Malutong na ang papel at luma na ang kumot. Halos hindi magawang hawakan ni Val ang mga iyon nang mailapag na sa kanyang harapan.
Nanlalaki ang kanyang mga mata.
"Alam kong darating ang araw na magtatanong ka, kaya iningatan ko ang mga iyan," pahayag ni Daddy Baldo.
"Diyan ko nakuha ang pangalan mong Lana, anak."
"A-alam n'yo bang 'Esguerra' ang apelyido ko, Dad?"
Natigilan ang kaharap niya bago umiling. "Hindi."
Binasa ni Val ang liham. The handwriting was definitely a female's. Sa kanyang ina siguro...
"Sa sinumang nakapulot ng aking anak," umpisa ng sulat. "Hinihiling kong pakamahalin n'yo siya--katulad ng pagmamahal na nais kong ibigay sa kanya, kung hindi kami nagkahiwalay... Ipagdarasal kong sana ay magkita pa uli kami balang araw."
Sinipat niya ang nangupas na burdang pangalan sa kumot. 'Lana'.
Nag-angat siya ng tingin matapos mag-apuhap ng kontrol.
"Anak daw ako ng isang Laliana Esguerra, Dad," pagtatapat niya.
Napamaang si Daddy Baldo.
"Paano mo nalaman? Sino'ng may sabi sa 'yo?" ang sunud-sunod na tanong nito.
"Kanina, huminto ako sa tapat ng isang punongkahoy na nasa tabi ng highway," simula niya.
Nakatingin siya nang diretso sa kausap upang makita ang lahat ng magiging reaksiyon nito.
"May isang lalaking nag-aabang sa akin. Nilapitan niya ako at sinabihang ako nga raw ay si Lana Esguerra."
"Sino naman ang lalaking 'yon? Nagpakilala ba siya? Hindi kaya luku-luko lang 'yon?"
"Devlin Santana daw ang pangalan niya, Dad. At mukhang matino naman." Ipinagpatuloy niya ang pag-inom ng kape nang manuyo ang lalamunan.
The memory of his kiss made her thirst for more.
"Mayroon pa ba tayong alak, Dad?"
Halos wala sa sarili ang pagtugon ni Daddy Baldo.
"Meron. Nandiyan sa kabinet."
Si Val na ang kumuha sa dalawang bote ng gin. Pati sa basong tagayan nilang dalawa.
"Uminom na lang tayo, Dad. Saka na tayo mag-isip uli," aya niya.
"Hindi mo ba gustong malaman ang tungkol sa tunay na pagkatao mo, Val?"
"Gusto." Ngumiti siya nang mapakla. "Kaya lang, hindi pa ngayon."
Baldo looked at her with muted plea.
"Nagagalit ka ba sa akin? Hindi naman ako naglihim sa 'yo tungkol sa mga 'yan. Naghihintay lang ako ng tamang panahon," paliwanag nito.
Tinapik niya ang isang kamay nitong nangulubot na dahil sa rayuma.
"Dad, wala akong dapat na ikagalit sa 'yo. Inalagaan mo ako at pinalaking malakas. Malaki ang utang na loob ko sa 'yo."
"Pero ni hindi nga kita napag-aral man lang." The older woman was still feeling agitated.
"Marunong naman akong magbasa at magsulat. May kaunting Ingles din akong nalalaman. Sapat na 'yon."
"Ngunit ano na lang ang sasabihin ng tunay na magulang mo," patuloy ni Baldo. Parang hindi siya narinig.
"Babae ka pero pinalaki kitang ganyan."
"Ano'ng ganito?"
"Ginawa kitang parang lalaki."
"Dad, huwag na kayong magpakaligalig," pigil niya sa kaharap.
"O, sa 'yo 'to." Ibinigay niya ang unang tagay rito.
Parang tubig lang na tinungga nito ang alak.
Gayundin siya. Disisais pa lang siya, umiinom na siya.
Wala silang ganang magkuwentuhan kaya halos isang oras lang ang itinagal ng dalawang bilog.
The silence was only broken when there were knocks on their door.
"Ka Baldo! Nandiyan na ba si Val?" bulyaw ng tinig ni Boy Baho.
Nagkatinginan muna sila bago pasuray na tumayo si Baldo.
"Magpunta ka muna sa tulugan, anak. Ako na ang bahala sa lokong ito!" anito habang patungo sa pintuan.
"Gusto ko siyang makalaban uli!" panghahamon ni Boy Baho.
"Tarantado ka pala, e! Kita mong kararating lang ng anak ko ngayon, hahamunin mo na agad. Kung ikaw ba, papayag kang lumaban nang kagagaling mo lang sa biyahe?" ganting-singhal ni Baldo.
"Hindi naman ngayon, Ka Baldo. Bukas!"
"Aba'y, liliwanagin mo!" Pa-singhal uli. "Pero hindi siya puwede bukas!"
"Bakit hindi puwede?"
"May pupuntahan kami. Ako na lang magpapasabi sa 'yo kung kelan ka niya lalabanan."
"Baka mainip ako, Ka Baldo. Baka hindi ko na kayo matantiya," pagbabanta ni Boy Baho.
"Ako ba ang hinahamon mo, Boy?"
"Hindi pa naman, Ka Baldo. Kaya lang, alam mo namang kursunada kong ikama 'yang anak-anakan mo. Kung gusto mo, ibibigay ko na lang ang perang inipon ko. Basta't ipatikim mo lang siya sa akin kahit na isang bes--aray!"
Naulinigan ni Val ang malakas na daing ni Boy Bustos. Nasapak siguro ang bastos na bunganga nito.
"Ba't naman kayo nanununtok agad?"
"'Yan ang bagay sa mga katulad mong malaswa ang tabas ng dila," angil ni Baldo.
"Umalis ka na sa harapan ko, bago kita magulpi!"
"May araw din kayong dalawa ni Val!"
"Ikaw ang matakot sa pagdating ng araw na 'yon, gago!"
Namumula sa galit ang matanda nang bumalik sa lamesa.
Nakaupo si Val sa higaan niya. Yakap niya ang mga tuhod na nakatiklop.
"Saan tayo pupunta bukas, Dad?"
"Hahanapin natin si Devlin Santana. Para malaman natin kung saan matatagpuan ang iyong tunay na ina."
Hindi na umimik si Val. Nahiga na siya. Iyon lang naman ang gusto niyang marinig.
"Magpapahinga na ako," wika niya bago pumikit.
"Sige. Bukas na uli tayo mag-usap."
Narinig niyang lumabas ito ngunit hindi na niya namalayan ang pagbabalik.
Tiyak na makikipag-inuman pa ito sa mga kaibigang nasa tabi-tabi lang.
KINUHA ni Devlin ang kumpletong plate number ng trak ni Lana Esguerra. O Val Guerra.
Nang matiyak na tama ang nakuha, saka siya bumuwelta pabalik sa mansiyon ni Mrs. Esguerra.
Tiyak na matutuwa ang ginang kapag nalaman ang sorpresang pagkikita nila ng nawawalang anak nito.
Hindi nga ito makapaniwala.
"T-tutoo ba ang sinasabi mo, iho?" The older woman asked in a faint voice. Parang ibig nitong mawalan ng malaytao.
"N-nakita mo ang aking anak? Ang aking si Lana?"
Tumango ang binata habang alerto niyang minamasdan ang pagbabagu-bago ng kulay ng mukha ng kaharap.
"Malaki ang pagkakahawig niya sa larawan natin--pero may malaki ring pagkakaiba."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong nito habang kinakapa ng isang kamay ang silya.
Maliksi niyang inalalayan sa pag-upo ang ginang.
"Parang hindi siya tunay na babae, madame," pagtatapat niya.
"I mean, hindi pambabae ang trabaho niya."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong uli ni Mrs. Esguerra. Nanlalaki ang mga mata nito.
"Isa siyang, er, truck driver."
"Truck driver!"
Tumango si Devlin. Parang ibig niyang mailang.
Siya man ay hindi makapaniwalang ganoon ang hanapbuhay na natutuhan ni Lana Esguerra.
Although it was better than being a street hooker.
But, what the heck was the difference?
Isang heredera ng mga milyones ang babaeng iyon. Hindi bagay dito ang magtrabaho ng kahit na ano, mabigat man o magaan.
Nabalisa si Mrs. Esguerra.
"Delikado 'yun, hindi ba? May kasama ba siya nung makita mo?"
Iyon ang isa pang ipinagngingitngit ni Devlin.
The girl had no common sense. Or maybe, she was too brave for her own good.
Pumapayag itong bumiyahe nang nag-iisa lang? Paano kung matambangan ito ng masasamang-loob pagdaan sa ilang na bahagi ng malalayong lugar na pinupuntahan?
He was not questioning--yet--the huge concern that he had for the sly girl who tricked him in escaping earlier.
Pero kung magtatanong siguro siya sa sarili, magugulat siya sa makikitang dahilan...
Presently, ang dapat niyang isipin ay ang mga susunod na gagawin.
"W-were you able to confront her?" asked Mrs. Esguerra, after a short while.
"Sinabi ko sa kanya na siya si Lana Esguerra. Na anak siya ni Laliana Esguerra," tugon niya.
"Ipinakita ko rin sa kanya ang picture," dugtong pa niya.
"A-ano'ng sabi niya? Ano'ng naging reaksiyon niya?"
This was the difficult part. Bumuntong-hininga muna si Devlin.
"Hindi siya naniwala."
The older woman looked crestfallen.
"N-nagagalit siya sa akin, hindi ba?" panghuhula nito. "Nasusuklam siya dahil itinapon ko siya noon," she continued in wobbly voice.
Umiling si Devlin.
"She didn't tell that exactly," bawi niya. "Hindi lang siya naniniwala. Nabigla kasi siya."
Ilang sandali pa ang ginugol ng ginang bago muling nakalma ang sarili nito.
"Sa palagay mo ba, nais niya akong makita?"
"Of course," ang maagap na tugon niya. "But she had to be accustomed with the idea first."
Pilit ang ngiti ng kausap. "Alam ko ang ibig mong sabihin, iho. Kailangan muna niyang masanay na hindi ang kinagisnang identidad ang tunay na pagkatao niya." Itinuro nito ang katapat na silya.
"Maupo ka, Devlin. Pasensiya ka na. I forgot my manners completely."
He inclined his dark head respectfully. Habang tumatagal, nakakagaanan na niya ng loob ang ginang.
Maalalahanin ito at palaging magiliw sa pakikiharap sa kanya.
Wala namang ibang kulay ang pagtingin ni Mrs. Esguerra sa kanya.
In fact, ngayon lang naging kumportable si Devlin dahil hindi nang-aakit o nanunukso ang matronang may hitsura pa naman kahit na may edad na.