Chapter 1
Norie Point of View
Maaga akong gumising para makipag-kita sa tagpuan namin, sa parke. Kung saan na buo ang pag-mamahalan namin, lugar kung saan naging saksi sa away, tampuhan at lambingan namin dalawa.
Malakas ang simoy ng hangin para liparin ang buhok ko, alas sais palang ng umaga. Kailangan n'yang malaman 'to sa mas madaling panahon, hindi ko na rin alam ang gagawin ko pag hindi n'ya pa 'to nalaman.
"Ang tagal naman n'ya" sabi ko at tinignan ang cellphone ko.
Humawak ako sa tyan ko, ilang araw na ako hindi maka-tulog sa nalaman ko. Hindi na rin ako makapag-isip ng maayo sa tuwing sumasagi sa isip ko ang isang bagay na hindi ko aakalain na mangyayari. Napa-kagat ako muli sa labi ko at tinignan ang mga kapwa ko studyante na nag lalakad.
Mukha silang walang problema, masayang nag tatawanan kasama ang mga kaibigan nila at ang iba naman ay nag-uusap sa kani-kanilang pupuntahan pag-tapos ng klase.
"Norie!" agad akong tumayo ng makita ko s'ya, pa-takbo s'yang lumapit sa'kin at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.
"Anong problema? Malapit ka nang ma-late, bakit 'di ka pa rin pumapasok?" sunod-sunod n'yang tanong bago humiwalay sakin. "Ano ba ang problema?"
Napa-kagat ako ng labi ko. 'to ang isa sa nagustuhan ko sa kanya.
Alam n'ya ang ugali at nararamdaman ko sa isang tingin palang, ngumiti ako sa kanya ng mapakla.
"D-don," nag umpisa nang mag tuluan ang mga luha ko. Paano ko ba 'to uumpisahan sa kanya?
"Ano?" tumingin ako sa mga mata n'ya, papanindigan naman n'ya ako ang sabi n'ya sa'kin dati. Pangako n'ya rin ay hindi n'ya ako iiwan kahit anong mangyari. Malalim akong bumuntong hininga bago diretso na tumingin sa mga mata n'ya.
"Buntis ako, Don." Kinakabahan kong sabi sa kanya.
Bumitaw s'ya ng pag-kakawak sa kamay ko at natulala pag tapos ko sabihin. Kahit ako naman nang malaman ko 'yo, wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak sa harap ni Marriane.
"Paano nangyari 'yon?" seryoso n'yang tanong bago hinawakan ako sa balikat, napa-yuko ako..
Hindi ko rin alam, pero isa lang ang sigurado ako na s'ya ang ama nang dinadala ko. S'ya ang ama ng batang nasa tyan ko, s'ya lang ang nakakuha ng lahat-lahat sa'kin.
"Hindi ko alam." Umiling ako sa kanya bago hinawakan ang kamay n'ya. "Paano ko 'to sasabihin kela mama at papa?"
Si papa, siguradong papalisin n'ya ako pag nalaman n'ya na buntis ako. Lagi n'yang sinasabi sa'min mag kakapatid na pag nag kamali kami ay wala na kaming karapatan sa bahay at sa pamilya namin.
Si mama, siguradong iiyak s'ya ng dahil sa'kin. Ayaw ko umiyak si mama, pero paano ako? Paano ang anak ko, kailangan nilang malaman pero natatakot ako sa magiging reaksyon nila mas lalo na kay papa.
"A-ako ba talaga ang ama n'yan?" kinakabahan na sabi n'ya.
Nangingig na rin ang mga kamay n'ya, alam ko na iniisip na n'ya ang pwedeng mangyari sa'min dalawa.
"Ano ba naman tanong 'yan? Ikaw ang naka-una sakin, Don! Ikaw lang ang binigyan ko ng buong pagka-tao ko!" pabulong kong sigaw.
Tumingin ako sa paligid, pinag-titinginan na rin kami ng ilang napapa-daan dito sa parke. Napa-tingin ako sa hindi kalayuan, nandon si Marianne na nag hihintay sa'kin.
"Hindi ko alam, Norie. Paano na 'yan ngayon?" naupo s'ya sa swing at hinawakan ang noo n'ya.
Hindi ko rin alam, kung ipalaglag ko nalang 'tong bata na 'to para wala ng problema? Hindi, ayaw ko. Anak ko 'to, sa'kin 'to kailangan kong alagaan at kahit anong mangyari hindi ko gagawin 'yon.
"Harapin natin sila mama, don. Please." Hindi ko na alam ang gagawin ko. Si ate, lagi n'yang sinasabi sa'kin na pag naka-graduate s'ya ay aalisin na n'ya kami sa bahay at ako ang inaasahan n'ya na tutulong sa kanya pero hindi ko na alam ngayon.
"Hindi ko kaya, Norie." Sabi n'ya bago ako tinalikuran. "Mag-iisip muna ako, wag na muna tayo mag usap." Bago s'ya tuluyan na tumakbo papalayo sa'kin.
Napa-upo nalang ako sa mga damo, sabi n'ya kahit anong mangyari ay sasamahan n'ya ako. Sabi n'ya ako lang ang gusto n'ya makasama, pero bat ngayon tumalikod s'ya at tinakbuhan ako.
Napa-hawak ako sa tyan ko, paano na ako ngayon? Paano ko sasabihin sa kanila na buntis ako?
"Tumayo ka na d'yang, Ching" tumingin ako sa taong nag salita.
Agad kong niyakap si Marriane, s'ya lang ngayon ang naging sandalan ko. S'ya lang ang nakaka-alam nang problema ko, sila mama? Huhusgahan lang nila ako, papalayasin at kung ano-anong sasbaihin.
"Paano na 'to?" umiiyak kong sabi sa kanya. Niyakap n'ya lang ako bago pina-upo ako nang maayos sa isang bench sa gilid ng park kung saan 'di masyadong kita.
"Hindi ko alam, pero kung iiwan ka n'ya. Magulang mo nalang ang makaka-tulong sa'yo, Ching" umiling ako.
Hindi, papatayin ako ni papa pag nalaman n'ya na buntis ako. Ang masakit ay baka piliin n'ya pa na ipalaglag n'ya ang anak ko at palayasin ako sa bahay. Wala akong ibang mapupuntahan, wala akong malalapitan kung mangyari man 'yon.
"Alam mo ugali ni papa, hindi ako makaka-labas ng bahay ng hindi n'ya nabubugbog pag nalaman n'ya 'to." Natahimik naman s'ya.
Napa-hilamos nalang ako ng mukha ko, hindi pa rin matigil ang pag-iyak ko sa tuwing naalala ko 'yon. Laging pinapa-mukha sa'min ni papa na wala kaming mararating mag kakapatid, gusto kong patunayan na mali s'ya pero sa nangyari ngayon. Sa tingin ko tama si papa, wala na talaga akong mararating.
"e' kung sa mga tita at tito mo?" si tito amay. Pag malaman ni tito amay na buntis ako, sigurado na maapektuhan ang allowance na binibigay n'ya kay ate.
Ayaw ko maapektohan si ate, alam ko ang hirap na ginagawa n'ya makapasok lang sa school. Kung paano n'ya iyakan si papa mabigyan lang ng pang tuition at pamsahe sa araw-araw. Ayaw ko.
"Hindi ko alam, tabs." Sagot ko kay Marianne.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, alam ko na maapektuhan silang lahat. Mas lalo na si ate, sigurado ako na s'ya ang susunod na ido-down ni papa pag nalaman n'ya na buntis ako.
Ayaw ko, ayaw ko rin maapektuhan sila pero kahit anong gawin ko. Sigurado ako na magiging apketado silang lahat.
Si ate, si mama at mga kapatid ko. Sorry.