Chereads / Lost in Lust / Chapter 9 - Chapter Nine

Chapter 9 - Chapter Nine

KINAMAYAN sila nito bilang hudyat ng pagtatapos ng pormal na pag-uusap.

"Siguraduhin mong nai-surrender ni Val ang service gun na dinadala niya sa biyahe, ha?" pahabol pa nito nang papalabas na sila.

"Opo, Don Felix."

Sa ganoon lang natapos ang buhay na nagisnan ni Val.

Ilang oras pa ang lumipas, nagpapaalam na sila sa mga kapitbahay.

Napakadaling impakihin ang kakaunting kagamitan nila kaya halos apat na bag lamang ang dala-dala nila sa pag-alis.

"Sa inyo na ang mga maiiwan naming kagamitan diyan," wika ni Baldo sa mga iiwanang kaibigan.

Val remained reserved.

Wala siyang naging tunay na kaibigan sa mga taong nakapalibot sa kanya magmula pagkabata.

Nandoon kasi palagi ang elemento ng pagkailang sa ganda niya.

She was always alienated by her comeliness.

Porke hindi ordinaryo ang hitsura niya, parang mailap ang mga kaibigan sa kanya.

"Saan tayo titira, Dad?" tanong niya nang sakay na sila ng isang taksi.

"Sa isang mumurahing otel muna," ang walang gatol na tugon nito.

Iniwan muna nila ang mga gamit sa silid na mas masikip pa sa pinanggalingang kuwarto sa bodega.

Lumabas sila para kumain at para maghanap ng permanenteng matitirhan.

Val felt lost and vulnerable at first.

Sanay siyang magmaneho sa mataong kalsada ng Maynila, hindi maglakad. Kaya parang nalulula siya nung una.

"Saan ba tayo pupunta, Dad?"

"May natatandaan akong apartment na bagong tayo d'on sa kalyeng 'yon. Titingnan natin kung may bakante pa sila."

Meron pa nga.

"Tamang-tama ang dating n'yo," anang kaserang matandang dalaga. "Hindi bumalik ang kausap ko kahapon, kaya sa inyo ko na ibibigay."

"Magbabayad na kami ng tatlong buwan na advance." Kinuha ni Baldo pay envelope nila.

Nagbilang ito mula sa loob bago hinugot ang malulutong na salaping papel.

"Aba, mabuti, mabuti!" ang magiliw na wika ng landlady.

"Puwede na ba kaming lumipat ngayundin?"

"Aba, oo. May tubig at kuryente na diyan." Ginawaan agad sila ng resibo nito.

"Bukas ko na lang dadalhin ang kontrata natin, ha?"

"Oho," tugon ni Baldo.

"Este, ano nga palang pangalan n'yo? Atsaka, mag-ano nga pala kayo?" usisa nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Mag-ina hu kami," sagot ni Baldo. Pilit na lang ang lumanay sa tono.

"Ako si Baldo at ito naman ang aking anak na si Val."

"Baldo, Val," ulit ng kasera habang tatangu-tango.

"Mag-ina ba 'kamo kayo? Aba'y kaganda siguro ng lahi ng napangasawa mo, ano?"

Sumabad na si Val nang tila wala pang balak na umalis ang usiserang babae.

"Dad, kukunin na ba natin ang mga gamit natin?"

Tumango si Baldo.

"Magpapaalam na hu muna kami. Puwede bang amin na lang ang susing 'yan?"

"Ay, oo nga pala. Sige, sige, lumakad na kayo."

Saka lang sila nakaalpas.

DEVLIN'S dark, piercing eyes stabbed at the old man's sunken ones.

"Kailan sila umalis?" tanong niya matapos matiyak na hindi nagsisinungaling ang kaharap.

"Kahapon lang, Mr. Santana. Nagpaalam sila nang maayos, kaya pinayagan naming umalis na."

Duda pa rin si Devlin. "Ganyan ba talaga kaluwag ang pag-alis dito, Don Felix?" pananalakab niya.

"Wala ba kayong pagpapahalaga sa mga tauhang matagal nang naglilingkod sa inyo?"

"Well, kung may espesyal na dahilan, talagang napipilitan akong magbawas, Mr. Santana."

"Ano'ng espesyal na dahilan?"

"Pinagtangkaang gahasain ng isa sa mga pahinante si Val," paliwanag ng matandang don. "Maghahatid lang ng gulo dito ang babaeng iyon. Naunahan lang nila ako. Kung hindi sila nagpaalam, pasasabihan ko na silang umalis dito."

Hindi na inintindi ni Devlin ang ibang sinabi ng kaharap. Ang unang pangungusap lang ang naunawaan niya.

"Pinagtangkaang gahasain si Lana?" ulit niya. His mixed feelings were hard to fathom.

He could detect disappointment. And sheer frustration.

But there was something deeper. Concern, perhaps?

At para bang may may isang bahagi ng kanyang sarili ang nawala nang malamang wala na si Lana...

"Lana?" The old man repeated in a perplexed tone. "Si Val ba ang tinatawag mong Lana?"

Devlin nodded impatiently. "Wala ba talaga silang naiwanang address?" paniniguro niya.

"Wala talaga. Ipagtanong mo na lang sa mga kaibigan nila diyan sa labas," suhestiyon nito.

"Ano ba ang dahilan at hinahanap mo sila?" tanong nito uli.

"Napag-utusan lang ako ng isang malapit na kamag-anak nila. Kaya importanteng matagpuan ko sila."

"Buweno, hayaan mo't kapag may nabalitaan kami sa kanila, ipararating ko agad sa 'yo. Mag-iwan ka ng calling card sa akin."

Ganoon na nga lang ang puwedeng gawin ni Devlin. Dumukot siya ng dalawang calling cards.

"Aasahan kong kokontakin n'yo ako, Don Felix," wika niya. "At asahan n'yo ring paparito ako palagi."

Tumango ang matanda, who was looking relieved already. Nawala na kasi ang bangis sa ekspresyon niya.

"Don't hesitate to drop by, Mr. Santana," patianod nito.

Nagkamay uli sila bago siya lumakad palabas.

Kinausap pa muna niya uli ang mga kakilala't kaibigan ni Baldo at Val.

Ngunit wala ni isa man ang makapagsabi kung saan pupunta ang dalawa.

"Narinig ko sa pag-uusap nila nung gabi, magbabagong-buhay na raw sila. Hahanap ng disenteng lugar na titirhan," anang isang nakatira sa mismong kalapit ng kuwartong tirahan nina Val.

"Meron bang nabanggit na lugar, misis?"

"Wala, e."

"Anu-ano ba ang dala-dala nila?"

"Wala silang dala, kundi ang mga personal na gamit lang. Lahat ng kasangkapan, iniwan na nila dito."

Mabibigat ang mga hakbang niya nang bumalik sa kotseng nakaparada sa parking lot.

He was back on a dead-end road. Nawawala na naman si Lana Esguerra!

Saan na naman siya magsisimulang maghanap?

Mabuti na lang sana kung pupunta ito nang kusa sa tunay na ina!

Hinampas niya nang ilang ulit ang manibela bago niya pinaandar ang sasakyan.

Nagtuloy siya sa kanyang opisina upang tawagan ang mga assets. Tuloy pa rin ang paghahanap.

He had been so cocky. Tiniyak na agad niyang tapos na ang misyon, gayong hindi pangkaraniwang babae si Lana Esguerra.

And he was also so unprofessional.

Hindi siya dapat naging presko sa babae, sa unang pagkikita pa man din.

Aywan kung bakit naging ganoon ang reaksiyon niya sa babae.

He was always able to control himself before...

DAHIL mapilit ang Daddy Baldo niya, napapayag si Val na mag-enroll sa personality development school.

Nag-aral siyang lumakad, kumilos, magsalita, at manamit bilang isang tunay na babae.

Daddy Baldo seemed very obsessed with the idea of turning her into a young socialite.

"Praktikal bang gumastos tayo nang ganyan kalaki sa isang walang kuwentang bagay, Dad?" tanong niya nang minsang hindi na siya nakatiis.

Nadiskubre niyang halos kalahati na ng lifetime savings ng kinikilalang magulang ang nauubos sa bagong wardrobe niya.

"Hindi naman walang kuwenta ang pinagkakagastusan natin, anak. Kinabukasan mo 'yan. Paano ka makakahanap ng maganda-gandang trabaho kung abnormal ang kilos at pananalita mo?"

"Itinuturing n'yo bang abnormal ang sarili n'yo, Dad?" It was meant to be a rhetorical question, pero sineryoso ni Daddy Baldo.

"Oo," tugon nito. "Hindi ako lalaki, pero hindi rin naman ako babae. Ano ako?"

"Hay, ang Daddy Baldo talaga. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan mo. Dati-rati naman, hindi ka ganyan, a?"

"Tsk! Mabuti nga't may pumapasok na ngayon sa makitid na utak ko, anak. Kung hindi ko pa nalamang malapit ka na palang mabawi sa akin--hindi pa gaganda ang takbo ng isip ko," panunumbat nito sa sarili.

"Pabayaan mo na lang akong itama ang mga pagkakamali ko, anak."

Ganoon na nga lang ang ginawa ni Val. Nagpatianod na lang muna siya. Tutal wala pa naman siyang malinaw na plano sa buhay.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Pati ang mga linggo at buwan.

Natagpuan na lang niya ang sarili na natapos na niya ang maikling kurso.

At nagawa pa niyang pumasa--ng may matataas na marka!

"Congratulations, young ladies!" bati ng kanilang guro sa mga newly graduates.

"Maraming kumpanya ang naghahanap ngayon ng mga sekretaryang maaasahan. We will be very proud to recommend any one of you. Just raise your hand, please."

Siniko ni Daddy Baldo si Val. "Itaas mo ang kamay mo, anak!" bulong nito, pautos.

"Ako ang magtataas, sige ka. Pagkakataon mo na 'yan!"

Napilitan si Val.

Natuwa ang guro nang makita siyang isa sa mga nagpiprisinta.

"Miss Guerra, we have the right job for you."

Tuwang-tuwa si Baldo. Para bang ito ang natanggap sa trabaho!

"T-thank you very much, ma'am," ang magalang na tugon niya sa may edad na guro.

Bukod sa tamang pagdadala ng sarili, mayroon ding itinurong office skills sa kanila ang eskuwelahang iyon.

Natutong magmakinilya at magpaandar ng computer si Val ngunit hindi siya siguradong gusto niyang maging ganoon ang trabaho niya.