Chereads / The Famous And The Bad Girl Book 4 (COMPLETED) / Chapter 2 - Chapter 1: The Bad Girl

Chapter 2 - Chapter 1: The Bad Girl

Adriana

Iba't ibang putok ng baril at shotgun na naman ang gumising sa akin. Mga sigawan at mga tawanan ng tao mula sa labas ng mansyon ng daddy.

Wala ng bago. Sabi ko sa aking sarili. For sure may mga bagong recruit na naman ito at ngayon ang unang araw ng kanilang training.

Inis na napailing ako at muling tinakpan ang aking mukha ng unan. Ngunit agad kong naramdaman na mayroong nakamasid sa aking pagtulog kaya naman, mabilis na itinutok ko sa kanya ang aking handgun na nasa ilalim lamang ng aking unan.

"Woah!" Sabi nito habang naka taas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"What the hell daddy?!" Inis na singhal ko sa kanya. "Paano kung basta ko nalang ipinutok itong hawak ko sayo?!" Sabay hagis ng hawak kong baril sa kama at muling tinalukuran siya.

Anak ng tinaklong! Inaantok pa ako eh. Narinig kong napatawa siya.

"But you didn't." Sabi nito. Naramdaman ko naman ang paglubog ng kama sa aking tabi. "Come, hija. I'll show you something. Magbihis ka at hihintayin kita sa ibaba." Biglang pagyaya nito sa akin. Tatalikod na sana siya ng muli itong mapalingon. "And don't be late." Ma awtoridad na paalala niya sa akin.

Kaya kahit na inaantok pa ako ay bumangon na ako at agad na naglinis ng aking mukha, nagsuot ng komportableng damit at dumeritso sa ibaba kung saan naghihintay ang aking ama.

Alam ko kasi kung gaano nakakatakot at seryoso ang aking ama pagdating sa lahat ng bagay, sa akin lang siya malambot at nagiging sweet. But sometimes, I have no choice but to face his evil side. My daddy is not a typical father like everyone else, malupit siya sa malupit. Masama siya sa masama. Wala siyang tunay na kaibigang itinuturing, kapag mabait ka sa kanya, mabait din siya sayo, but once na may ginawa kang hindi niya nagustuhan, automatically, buburahin ka niya sa mundo. Wala siyang kinatatakutan, pero siya ang kinatatakutan ng lahat. Isa siyang dragon na hindi mo pa nakakasagupa at hindi mo gugustuhing makilala.

Mga katangian ng daddy ko na walang ibang nakakuha kung hindi ako. Kung ano ang ugali na meron siya, ganoon din ako. Kung paano siya mag-isip, ganoon din ako. Sabi nga nila...like father, like daughter. Kung paano ko siya ipinakilala sa inyo, isipin niyo nalang na...ganoon din ako.

Mabait ako sa dalawang klase lamang tao. Una, sa mga taong nagpapakita ng respeto sa akin at pangalawa, sa mga taong nagpapakita ng kabutihang loob sa akin. Pero katulad ni daddy once na nadismaya ako sayo o may ginawa kang masama laban sa akin, buburahin din kita sa mundo. At hindi ako titigil hanggat hindi ko iyon naisasa katuparan.

And hey, don't get me wrong guys, I'm not a criminal. Hindi ko pa nagawang pumatay ng buhay ng may buhay. Malinis ang kamay ko. Malinis ang konsensya ko. Pero...nagawa ko ng magpapatay. Bakit ako pa ang kailangang kumitil ng buhay, kung mayroon naman na mga tauhan si daddy na pwede kong utusan para gawin ang bagay na 'yun, right?

Ganito ako pinalaki ng daddy, matapang, walang kinatatakutan, walang inuurungan at walang sinasanto. As daddy once told me, I don't have to be afraid of enemies. They must be the ones who are scared, in the abilities that I have. Kahit na babae pa ako, hindi ko dapat ipakita sa kanila ang weakness meron ako at mas lalong, dapat wala akong kahinaan. Ipakita ko dapat sa kanila ang strong na Adriana, ang babaeng taga pagmana ng lahat ng meron si Mr. Mendoza.

As a matter of fact, I can kill people too. Like my best friend, Billy. But I won't do that, I have a lot of gangster members who can do that for me. Katulad nalang ng mga nasa harapan ko ngayon, na abala sa kani-kanilang training.

"Look at those around you, Adriana." Wika ng aking ama habang pinanonood ang mga bagong mukha sa grupo. "They will all be yours, when the day comes. They will look at you, they will adore you and they will worship you just as they worship me. You will be their master someday." Naka ngiting dagdag pa nito sa akin.

"But daddy---

"Huwag mong gagayahin ang pinsan mong si Sommer." Putol nito sa akin. "Tignan mo kung anong kapangyarihan at empluwensya ang pilit na tinatalikuran niya." Napalunok ako nang maalala si Sommer, ang pinsan ko. At tama si daddy, ito ang buhay na ayaw niyang tanggapin sa kanyang pagkatao.

"Do you see what power and influence she is trying to turn away from?" Tanong pa nito. "This." Sabay turo nito sa mga tao na nasa aming harapan. "This is what we have. This is the life we ​​have, the life she is trying to escape. So don't be like her, my daughter. Iba ka sa kanya at alam kong hindi mo ako bibiguin." Napatango ako.

"Yes daddy, of course." Pag sang-ayon ko naman agad sa kanyang sinabi. "You know me, I will do everything para manatili ang lahat ng ito sa atin." Dagdag ko pa. Pagkatapos ay hinalikan ako nito sa aking noo.

-------

Bukod sa pagiging anak ng isang mafia boss, isa rin akong successful businesswoman. I own a famous restaurant and its various brands throughout the Philippines. It's just one of the things that daddy and mommy passed down to me. I mean, who else would they trust in their business if it wasn't for me that they were unica jiha? Right?

Sa araw-araw na ginagawa ko, mas pinagtutuonan ko ng pansin ay itong restaurant. Everyday nandito ako, sometimes I'm one of the head chefs in the kitchen. Bakit? At paano nangyari iyon? Well, isa sa mga itunuro sa akin ng daddy, disiplina. Siya mismo ang dahilan kung bakit naging successful din ako sa larangan ng pagluluto, hindi lang dapat panay pagpapaganda raw ang alam ng isang babae, dapat marunong din ito sa gawaing bahay, lalo na sa pagluluto.

At sa tingin ko, ang pagluluto ang bagay kung bakit mas minahal ko ang restaurant. Dahil din dito, nakilala ko at mas minahal ako ng aking mga kaibigan.

And speaking of my friends, lahat kami magkakapareho halos ng ugali. Kaya ganoon nalang kami ka close sa isa't isa. Para ko na silang mga kapatid kung ituring. Iyon nga lang, may iilang mga bagay parin na pinagkaiba ako mula sa kanila.

Iyon ay ang hindi ako romantiko na katulad nila. Hindi na kasi ako humahangad pa ng buhay pag-ibig. I'm done with that. I'm done loving and I have nothing to give.

Ayaw ko ng magmahal pa ng iba, ayaw ko ng umiyak sa maling tao, ayaw ko ng ibigay ang puso ko sa iba dahil naibigay ko na ito sa kanya...kay Chesca. Pinangako ko sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko habambuhay, kahit na wala na siya, kahit na hindi ko na siya nakakasama, kahit na...ehem! Hindi ko na siya nakikita pa ngayon, para sa akin, all these years, siya parin ang babaeng minamahal ko.

Maraming beses na akong gustong i-blind date ng mga kaibigan ko, ngunit alam nila na hindi nila ako mapipilit.

Kapag nagmahal ka kasi, ibubuhos mo sa kanya ang lahat. In fact, gagawin mo siyang mundo mo, na parang walang ibang tao sa mundo kung hindi siya lang at ikaw. Pero kapag naman nasaktan ka at nawala siya sayo, bigla ka ring mawawalan ng gana sa lahat. Naramdaman niyo na ba 'yung ganon?

Ako kasi, oo. Araw-araw, minu-minuto, nawawalan ako ng gana sa lahat. But I know, I have purpose kaya nagpapatuloy ako...ng mag-isa. Kinakaya kong gumising palagi, knowing na wala na siya. But that's life, hindi naman tayo makakarating sa kung saan tayo ngayon kung hindi dahil sa kanila, right?

And Chesca, she was a big part of my life, but she will remain in my heart, always. And I miss her, so bad.

Natigil ang aking malalim na pag-iisip ng biglang tumunog ang aking cellphone, it's Ryan. One of my college friends and business partner ko naman ngayon para sa magbubukas namin na bar. Matagal na rin siyang nagpaparamdam sa akin, college pa lang alam kong crush na ako nito, hindi sa pagmamayabang. Pero, kaibigan lamang talaga ang turing ko sa kanya and he knows that. Alam din nito na babae lang ang tipo ko, in fact, si Chesca lang ang nag-iisang minahal ko.

"What's up, man." Bungad ko sa kanya sa kanilang linya.

"Where are you?" Agad na tanong naman nito. "Kailangan ka dito at mas maganda kong makita ito ng dalawang mata mo." Sabi pa niya. Siya kasi ang nakatuka sa interior design ng bar. Isa siyang architect at negosyante, of course.

Napa buga ako ng hangin sa ere. "Alright, I'll be there in thirty." Pagkatapos ay agad na nagpaalam ako sa manager ng branch ng restaurant. Bukas ko nalang siguro tatapusin ang aking paglibot, nag-iikot kasi ako ngayon para bisitahin ang mga branch, kaso mukhang kailangan naman ako ni Ryan ngayon.

So...this is my life. Sabihin niyo nga sa akin, may space pa ba para sa love life? Natawa ako sa sarili ng maisip iyon.