Chapter 5
Nagising ako sa ingay ng paligid mula sa sigawan ng mga tao mula sa ilalim nitong kwarto at busina nang sasakyan. Nilibot ko ang mata ko sa buong paligid, malinis ang kwarto kung na saan ako. Kulay pink at maayos na maayos ang pagkakalagay ang mga gamit.
Bumangon ako sa pag kakahiga ko at napahawak sa tyan ko.
"Nasaan ako?" bulong ko ng isang matanda ang pumasok mula sa kwarto ko.
Teka, s'ya 'yong matanda kagaabi!
"Gising ka na pala ija." Nakangiti n'yang sabi.
"Ano pong nangyari?" ang natatandaan ko lang ay biglang dumilim ang palagid ko sa sobrang pagod at init na sinabayan pa nang pag papabasa ko sa ulan.
"Nawalan ka nang malay. Wag mo na ulit uulitin 'yon, baka kung anong mangyari sa anak mo." Doon ko lang na pansin ang hawak n'ya.
Mga damit ko. Bat hawak n'ya yon?
"Nabasa 'to kagabi kaya nilabhan ko kaagad. Nandyan ang pera't cellphone mo, sigurado na nag-aalala na ang mga magulang mo sa'yo" napatingin ako sa tinuro n'ya.
Nandon nga ang cellphone at ang pera ko, napatingin ako sa matanda. Nakangiti lang s'ya sa'kin at titig na titig.
"Alam mo ba'y katulad na katulad mo ang anak ko" hinawakan n'ya ako sa kamay.
"Gusto mo bang mag trabaho sa'kin?"
"Po?" anong klaseng trabaho?
Baka mamaya ay mabait lang s'ya dahil kailangan n'ya rin nang lamang loob ko.
Paano kung gawin n'ya akong prostitute sa isang bar kahit buntis na ako?
"Wag ka mag-alala, kahera ang ibibigay kong trabaho sa baba. Mukhang wala ka nang mapupuntahan, aksidente kong na sagot ang tawag ng ate mo." Si ate.
Oo nga pala! Kailangan ko silang tawagan, baka nag aalala na sila mama at ate pero bat ganito.
Kinuha ko ang cellphone ko, binasa ko ang mga chat at messages ni ate. Napabuntong hininga nalang ako bago binaba at pinatay ang cellphone ko. Lagi nalang ako umaasa sa pamilya ko, mas lalo na kay mama.
Ngayon. Ngayon na mag kakaroon na rin ako ng sarili kong anak, gusto ko ako naman ang tataguyod. Kahit wala ang tulong ng ama n'ya.
"Ano pong pangalan n'yo?" tanong ko sa matanda.
"Luzviminda. Tawagin mo nalang akong nanay Minda, 'yan kasi ang tawag sa'kin dito sa lugar namin." Tumango-tango ako.
Kailangan ko mag trabaho. Kailangan ko mag ipon bago lumaki ang tyan ko at mahirap gumalaw, wala nang ibang tutulong sa'kin kundi ang sarili ko lang. wala nang iba.
"Bakit n'yo po ako tinutulungan?" tanong ko.
Hindi naman tutulong ang isang tao kung walang kailangan at kapalit, kailangan ko malaman lahat bago pa man ako umasa.
"Naalala ko ang anak ko sa'yo iha." Hinitawan n'ya sa pag kakahawak ang kamay ko at binuksan ang isang drawer bago nilabas ang isang picture frame.
"Ano po ba nangyari?" tanong ko.
Pinakita n'ya sakin ang larawan mula sa frame. Isang babae na nakangiti, halatang may kaya ito sa buhay dahil sa dami ng alahas sa katawan pati na rin ang paligid n'ya na isang malaking bahay.
"Bente palang s'ya no'n, nang malaman namin na nag dadalang tao s'ya. Katulad mo, pero mas bat aka pa sa kanya.
Nang malaman ng asawa ko 'yon ay pinalayas n'ya ang anak ko, wala akong magawa kundi ang tumingin nalang sa kanya habang paalis nang bahay namin. Si Apple, ang nag iisa naming anak." Nag umpisa na umiba ang timpla nang boses ni nanay.
Naka-tingin lang ako sa kanya, nanginginig ang boses n'ya at ang mga luha n'ya na pinipigilan lumabas sa mga mata n'ya.
"'yong anak namin na 'yon, hindi s'ya sanay sa hirap at mas lalo nang di s'ya sanay na wala sa tavi ko. Hinayaan ko lang s'ya, 'yon ang malaki kong pagsisi sa buong buhay ko."
"Tara na po" tumayo ako sa pagkaka-upo ko at inalalayan si nanay na tumayo.
Alam ko na malapit na s'yang umiyak, ayaw ko na makita 'yon. Ilan na ang umiyak sa harap ko ayaw ko na dagdagan silang nasa isip ko.
Kinuha ni Nana yang kamay ko bago ngumiti sa'kin. Pinunasan n'ya ang mata n'ya at tumango sa;kin bago na una nang lumabas nang kwarto.
Npa-buntong hininga nalang ako at kinuha ang cellphone ko, lumabas ako nang kwarto at bumungad sa'kin ang isang malawak na salas. Akala ko'y malawak na ang nasa kwarto pero mas malawak pa pala ang dito.
"gising ka na pala ate!" sigaw nang isang batang babe na bagong akyat. May hawak s'yang mga sponge at naka-ngiti na lumapit sa'kin.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti n'ya para mas lalo kong makita ang ngipin n'yang nabubulok sa unahan at ang mga bungibungi n'yang ngipin.
"Sam po! Tara na ate, hinihintay ka nap o ni Nanay" excited n'yang sabi bago n'ya ako hinawakan sa kamay.
"teka!" pigil ko sa kanya. Lumuhod ako para pumantay sa kanya at hinawakan ang dulo nang buhok n'ya.
"Anong klaseng tao si Nanay Minda?" tanong ko sa kanya. Sabi n'ya ay iisa lang ang anak n'ya pero sino 'tong bata na 'to?
Wala pa rin akong tiwala.
Magaan ang loob ko sakanya pero wala pa rin akong tiwala sa mga tao na nasa paligid ko, baka mamaya ay ikapahamak ko pa ang pag stay ko dito.
"Mabaet po si Nanay, Ate. Inampon n'ya po ako at kinuha sa kalsada, kami lang po ang nandito sa bahay kaya po kagabi nang makita po kita na pinasok sa kwarto ay tuwang-tuwa po ako." Walang paligoy-ligoy n'yang sabi.
"Inampon ka n'ya?" tumango naman s'ya.
"Opo, palaboy lang po ako doon sa Quiapo. Nasa kamay din po ako dati ng mga masasamang tao, buti na nga lang po ay na itakas n'ya po ako. Ngayon po, tumutulong lang po ako sa karenderya sa tuwing walang pasok." Tinaas n'ya ang sponge na hawak n'ya. "Inutusan po ako bumili nang sponge sa tindahan dahil hindi daw po nakabili."
Tumango ako, bago humawak sa kamay n'ya.
Tama nang malaman ko sa isang tao na makakasama ko rito sa bahay na mabait si Nanay Minda pero sa tingin ko ay mabait naman talaga s'ya.
Ay, ewan! Ang gulo!