Chapter 3
Bawat dumadaan na araw, walang gabi na maayos ang tulog ko. Pilit ko rin iniipit ang tyan ko para hindi mahalata nila ate at mas lalo na si papa, nililimitan ko ang pag labas ko sa bahay. Dahil ang mga chismosa, hindi pa alam sa bahay ay alam na agad nila.
Alam ko na hindi ko rin sila matatakasan, mga mapanirang mga tao na walang ginawa kundi ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao. Mas lalo na si Wena, ang dakilang founder ng mga 'titig bahay gang', bawat tao nalang ata na dumadaan sa street namin ay walang nakaka-ligtas sa panlalait n'ya.
"Kumain na kayo!" sigaw ni ate galing sa kusina. Wala akong balak na sumabay sa kanila, wala akong gana kumain sa kalagayan ko ngayon.
Sa ilang araw na lumipas, wala akong na tanggap na balita mula kay Don. Wala na rin akong na tanggap na kahit isang text o chat sa kanya. Mukhang iniwan na n'ya kami ng anak n'ya, 'yong anak ko mukhang hindi makakalasap ng maayos na pamilya at mag karoon ng isang ama.
Humawak ako sa tyan ko at tumapat sa salamin. Tumaba ang pisngi ko, mugto ang mata at namumutlang mukha, sinabayan pa ng magulo kong buhok at medyo umbok kong tyan.
Halatang na papabayaan ko na ang sarili ko nitong mga nakaraang mga araw.
"Ano, titingin ka nalang ba sa salamin at di na kakain?" mataray na tanong ni ate bago pumasok sa kwarto. "Tandaan mo, hindi nalang ikaw ang kailangan nang lakas ngayon."
Agad akong napa-tingin kay ate, masama ang tingin n'ya sa'kin at maya-maya'y unti-unting lumambot.
"Ate" tanging na sabi. Siguradong alam na n'ya rin 'yon, lagi silang mag kasama at nag uusap ni mama. Minsan ay nakikita ko rin si mama sa salas na umiiyak pag wala si mama.
Sa tuwing nakikita ko na umiiyak si mama nang dahil parang nadudurpg ang puso ko. Ang sakit na makita ang sarili mong ina na umiiyak at namro-mroblema sa kagagawa na sarili kong ginawa. Kahit kalian talaga, wala akong ginawang tama sa lahat ng bagay.
"Ano ba ang ginawa mo sa sarili mo, ching? Alam mo naman na ikaw-, tayong dalawa ang inaasahan ni mama na makakapag-tapos at makakapag-alis sa kanya dito sa bahay. Alam mob a kung gaanong disappointment ang binigay m okay mama ngayon?" sermon ni ate.
Naka-yuko lang ako, hindi ko magawang sumagot dahil tama s'ya. Isa nga akong malaking disappointment sa kanila ni mama, wala kong ginawang tama kundi puro's sakit nalang sa ulo sa lahat.
"Ngayon, anong gagawin natin? Pag malaman 'to ni papa?" hindi ko nanaman mapigilan ang luha ko, umiling ako kay ate at tinignan ang sarili ko sa salamin. Nag-uumpisa nanaman mamula ang mga mata ko.
"Hindi ko alam, ate." Hindi ko na talaga. Hindi ko alam kung paano, at saan pa 'to patungo ang buhay ko.
"Basta, wag ka nalang muna lumabas ng bahay. Alam mo naman 'yang mga kapit bahay natin, dinaig pa ang cctv sa loob ng bahay." Natawa nalang ako sa sinabi ni ate at pinunasan ko ang mga mata ko.
Hindi ko maitatangi na madalas kami mag away, minsan nga ay halos mag patayan pa kaming dalawa. Ngayon, na realize ko wala palang ibang tutulong sa'yo sa bandang huli kundi ang kapatid mo.
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa hapag, sabay kaming tatlong mag kakapatid na kumain. Madalas na nag papahuli si papa, naalala ko nanaman tuloy ng madaling araw sa sinabi ni mama.
"Na saan 'yang magaling mong anak?!" nagulat kaming lahat, agad akong napa-tayo sa kinauupuan ko at nanginig ang buong katawan ko.
"Ano ba! Bat ka ba sumisigaw?!" rinig kong galit na sabi ni mama sa salas. Agad akong lumapit kay ate at pumunta sa likod n'ya nang marinig ang boses, ang isa ko naming kapatid ay lumapit kay mama.
Nakita ko si papa, galit na pumunta dito sa kusina. Masama ang tingin sa'kin, agad akong sumiksik sa likod ni ate at ginagawa s'yang pang depensa.
"Lumapit ka sa'kin, ipakita mo sakin 'yang ginawa mo." Umiling ako at nag umpisa nang tumulo ang mga luha, ayaw ko.
Kilala ko si papa, nanakit s'ya sa'min. wala s'yang patawad sa'ming mag kakapatid, sigurado akong sasaktan n'ya lang ako.
"Rics, isarado mo ang pinto!" agad naman sinunod ng bunso naming kapatid ang sinabi ni mama.
"Pa, sorry pa." sabi ko. Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot.
Takot sa anong pwedeng gawin sa'kin ni papa.
"Kulot, ano ba!" pilit na pigil sa kanya ni mama na makalapit sa'kin.
Isang malakas na hila ang kumuha sa'kin sa likod ni ate, kasabay ng isang malakas at malutong na sampal na galing kay papa.
"P-papa!" sigaw ko nang tuluyan nang namhid ang pisngi ko.
"Lumayas ka sa pamamahay na 'to! Hindi namin kailangan ng disgrasyadang babae dito, lumayas ka at baka hindi lang sampal ang aabutin mo!" sigaw ni papa.
"P-pa, wala akong ibang mapupuntahan. Ma?" pero wala akong na sagot na narinig kay mama.
Umiiyak nanaman si mama, napa-yuko nalang ako at kinuha ang bag na hinanda ko nang nakaraan sa pag-alis ko. Binunot ko ang charger at powerbank ko sa saksakan. Palabas na sana ko nang pumasok ulit si Ate.
Hindi s'ya umiiyak. Walang luha ang takot sa mga mata n'ya pero punong-puno nang awa ang mga 'yon.
Kinuha n'ya ang bag n'ya at kinuha n'ya ang wallet n'ya, inabot n'ya sa'kin ang isang libo na natitira sa allowance n'ya.
"Pumunta ka kela tita. I-chat ko sa'yo ang daan papunta sa kanila." Sabi n'ya lang at nag lakad papunta sa pinto. "wag mo kaming alalahanin dito. Sarili't anak mo ang isipin mo. Mag papadala ako sa'yo sa tuwing makakuha ako ng allowance kay tito amay. Mag tipid ka." Sabi n'ya bago tuluyan na lumabas ng kwarto.
Napa-yuko nalang ako, pinunasan ko ang mata ko na puno ng luha at hinawakan ang tyan ko.
Kasalanan ko rin naman 'to, kasalanan ko kung bat naging ganito ang buhay ko.
Malalim na buntong hininga ang pinaka-walan ko, bago tuluyan na lumabas ng kwarto. Nakita ko sila sa sala, si mama na umiiyak sa sofa at katabi si papa na galit nag alit.
"Ayan! Tignan mo ang nangyari sa anak mo, palagi mong kinunsinti lahat ng mga kagustuhan! Tignan mo 'yang malandi na 'yan. Ikaw, bone. Wag ka na mag-aral, sigurado naman na sa kangkungan lang rin ang bagsak mo!" rinig kong sabi ni papa.
Naka-tingin lang sa kanya si ate. Walang reaksyon at imik, tinignan n'ya ako bago tumango. Lumapit ako sa kanila dala ang mga gamit na kailangan ko.
"Umalis ka na sa pamamahay na 'to bago kung ano pa ang magawa ko sa'yo." Yumuko ako at pumunta sa pintuan pero bago ko 'yon buksan. Humarap ulit ako kay mama.
"Sorry ma."