Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 58 - Kabanata 58

Chapter 58 - Kabanata 58

Sa Opisina ni Patrick,

"Ka ching." Tunog ng cellphone ni Patrick pero di niya ito pinapansin.

Maricar: Ah...eh...Sir, yung phone niyo po.

Patrick: Hayaan mo na busy ako sa pag pirma dine.

Maricar: Eh paano po kung importante pala?

Patrick: Wala di yan sure ako.

Maricar: Kayo rin malay niyo si Ms. Dela Cruz yan.

Napatigil sa ginagawa si Patrick at kinuha ka agad ang phone niya "Asus..." Ang reaksyon ni Maricar.

Patrick: Tsk...Ms. Maricar gusto mong mapunta sa firt floor? At maglinis ng salamin sa c.r?

Maricar: Ha---ha---ha....kayo naman Sir di na mabiro sige po lalabas na muna ako bibigyan ko kayo ng privacy.. Kayo ni Ms. Dela Cruz.

At kumaripas na ito ng takbo papalabas "Ms. Maricar!!!!" Ang sigaw ni Patrick.

"Bakit ba siya pa yung naging assistant ko dine? Ang kulit." Dagdag pa niya.

Binuksan na niya yung message at ito ay galing kay Dave "Picture?" Ang sabi ni Patrick.

May sinned si Dave na mga picture kay Patrick "Anak nang! Sino na naman yang kasama ni Kelly???"

"Teka, ito yung isa sa mga pinsan nung hambog na si Chollo ah."

"Sino nga ito?"

Tinawagan niya kaagad si Dave "Hello?! Dave!"

Dave: Sabi na eh di ka makakali di'yan kahit alam kong busy ka tatawag at tatawag ka parin.

Patrick: Oo na! Sino yung kasama ni Kelly sa picture? At kasama niyo parin siya???

Dave: Hindi na pero kanina oo umalis rin agad may pasok raw eh.

Patrick: Oh eh sino ngayon?

Dave: Si Wayne yung pinsan nung rival mong si Chollo.

Patrick: Ahhh...yun nga.

Dave: So, mukhang dumadami na kayo Dude.

Patrick: Bakit parang di ka naman nag-alala diyan?

Dave: Ha? Ako? Di noh! Di ko naman crush si Kelly.

Patrick: Sus...talaga lang ha? Bakit nakapag change of heart ka na ba? Sino si Mimay na no?

Dave: Sira! Bahala ka nga diyan buti nga inupdate pa kita eh. Baba ko na ito nasa bookstore kami nila Kelly eh.

Patrick: Sandale!

Dave: Tsss....Oo na sesend ko nalang sayo yung location namin.

Patrick: Maasahan ka talag Dude.

Dave: Tsss...may bayad yun noh!

Patrick: Oo na! Bibilhin ko na yung gusto mong sapatos.

Dave: Ayos!

Patrick: Basta gumawa ka ng paraan na magkita kami ni Kelly.

Dave: Oo ikaw pa ba? Malakas ka sakin eh.

Patrick: Ewan sayo! Ge na send mo na yung location ng makapunta na diyan.

Dave: Sir, yes Sir.

Makalipas ang 30minutes,

Kelly: Hoy Dave! Ano? Dine nalang ba tayo sa bookstore? Ang tagal mo namang pumili ng libre di ka naman ata nagbabasa di yan.

Dave: Grabe ka naman master nagbabasa ako.

Mimay: Tsss...Parang di naman halata.

Dave: Ewan sayo.

Mimay: Bleeeh...

Hinila ni Vince si Kelly sa isang gilid "Pis, ano sa tingin mo?" Aniya.

Kelly: Ha? Ang alin ba?

Vince: Sila tignan mo si Harvey busy na busy doon kay Bella tapos yang sila Mims at Dave parang aso't pusa parang feeling ko nga compatible sila.

Kelly: Pake ko? Tsss...may kasalanan ka pa sakin noh!

Vince: Oo sorry na pangako di na ako magsisinungaling.

Kelly: Sus...libre mo ko.

Vince: Tsk...inaasahan ko na yan ano bang gusto mo? Yung kaya lang ng budget ha?

Bineltukan siya ni Kelly "Sira! Sabi ni mama sumama ka sakin mamaya may ibibigay kasi siya sa inyong pasalubong."

Vince: Oh? Nabanggit nga yun ni ate Alice sakin nahihiya nga lang ako eh buti pinapupunta pala ako sainyo ni tita.

Kelly: Oo papakilala na rin kita kay Jacob.

Vince: Ah...oo yung anak ni kuya Kian yun di ba?

Kelly: Oo sasama ko sana'y kaso ayaw ni Mama kaya di ko na sinama.

Vince: Ahhh...nga pala, ano nakausap ka na ba ni Patrick?

Kelly: At bakit naman?

Vince: Eh..nabanggit ko kasing...yung ano alam mo na ka ko.

Kelly: Humph! Paki ko?

"Kailan ka ba naman di na galit sakin?"

Nagulat si Kelly dahil dumating si "Patrick???" Anila.

Dave: Dude, miss yow!

Patrick: Heh!

Mimay: Kamusta naman ang business man?

Patrick: Ere, sakit na ng kamay ko kakapirma ng mga papeles na pending ni Daddy.

Harvey: Iba ka na talaga di ka na namin ma-reach.

Vince: Oo nga parang nagkaroon ka ata ng eyebags.

Patrick: Ha? Talaga?

Bella: Di naman halata maganda parin naman ang kutis mo.

Patrick: Si---sino ka naman?

Mimay: Pffft..

Siniko ni Dave si Mimay "Ha---ha---ha....Dude, siya si Bella gf ni Harvey."

"ANO????" Ang pagulat na sambit ni Mimay.

Harvey: Ha-ha-ha...di pa naman pero nanliligaw ako sa kaniya.

Bella: Hello, nice to meet you Patrick right?

Patrick: Ah...eh...Hi?

Di makapaniwala si Mimay kaya inalalayan ka agad siya ni Dave samantala si Kelly naman no comment "Ahm...guys, mauna na kami ni Bella ha?" Ang sabi ni Harvey.

Vince: Ha? May lakad kayo?

Harvey: Oo pero habol ako mamaya pag nahatid ko na siya sa bahay nila.

Bella: Bye nice to meet you all and by the way secret lang kasi yung samin ni Harvey kaya sana satin satin na muna yun ha?

Vince: O---okay? Sige.

Harvey: Sige mauna na muna kami sa inyo.

At pagkaalis nung dalawa "Mims, okay ka lang ba? Di ko naman sinasadya." Ang sabi ni Dave.

Mimay: Bitawan mo nga ako.

At tumakbo si Mimay papalabas ng bookstore "Mimay!!!" Ang pahabol na sambit ni Dave.

Vince: Sige na bro sundan muna.

Dave: Ha? Ba---bakit ako?

Patrick: Ulaga ka talaga! Lakad na!

Dave: O---okay.

At hinabol na nga ni Dave si Mimay "Pis, ayos ka lang ba? Bakit di ka nagsasalita diyan?" Ang sabi ni Vince kay Kelly.

Kelly: Ha? A---anong? Nangayayare? Nasan na sila?

Vince: Sabaw ka ba?

Kelly: Sabaw? Ano?

Vince: Tsk...ewan ko sayo.

At umalis si Vince sinenyasan naman niya si Patrick "Hoy! Saan ka pupunta?" Ang sabi ni Kelly.

Hinarangan naman siya ni Patrick "Pwede ba kitang makausap?" Aniya.

Kelly: Umalis ka nga sa harapan ko! Wala tayong dapat pagusapan.

Patrick: Sige na saglit lang.

Kelly: Ayoko nga! Di ka ba makaintindi ng tagalog? O baka naman gusto mo ng English?

Lumuhod si Patrick sa harapan ni Kelly at nagsusumigaw "Babe, wag mo kong iwan mag usap tayo." Ang sabi niya at marami ng nakarinig nito.

Kelly: A---ano? Anong babe? At tumayo ka nga diyan nakakahiya.

Pabulong bulong si Patrick "Di ako tatayo dito hangga't di mo ako kinakausap."

Kelly: Sasapakin talaga kita nakakahiya ang dami ng nakatingin satin.

Nagpatuloy pa rin sa pag arte si Patrick "Babe, mahal pa rin kita wag mo kong ipagpalit sa iba..."

Kelly: Ano? Baliw ka na talaga.

"Miss...magusap kayo maliit na bagay dapat di pinapalaki." Sabi nung isang babaeng nandoon rin sa bookstore at dumami na ang mag nakikiusyoso.

"Oo nga miss bigyan mo siya ng chance."

"Sayang kayo bagay pa naman kayo sa isa't-isa."

Napangiti si Patrick "Babe, sige na kausapin mo ako kahit ilang minuto lang."

"Sige na miss kaawaan mo na ang boyfriend mo."

Kelly: Ha—ha---ha...pero...hindi...Tsk...

Patrck: Babe!!!

Pilit na pilit ang ngiti ni Kelly at umang uma na rin kay Patrick kaya niyapakan niya nag kamay nito "AHHHHH....BABE!!!!"

Kelly: Ha----ha----ha...a---yos ka lang ba Babe??? Sige halika na magusap na tayo.

At nagpalakpakan yung mga tao sa bookstore at pandalas namang lumabas si Kelly na hawak hawak ang kamay ni Patrick at hila hila ito palabas "Salamat po sa inyong lahat." Ani Patrick habang papalabas.

"Galingan mo sa pag sorry." Anila.

Sa may bakanteng upuan sa labas,

Kelly: Baliw ka na ba talaga? Bakit ka umarte ng ganun? Di ka ba marunong mahiya?

Ngiting ngiti si Patrick dahil hawak hawak parin ni Kelly ang kamay niya "At bakit di ka magsalita diyan? Ngiting-ngiti ka pa diyan? Baliw ka na talaga!" Dagdag pa ni Kelly.

Patrick: Di ko alam na ganoon mo nalang ka gustong hawakan ang kamay ko.

Napatingin si Kelly sa kamay niya at binitawan ka agad ang kamay ni Patrick "Huh! Baliw."

Patrick: Okay, didiretsuhin na kita sorry at nagsinungaling ako sayo at salamat dahil nakilala kita wag kang mag-alala dahil last na itong pangungulit ko sayo di mo na rin ako makikita sa DLRU.

Kelly: Ahem...Ba---bakit mo sinasabi yan sakin? Mamatay ka na ba?

Sa isip-isip ni Patrick "Nako, Kelly! Di ko alam kung nag tatanga-tangahan ka lang o sadyang tanga ka lang eh. Napakamanhid mo talagang babae ka kahit kailan."

Kelly: Uhaw na ko at nagugutom pwede bang ilibre mo ako?

Patrick: Ha?

Kelly: Oo, kung mamatay ka na dapat manlibre ka naman lalo't kung ang humihiling noon ay ang crush mo.

Patrick: Ano?

Kelly: Ahahaha...masyado kang funny ano?

Partrick: Funny? Ha?

Kelly: Oo funny---walain.

Patrick: Funnywalain?

Kelly: Ang slow mo naman.

Hinila ni Kelly si Patrick at habang naglalakad "Kelly, saan mo ba ako dadalhin?"

Kelly: Basta sumunod ka na nga lang sakin.

Patrick: Kinikidnap mo ba ako?

Kelly: Asa ka naman! Pero masaya akong makita kang muli.

Nagulat at napangit si Patrick habang hila hila siya ni Kelly "KELLY!!!!"

Kelly: Hindi ako binge! Wag kang sumigaw.

Niyakap niya si Kelly sa likod at sinabing "I love you Kelly kahit manhid ka at di mo ko mahal."