Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 63 - Kabanata 63

Chapter 63 - Kabanata 63

Kinatanghalian,

Sa Canteen,

Habang nakapila sila Kelly at Harvey at namimili ng kakainin "Yow, what do you want?" Ang sabi ni Kelly.

Harvey: Ha? Kahit ano nalang.

Kelly: Mukhang...wala ka sa mood tsong di ka parin ba kinakausap ni Mims?

Harvey: I don't care.

Kelly: Really?

Harvey: Alam kong ginagawa mo ito para mapalapit ako kay Mimay thanks but no thanks.

Bineltukan siya ni Kelly "Aray! Ano ka ba?! Bakit mo ko binatukan?"

Kelly: Feelingero ka!

Harvey: Ewan ko sayo! Diyan ka na nga wala na akong gana.

Kelly: Sige pag umalis ka sasabihin ko sa lahat na pink ang paborito mong kulay.

Harvey: A---ano?

Kelly: Baket? Hindi ba't pink ang medyas mong suot? Mr. Class President?

Harvey: I---ikaw!!! Nagkamali lang naman ako ng suot sa pagmamadali at hindi pink ang paborito kong kulay!

Inakbayan ni Kelly si Harvey at sinabing "Alam mo bilang SC officer dapat isa kang magandang ihemplo sa mga student dito sa DLRU kaya kung ako sayo. Su---mu---nod---ka---na---lang---sa---gusto---ko!!!"

Harvey: O---oo NA!!!

Kelly: Yan! Obedient naman pala ang mahal naming Class President.

Harvey: Aba't!!! Sigh...bahala ka na nga.

Kelly: Okay, ngayon PUMILI KA NA NG KAKAININ MO!

Harvey: O---oo e---eto na nga di mo naman kailangang sumigaw.

Kelly: Good boy!

Samantala,

Nakaupo na sila Vince, Mimay at Dave "Ano bang ginagawa pa ng dalawang yun? Sandali nga't masundan ang tagal eh." Ang sabi ni Vince.

Mimay: Pero...dito ka lang.

Vince: Ha? Diyan ka na ayan naman si Dave eh bantayan niyo nalang muna ang pagkain ko baka langawin mukhang binubully na naman ni Kelly si Harvey. Sige na.

At umalis na nga si Vince "Vince!!!!" Ang pahabol na sambit ni Mimay.

Dave: Hayaan mo na di naman ako halimaw para katakutan mo.

Mimay: Tssss...

Dave: Alam ko galit ka sakin dahil sa ginawa ko pero ikaw ang nag provoke sakin na halikan ka.

Pandalas naman si Mimay na tinakpan ang bibig ni Dave "Ang ingay mo!!!"

Dave: Mmm....mmm...

Mimay: Halika nga! Magusap tayo.

Hinila ni Mimay si Dave at umalis sa canteen ng di nag papaalam kila Kelly "Oh? Nasan na yung dalawa?" Ang sabi ni Vince pagdating.

Kelly: Hindi ba't kasama mo sila dine?

Vince: Ba'y oo kanina andine sila eh saan nag punta ang dalawa yon?

Naupo at kalmado lang si Harvey at sinabing "Wag niyo ng abalahin baka gustong mag sarili."

Nagkatinginan sila Kelly at Vince "Ayos lang sayo?" Anila.

Harvey: Bakit naman hinde?

Kelly: Hoy! Mr. Pink...

Vince: Mr.Pink?

Tinignan ni Harvey si Kelly na animo'y naiinis "Tsk...oo na." Ang senyas naman ni Kelly.

Harvey: Ahh...wala yon di ba? Ms. Hoodie?

Kelly: Ha---ha---ha...Oo.

Vince: Anyways, napansin kong nagiiwasan sila Mimay at Dave nireng mga nakakaraang araw napansin niyo rin ba?

Harvey: Ano naman ngayon?

Kelly: Sandali nga, bakit ba parang ang cold mo ngayon?

Vince: Oo nga pansin ko rin galit ka ba kay Mimay?

Harvey: Bakit naman ako magagalit sa kaniya? Bakit naman ako magagalit sa isang taong di ako kinakausap? Bakit naman ako magagalit sa taong walang pakialam sa nararamdaman ko? Baket??? Ako??? Magagalit???

Nagkatinginan yung dalawa "Say it! Do you still like Mimay?" Ang sabi ni Kelly.

Harvey: Sigh...di ko na rin alam.

Vince: Bro, ayos lang yan andito lang kami ni Kelly para sayo.

Kelly: Ha? Ayoko nga.

Harvey: Ikaw!!!

Kelly: Tsk...well, pag iisipan ko.

Vince: Kelly naman!

Harvey: Simula nung nakilala ko si Bella di ko na rin talaga alam ang feelings ko para kay Mimay.

Kelly: Bella? Sino naman yon?

Vince: I knew it! Alam kong sasabihin mo yan kaya wag ka na nga munang mangialam.

Kelly: Ano?!!!

Harvey: Sa tingin ko rin naman may something na rin kila Dave at Mimay kaya siguro hahayaan ko nalang maglaho ang nararamdaman ko kay Mimay.

Kelly: Ha? Sandali lang naman.

Vince: Well, if that's what you think I'll support you bro.

Kelly: Hey! Si Mimay ang pinaguusapan natin dine para naman kayong ewan eh.

Vince: Alam mo Pis hindi mo dapat pinagsisiksikan ang sarili mo sa ibang tao lalo't kung hindi ka naman sardinas at hindi ka rin naman aso para maghabol sa taong ayaw sayo.

Kelly: Ano? Ako sardinas? At aso?

"Sigh..."Napabuntong hininga nalang yung dalawa.

Kelly: Ano nga? Ang komplikado talaga ng love, love na yan .

" Kumain ka na nga lang! " Anila.

Kelly: Humph!

Sa may Hardin,

Dave: Bakit ba tayo nandine? Nagugutom na ako.

Binitawan ni Mimay ang kamay ni Dave at sinabing "Kalimutan mo na ang nangyare satin!"

Nagulat si Dave at tumugon ng "A---Ano?"

Mimay: Hindi natin mahal ang isa't-isa at were both grown up kaya alam na rin natin ang tama sa mali. Kaya tantanan mo na ako okay?

Dave: Ano?

Mimay: Oo malungkot ako at broken noong araw na hinalikan mo ko pero alam kong di mo rin naman yun ginusto nagulat ka lang at gaya nga ng sinabi mo ako ang na una I provoke you.

Hindi na imik si Dave at animo'y nagagalit sa mga sinasabi ni Mimay "Let's pretend that it wouldn't happened." Dagdag pa ni Mimay at umalis pero hinabol siya ni Dave at niyakap.

Mimay: A----anong ginagawa mo?

Dave: Sandali lang, pakinggan mo ang tibok ng puso ko.

Narinig ni Mimay na ang bilis ng tibok ng puso ni Dave pero tinulak niya ito "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Baka may makakita sating iba mapagkamalan pa tayong..."

Dave: Ano?!!! Na mag boyrfriend at girlfriend?

Mimay: Bahala ka na nga diyan aalis na ko.

Pinigilan siya ni Dave "Bitawan ko!!!!" Ang sabi ni Mimay na nag pupumiglas.

Dave: Bakit ba ayaw mong magpakatotoo sa sarili mo?

Mimay: Baliw ka na!

Dave: Oo baliw na kung baliw kabaliwan na nga siguro ang fall sa taong di ka naman gusto.

Napahinto si Mimay sa pagpupumiglas sa paghawak sa kaniya ni Dave "Oo, siguro baliw na nga ako pero sayo lang Mimay."

Nagulat si Mimay "Hindi ko alam kung kailan ako nagkagusto sayo dahil hindi naman kagaya mo ang type ko. Pero nung nalaman kong crush mo ako noon aaminin ko gusto ko lang maki pag playtime para lalo kang mafall sakin pero eventulally na fall ako kay Kelly."

Mimay: Kay Kelly???

Dave: Oo, hindi ko alam pero nung naging malapit ako sa kaniya doon ko napagtanto na nagbago na ang tipo ko sa babae. Nalaman ko rin na gusto na rin pala siya ng bestfriend kong si Patrick hindi ko alam ang gagwin ko kung ipagpapatuloy ko parin ba ang ganito feeling ko kay Kelly pero di ko na namamalayan ang oras ang mga araw I fall for her because of my bestfriend wish.

Mimay: What do you mean?

Dave: Hindi ko maipaliwanag pero kaya siguro ako nagkagusto kay Kelly dahil sa mga inuutos sakin ni Patrick para mapalapit siya kay Kelly. Na sobra din talaga ako naguluhan tapos eto ka lagi mong kaaway si Harvey na nalaman kong binusted mo noon pero na pinagsisihan mo hanggang ngayon.

Mimay: Hin---hindi noh!

Dave: Kahit di mo sabihin gusto mo siya nagseselos ka pag may iba siyang babaeng kasama pinakikita mo lang na strong ka pero deep inside weak ka talaga. Pero yang personality mo ang nagustuhan ko

Namula ang mukha ni Mimay "Ba--- baliw ka...Bitawan mo na nga ako." Aniya.

Dave: Ayoko, hindi dahil ayaw kitang pakawalan pero dahil gusto kong sabihin sayo na andito lang ako sa tabi mo kahit iwanan ka pa ng lalaking gusto mo. Hindi kita bibitawan hangga't hindi ko pa nakikitang masaya ka.

Mimay: Baliw ka na talaga wala ka na sa wisyo kung ano-ano na yang sinasabi mo.

Dave: Kahit ano pang sabihin mo...

Binuhat ni Dave si Mimay "A---anong ginagawa mo ibaba mo ako dito."

Dave: MIMAY!!! I'M FALLING INLOVE WITH YOU.

Mimay: Ano?

Ibinaba siya ni Dave at hinawakan ang mukha nito "I said I LOVE YOU." At hinalikan niya si Mimay.

Nagulat si Mimay pero sa di niya inaasahang pangyayare hindi niya na rin napigilan ang sarili kaya hindi na siya nag pumiglas pa at bumilis ang tibok ng puso nya para kay Dave.

Author: I think you know what I mean guys pero di ko gets SINGLE ako eh. Sigh...Poor me.

Sa isang gilid nadoon naman sila James at Daniel na nagtatago,

Daniel: Ano? Masaket bang mainlove ng love at first sight?

James: Boohoo...Bro...

Niyakap siya ni Daniel "Ayos lang yan bukas laang eh iba na naman yang gusto mo kilala na kita eh Mr. Man with multiple choice."

James: Bungol! Bitawan mo nga ko.

Daniel: Anyways, di ba yung Dave na yun ang bestfriend ni Patrick?

James: Oo nga di ba nga yun ang sabi ng mangaagaw na yan bestfriend niya daw yung Partrick.

Daniel: At narinig din nating may gusto yung Patrick kay Kelly.

James: So?

Daniel: Dapat sabihan natin si Chollo about that.

James: Bakit pa?

Daniel: Sira! Para matapos na ang kahibanggan niya kay Kelly sawang sawa na ako sa pabebeng ugali ni Chollo at sa pagbabagong ugali ni Wayne.