Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Lost in Lust

🇵🇭ecmendoza
--
chs / week
--
NOT RATINGS
52.8k
Views
Synopsis
Lana was an abandoned child and rescued by a tomboy. She grew up beautiful but lacking on ladylike manners. Devlin was commissioned to find her. He found her and felt an instant desire for the rough beauty. He seduced her with every kiss. She became addicted to his kisses. But she balked when he said: Marry me. How could he convince her that they were destined to be together?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter One

IT was a dark and moonless evening. An eerie silence cloaked everything and everyone. It was a night that invited secrecy...

Pamaya-maya nga, isang anino ang patalilis na bumababa sa isang malaking mansiyon.

Sinasamantala ang kadiliman ng gabi. Sumakay sa isang sasakyan, bitbit ang isang bagay na nakabalot ng makapal na kumot.

"Oh, anak ko, kailangan kong gawin ito," bulong ng anino, pahagulgol.

"Mas gusto kong mawalay ka sa akin, basta't buhay ka lang. Papatnubayan ka na lang ng aking mga dasal!"

Matapos ang ilang daang ulit na paghalik at pagyakap, inilapag ng anino ang balumbon na kulay rosas sa lilim ng isang punongkahoy.

"Paalam, anak ko. Magkikita pa rin tayo balang araw!"

Pagkatapos ng huling halik na puno ng pagsuyo, tumalikod na ang anino.

Nagdudumaling sumakay sa kotseng naghihintay at pinaharurot palayo.

*****

MATAAS na ang araw nang maisipang huminto ni Vicencia. O Baldo sa mga kaibigan at kasamahan sa trabaho.

"Anak ng tupapaw na buhay 'to, oo! Napakainit! Parusa talaga ang mabuhay sa mundo!" Panay ang busa niya habang umiibis sa malaking trak na minamaneho.

Hila-hila niya sa likuran ang isang mahabang container van. Kinuha niya pa iyon sa dulo ng Bulacan.

Walang ibig sumundo sa naturang bagahe dahil nga napakalayo, kaya ang pobreng si Baldo na naman ang naisubo ng management.

Tinungo ng maliit ngunit maskuladong babae ang malaking punongkahoy na 'kumaway' sa kanya kaninang nasa malayo pa siya.

Panay ang paypay niya sa sarili ng hawak na sumbrero habang pasalampak na nauupo.

"Pambihira talaga!" patuloy niya. "Ako na lang palagi ang pinakukuha sa malalayo. P'ano na lang ang lovelife ko? Tiyak na pagbalik ko sa Menila, wala na ang aking si Celia!"

Inilabas niya ang sisidlang metal na halos napangalahati na ang laman. Lumagok siya ng ilan mula sa makipot na bibig.

"Pwa! Wala bang malamig na tubig?" Lalong umasim ang dati nang maasim na mukha ni Vicencia Guerra.

Iiling-iling siya habang hinuhugot mula sa beltbag ang isang balutan.

"Mauubos na 'tong pagkain ko, wala pa 'kong nakikitang tindahan!"

Gustuhin man niyang isubo na lahat ang kalahating sandwich, nagpigil pa rin siya.

In-imagine na lang niyang nginangasab iyon habang nasa loob ng bunganga ang kawawang tinapay.

Titipirin pa sana niya ang tubig nang magkaroon ng kaltog ang utak.

"A! Bahala na kung maubusan ng inumin!" bulalas niya bago ibinuhos ang natitirang laman ng sisidlan sa kanyang ulo.

Nasa akto siyang inihihilamos ang mainit-init na likido sa mukha at leeg nang may maulinigan siyang matitinis na uha ng sanggol.

Tila napakalapit sa kanyang kinasasalampakan...

"Ops! Hindi ka duwakang, Vicencia!" ang pagalit na singhal niya sa sarili nang akmang tatakbo na siyang pabalik sa trak. "Hindi tiyanak 'yon! Hindi na uso 'yon!"

Gayunpaman, nangangalisag pa rin ang mga balahibo niya sa batok at naninigas ang kanyang leeg habang pilit na inililinga sa direksiyong pinanggalingan ng iyak.

"Uha! uha! uha!"

Ipinilig ni Baldo ang kanyang ulo. Ikinurap pa niya nang ilang ulit ang mga mata bago siya naniwalang tutoong sanggol ang kanyang nakikita.

"Juice ko! Bata nga! Bata, ha! ha! ha!" ang pabulalas na sambit niya ay nauwi sa malalakas na halakhak.

Matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng anak-anakan. Dangan nga lang, walang bahay-ampunan ang nais magtiwala sa kanyang maaskad na pagmumukha.

Nagtatalon siya sa matinding katuwaan.

"May anak na 'ko! Hindi ko na kailangan si Celia! Ha! ha! ha!"

Mistula siyang si Rumpelstiltskin na nagpalundag-lundag sa palibot ng umiiyak na sanggol.

Ilang sandali pa muna bago niya nakontrol ang sarili upang damputin nang buong ingat ang malambot na balumbon.

"Tutoo nga pala ang Diyos!" sambit niya, pabulong na.

Pinayagan niyang lumambot ang parating matigas na ekspresyon habang buong paghangang pinagmamasdan ang maamong mukha ng munting nilalang.

"Biruin mo, pinakinggan Niya ang mga dasal ko, kahit na g-ganito lang ako? Binigyan Niya ako ng isang anghel na--ano ka nga ba?" Halos mapahikbi siya.

Bahagya lang ang pagkadismaya niya nang makitang babae ang sanggol.

"Isang anghel na babae!" wika niya. "Puwede na rin. Gusto ko sana, lalaki. Para hindi mahirap turuan ng self-defense. Pero bakit ba ako? Marunong ako ng lahat?"

Tumindig si Baldo, yapos na ang sanggol na huminto na sa kaiiyak.

"Ano ba ang magandang pangalan para sa 'yo? Vicencia Junior? Ngi! Ang bantot!"

Nakalimutan na ni Baldo ang pagod at gutom na nagpapasama sa sumpong niya.

Masigla siyang sumampa sa trak at maingat na inilapag ang makapal na balumbon sa katabing upuan.

"Siguro, nagwiwi ka ano?"

Kinalas niya ang makapal na kumot na nakabalot sa maliit na nilalang.

"Naku! Init na init ka rin palang katulad ko," Baldo crooned gently. "At pihong gutum na gutom na!"

Katatapos lang niyang magsalita nang mapansin ang supot na nasa paanan ng sanggol.

"Aba! Ano 'to?"

Isang sulat, isang feeding bottle na puno ng tubig, at isang sisidlang plastik ng powdered milk ang nilalaman.

"May baon ka pala, ha?" Isinalin niya ang gatas na pulbos sa boteng may tsupon atsaka inalog nang inalog.

Naamoy marahil ng paslit ang pagkain, kaya nagsimula na naman itong umuha.

"O, ayan na po. Ikaw talaga, hindi ka rin makapaghintay, ha? Mukhang magmamana ka pa sa akin na mainipin, ha?"

Siyang-siya si Baldo sa panonood. Nakalimutan na niyang butabutin ang sulat.

"Naku, ubos agad? Ang takaw-takaw mo pala! Pero huwag kang mag-alala. Kayang-kaya kitang pakainin. Maraming pera si Daddy Baldo mo!" pagmamalaki niya.

Nang maubos ang gatas, dinampot niya uli ang bata upang mapa-dighay.

Ganoon ang nakikita niyang ginagawa ng mga asawa ng mga kasama sa trabaho matapos magpadede. Para daw hindi magkaroon ng kabag.

"Hay! Diyan ka nga muna, anak. Baka abutin pa tayo ng dilim dito. Magmamaneho na muna ang Daddy Baldo!"

Pinihit niya ang ignition key bago nagkambyo.

"Huwag kang masyadong malikot, ha? Baka gumulong ka diyan," paalala pa niya.

Ilang sandali pa, binabagtas na ng malaking trak ang kahabaan ng isolated highway.

Wala na siyang naramdamang gutom hanggang sa makarating sa Maynila. Ni hindi na niya naisip na huminto sa mga karinderyang nadadaanan.

Sabik na siyang maiuwi ang bata sa bahay, este, sa kuwarto lang pala.

"Maliit lang ang silid ko, pero tiyak na kakasya tayong dalawa d'on, anak," ang masiglang kuwento niya sa sanggol na natutulog nang mahimbing kahit na maingay ang ugong ng higanteng makina ng trak.

Nakapasok na sila sa loob ng tinitirhan nang matapunan niya ng sulyap ang nakaligtaang sulat.

Nahulog kasi iyon sa sahig nang mailapag niya sa katre ang sanggol. Dinampot niya iyon nang buong ingat.

"Hmm, ano kaya ang nasa loob nito? Marunong pa ba akong magbasa?" wika niya sa sarili habang binubuklat ang nakatiklop na papel.

"Hmm… Lana pala ang pangalan mo talaga," patuloy niya.

Nag-isip muna nang matagal si Baldo. Pinipisa-pisa niya ang hugis-kamatis na ilong habang matamang nakatitig sa kawalan.

"Hindi mo puwedeng gamitin ang tunay na pangalan mo. Kaya Val Guerra ka na magmula ngayon. Ha! ha! ha!" halakhak ni Baldo, kapagkuwan. "Val. Parang Junior ng Baldo."

*****

TWENTY-ONE years after...

Nagkakaingay sa loob ng malawak na bodega ng West-East Cargo Services & Enterprises.

Linggo nang tanghali iyon. Walang pasok at araw pa ng suweldo kaya ginaganap na naman ang nakagawian nang dibersyon: ang contest ng pag-inom ng alak at ang arm wrestling match.

Ang naglalaban ay ang dalawang parehong maskulado at malakas. Sina Val Guerra at Boy Bustos.

Lalaki si Boy Bustos. Limayado na kaya dito nakapanig ang mga miron.

"Dehado ang anak mo, Baldo," bulong ng isang miron sa maliit na babaeng may puti nang buhok at kulubot na balat.

"Hmmph! Manood muna kayo bago n'yo tawaran ang anak ko!" singhal ni Baldo.

"Oo nga naman," salo ng isang kakamping miron. "Nakita ko nang lumaban si Val. Magugulat ka talaga."

Tumaas ang noo at lumiyad ang dibdib ni Baldo.

"O, kanino kayo tataya?" panghahamon pa sa mga kaharap.

"Kay Boy kami. Heto ang dalawang daan," anang unang miron.

Nagkakindatan sina Baldo at ang ikalawang miron.

"Buweno, ipupusta namin ang lahat ng suweldo namin!"