Chereads / Our bet is Love / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Kanina pa ako palakad lakad dito sa may botanical garden ng DLU kasi hindi ko alam yung gagawin ko. Itong lugar kasi yung lugar sa school na nakakapag pa kalma sa'kin.

Nasaan na ba kasi si Hannah? Kinakabahan ako kasi kanina, sinabi niya sakin na mag coconfess na daw siya kay yabang. Ang lakas pala talaga ng tama ng kaibigan ko sa lalaking 'yon.

Kanina ko pa siya hinahanap. Wala sa classroom namin, sa canteen, pati dito sa garden wala.

Mula nung napalabas kami ni yabang last week eh hindi na siya pumasok, buti yon kasi nasisira lang ang araw ko kapag nakikita ko siya. Nalalapit na kasi yung inter-collegiate league ng basketball kaya todo practice sila. Well, hindi naman dapat ganon pero dahil sila ang the influencial F5, pwedeng di na sila pumasok.

Dios ko naman Hannah Grace Alvaro! Wag mo kong pakabahin ng ganito.

Lumabas ako ng BG para tignan sa parking lot kung nandun pa yung kotse ni Hannah.

"Tara na girls! May practice ang F5 ngayon sa gym!" Nag tilian pa yung T Girls.

Gym ha? Bakit di ko naisip 'yon? Boba! Dali dali akong tumakbo papuntang gym. Nakita ko si Hannah sa harap ni yabang at madaming tao sa paligid.

"Hello Renz. Can we talk?"

Shit! Seryoso talaga si Hannah?

Nakita ko na sa likod ni Renzo ang bored na bored na mga member ng F5. Mukhang sanay na sila sa ganitong scenario.

Tinitigan ko yung F5. Gwapo sila at matatangkad. Bawat isa sa kanila ay may features na sure akong rason kung bakit nahuhumaling ang mga babae dito sa campus.

Yung mga hubog ng katawan nila halatang batak na batak sa gym at basketball. Erase erase Elize, bat ba sila ang tinitignan mo? Focus on Hannah!

Dumadami na rin yung mga nakikiusyoso. Hannah naman eh! huhuhu

"Uhh, who are you again? And tungkol saan? Busy kasi kami sa practice eh"

"I'm Hannah, kaklase mo ako, uhh ano kasi"

"Kasi? Sabihin mo na, nasasayang oras ko eh"

Sinabi niya yan na parang tamad na tamad. Alam ko namang alam niya na yung pinunta dun ni Hannah. Pwede niya namang sabihin nalang agad na hindi siya interesado gaya nung sinabi niya sa'kin, bat kailangan marinig niya pa mula kay Hannah yung confession. Self-centered brat! Wala talagang kwenta tong lalaking 'to.

"Kasi Renz I.. I..."

"Ano? Magpapractice pa kami oh" parang inis na inis na si yabang. Ewan ko kung hihilahin ko na ba si Hannah or what. Kung aawayin ko na naman si yabang baka mapatalsik na ako dito sa DLU. huhuhu Hannah!

"Renz I like you and I want to be your girlfriend" mabilis na sabi ni Hannah ng hindi humihinga.

Biglang tumahimik yung paligid. Maging ako nagulat sa sinabi ng kaibigan ko, akala ko sasabihin niya lang crush niya si yabang. Yun pala, gusto niya maging boyfriend?! Gosh Hannah, nakakahiya!

"Hahahahahahahahahah" nagtawanan ang F5 pati na rin yung mga nakikiusyoso doon na parang may nakakatawa sa sinabi ni Hannah.

Tinignan ko si Hannah at parang paiyak na siya. Damn those spoiled brat boys! Damn this school!

"Tindi mo pre!" Sabi nung isang medyo wavy yung buhok na moreno, si Ray Rodriguez, ang pinaka playboy sa lima. Tumatawa pa siya habang sinasabi yun.

"Sagot na Renz! Pinaghihintay mo si Miss Hannah oh" sabi naman nung Maputi na singkit, he is Alec Mendoza, ang mysterious musician ng F5.

"Sorry Miss pero di kita type" ani yabang.

"Ha?" parang anytime iiyak na si Hannah.

"Sabi ko di kita type"

BULAG KA BA RENZO HA? ANG GANDA GANDA NG KAIBIGAN KO!

Hannah has a smoking hot body with a gorgeous face. Her curly hair and fair skin makes her more attractive. Medyo singkit siya na may small red lips. Ang ganda ganda niya, napakabait pa. Kaya hindi ko maisip, why that jerk is rejecting her.

"Ha? Pero maganda naman ako. Madami ngang nagkakagusto sakin eh. Pero wala akong ibang gusto kundi ikaw lang talaga Renz. Please?"

Sht Stop that Hannah.

"E sa hindi kita type eh. Tsaka you're not even beautiful to begin with. So stop wasting my time"

Nagtawanan silang magkakaibigan. Pati mga nakikiusyoso tumawa na din.

Damn me for just standing here while my friend is there na ginaganon lang ng yabang na 'yon. Mali talagang isipin kong may puso yang lalaking 'yan! Bwiset 'tong mga spoiled brat na 'to.

Bahala na mawalan ng scholarship wag lang gantuhin si Hannah. Not my friend De Leon!

"Hoy yabang!" Lumapit ako sakanila sabay tulak sakanya. Gumalaw lang naman siya ng konti at parang lahat sila nagulat sa pagsulpot ko.

"Ang kapal naman ng muka mong sabihan si Hannah ng ganun. Feeling mo ang taas taas ng sarili mo. Feeling mo ang gwapo gwapo mo? Then I think you should wake up now De Leon."

Napa 'woah' naman yung mga kaibigan ni yabang.

"E bakit na naman ba nakikialam ka ha? Nerd?"

"Eh kasi kaibigan ko yung pinagsasalitaan mo ng masakit. Kaibigan ko to Renzo. Hindi mo ba sya pwedeng ireject ng maayos? Hindi ba pwedeng simpleng I'm not interested nalang ulit?"

Tinignan ko si Hannah at umiiyak na siya. Hawak hawak ko yung kamay niya.

"Bagay nga kayong maging mag kaibigan. Parehas kayong pathetic." Naka smirk siya habang sinasabi yun.

Ewan ko kung saan ko kinuha yung lakas ng loob at hinablot ko yung bottled water na hawak ni Ray at binuhos ko kay yabang.

Napasinghap lahat ng nanunuod samin. Kahit si Renzo hindi makagalaw sa ginawa ko.

"Mas okay ng matawag na pathetic wag lang maging kasing sahol ng ugali mo. Wala ka talagang kwenta."

Hinila ko na si Hannah palabas ng gym. Napahinto ako kasi biglang sumigaw si yabang.

"Starting tomorrow, I don't want to see your damn face in MY SCHOOL again"

Dire diretso siyang nag lakad pa punta sa locker nila kasunod yung ibang miyembro ng F5. Hinila ko na din si Hannah palabas ng gym.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Sorry momsy, sorry popsy. Huhuhu

Damn you all F5 boys! Damn you De Leon!

--