Chereads / Lost in Lust / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

"SIGURADO ba kayong buhay pa ang anak n'yo, misis?" He asked after staring at the beautiful face that was a product of his computer.

The sophisticated software had cleverly matured the prominent features of the baby from the picture.

And turned it into a very attractive young woman.

"Ito na lang ang ipapalathala natin sa mga diyaryo," aniya kapagkuwan. "Payag ba kayo?"

Kinuha ni Mrs. Esguerra ang glossy paper. Buong pagmamahal na tinitigan at hinaplos ng ilang daliri ang maamong mukha.

"Oh, my baby! I knew she'd turn into a lovely creature!" gushed the older woman with the shameless admiration of a mother. "Kung makikita ka lang ngayon ng iyong Papa, tiyak na magiging maligaya siya!"

Hindi umimik si Devlin. He disliked soft emotions. Lumaki siyang mag-isa. He had always been a loner.

Natuto siyang mamuhay mag-isa dahil ang mga magulang niya ay parehong 'lotus eaters', o mga taong walang inatupag kundi ang magpasarap sa buhay.

At habang nakatingin siya sa larawan ni Lana Esguerra, he was feeling a peculiar sense of affinity.

Para bang nagkaroon sila ng kuneksiyon dahil pareho silang naapektuhan ng makamandag na epekto ng kayamanan.

His parents had become irresponsible because of excessive wealth. And were destroyed by it in the end...

Ipinilig ni Devlin ang ulo. Hindi niya gustong binabalikan ang nakaraan.

"H-hindi kaya makasama kung ipapalathala ang larawang ito sa mga diyaryo?" tanong ng ginang makaraan ang ilang sandali.

Naputol ang pagmumuni-muni niya. Nag-angat siya ng tingin upang sulyapan ang kausap.

"Bakit naman makakasama?" Devlin was curious to know her reasons. They might be relevant to the case.

"Baka namumuhi siya sa akin," wika nito. "Dahil nga itinapon ko siya."

Nag-isip si Devlin. "May punto nga kayo, misis," tugon niya kapagkuwan. "Kung magiging manu-mano ang paraan ng paghahanap sa inyong anak--baka matagalan," he forewarned her.

Bumuntong-hininga ang ginang. "Nakapaghintay na ako ng dalawampu't isang taon, iho. Gusto ko lang makasigurong magkikita pa kaming mag-ina."

"Kung iyan ang gusto n'yo," patianod niya. Dinampot niya ang mga kopya ng letrato ni Lana Esguerra. "Ipamimigay ko na lang ang mga kopya nito sa mga assets ko."

Pinagulong ni Devlin ang inuupuang computer chair palapit sa kinaroroonan ng telepono. Papupuntahin niya ang mga alagang informers sa opisina.

"Magtatagal ang panahon ng paghahanap natin sa anak n'yo, misis." Inulit niya ang babala upang matiyak na hindi lang nabibigla ang kaharap sa naging desisyon nito.

Tumango ito. "Nakahanda akong maghintay," pahayag nito, in a resigned manner.

Devlin nodded briskly. He assumed a businesslike demeanor.

"Tatanggap kayo ng weekly report mula sa amin. At kapag may biglaang development sa kaso, tatawagan namin kayo agad-agad," wika niya habang kinukuha ang black notebook.

"Nandito ang paunang bayad." Inilapag ni Mrs. Esguerra ang isang tseke.

"Bukod ang ibabayad ko sa mga tauhan na kukunin mo para matagpuan ang anak ko."

He examined the check carefully. Metikuloso siya sa lahat ng bagay.

Ngumiti siya nang matipid sa may edad na babae.

"Thank you for the full support, Mrs. Esguerra. Maaasahan n'yong gagawin namin ang lahat ng makakaya namin," pangako niya rito.

"I give you my whole trust, iho," anito. Kinamayan siya nito uli bago tumindig.

"Bukas, ipapadala ko sa messenger namin ang kontrata natin." Inihatid niya hanggang sa may paglabas ng pinto ang ginang.

"Maaari bang humiling sa 'yo, iho?" ang seryosong tanong nito nang aktong papalabas na.

"Ano 'yon, misis?"

"Puwede bang ikaw na ang personal na magdala ng kontrata bukas, at ng mga weekly reports, sa bahay ko?"

Hindi iyon ang inaasahan niyang hihilingin ng bagong kliyente pero saglit lang ang pagkabigla niya.

"Kung 'yan ang nais n'yo, misis. We always try to give our customers full satisfaction," tugon niya.

"Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa 'yo, iho. Malakas ang kutob ko na matatagpuan mo ang aking anak!" papuri pa nito.

Kumiling ang ulo ng binata. Although he was accustomed to success, in his work as a bounty hunter--hindi pa rin siya nakakatiyak ng tagumpay.

Ang tanging natitiyak niya ay ang pagbibigay niya ng buong kakayahan sa paghahanap ng mga taong nawawala--kapalit ng malaking halaga.

Iyon ang minana niya sa mga magulang na bohemyo, ang pagpapahalaga sa pera.

He liked the creature comforts that only money could give. He was able to buy back the old Santana estate.

Paisa-isa, nabili niya at naibalik sa lumang bahay ang mga mamahaling antigo na naipagbili nung nabubuhay pa ang mga magulang.

Lingid sa kanyang kaalaman, nawaldas na pala ng mga ito ang kabuhayang dapat ay mamanahin pa niya...

Napailing na naman si Devlin, nang mapagtanto ang direksiyon tinatahak ng isipan.

What's the matter with you, man? tanong niya sa sarili, paasik. Bakit ngayon ka pa nag-iisip ng mga walang kuwentang bagay?

"I'll grant your wish, madame," ang magalang na wika niya matapos yumukod sa harap ng may edad na babae. "Ano ang convenient time para magpunta sa inyo?"

"Anytime, iho." Nakangiti na si Mrs. Esguerra. "Basta't ikaw ang dumating, I'll always have time for you!"

Hindi niya napigil ang bumilib sa brave front ng ginang. Marami na itong pinagdaanang hirap ng kalooban, ngunit nananatili ang katatagan na hinubog na ng panahon.

"You're a very hopeful person, madame," he said with a serious smile. "We'll try our best to find your daughter."

"I know, iho. I'll count on it." Tinapik nito ang isang pisngi niya bilang paalam. "See you tomorrow."

Napatunganga sa kanila ang sekretarya niyang may ordinaryong utak.

The simple-minded girl was awed and petrified of his reputation as a womanizer and a philanderer.

"Nellie, dalhan mo ako uli ng kape," utos niya rito, dala ng sandaling pagkayamot.

Napatalon ang nerbiyosang empleyada. "O-opo, sir!"

Or she was just a poor soul who was terrified of her own shadow! bawi ni Devlin sa sarili.

"May tumawag ba sa akin?"

"Wal-wala po, sir," tugon ng babaeng natataranta sa pagtitimpla ng kape.

"Pero nag-blink po kanina ang private line n'yo," dugtong nito.

"Ako ang gumagamit ng line na 'yon," salo niya.

Lumapit siya sa lamesa ng sekretarya upang rekisahin ang mga draft na ginagawa nito.

"Tapos na ba ang mga idinikta kong sulat kanina?"

"Er, hindi pa po, sir," tugon nito. "Katatapos lang po ng i-repair ng technician ang computer ko."

Kumunot ang noo ni Devlin.

"Bakit ba pirming nasisira ang computer mo?" ang pausig na tanong niya. "Ano ba ang malimit na nagiging problema?"

"E, nasisira po daw ng virus--?" Hindi pa ito sigurado sa tugon sa kanya.

"Nasisira ng virus?" ulit ni Devlin. "Baka naman kung saan-saan galing ang mga usb na pumapasok diyan sa drive mo, Nellie?"

Tila namutla lalo ang babae. Hindi ito nakasagot agad.

"Nasisiguro mo bang malinis ang mga usb na pumapasok diyan sa computer, Nellie?"

"E, p-paano po ba nalalaman kung malinis ang—ang usb, sir?" Nanginginig na talaga ito.

Nagpigil si Devlin sa sarili. Ibinaba niya ang tono.

"By doing the usual checks," tugon niya. "Hindi ka ba marunong mag-scan?"

Umiling ang tinanong.

"Hindi ka marunong?" paniniguro niya.

Umiling uli si Nellie.

"Then, don't use any usb from the outside," he suggested in a tight voice.

"Y-yes, sir."

Umiling-iling siya. Matagal na niyang gustong palitan ang tauhan na ito dahil marami-rami na itong nagagawang kapalpakan, pero andap na siyang makipagsapalaran uli sa paghahanap ng bagong sekretarya.

Mas maigi na rin ang isang ito kaysa sa magkaroon na naman siya ng problemang empleyada.

At least, this one did not have vampire-red long nails and lips!

He sighed again.

"Isunod mo na lang sa loob ang kape ko, Nellie," utos niya habang tumatalikod dito.

"And take your stenopad with you," he added tersely.