Sa DLRU,
Chollo: James, asan na raw si Wayne?
James: Aba'y malay ko naman.
Binato siya ni Chollo ng papel na lukot "Bro naman! Di ko nga alam di naman kasi ang reply eh."
Daniel: Bakit ba pakiramdam ko naiwas si Wayne satin.
Aliyah: Satin or kay Chollo lang?
Chollo: Ba malay ko sa tukmol na yon.
James: Ayan na siya bakit di mo itanong? WAYNE!!!
Lumapit si Wayne "Ba---bakit andito pa kayo? Nag morning class kayo di ba?"
Aliyah: Yep, kaso nag-aalala kami sayo kaya papasok uli kami para may kasabay ka.
Daniel: Bakit ngayon ka lang?
Wayne: Ah...eh...nagsimba pa kasi ako.
James: Weh?
Wayne: Bahala nga kayo kung ayaw niyong maniwala.
Chollo: Sandali nga lang Wayne tapatin mo nga ako iniiwasan mo ba kami o ako?
Wayne: Ha? Hin---hinde bakit ko naman kayo iiwasan lalo ka na?
Aliyah: See, oa lang kayo eh.
Wayne: Na late lang talaga ako ng gising kaya di ako nakasabay sa inyo kaninang umaga.
"Guys, nabalitaan niyo na ba? Si Patrick Santos pala ang anak nung may-ari ng SM." Sabi nung isang kaklase nilang babae.
"Oo nga yun yung I.T student di ba?"
"Oo at ang balita inilihim niya sa mga prof.kung sino siya at sa mga kaklase niya rin."
"Bakit kaya? Napaka humble naman niya."
"May girlfriend na kaya siya?"
"Waahhhh...sana wala pa sana ako nalang."
"Pero balita di na raw siya papasok eh kasi gawa ng negosyo nila siya ang mag ta-take over may sakit raw kasi ang daddy niya."
Narinig ito ng magpipinsan "Ano raw yon?" Ang sabi ni Daniel.
James: Binge lang? Si Patrick raw anak ng may-ari nung SM yung Santos Mall? Di ba ang daming branches nun dine sa Pinas ang yaman pala nun.
Aliyah: Oh...kaya pala parang familiar yung pagmumukha nun sakin nung una ko siyang nakita eh.
Chollo: Tsss...eh ano naman ngayon kung mayaman siya?
James: Well, kung sa ari-arian ang paguusapan eh hamak na tuldok lang ang resto natin doon sa pagmamay-ari ng Patrick na yon.
Daniel: Dang laki talaga ng agwat.
Aliyah: Eh ano naman? Di naman tayo nakiki pag kumpentensya doon.
Wayne: Bakit ikaw ba Chollo nakiki pag kumpetensya ka?
Chollo: Bakit di mo sagutin yang tanong mo?
Aliyah: Hep! Tama na yan baka san pa mapunta ang usapang ito.
Daniel: Pero hindi ba't malapit si Patrick kay Kelly? Sila na ba?
"HINDI!!!" Ang tugon nila Chollo at Wayne.
James: Okay! Kalma lang.
Sa magkaparehong oras,
Nasa isang restaurant sila Harvey at Bella "Salamat nga pala Bella sa pag payag mong mag pangggap na nililigawan kita." Ang sabi ni Harvey.
Bella: Wala yon maliit na bagay.
Harvey: Ah...eh...sorry ha? Medyo rude sayo si Mimay.
Bella: Ayos lang sana nga lang naniwala siya na nililigawan mo nga ako.
Harvey: Sa tingin ko naman.
Bella: Pero napansin ko yung Dave parang malapit siya kay Mimay mo.
Harvey: Ahhh...oo nga eh bwiset talaga yun eh panira lagi ng mood.
Bella: Mukhang gusto ka naman nung Mimay bakit di mo siya ulit tinanong kung pwede na kayo? Malay mo ngayon inaantay ka lang niya?
Harvey: Di ko na nga rin alam kung pagmamahal pa rin ba ang nararamdaman ko sa kaniya.
Bella: Bakit? Change of heart agad?
Harvey: Di ko na rin alam kasi pakiramdam ko parang di talaga kami itinandhana ni Mimay sa isa't-isa lagi kasing ako nalang ang nagpaparaya yung tipong ako nalang ng ako ang sumasalo sa kaniya tapos...
Bella: Tapos siya naman di ka nya sinasalo? Alam mo pagdating sa love dapat give and take lang.
Harvey: Madaling sabihin sayo kasi sikat ka maraming nagkakagusto sayo sakin ni isa ata wala. Sigh...
Lumapit si Bella kay Harvey "Bakit sino bang may sabing walang nagkakagusto sayo?"
Harvey: Wa---wala naman pakiramdam ko lang.
Sa isip-isip ni Harvey "Ang lapit niya naman sakin masyado."
Bella: Anong magiging reaksyon mo kung sabihin kong gusto kita?
Harvey: A---ako? Gus---gusto mo???
Bella: Ahahaha...ang cute mo.
Namula si Harvey at nagulat sa ginawa ni Bella hinalikan siya nito sa pisnge "I like you."
Harvey: You---you like me?
Bella: Oo matagal na simula nung nakita kita doon sa love cafe niyo sa I.T department.
Sa isip-isip ni Harvey "Gusto niya ko?"
Bella: Ano? Natulala ka na diyan.
Harvey: Sorry nagulat lang kasi ako "queen bee" ka kasi tapos ako simpleng student council officer lang.
Bella: Shhh...kahit sino ka pa gusto kita.
Harvey: O---okay pero...
Bella: Wag kang mag-alala di ako nagmamadali pag alam mo na ang feelings mo kay Mimay sabihan mo ko handa akong mag antay.
Harvey: Si---sige.
Makalipas ang ilang oras,
Keilla: Baby, nasan ka? Dumating na ba ang tita Kelly mo?
Jacob: Andine po ako sa sala wala pa po si tita.
Keilla: Okay, maliligo lang ako ha? Diyan ka lang okay?
Jacob: Opo.
Pandalas ng kinuha ni Jacob ang phone ng lola niya at may tinawagan "Hello? Mommy?"
Rica: Anak? Jacob?
Jacob: Opo ako po ito.
Rica: Kaninong phone ang gamit mo?
Jacob: Kay Mamsie po.
Rica: Mamsie?
Jacob: Opo yung nanay ni daddy.
Rica: Ahhh...oh eh kamusta ka naman diyan?
Jacob: Okay lang po mabait po silang lahat sakin wag ka pong mag-alala sakin.
Rica: Anak, patawarin mo si mommy kung iniwan kita ha? Basta pag nagka work na si mommy dito sa Australia kukuhanin kita kay daddy.
Jacob: Ayoko po.
Rica: Pero anak...ayaw mo na ba kay Mommy?
Jacob: Hindi po sa ganun gusto ko po dito ka lang kasama namin ni daddy.
Rica: Hindi ba't napagusapan na natin ito?
Jacob: Opo at di rin po ako iiyak kasi lalaki po ako pero mommy mahal parin po kayo ni daddy.
Rica: Anak, wag mo ng ungkatin pa yang mga ganyan napagusapan na natin yan eh.
Jacob: Basta mommy kung mahal mo pa rin si daddy tawagan mo ko sa number ni tita Kelly tutulungan kita.
Rica: Sigh...Jacob, sana maintindihan mo si mommy at daddy may kani-kaniya na kaming buhay.
Jacob: Basta mommy di ako nagbibiro alam mo po yan. Sige na po ingat kayo palagi diyan ayos lang po ako dito wag kayong mag-alala sakin. I love you mommy.
Rica: I love you too anak ingat ka rin palagi at iwas iwasan na ang laging mag Google ha? Baka di ka ba mapagkamalang limang taon.
"Baby, dumating na ba si tita Kelly?" Ang pa sigaw na sabi ni Keilla.
Jacob: Sige na po mommy andito na si Mamsie.
Rica: Sige bye na nak. Love you,
Jacob: Opo love you.
Binaba ka agad ni Jacob yung phone "Mamsie, tapos na po kayo maligo?"
Keilla: Oo, sino ang kausap mo?
Jacob: Ho? Wala po yung pinapanood ko lang po yun.
Keilla: O---okay.
Sa isip-isip ni Jacob "Sana magbago pa rin ang isip ni Mommy."
"Ding...Dong..."
Keilla: Mukhang may bisita tayo baby.
Jacob: Um...
Makalipas ang ilang minuto,
Keilla: Sino ka nga uli?
Bumulong si Jacob "Mamsie may diperensya na po ba ang pandinig niyo? Sabi niya siya po si Ms. Yannah."
Keilla: Oo narinig ko nga apo pero...
Jacob: Mamsie ang judgemental niyo po ah.
Yannah: Ay...sorry po ganito lang po talaga ako manamit at umawra pero wag po kayong mag-alala babae po akong tunay.
Keilla: Ah...eh...sorry ha? Pero ikaw ba yung girlfriend ni Kim?
Jacob: Mamsie sya nga raw po.
Keilla: Ha---ha—ha...sandali lang ano?
Yannah: Okay po.
Dinala ni Keilla si Jacob sa kusina "Baby, anong gagawin natin?"
Jacob: Po?
Keilla: Di ko alam sasabihin eh.
Jacob: Eh? Kayo po ang madam ng bahay gf lang po sya ni tito Kim kaya chill lang po.
Keilla: Di kasi ako sanay apo matagal rin namang panahon na nung huli kong malaman na may mga gf ang mga tito mo.
Jacob: Mamsie, alangan naman po ako ang makipagusap?
Keilla: Eh di naman nahihiya lang ako.
"Ayos lang po yun the feeling is mutual naman po." Ang sabi ni Yannah.
Keilla: H---hi?
Yannah: Gusto ko lang naman po talagang magpakilala last po kasi na nakilala ko ang bunso niyong anak na si Kelly medyo di po maganda ang impression ko sa kaniya eh kaya gusto ko po sana kayong makilala para sa anak niyong si Kim.
Keilla: Ah...eh...si---sige.
Yannah: May dala nga po pala akong ube halaya sabi po kasi ni Kim paborito nyo raw po ito at miss na miss niyo na rin po.
Inabot ni Yannah at kinuha naman ni Keilla "Nako nag abala ka pa nakakahiya naman."
Yannah: Wala po yun business rin naman po namin yan ng pinsan kong si Mina.
Keilla: Mina? Yun ba yung...
Yannah: Ah...opo siya po yung gf naman ni Kevin.
Sa isip-isip ni Jacob "Ayos ah...lahat pala sila tito may gf? Paglaki ko di muna ako mag g-girlfriend agad masyadong komplikado ang mood swing ng mga babae nakakabaliw."
Keilla: Ahhh...ganoon pala ang galing naman.
Yannah: Nagulat nga rin po kami nung una ni Mina.
Keilla: Sandali lang ha? Ikukuha kita ng mamimirienda.
Yannah: Nako di na po nakakahiya naman aalis na rin naman po ako.
Keilla: I insist para naman makapagkwentuhan tayo.
Yannah: Opo.