Chereads / Lost in Lust / Chapter 16 - Chapter Seventeen

Chapter 16 - Chapter Seventeen

ABALA naman ang dalawang ina sa pagtatayo ng tent. Katuwang ang tatlong hardinero at apat na katulong, pati ang driver, ibinabangon ang kubol.

Tila hobby ng kanyang ina ang pagbo-bonsai. Kaya iyon din ay kasama sa ibebenta nilang seedlings. Ang specialty naman ni Daddy Baldo ay magtanim ng kahit anong halaman sa mga container.

"Bye, Mama, Dad!"

Kumaway ang mga ito. "Ingat ka, anak!"

Magsisimula pa lang ang kasal nang dumating siya.

Nagulat siya nang makitang nakatayo si Devlin sa tabi ng groom. Bestman pala ito.

Nanikit na sa lalaki ang paningin ni Lana. Matikas ang tindig. Kulay grey ang blazer at itim ang pantalon.

Wala namang napapansin ang lalaki. Seryoso ito sa pagganap ng tungkulin bilang isa sa mga abay ng lalaki.

Nang matapos ang seremonya, nag-angat ito ng paningin. Nakasentro agad kay Lana.

Mali pala siya. Nararamdaman ng lalaki ang presensiya niya.

Pagkatapos ng kasal, hindi tuminag si Lana sa kinatatayuan. Papalapit sa kanya ang lalaki.

Walang imikan, hinila siya ni Devlin sa likod ng halamanan sa tabi ng simbahan.

Niyapos nila ang isa't isa. Kinuyumos ng halik ang kanilang mga labi.

Devlin was breathing heavily when he brought up his head. He looked at her with half-closed eyes.

"I needed that!" he exclaimed roughly.

"I missed you," she whispered huskily.

"Did you?" Ngumiti ang lalaki. Isang malalim na halik muli ang pinagsaluhan nila.

Nang magkalembangan ang mga kampana, buong pag-aalinlangang huminto ang lalaki. Kapwa sila humihingal.

"Let's stop this while we can. Come, punta na tayo reception."

"May dala akong kotse. Um, kailangan muna nating mag-ayos…"

Ang bestida niyang kulay puti at may mahabang manggas ay tila kagalang-galang kanina. Ngunit ngayon ay nakalilis ang mahabang laylayan at nakakalas ang ilang butones.

May mga bakas ng lipstick sa pisngi at bibig ni Devlin.

Tumawa ang lalaki habang pinupunasan niya ng tissue ang mantsa sa mukha nito.

"You look kissed." He said with satisfaction.

Namula ang mga pisngi niya ngunit diretso pa rin ang tingin.

"You look kissed, too," she said defiantly. "By me."

Gulu-gulo ang buhok ng lalaki. Nakakalas ang mga butones ng kulay kremang polo.

Tumawa lang uli si Devlin. "I'm proud to be kissed by you," bulong nito.

He looked so adorable with his dishevelled hair and mischievous smile.

She felt a jolt in her chest. Parang may nagbago ng posisyon sa loob ng dibdib niya.

After repairing her make-up and hairstyle, she was ready to face the other guests.

The groom was one of his agents. Devlin took his place for the three-day mission.

"Sabi ni Sir, masama raw sa ikakasal yung gala ng gala," paliwanag ni Nellie. "Kaya siya na muna ang pumalit kay Hon sa misyon."

"Tapos na daw ba?"

"Oo. Last night pa."

They were circulating. Or rather, Devlin was circulating. He was a charismatic figure. Everyone wanted to talk to him.

Lana was content on just watching him. Kapag nagtatama ang kanilang mga mata, umiinit ang pakiramdam niya.

Parang may mga munting apoy ng pagnanasa na unti-unti nagliliyab. Dinadarang siya…

Hanggang saan hahantong ang mga halik at haplos? Saan sila patungo mula dito?

Isinayaw siya ni Devlin. Kundi pa nagkaroon ng kantiyawan, hindi pa maisasayaw ng ibang panauhin si Lana.

Naging masaya ang sayawan nung hindi na pare-pareha ang tugtog. Meron pala siyang natural na indak kaya kahit na anong musika ay nasasabayan niya.

Nang magpaalam na ang mga bagong kasal, hinawakan na siya ni Devlin sa kamay.

"Bakit?" bulong ni Lana.

"Mag-uusap tayo. Baka bigla ka na namang maglaho uli."

Kalmado lang siya. Marahil sa kalooban niya, tiyak na ang sarili.

Ibinilin ni Devlin ang sariling kotse sa driver at sa ilang agents na kasabay.

Nang bumalik sa kanya, seryoso na ang mukha. Wala nang kangiti-ngiti sa bibig. Pati ang mga mata ay mahirap basahin.

Nasorpresa si Lana nang hayaan ng lalaki na siya ang magmaneho.

"You're a professional. Why should I doubt you?" wika ni Devlin, kahit hindi siya nagsalita.

Nagbigay ng direksiyon ang lalaki. Napagtanto niyang patungong Antipolo ang tinutugpang daan.

Kapwa sila tahimik hanggang makarating sa destinasyon.

"Welcome to my home, Lana."

Luma na rin ang gusali ngunit alagang-alaga. Bagong pintura at tila bagong repair ang mga bintana. Parang ang mansiyon ng kanyang Mama.

Pagpasok sa loob, hindi gaanong marangya ngunit parang at home siya dito.

The colorful rugs and the warm color of the wood were cosy.

Isang silid ang pinuntahan nila. Library cum music room. Nang hilahin ni Devlin ang isang lubid, umusod ang dingding at nilantad ang wet bar.

"Dito ako naglalagi kapag nasa bahay. I read books and listen to music. What will you drink?"

"Water?"

Ngumiti ang lalaki. Tila mas relaxed ito nang makapasok sa silid.

"What about this?" Isang bote ng champagne ang natanaw niya. Nakabaon sa yelo.

Dalawang kopita ang dala ni Devlin nang papalapit na.

"Here. Drink this. You seemed nervous."

Sumimsim siya ng bumubulang likido. Ninenerbiyos nga siya.

"Let's start again, Lana." Banayad ang tono ng lalaki pero tila ninenerbiyos din ito.

"I admit, I'm arrogant and authoritative. I want to have my own way every time."

Nakatingin ang lalaki sa kopitang hawak ng dalawang kamay.

"I don't know if I will change but my feelings for you will not." He raised his eyes and looked at her seriously. "I love you."

Natulig si Lana. Love?

Pag-ibig… Iyon pala ang nagsimulang umusbong sa kanyang dibdib habang wala si Devlin.

"Mahal… mo ako?"

"Yes," he sighed. "I love you."

"B-bakit parang ayaw mo?" Parang nakikimi siya.

"I don't know if you'll love me in return but I'll accept your desire and passion. If that's all you can feel about me…"

"Oh, you… you adorable idiot," she started berating him.

"What did you call me? Adorable idiot?" he interrupted.

"I love you, too. If you'll marry me, I will marry you."

Ang kunot sa noo ay unti-unting umangat. Napalitan iyon ng mga linya sa magkabilang dulo ng mga mata.

"Are you proposing, Lana?"

"What do you think?" She licked her dry lips.

Sinambitla siya ng lalaki. Ikinulong sa matitipunong bisig. Sinundan ng bibig ang galaw ng kanyang dila.

"What changed your mind?" Paanas ang pagsasalita ni Devlin.

"Love," she replied simply.

"Oh, Lana, Lana… I love you." Muling nagdaop ang kanilang mga labi.

"I love you, love you…" ganting bulong ni Lana.

"Kailan mo gustong magpakasal?"

"Next year?"

Siniil siya ng halik sa leeg bilang parusa.

"Next month," ungol ni Devlin.

Nakaupo sa kandungan ng lalaki si Lana. Nilaro niya ang gulu-gulong buhok.

"Ilang anak ang gusto mo?" tanong niya.

"Kung ilan ang ibigay sa atin ng Diyos. Babae man o lalaki, mamahalin ko sila nang pantay." Seryoso ang pahayag ni Devlin.

Katahimikan. Pinag-iisipan ni Lana kung dapat niyang itanong ang isang bagay. Natitiyak na niyang hindi ganoon si Devlin.

"Gagawin mo ba akong sunud-sunuran sa lahat ng gusto mo?"

Lumuhod ang lalaki sa harap niya. Kinuha ang palad niya at ipinatong sa tapat ng dibdib.

"Nais kitang maging katuwang sa lahat ng bagay, Lana. Kung anuman ang nais ng isa't isa sa atin, pag-uusapan natin. Walang nakatataas sa ating dalawa. Magkapantay tayo."

"Oh, Devlin, I love you."

"Isa lang ang gusto ko na gagawin mo araw-araw."

"Ano 'yon, mahal ko?" ang malambing na tanong niya.

"Ulit-ulitin mo ang pagsambit ng: I love you."

SINA Devlin at Lana ay naging magkasintahan sa loob ng isang buwan. Habang nagpe-prepara sa kasal, nagpunta ang magnobyo sa libingan ng mga magulang.

Si Lana ay dumalaw sa puntod ng di-nakilalang ama, si Arnulfo Esguerra.

Si Devlin ay umusal ng panalangin at pagpapatawad sa mga magulang na isip-bata, sina Rebecca at Delfin Santana.

Kapwa sila nagkaroon ng kapayapaan sa kalooban matapos ang tahimik na okasyon.

Nagkaroon ng pagkakataon mag-usap ang mag-ina.

"Niligawan ka ba ni Devlin, iha?"

"Hindi na po kailangan, Mama. I love him."

"Pero tinanggihan mo ang alok niyang kasal?" Kumunot ang noo ni Laliana.

"Inutusan niya ako, Mama. Hindi niya ako inalok," ang nakangiting wika ni Lana.

Humagikhik ang ina. "Paano ka niya inayang magpakasal?"

"Ako na ang nag-aya," pagmamalaki niya. "Baka natorpe na e kaya ako na ang nagsabing magpakasal kami."

Humalakhak na ang ina. "Lana, anak nga kita. Ako rin ang nagyayang magpakasal kami ni Arnulfo, ang iyong ama."

Nagseryoso si Lana. "Hindi ba kayo malulungkot dito, Mama? Iiwan ko na naman kayo."

"Dahil mag-aasawa ka, anak. Tapos magkakaapo kami ni Baldie. Hindi na ako malulungkot, iha."

Ang sumunod na kinausap niya ay si Daddy Baldo.

"Dad, iiwan ko na kayo. Magiging masaya ba kayo dito?"

"Oo naman. Isang mabuting kaibigan ang Mama mo. Nagpapasalamat ako at dumating kayo sa buhay ko."

"Natutuwa ako sa mga nangyaring pagbabago sa buhay natin, Dad."

Matagal na nagyakapan ang dalawa. Kapwa ninanamnam ang kaligayahan.

Makalipas ang isang buwan, nagkakagulo ang mga tauhan ng Liana's Bonzai and Baldie's Pottery.

Ikakasal na kasi ang nag-iisang anak na babae nina Mama Laliana at Daddy Baldo.

Si Lana ay kasalukuyang naglulunoy sa jacuzzi. Hindi siya gaanong nag-aalala sa ayos ng buhok at sa kasuotan niya.

Nakapagpraktis na siya ng pagme-make-up. Ang buhok ay simpleng chignon lang. Ang white wedding dress ay simpling-simple din.

Straight cut. Square neckline. Long sleeves. Long, flaring skirt.

At binurdahan ng maliliit na white pearls ang kabuuan. No wonder, it cost the earth!

Walang isang oras, nakahanda na siya.

Nang sunduin siya ni Daddy Baldo, nagulat pa ito.

Napahinto sa paghangos ang nasa gawing likuran na si Mama Laliana.

���Handa ka na, iha?"

"Yes, Mama."

"Ready?" tanong ng may edad na tomboy. Naka-blazer at polo ito. Nakapantalon at sapatos na balat. Pawang kulay puti. Parang ikakasal din.

Dala ni Lana ang isang bouquet na puro buko ng white roses. Nakatali ng white ribbon.

Pagdating sa hardin, humahalimuyak sa bango ang mga bulaklak sa paligid. Tila sumasali sa pagdiriwang na nagaganap.

Si Daddy Baldo ang naghatid sa kanya sa lalaking pakakasalan.

Simpatiko si Devlin sa suot na white blazer at pants. Pati sapatos ay kulay white.

He and Daddy Baldo bought the same white clothes!

"I don't mind, my darling. Dad was like a child when I asked her what clothes to wear." Devlin said laughingly. "Ang sabi niya: kung ano ang susuutin mo siyempre ganon din ako!"

Lana loved him more for loving her adopted mother. He was so giving.

Ang pagiging possessive ay unti-unting naglaho dahil sa nakumbinsi na niya ito. Si Devlin lang ang tanging laman ng mga panaginip niya.

She confessed about her early morning 'wet' dreams.

"Kinukulam mo ba ako, hmm?" ang malambing na tanong niya.

"Tutoo ba 'yon?" he answered flippantly. "Tuwing madaling-araw ba?"

She nodded.

"It could be wishful thinking on your part. Maybe, for you, it was the best time to make love…"

"For you, when was the best time…?" she asked huskily. She was getting aroused.

"All the time, my darling, all the time…"

Natapos ang misa nang hindi gaanong nawawaan ni Lana. Nakatitig sila ni Devlin sa isa't isa.

"You may kiss the bride," anang pari.

Maliksing naiangat ng groom ang belo. It was transparent and snowy white.

"At last, I can kiss you, my bride!" he whispered lovingly.

"You may kiss me anytime," she smiled.

"I respect your mother too much, my darling."

Isang masuyong halik ang iginawad ni Devlin sa kanyang mga labi.

He was restraining himself.

"I want to start our life together correctly."

"Thank you, Devlin. I love you."

"Say that to me tonight, my darling," he whispered tenderly.

"I love you." At buong alab na hinagkan ni Lana ang kanyang groom.

WAKAS