WARING napapahiya ang huli. Para kasing wala na itong halaga sa among pinagsilbihan nang buong katapatan.
Nagtiim ng mga bagang si Lana. "Ako ang magtitimpla ng kape, pero ikaw ang magdadala sa loob," wika niya.
"Para makapagpaalam ka na tuloy," dugtong niya nang makitang nag-alangan ang kaharap.
Napilitan itong sumang-ayon.
"S-sige. Tutulungan na kita. Medyo mainipin si sir, kapag tungkol sa kape niya."
Val expected him to be irritated to her show of defiance. Kaya naging semi-suspense ang magiging reaksiyon nito.
She knew she was being childish but she didn't want to be cowed by any man.
Ang panlabas na anyo lang niya ang naging ganap na babae--hindi ang kanyang katwiran.
"Aalis na ako, Lana," wika ni Nellie. Abot-teynga ang ngiti nito.
"Imbitado ka sa kasal ko. Sana, nandoon ka," the other girl added shyly.
"Salamat sa imbitasyon," tugon niya. Pilit ang ngiti. "Sa isang linggo na 'yon, hindi ba? Saan nga ba gaganapin?"
"Babalik ako dito. Dadalhan ko kayo ng invitation card," pangako nito. "Paalam na sa 'yo. Good luck!" dugtong pa bago lumabas ng pinto.
Tumango si Val bilang paalam dito. "Ingat ka."
Nang mapag-isa na, saka lang siya naging natural. Unti-unting nawala ang kanyang ngiti.
You're right, Nellie. I need all the luck! bulong niya sa sarili.
Dahil hindi niya alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanya dito...!
DEVLIN congratulated himself for exerting a superhuman effort to curb his desire.
Hindi niya 'sinunggaban' ang dalaga nang nasa loob na sila ng opisina kanina.
But he was starting to regret that gentlemanly gesture now.
God, she had become lovelier than ever! He should have kissed her. Touched her...
Hindi pa naman huli ang lahat, bulong niya sa sarili. Tumindig siya upang puntahan sa labas si Lana.
Dinatnan niyang seryoso itong nagmamakinilya ng mga drafts na naiwan ni Nellie.
Kaya umatras uli siya.
Naging torpe na din ba siya?
Nayayamot si Devlin sa sarili ngunit hindi niya puwedeng daanin sa bilis ang babae.
Makuntento na lang sana siya na tinanggap nito ang hamon niya.
Palagi sana niyang isaisip na mahirap hanapin ang babaeng ito kapag nawala na naman.
Tinawagan niya na lang si Laliana Esguerra, kaysa makinig sa udyok ng tukso.
"Hello, Mrs. Esguerra? Si Devlin 'to. Good morning sa inyo."
"Devlin! Kanina pa kita hinihintay na tumawag, iho. Kumusta?"
"Dumating siya sa appointment," tugon niya.
"Oh, thank God!" bulalas ng kausap sa kabilang linya. "A-ano'ng sabi niya? Makikipagkita na ba siya sa akin?"
"I was still working on convincing her," he admitted reluctantly. "Sa ngayon, pumayag siyang magtrabaho dito bilang sekretarya ko."
"Talaga? Salamat sa Diyos! A secretarial job is a lot more better than truck driving!"
"This time, I'll make sure that she has records everywhere," dagdag ni Devlin.
"Kaya lang naging imposibleng makita siya noon, wala siya ni isang rekord sa kahit na saang ahensiya ng pamahalaan. Para bang isa lang siyang TNT dito sa sariling bansa niya."
"I understand, iho. Alam kong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo noon."
He felt guilty. He didn't tell the older woman that he had made a pass at her daughter.
"Nandito na siya ngayon, madame. Pipilitin kong makumbinsi siya na makipagkita sa 'yo."
"Tatanawin kong malaking utang na loob ang gagawin mong 'yan. Pero nais ko sanang pumunta siya rito nang kusang-loob niya. Huwag mo siyang puwersahin."
Napangiti si Devlin. "You're right, madame. Hindi napupuwersa ang isang babaeng katulad ni Lana," pahayag niya.
"Talaga bang matapang siya, iho?" ang naiintrigang tanong ng kausap. "Nahawa kaya siya ng pagka-tomboy kay Baldo Guerra?"
"Hindi ko lang alam, Mrs. Esguerra. Nag-iba na si Lana ngayon. Mas pino na siya at naka-bestida pa."
"Talaga?" Tila lalong sumigla ang tono ng may edad na babae.
"Ano kaya kung ako ang magpunta diyan sa opisina mo? Hindi ko na siya hihintayin na magpunta sa akin." Hindi na talaga mapigil ang pagkasabik.
"I think, that's the best idea, madame!" papuri niya.
"Sana ay mapatawad niya ako," dagdag ng ginang.
Nang matapos ang tawag, naisip na naman niya ang di-mapigil na atraksiyon kay Lana.
He never had a compulsive attraction to any woman before.
Para bang mayroong higanteng magneto si Lana na humihigop sa lahat ng katinuan niya.
But he should resist it!
"It'll be better to see your doctor first before going here," he insisted before saying goodbye.
"I'll do that, iho. Don't worry. I won't barge in on you carelessly. Bye!" ang masiglang paalam ni Laliana Esguerra.
Napailing na lang si Devlin. Punum-puno siya ng tensiyon.
He had not touched any woman since he met Lana. Sinubukan niya nung minsan, but it had turned into a disaster.
He did not have an erection. It had been an embarrassing experience.
Hindi napukaw ang pagkalalaki niya dahil ibang babae ang kaniig niya noon.
His body wanted only Lana.
Lana...
Nababaliw na siya kay Lana.
Papiksi siyang tumayo mula sa swivel chair.
He prowled around the elegant office like a caged lion.
'Bakit ganito ang nararamdaman ko para sa 'yo, Lana?' tanong niya sa sarili.
HANGGANG sa mag-uwian, hindi na nakita ni Lana si Devlin. May isa pa palang pintong palabas ang private office nito.
Tinawagan lang siya sa intercom upang magpaalam.
"Lana, I'm going out. Baka wala ka na dito, pagbalik ko. Mag-routine check ka na lang bago ka umuwi mamaya. Okey?"
"Okey." tugon niya kahit na nalilito.
Sobra naman yata ang tiwala ng lalaking ito sa kanya!
Pag-uwi niya sa bahay, sinalubong siya ni Daddy Baldo.
"Kumusta ang trabaho, anak?"
"Ayos lang, Dad."
"Mukhang napagod ka, a?"
Matamlay ang ngiti ni Val. "Hindi naman, Dad."
"Teka't ipagtitimpla kita ng kape," anito matapos i-hanger ang kanyang blazer.
"Huwag na, Dad. Magpapahinga na lang muna ako. Medyo masakit ang ulo ko." Tumindig siya matapos mahubad ang suot na sapatos.
"Masasakit ba ang mga paa mo?" ang nag-aalalang tanong nito.
"Medyo. Parang inipit ng bakal ang mga daliri ko," reklamo niya.
"O, sige, mahiga ka na sa kama mo. Susunod ako para masahihin ka."
Hindi na tumanggi si Val kahit na hindi iyon ang dahilan ng pananamlay niya.
She could not shake off the heavy shroud of disappointment.
Kanina, ramdam na ramdam niya ang nag-aalab na atraksiyon sa pagitan nila ni Devlin.
And she was expecting him to rekindle the flame of desire.
Nang hindi mangyari ang lihim na hiling niya, nasaktan siya.
Pinilit niyang iwaksi ang pait nang dumating si Daddy Baldo.
"Alam mo, tuwang-tuwa ako at natanggap ka na agad sa inaplayan mo." Nagbuhos ito ng langis sa mga kamay upang imasahe sa mga paa ni Val.
"E, baka nga hindi na ako magbalik doon, Dad," pagtatapat niya.
Nagulat si Baldo. "Bakit naman, anak?"
"O-opisina pala ni Devlin Santana 'yon. 'Yung lalaking naghahanap sa akin."
Muling kumilos ang mga daliri ni Baldo. Itinuloy nito ang ginagawa.
"E, di mabuti," sambit nito. "Hindi na natin siya kailangang hanapin."
Napatitig siya rito. "Ano'ng ibig mong sabihin, Dad?"
"Alam mo ba kung bakit naging mapilit ako na mabago ka? Hindi na ikaw si 'Val', dahil ikaw si 'Lana'."
"Lana Guerra," ang hesitanteng sambit niya.
Umiling ang tomboy. "Lana Esguerra." Bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy.
"Natuklasan kong galing ka sa isang mayamang angkan. Ikaw ay isang heredera."
"Heredera?"
Isang malungkot na ngiti ang itinugon nito.
"Ayaw kong mapahiya ka sa sandaling kasama mo na ang mga kaanak mo. Siguradong pino silang kumilos. Elegante. Sopistikada," pahayag nito. "Hindi katulad ko."
"Daddy Baldo!" bulalas ni Val. "Ayaw kong maging katulad nila! Mas gusto kong maging natural lang."
Bumangon siya. Nawaksi na ang pananamlay niya.
"Mas nababagay ka doon, anak," pakli ni Baldo.
"Ipinahiram ka lang sa akin ng tadhana, Lana. Panahon na para isauli kita sa pinanggalingan mo," dugtong pa nito.
"A-ayaw n'yo na ba sa akin? Iiwan n'yo na ako?" Hindi na ikinubli ni Val ang nadarama. Yumapos siya sa butihing tomboy na nag-aruga sa kanya.
"Ayokong mawalay sa inyo!"
"Anak, sasama ako sa 'yo," pangako nito habang hinahagod ang likod niya.
"Hindi ka ba nasasabik na makita ang tunay na magulang mo?"
Saka lang tumuwid ng upo si Val.
"Aaminin kong gusto ko rin siyang makita," pagtatapat niya. "Pero--"
"Pero, ano?" untag naman ni Daddy Baldo.
Umiling si Val. Hindi siya makatingin nang diretso.
"Na-insecured din siguro ako noon, Dad," she said lamely.
'Natakot akong makaharap uli si Devlin Santana noon,' pag-amin niya sa sarili.
There was something in him that she should be afraid of...