Chereads / THE TEENAGE MOM / Chapter 5 - CHAPTER 4

Chapter 5 - CHAPTER 4

Bitbit ang isang malaking bag at isang sombrero, ay pumara ako ng isang tricycle na papadaan pero ni isa walang nag pasakay. Buhay nga naman, ba't ba ang sama sa akin ng lahat ng bagay?

Napabuntong hininga nalang ako at nag umpisa na mag lakad, maaga pa naman.

Hindi naman ako mauubusan ng  masasakyan na bus sa PITX kung sakaliman na tanghaliin ako nang dating.

Habang nag lalakad ay nakayuko lang ako, wala naman na akong maihaharap sa ibang tao. Tama si papa, isa akong disgrasyada kung nakinig lang sana ako kay mama ay siguro wala akong katinding problema.

Muli akong napabuntong hininga, ano bang ginawa ko sa sarili ko?

Ilang minuto na paglalakad ay napunta na ako sa sakayan ng jeep, tinignan ko ang text ni Ate kailangan ay sumakay ako ng jeep papuntang pasay at sumakay ulit ng bus papuntang PITX.

Buong byahe wala akong inaalala, paano na ang buhay ko? Paano na ang pangarap ko pati na rin ang magiging buhay nang anak ko? Sigurado naman ako na hindi pangjabang buhay ay nasa puder ako ni

Tita, hindi pwede na lahat ng pangangailangan ko ay sa kanya ko lang iaasa.

Bat ba kasi ngayon ko lang 'to na isip?

Hindi lang si mama ang na saktan ko pati na rin ang mga tao na umaasa sa'kin, matalino naman a ko bat ako biglang naging bobo nang ganito?

"Ikaw bata! Di mo ako madadala sa pagiging tulala mo d'yan! Mag bayad ka!"hinugot ko s bulsa ang na titira kong barya. Hangga't sa maari ay ayaw ko gamitin ang binigay ni ate kung meron pa naman ako.

"Pasensya na po" hinging pa-umanhin ko.

"Tignan n'yo nga ang traffic! Mamayang alas-singko pa tayo makakaratin sa pasay,  sabay hindi pa kayo mag babayad.

Aba'y maawa naman kayo samin mga driver!" bunganga ng driver sa harap.

Naipa-irap nalang ako, nag bayad na ako lahat-lahat hindi pa rin s'ya tumigil sa pag ngalngal nakakapikon. Baka sa kanya ko pa mabaling ang iniisip ko ngayon at masagot ko pa.

Nilagay ko nalang ang earphone ko sa tenga, mainit na din at sinabayan pa nang init ng ulo ko. Baka mas lalong wala akong magandang magawa ngayong araw.

Muli akong na pahawak sa tyan ko, paano ko nga ba bubuhayin ang anak ko nang mag-isa na walang tulong kahit kanino? Ngayon pa nga lang ay umaasa pa rin ako sa tulong nang mga magulang ko.

Ilang oras din ang lumipas bago kami  nakarating sa pasay, nakaramdam na rin ako nang gutom at hilo dahil sa init nang panahon kanina habang nasa paranaque.

Samantala, dito sa pasay ay malakas na ang hangin at may malalaking butil nang ambon ang bumabagsak.

Tumakbo nalang ako papunta sa pwedeng masilungan at tatawid papunta sa ministop. Kailangan ko mag tipid, mas lalo na ngayon.

Bumili ako nang  makakain na makakapatay ng gutom ko, medyo marami na rin ang mga tao sa loob.

Malakas ang ulan at ang iba ay mas pinili na dito sa loob sumilong, ang mga studyante naman nang arellano ay nag haharutan na sa daan kasama ang mga kaibigan.

Nakakainggit sila, mga walang problema at hindi kailangan takas an ang mundo na meron sila. Hindi katulad ko, hindi katulad ko na maagang nag kamali at ngayon walang ginawa kundi sisihin ang sarili kahit alam ko na walang magagawa ang pagsisi ko na 'yon.

Nandito na 'to, wala na akong magagawa kundi ang umisip nalang nang paraan para maayos 'to.

"I love you" napatingin ako sa dalawang studyante, magka-holding hands at naka-ngiti sa isa't-isa.

I love you? Lecheng I love you na 'yan.

Dahil sa pag mamahal na 'yan, akala ko tunay 'yon pala peke parang mga classmate ko. Nasaan na ngayon 'yon pangako n'ya na hindi ako iiwan? 'yong pangako n'ya na sabay namin kakaharapin ang problema?

Wala. Wala s'ya ngayon. Wala s'ya sa tabi ko kung kailangan sobrang kailangan ko s'ya- namin nang anak n'ya.. tinalikuran n'ya lang ako at di na ulit nag paramdam.

Napailing nalang ako. 'yong nararamdaman ko ngayon parang gusto na rin lumabas dahil sa sobrang lungkot nang ulan na pumapatak, ang lungkot.

Dahil ang taong pinangrap ko makasama habang buhay ay mas pinili na talikuran kami. Kami ng anak n'ya.

Matapos kong kumain ay agad na akong tumayo, binalot ko ang cellphone ko sa mga gamit ko na nasaloob nang plastic na nasa loob.

Sasabayan ko muna ang ulan. Gusto ko s'yang sabayan, dahil kung di ko pa nilabas ang luha na naiipon sa mata at sakit sa puso ko ay baka mabaliw na ako.

Baka tuluyan na akong masiraan nang bait dahil nangyayari.

Nakayuko lang ako akong naglalakad, wala akong pake kung pinagtitinginan ako ng lahat sa daan, wala na akong pake.

Habang nag lalakad ay hawak ko lang ang tyan ko, kung na saan ang anak ko.

Ang anak KO. Na mag-isa kong bubuhayin kahit mahirap, alam ko naman na may awa pa sakin ang kapalaran.

"Tulungan ko na po kayo!" sigaw ko sa isang matanda na natapon ang mga pinapamili n'yang mga prutas.

Bat nandito pa s'ya, kung kelan pagabi na at malakas pa ang ulan? Dinampot ko isa-isa ang mga prutas na nag kalat, basa na rin naman ako at wala na 'yon sa'kin.

Marami rin bitbit ang matanda at walang ni isang kasama.

"Ito nap o." inabot ko ang mga mansanas sa kanya. Umiiyak lang s'ya parang may problema din na kinakaharap.

"Ano pong problema?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang s'ya bago ngumiti sa'kin. At kinuha ang mga mansanas na nasa kamay ko.

"Naalala ko lang ang anak ko sa'yo.

Katulad na katulad mo s'ya pero naging takot ako para ipaglaban s'ya sa ama n'ya." Napa-taas naman ang kilay ko.

Akmang tatayo na sana ako para mag patuloy mag lakad. Siguro, katulad ko naging malaki rin ang naging kasalanan nang anak n'ya para magalit ang asawa n'ya. Sino ba naman magulang ang basta nalang magagalit kung wala naman ginagawa?

"Ganon po ba? Ako po, ayos lang sa'kin 'yon. Kasalanan ko naman" pilit kong ngiti bago akmang mag lalakad na nang  unti-unting dumilim ang paligid ko.

Kasabay nang hilo at pagodngayong araw.

Mama, tulong.