Chereads / Our bet is Love / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Ang bigat naman nito. Bakit ba naman kasi ako favorite utusan ng mga Prof!"

Alam ko namang weird kausapin ang sarili pero nakakainis kasi talaga. Ang hirap na araw araw mo tina-try ipagsiksikan yung sarili mo sa school na puro Rich kid yung nandun. Pero ano namang magagawa ko? Through scholarship lang naman kaya ako nandito. Para sa pangarap, laban!!!

Ako nga pala si Elize Lexia Ramirez, scholar dito sa DLU, De Leon University. Currently a second year student BSBA major in Marketing management. Pure Filipino. 19 years old. And yes, scholar lang ako dito sa DLU. No one dare to befriend me kasi hindi nila ako ka "circle". Weird din daw ang itsura ko. Anong weird sa babaeng naka braid with glasses at malaki yung suot na uniform?! Eh sa ito nalang daw available sabi ng admin e. Nandito naman ako para mag-aral di para magpaganda! Pwe!

Well, partially true lang naman yung wala akong friend dito kasi meron naman talaga. Isa nga lang. At yun ay si Hannah Alvaro. Hannah is loved by all, halos lahat friend niya. Marami nga ang nagtataka bakit siya nag stick sa isang katulad ko. Well, Hannah literally have a golden heart. Hindi lang siya sa labas maganda pati din yung inner self niya.

Dito sa DLU, bihira lang kaming nabibigyan ng opportunity as scholars, halos lahat talaga dito mga nasa elite class. Kaya kami, kaming mga scholars ang laging nauutusan ng mga prof. Gaya nalang ngayon, pinag bubuhat ako ng mabibigat na business plan projects ng mga kaklase ko. Ugh!

"Aray masakit yun ha?" Sht, tumilapon lahat ng folder na hawak ko. Nabangga ako ng isang lalaki -- wait.

Di lang pala basta lalaki. Si Lorenzo 'to. Anak ng may-ari ng DLU. Isa sa pinaka mayabang slash feeling entitled na estudyante dito.

"Ikaw pa ang nasaktan? Tatanga tanga ka kasi. Kasalanan mo yan kasi di ka marunong tumingin sa dinadaanan mo" Kita niyo? Ganyan siya kayabang. Dahil anak siya ng may-ari ganyan na asta niya, ewan ko ba bakit ang daming nagkakandarapa sakanya.

"Hindi mo ba alam ang salitang sorry? O wala lang talaga yun sa bokubularyo mo dahil puro kayabangan lang laman niyang utak mo?" Aalis na sana siya kaya ko sinabi 'yan. Syempre di naman ako papayag na ganunin lang.

Kung rude siya sa akin, bakit ko siya gagalangin? Di niya ba alam ang golden rule by Confucius? Dapat lang sakanya yan kasi he is so rude!

Hindi ko makita yung expression ng muka niya kasi nakatalikod siya, pero bigla siyang lumingon at tinitigan ako ng masama. Medyo kinabahan nga ako pero di ko nalang din pinahalata.

Bukod sa galit parang gulat din siya sa asta ko, huh 'kala mo ha?

"Hoy. Wala akong panahon sa'yo ha? Tatanga tanga ka na nga pangit ka pa. Tss"

I scoff after hearing those words. Ang nice ng argument niya no? Halatang saming dalawa siya 'yong tanga. Oo ganito ako manamit dito pero alam ko sa sarili kong di ako pangit! Medyo out of fashion lang pero hindi ako pangit! Okay parang sarili ko mismo pinapaniwala ko.

Wala na akong nasabi hanggang sa maka alis na siya. Kung makapagsalita akala mo naman kung sinong gwapo! Oo gwapo siya pero wala siyang karapatan sabihan ako nun!

Erase erase Elize!!! Hindi gwapo yung kumag na 'yon, mayabang oo. Pero gwapo? No!!!

Pinulot ko na yung mga nahulog na folder at dumiretso sa faculty. Bwiset ka De Leon!!

Naglalakad na ako ngayon sa CBA building matapos kong ihatid yung mga projects namin kay Prof Legazpi.

'Kyaaaah! Ang Gwapo niya talaga!' girl 1

Nagulat ako kasi sa sigaw at kumpulan ng tao sa labas ng Dean's office ng CBA. Woah! Karaniwan kasi sa CEIT yung laging may mga tumitili na babae. Anong meron ngayon?

'Talagang nandito na yung asawa ko sa college naten!' girl 2

'Anong asawa mo? Ako ang legal no! At oo nga. Nag shift siya from Engineering to Management. Bakit kaya sila nag hiwa hiwalay ng F5?' girl 3

Pfft! Yun 'yong pinaka nakakatawa dito, para kaming nasa Meteor Garden kasi may F5. Napaka korni diba?

Yung F5 na 'yon yung grupo nung mga mayayabang na lalaki na nag hahari-harian dito sa school. Well unlike sa Meteor Garden hindi naman sila nanakit or what ng walang dahilan, pero the fact that they always get what they want is unfair!

Kapag ayaw nila pumasok, pwede. Kapag ayaw nila yung teacher, pwede. Even kapag ayaw nila yung student, kaya nilang ipa kick-out, well hindi pa naman nangyayari yun kasi no one dared to mess with them.

At kabilang dun sa F5 na 'yon, yung mayabang na si Lorenzo De Leon, parang siya nga yung leader nila eh, well sa basketball team kasi siya yung captain.

Hayy ang dami kong sinasabi! Tumingin ako dun sa mga nagkakagulong babae at nakita ko si Hannah.

"Hi Hannah, anong meron?"

"Elize friend!"

"Aray! Makatili ka naman oh. Magkalapit lang tayo! Nahahawa ka na ba sa mga Tili girls?" Nangisay pa siya na parang kinikilig. What? Ang OA ha?

"Have you heard the news?"

"Huh? Anong news?" She rolled her eyes on me. Parang di siya makapaniwala na hindi ko alam yung sinasabi niya. Imbis sagutin ako, hinila niya nalang ako sa kumpulan ng T-Girls.

"Teka teka! Bakit tayo pupunta dyan? Malapit na magstart yung klase. Tsaka ayoko diyan, ang iingay ng T-Girls"

"Basta! Ito ang latest at hottest news sa building naten!"

"Hannah! Please tell me nalang kung anong news yun. Magrereview pa ako for our lessons e" nagpout naman siya tapos lumamlam yung mata. Ugh!

"Fine! Sige na sasama na"

Ngumiti na siya then hinila na naman ako dun sa kumpulan ng T-Girls.

Pero nagulat ako ng huminto si Hannah tapos parang naestatwa siya dun sa kinatatayuan niya.

Sinundan ko naman kung sino yung tinitignan niya

"IKAW?!" In fairness ha? Sabay kami dun.

Kilala niyo na kung sino. The great Lorenzo De Leon mga mam ser.

Pero teka, anong ginagawa niya dito?

--