Nandito na kami ngayon sa klase ni Prof. Garcia at hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kanina.
Ang walang hiyang lalaking 'yon balak pa atang pikutin si Hannah! Oo si Hannah, ganito kasi yung nangyari
Flashback
"IKAW?!"
So, the great Lorenzo De Leon ang shiftee sa course namin na pinag kakaguluhan ng mga babae. Eew.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Hannah. Di niya pa kasi alam yung nangyari kanina kaya ganyan.
"Kami? No way!" Sabay na naman kami. Of course di ako aamin na kilala ko siya no? Edi lalong nag yabang yan!
"Bakit ba kanina mo pa ginagaya lahat ng sinasabi ko?" Renzo
"Anong ako? Ikaaswhcmsjsbdkahab" biglang tinakpan ni Hannah yung bibig ko kaya di na maintindihan yung sinasabi ko.
"Renz pasensya ka na sa kaibigan ko ha? Hindi niya sinasadya yun promise" ngumiti pa si Hannah ng pagka tamis tamis. Renz? Pasensya? Friends ba sila ha?
Tinanggal ko yung kamay ni Hannah sa bibig ko.
"Bakit ka nagsosorry diyan? Eh hindi nga niyan alam yung salitang sorry" nag sign pa ako na parang peace tapos binaba taas yung daliri ko para iemphasize yung salitang "sorry".
"Miss it's okay. Buti ka pa mabait. Hindi kagaya ng KAIBIGAN mo." Ginaya niya yung ginawa ko para iemphasize yung salitang "kaibigan". Miss? So di niya kilala si Hannah.
Ngumiti siya kay Hannah tapos pag dating sakin nag smirk? Aba!
Naka alis na si yabang pero itong friendship kong si Hannah parang na estatwa na ata sa kinatatayuan.
"Narinig mo yun?" Ang ano? Tinignan ko siya ng nagtataka.
"He talked to me. He even smiled at me!" Hala nabaliw na.
Pati ba naman 'tong si Hannah may gusto dun?
At hanggang ngayong ang dami ng na discuss ni Prof Garcia sa klase eh mukang lutang pa din tong kaibigan ko. Hayy, hayaan ko na nga lang muna.
Maya maya ay biglang may kumatok sa pintuan at nang buksan ni Prof Garcia ay pumasok si Lorenzo.
Agad akong umirap pag kakita sakanya. Kung minamalas ka nga naman oh. Kaklase pa namin ni Hannah 'tong kumag na 'to.
"Okay class alam ko naman na narinig niyo na yung balitang may shiftee sa college naten. And you are all right, from today onwards Lorenzo De Leon will be part of this program" Nag tilian naman yung mga kaklase kong babae. Napapalakpak pa yung iba. Ugh! Ang dami palang may gusto talaga sa kanya. Ultimo si Hannah ganun din. Grabe.
Hindi naman ako interesado sa pinaguusapan nila kaya sinubsob ko nalang yung muka ko dun sa upuan. Buti nasa likod ako kaya di ako nakikita. Busy pa sila sa pagkakagulo habang si Lorenzo kausap si Prof Garcia.
Inaantok ako kaya bahala na sila dun. Late na naman kasi natapos yung gig ko sa bar kagabi. Ang hirap ibalance ng trabaho sa pag aaral.
"Hi. I'm Lorenzo De Leon. Alam ko namang kilala niyo na ako. I hope we can be friends." Makakatulog na sana ako kaso nagsalita si yabang. Kumindat pa siya, kaya lalong nag kagulo yung mga babae. Yuck!
Sinubsob ko na lang ulit yung ulo ko sa desk.
Naririnig ko pang pinapatahimik ni Prof yung mga babae at sinabing maghanap na ng upuan si yabang.
"Can I sit here?" Well saan pa nga ba? Alam ko namang from the start eh sakin tatabi to. Katabi ko nalang kasi yung vacant. Alphabetical yung arrangement namin parang high school lang at ako na ang last. Pero may mga vacant seats pa naman sa tabi ko incase may irreg or shiftee gaya niya.
Muka siyang nagulat na nandoon ako. Pero di rin nagtagal napalitan ng parang nakakalokong ngiti yung labi niya. Parang may masamang balak. Tipong ngiting full of confidence. Tss
"Feeling Gwapo." Napanganga naman siya nung sinabi ko yun. Ako naman yung ngumiti ng nakakaloko sakanya.
1 point Elize. 1 point. Hahahaha
Hindi maipinta yung mukha ni yabang habang umuupo sa tabi ko. Nagulat ako kasi bigla niyang sinubsob yung mukha niya sa desk at natulog.
Bastos talaga 'to. First day niya as shiftee ganyan agad. Nakita kong nakita din ni Prof Garcia yung ginawa niya pero wala ring ginawa si Prof. Ganito ba talaga kapag anak ka ng may-ari ng school?
Well, bakit ko ba siya pinapakialaman. Bahala siya, basta ako mag aaral.
Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig ng bigla akong kinalabit ni yabang.
"Bakit?"
"Bakit ka nag nonotes? Pwede mo naman 'yang picturan ah? Wala ka bang phone?" Si yabang. Wala rin tong magawa eh. Igi pang tulog e.
"Ano namang pakialam mo?"
"Bakit ba ang sungit mo sa'kin? Yan ba yung paraan mo para magpapansin sa'kin? Well to tell you, I am not interested" Sabay smirk.
"Kung sa'yo lang din naman magiging interesado, maiging wag nalang!" fight me yabang!
"Ms. Ramirez, Mr. De Leon, keep quiet you're disturbing the class" Napatingin naman ako kay prof at nag sorry. Bwiset talaga sa buhay 'tong lalaking to. Tumahimik ako at tinignan lang ng masama si yabang.
Para naman siyang natatawang ewan habang pinaglalaruan yung labi niya. Ugh! Nadidistract ako. Erase erase Elize!
Okay! Hindi natin siya papansinin. Patience Elize, patience.
Nagmamantra pa ako ng patience ng biglang kinalabit na naman ako ni yabang. "Wag pansinin, wag pansinin" on repeat. Pero di pa din siya tumitigil sa kaka kalabit.
"Ano bang problema mo?" bulong ko sakanya. Medyo lumapit pa ako sakanya para marinig niya yung sasabihin ko.
"Wala lang, gusto lang kitang asarin" Tumatawa pa si gunggong. Lord, pasensya pls?
"Kung ayaw mo makinig, pwes ako gusto ko. Kaya pwede ba tumahimik ka lang dyan" bumulong ulit ako
Super nakakairita katabi 'tong taong to. Ugh, bakit ba kasi sakin to tumabi.
"Iniisip mo ba na gusto kita katabi kaya dito ako umupo?" Shoot, nasabi ko pala ng malakas. Inirapan ko lang siya bilang sagot. Bahala siya diyan.
"Ibang klase ka din no? Isang Lorenzo De Leon iniirap irapan mo lang?" If this is the game you wanna play, then fine.
"Bakit hindi ba? First, binangga mo ako, second nag shift ka sa course ko, third, tumabi ka sa'kin sa klase. Tell me? Yan ba yung paraan mo para magpapansin sa'kin? Well to tell you, I am not interested" I mimicked his words earlier.
Tumawa naman siya kahit halata ko namang iritang irita na siya sa'kin. Hahaha not me, Lorenzo, not me.
"Ibang klase din self confidence mo no? Ikaw yung bumangga sakin kanina. Nag shift ako sa course na 'to dahil trip ko. At kaya ako tumabi sa'yo kasi katabi mo yung bintana. Malamig tsaka maganda pang sight seeing. Kung sayo lang din naman magiging interesado, maiging wag nalang"
"BAKIT BA ANG YABANG MO?" Hindi ko na napigilan yung inis ko kaya napalakas yung pagkakasabi ko nun.
Ending napalabas kami ni Prof Garcia kahit 20mins nalang naman yung klase.
Super kabado ako kasi yung grades ko nakasalalay dito. Yung scholarship ko huhu. Hinihintay 'kong lumabas si prof para mag sorry habang si yabang mukang aalis na.
"Hep hep, saan ka pupunta yabang?" Hinarangan ko siya para di siya makaalis.
"Wala kang paki, tabi nga dyan. Dahil sa'yo bad shot agad ako sa first day ko. Malas"
"Wow ha? Kung di ka papansin eh di sana di tayo napalabas"
"Kung tinahimik mo 'yang bibig mo eh di sana di tayo napalabas."
Natahimik naman ako kasi ako naman talaga yung reason kung bakit kami napalabas. Pero kung di niya ako ginulo eh di sana di ako mag iingay! Arghhh!
Nag smirk naman siya at akmang aalis na.
"Kasalanan mo yun! Kundi dahil sa pang bibwiset mo hindi ako mag-iingay, at hindi rin ako mapapalabas. Hindi pwedeng ako lang kakausap kay Prof. Walang aalis!" Pigil ko sakanya.
"Ano bang kinakagalit mo? Maaga tayo napalabas, next nito vacant na diba? Ayaw mo nun mas madami tayong free time. And isa pa, any girl in this campus will trade anything for a time like this with me. Maswerte ka pa nga eh"
Nakakaiyak yung sinasabi niya. Di niya naiintindihan na scholar ako sa school NILA kaya kailangan kong pag igihan lahat ng gagawin ko.
"Maswerte? Alam mo ba na dahil dito nagkaroon na ako ng bad impression kay Prof? Alam mo din ba na scholar lang ako sa school na pag mamay ari mo at ito lang yung paraan para makapag aral ako? Hindi diba? Kasi wala kang alam. Ang alam mo lang magyabang. Spoiled brat! Napaupo ako sa sahig at nilagay yung mukha ko sa tuhod ko.
Wag ka iiyak Elize. Wag ka iiyak!
"Ma'am I'm sorry for what happened earlier. Kasalanan ko po 'yon. Iniinis ko po yung kaklase ko kaya siya nakapag ingay. Wag po sanang maka apekto sa grades niya to" Napatingin ako at nagulat na kausap na ni Renzo si Prof Garcia.
Napatingin naman si Prof sakin at ngumiti.
"I know Ms. Ramirez and she is not like that. Don't worry naiintindihan ko na. Pero next time, wag sa klase mag ligawan ha?" Tinapik ni Prof ang balikat ni yabang sabay alis.
Ano daw? Mag ligawan? Ewww!!!
"Ayan okay na ha? Tss" sabay alis.
Kahit papa-ano, may puso din pala si yabang.
--