Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 64 - Kabanata 64

Chapter 64 - Kabanata 64

5pm,

Kelly: Andito na po ako.

Sinalubong naman siya ka agad ni Jacob "Welcome home tita Kelly."

Hinalikan siya ni Kelly sa noo at pinisil ang pisnge "Oh, may eggpie na uwi si tita halika kainin natin."

Jacob: Opo.

Kelly: Sandale, nasan ang mga tao dine?

Jacob: Ahhh...si Mamsie po nagpunta sa bilihan ng gulay di na po ako sinama eh sa labasan lang naman daw po iyon si daddy wala pa po sila tito naman ganun rin po.

Kelly: 5pm na wala pa si kuya Kevin? Nauna siyang umuwi sakin eh.

Jacob: Ahhh...opo narinig ko po tumawag kay Mamsie si tito Kevin ang sabi po pupunta raw po ng ospital eh.

Kelly: Oh? Di binanggit sakin.

Jacob: Ewan ko po.

Kelly: Anyways, halika bilis kainin natin itong eggpie.

Jacob: Opo tita.

Makalipas ang ilang minuto,

"Baby boy, andito na ba ang tita Kelly mo?" Ang bungad ni Keilla.

Keilla: Eh? Nasan na yon? Jacob??? Nasan ka?

"Mamsie, nandito po ako sa kusina." Ang pasigaw na tugon ni Jacob.

Keilla: Nagtanong pa nga naman ako eh lagi nga palang laman ng kusina ang batang iyon. Silly!

At nagtungo nga siya sa kusina at nakita niyang nakain si Jacob ng eggpie "Oh? Eggpie? Andiyan na ang tita Kelly mo?"

Jacob: Um...pero bakit nahulaang niyong si tita po ang may pasalubong nito sakin?

Ibinaba ang mga dala-dala niyang gulay "Ahh...eh kasi paborito yan ng tita Kelly mo nasan na ba siya?"

Habang nanguya "Nasa kwarto niya po magbibihis lang daw po sya amoy mandirigma na daw po kasi siya eh."

Keilla: Ohhh...nag uumasim na naman pala siya. Ahahahah...

Jacob: Hehehe...kain po tayo Mamsie.

Keilla: Hindi ako nakain niyan baby.

Nangangati at namumula ang balat ni Jacob "Po? Bakit po masarap naman po firstime ko nga po makakain nito eh kasi di po ako binibilhan ni mommy."

Naghuhugas ng mga gulay si Keilla kaya di niya napansin si Jacob "Ohhh...kasi allergy si Mamsie at si daddy mo sa egg namumula at namamantal kami pag nakakakain kami ng egg." Tugon niya.

Napahinto si Jacob sa pagkain napansin niyang parehas ng sinabi ng Mamsie niya ang nararamdaman niya "Oh mom, andine na po pala kayo." Ang bungad na sambit ni Kelly.

Keilla: Oo bumili lang naman ako saglit ng gulay kamusta ang school?

Kelly: Ayos lang naman po.

Napatingin sila ng sabay kay Jacob "Oh God!"Anila.

Jacob: Ahm...Mamsie, Tita a---ano pong???

At nawalan na nga ng malay si Jacob "JACOB!!!!" Anila at nasalo naman ka agad siya ni Kelly.

7pm,

Sa Ward,

Pumasok si Kevin "Kuya, anong sabi???" Ang sambit ni Kelly.

Kevin: Ayos na siya stable na si Jacob inatake lang sya ng allergy kaya kumalma na kayo ni Mama.

"Thankyou Lord." Anlla.

Keilla: Sigh...gaya ko rin pala siya at ni Kian may allery sa itlog.

Kelly: Sorry, di ko naman po talaga kasi alam eh.

Kevin: Sigh...papunta na sila kuya dine naipaliwanag ko narin.

Kelly: Hala, baka magalit sakin si kuya Kian.

"Mmmm...Mmm...Mommy?" Ang sambit ni Jacob pagmulat.

Pandalas naman sila Kelly na lumapit "Baby, kamusta ang pakiramdam mo?" Ang sabi ni Keilla.

Jacob: Ayos lang po medyo may masakit lang po.

Kelly: Saan? Saang part kuya Kevin bakit ganito? Anong nangyayare?

Jacob: Pfft...Joke lang po okay na po ako kaya wag na kayo mag alala.

Kevin: See, everything is fine right baby?

Jacob: Opo.

Kevin: Sige maiwan ko na muna kayo Ma sasabihan ko lang si Doc Yumi na nagising na si Jacob.

Keilla: Okay sige.

Kevin: Ah....nga pala baby tulungan mo si tita Kelly mag explain kay daddy ha? Baka mabully eh.

Kelly: Kuya!!!

Jacob: Hehehe...okay po.

Kevin: Sige lalabas na muna si tito pogi.

Kelly: Kapal.

Paglabas ni Kevin niyakap ni Kelly si Jacob "Baby, sorry talaga di ko naman alam na bawal ka ng egg eh sana pala nakabili ako ng eggpie na eggless."

Bineltukan ni Keilla si Kelly "Sira! Bitawan mo nga yang pamangkin mo at di na makahinga sa pagkakayakap mo."

Kelly: Ay...sorry.

Jacob: Okay lang po ako don't worry nag ganito na rin po ako noon.

Kelly: Ha? Bakit di mo naman sinabi sakin ang dami mo pa namang nakain.

Keilla: Kelly!

Kelly: Ay sorry bebi.

Jacob: Hahaha..tita naka ilang sorry ka na po ayos lang po ako di ko rin naman po alam na may allergy ako sa itlog sa mani lang po kasi ang alam ko kaya pala di po nabili si Mommy ng egg sa bahay kasi bawal po pala yun sakin.

Keilla: Hindi niya nabanggit sayo?

Jacob: Hindi po kasi nung last na nagkaginire po ako nung na allergy naman po ako sa mani di rin naman po na banggit ni Mommy na pati po pala egg kaya po pala parang iniiwas po ako doon nila mommy siguro para sure po.

"And sorry po tita Kelly dahil di ko po naitanong kay Mommy at Uncle."

Kelly: Wala yon ako nga dapat mag sorry kasi pinakain kita nun sana pala nag pa skin test muna tayo ano Ma?

Keilla: Oo nga eh para malaman natin kung saan allergy ang batang ire.

May nag bukas ng pinto "Nasan si Jacob???" Ani Kian kasama sila Kim at Keith.

Jacob: Daddy.

Lumayo naman ka agad si Kelly at nagtago sa likod ng nanay niya "Kamusta ka na? Anong nararamdaman mo anak?"

Jacob: Ah...eh...a---ayos lang po ako.

Kian: Wala bang masakit?

Jacob: Yung kamay ko lang po gawa nireng dextrose.

Kian: Ah....buti naman anong sabi ng doctor Ma?

Keilla: Okay naman na daw siya nakausap na ni Kevin yung doctor ni Jacob baka pwede na rin siyang makauwi bukas.

Kian: Sigh...salamat naman.

Keith: Oh, eh...bakit may nagtatagong bata naman diyan sa likuran niyo Ma?

Kim: Oo nga mukhang may kasalanan kay Kuya.

Lumabas si Kelly sa likod ni Keilla ng nakatungo "OO NA!!! Ako na! Ako na may kasalanan di ko naman sinasadya eh kala ko kasi magugutsuhan rin ni Jacob ang paborito ko kaya binilan ko siya ng eggpie. Boohoo...kuya Kian sorry na."

Napatingin si Kian kay Jacob "Sigh...halika nga!!!" Ang pagalit kunware ni Kian na sambit.

Keith: Hala! Lagot ka pingot sa tenga.

Kim: Nako hinde bawas baon yan.

Kelly: Ma oh sila kuya.

Keilla: Sige na lumapit ka na sa kuya mo.

Kelly: Pero Ma...

Kian: Halika nga dine!!!

Kelly: O---Opo.

At lumapit nga si Kelly kay Kian at nagulat siyang niyakap siiya nire "Salamat! Nalaman kong mabilis mong sinalo si Jacob sa muntik niyang pagkakahulog sa upuan kung hindi sayo baka di lang allergy ang natamo ni Jacob."

Kelly: Boohooo...sorry talaga kuya.

Pinitik ni Kian ang noo ni Kelly "Ayos na nga! Batang ito talaga napaka iyakin daig ka pa ni Jacob."

Keith: Ngalngalin talaga yan eh.

Kelly: Heh!

Pinagmamasdan ni Keilla ang mga naka niyang nagkukulitan at sa isip-isip niya "Mahal, nakikita mo sila? Sana andito ka naging masiyahin at mga responsableng bata ang mga anak natin. Sigh...miss na miss na kita dalawin mo naman ako sa panaginip minsan at sa apo na rin nating si Jacob ang cute niya at matalinong bata tinuruan siya ng nanay niya ng magandang asal. Wag mo siyang takutin pag dinalaw mo siya sa panaginip okay? Lagot ka sakin."

Jacob: Mamsie? Ano pong iniisip niyo?

Niyakap siya ni Keilla at sinabing "Iniisip ko na sana wag kang gumaya sa tita Kelly mong iyakin."

Kelly: Mama naman!

Keith: Ahahaha...iyakin.

Kelly: Ewan!

Kinaumagahan,

Kim: Kelly!!! Nakaayos ka na ba????

" Oo kuya sandali lang." Pasigaw niyang sambit habang busy sa kaniyang kwarto.

Keith: Ano pa bang ginagawa nun malelate na tayo eh.

Kevin: Nga pala, si kuya Kian ba nag leave? O di lang siya papasok?

Kim: Ahhh...hindi pa mamaya pa.

Kevin: Ohhh...so, si Mama pala muna mag babantay kay Jacob?

"Ako rin." Ang bungad ni Kelly na hindi naka uniporme.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Anila.

Habang nababa "Eh, ayos lang naman na hindi ako pumasok ngayon one subject lang naman mamaya na lang ako papasok hapon."

Kim: Buti pwede.

Kevin: Sus...pwede kasi si Mina ang Prof.niya mamaya eh.

Keith: Aysos...dinadaan mo sa malakas na kapit Kellang ha!

Kelly: Ahahahaha...syempre lakas ko kaya kay kuya Keith.

Keith: Tsss...pasalamat ka at me dalawang repeat subject si Mina ngayong araw.

Kelly: Kaya sa hapon na ako papasok mababantayan ko pa si Jacob.

Kim: Tsss...uuwi na rin yun mamaya kaya pumasok ka okay?

Kelly: Oo na!

Keith: Sya...sya....tara na at malelate na tayo ay sandale...san kasasabay Kelly pa school kami eh?

Kim: Oo nga malelate na kami ihahatid pa namin si Kevin.

"Honk...honk..."

Kelly: Ayan na ang sundo ko.

"Sundo?" Anila Kim at Keith.

Kevin: Si Ethan yan.

"Si Ethan?" Anila Kim at Keith.

Sa Labasan,

"Senior!!! Ay este Prof." Bungad ni Kelly pag bukas ng gate at nakita si Ethan na naka motor.

Bumulong si Keith kila Kevin at Kim "Alam ba yan ni kuya Kian?"

Kevin: Oo pupunta kasi si Ethan para dumalaw kay Jacob kaya hayaan niyo na.

Kim: Di talaga alam ni kuya ano?

Keith: Bahala ka diyan labas kami diyan.

Kevin: Tsk...Oo na para naman kayong...

Ethan: Guys!

"Yow." Anila.