman siya at binalik yung mata niya sa pagbabasa. Yes, he is a bookworm. Tahimik siyang bata at gusto niya lang lagi nagbabasa.

Nakarinig kami ng mahinang katok sa pinto, sabay pasok nila Momsy at Popsy.

"Anak, may sasabihin sana kami sa'yo ng Momsy mo" mukhang malungkot si Popsy kaya kinabahan naman ako.

Tumayo si ichan at lumabas. Alam niya sigurong hindi pang bata yung pag uusapan kaya kusa na siyang umalis. Ang talino talaga ng kapatid ko, mana sa ate. Hehehe

"Ano po yun Popsy?" kabadong tanong ko.

"Kasi nag ka tanggalan sa trabaho dahil nalugi sa isang transaction yung kumpanya namin. Isa ako sa natanggal" ngumiti ng malungkot sakin si Popsy at si Momsy naman mukhang maiyak-iyak na din.

"Pero wag ka mag alala anak, sabi ng Uncle Joey mo ipapasok niya ako dun sa pinagtatrabahuhan niya. Medyo malaki laki ang kitaan dun kaya susubukan ko" dagdag ni Popsy.

"Kaya anak, nakikiusap sana kaming pag butihin mo ang pag aaral mo ah? Panatilihin mo yung scholarship mo. Wag mo intindihin yung allowance at project sa DLU kasi may naipon naman kami ng Popsy mo" sabi ni Momsy.

Patay. Paano na ngayon? Paano ko sasabihing na kick-out na ako kasi inaway ko yung mayabang na anak ng may-ari ng DLU?

Kung ako lang, wala namang problema. May part time job din kasi ako na hindi alam nila Momsy at Popsy. Wala akong problema sa allowance dahil provided din yun ng DLU.

Paano yung kapatid ko? Paano everyday na pang gastos ng parents ko? Ano ng gagawin ko?

"Anak?" tanong sakin ni Popsy ng hindi ako sumagot. Di ko namalayang nakatulala na pala ako kakaisip kung paano.

"Uhh, pwede naman po akong lumipat diba Popsy, Momsy? Sa State University nalang. Mag aapply din po ako scholarship doon. May allowance naman po na binibigay yung DLU kaso minsan--" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko eh nagsalita na si Popsy.

"Anak naman, nakaka 2 taon ka na oh. Ngayon ka pa ba susuko? Sabi nga natin diba?"

"Walang susuko sa pamilyang 'to" sabay sabay kaming tatlo.

Agad naman silang ngumiti at sabay na nag thumbs up sa akin. Hindi ko kayang tanggalin yung ngiti na yun sa mga labi nila.

Desidido na ako. Bukas kakausapin ko si Renzo. Kung kailangan ko mag makaawa gagawin ko, wag niya lang ako i-kick out huhuhu. Para kila Momsy, Popsy at ichan gagawin kong tiisin yung ugali nung mayabang na 'yon.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng gym ng DLU. Hindi ko magawang pumasok kasi kinakabahan talaga ako. Kahit naman sinasagot sagot ko si yabang medyo takot pa din naman ako dun. Lalaki pa din siya at baka kung anong gawin niya sakin.

Palakad lakad lang ako habang nilalaro yung mga daliri ko. Elize isip! Ano na?

"Anong ginagawa mo diyan Elize?" Nagulat ako sa lalaking nasa harap ko ngayon at kinakausap ako ng kaswal.

Yung lalaking kumausap sakin ay si Marco Echavez, may dala siyang yellow duffel bag at naka complete jersey uniform ng DLU Knights. Ready na siya para sa practice nila. Ngiting ngiti siya sakin ngayon. Ang gwapo niya.

May hindi din ako sinabi sainyo, oo ayoko sa F5. Mga spoiled brat sila pero ewan ko ba. Super lakas ng dating sakin ni Marco. He has those fine jawline na lalong nagpa gwapo sakanya. Those red kissable lips, sinong hindi mahuhumaling?

Erase erase Elize. Ano ka ba naman? Member yan ng F5, wag ka papaloko diyan!

"Earth to Elize?" winewave wave niya pa yung kamay niya sa mukha ko. Kaya napapikit pikit tuloy ako. Nakakahiya, di ko namalayang nakatulala na pala ako sakanya.

"Hello. Uhh, hinahanap ko kasi si yab- si ano, si Renzo?" I show him my most plastik smile.

"Oh you mean Renz right? Yung binuhusan mo ng tubig last week?" tumawa siya ng malakas habang ako nandito nahihiya na. Kailangan niya pa bang ipa-alala yon?

"Tara sama ka sakin" Hinila niya nalang basta yung wrist ko at pinasunod sakanya. Pumasok kami sa gym at wala pa namang nag lalaro o nagpapractice. Mukhang wala pang tao.

Bigla naman akong kinabahan kasi walang tao. Pero medyo di ako sure kung dahil ba dun kaya ako kinakabahn o dahil sa kamay niyang hawak ako ngayon.

"Uyy Marco, saan tayo pupunta?" Napahinto siya bigla kaya ako nabangga sa likod niya. Aray ha?

Lumingon siya sakin na parang manghang mangha.

"So you know me? Cool!" sabi niya sabay hila ulit sakin. Ano, hilahan nalang tayo dito?

"Oo naman, sino bang di nakakakilala sainyong lima" tumawa lang siya. Sabay pasok dun sa locker room ng Knights.

Wait-- locker room?!!

Bigla kong hinila yung kamay ko kay Marco at parang nagulat naman siya.

"Hoy Marco, bat tayo papasok sa locker room niyo? Ha?" he seemed surprise sa tanong ko. Biglang parang natauhan siya at tumawa ng bahagya. Ang gwapo niya, nakakainis!

"Relax Elize, hinahanap mo si Renz right? Nandito siya. Tara na" sabay hila na naman sakin.

Pumasok ulit kami dun sa isa pang pinto at dinig na dinig na namin ngayon yung ingay ng kwentuhan ng mga players ng basketball.

Biglang nawala yung ingay nung pumasok kaming dalawa ni Marco.

Nagtama agad yung tingin namin ni Renzo tapos bumaba yung tingin niya sa kamay ni Marco na nakahawak sakin.

Bigla ko tuloy hinila yung kamay ko kay Marco. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano. Hindi ko mabasa yung expression ni Renzo ngayon. Galit ba siya? Huhuhuhu

"Alright Team, I think it's time to practice. Iwan na muna natin si Captain dito." Sabi ni Chris Ford. Isa siya sa F5, and I think sa kanilang lahat siya yung pinaka mature.

Sumunod naman sakanya yung mga players maging si Marco, matapos niyang ilagay sa locker niya yung duffel bag niya.

"See you around" sabi sakin ni Marco sabay kindat. Para na naman akong na amaze sa ginawa niya.

Napatingin ako kay yabang when I hear him clear his throat. Siya na lang yung nanatiling nakaupo, habang yung siko niya eh nakapatong sa hita niya tas yung mga daliri niya ay nilalaro yung labi niya.

Nakatitig siya sakin ng seryoso kaya naman di ko malaman yung gagawin ko. Damn Elize, isip!

Nagulat ako kasi bigla siyang tumayo at dahan dahanh lumapit sa akin. Sa gulat ko, napa atras ako. Akala ko hihinto na siya sahil umatras ako pero patuloy pa din siya sa pag lapit. Huhuhu Momsy, Popsy help!

"Uy Renzo, sorry na sa nangyari last week. Gagawin ko lahat oh. Wag mo lang ako ikick out dito sa DLU. Super kailangan ko ng scholarship na to." dire diretso kong sabi habang umaatras ako. Hindi ko namalayang bench na pala yung nasa likuran ko kaya bigla akong napaupo.

Yumuko naman siya at nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Nilagay niya din yung kamay niya sa gilid ng bench.

"Ayoko" sabay ngiti.

Patience Elize, patience. Ikaw ang may kailangan so magpakabait ka.

Ngumiti din ako ng pagkatamis tamis sabay sabing

"Please?" pinagsalikop ko pa yung kamay ko na parang nagmamakaawa.

Bigla namang nawala yung ngiti sa mukha niya at napalitan ng inis. Kusa na din siyang lumayo sakin. Humalikipkip naman siya at tinignan ako ng masama.

"Bakit ko naman gagawin yun?" Tumaas pa yung kilay niya. Arte!

"Sige na naman Renzo, kailangan ko talaga 'to. Please?" lumapit pa ako sakanya at hinawakan at niyugyog yung braso niya. Mukhang mas lalo siyang nairita.

"Nagpapacute ka ba ha? Hindi bagay, pangit mo! Bitawan mo'ko" napa pout naman ako sa sinabi niya. Bwiset talaga tong lalaking 'to. Kung hindi ko lang talaga kailangan yung scholarship.

"Sige na pls? Gagawin ko lahat. Kailangan mo ng P.A. sa lahat ng basketball game mo? G ako! Tiga gawa ng assignment or project? Bring it on! Or baka need ng maid sa bahay mo kaya ko din yon." ano pa De Leon, kaya ko 'yan!

"Talaga lahat?" Parang nakakaloko yung ngiting nasa labi ni yabang ngayon.

Bigla kong pinag cross yung braso ko sa harap ng dibib ko habang tinitignan siya ng nandidiri. Nagulat naman siya sa ginawa ko at biglang tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHA iniisip mo ba na may gagawin akong masama sayo? hahahahahah"

"OO! Nasa itsura mo naman talaga na laging may gagawing masama" biglang nahinto yung pag tawa niya at tinignan na naman ako ng masama.

Ano ba namang bibig meron ako huhuhu

"Baka nakakalimutan mong may kailangan ka sakin?"

"Hehehe sabi ko nga. Peace" nag peace sign pa ako kay yabang.

Kanina pa nangangalay yung leeg ko kakatingala sakanya. Ang tangkad niya pala. Nakatayo na ako pero tinitingala ko pa din siya.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan yung dalawang braso ko sabay lapit ng mukha niya sakin.

"Lahat diba?" tumango naman ako. Ngumiti siya sakin.

"Then be my girlfriend Lexia"

Ano daw? Nabingi ba ako? Gi-girlfriend?!

--