Chapter 2
Tinignan ko ang mga katabi ko na mahibing nang natutulog sa kanya-kanya naming pwesto.
Alas-tres na nang madaling araw, hindi ako makatulog nang maayos sa problema na kinakaharap ko. Sa tuwing iniisip ko na sasabihin ko kay mama ang kundisyon ko ngayon, hindi ko maiwasan ang ma disappoint din sa sarili ko.
Bumangon ako sa higaan ko at pumunta sa kusina para kumuha nang tubig. Nagugutom na rin ako at may gusto akong kainin na 'di ko maintindihan.
Buntis ako at si Don ay hindi na ulit nag paramdam sa'kin, tinatawagan ko s'ya ng tinatawagan pero hindi n'ya ako sinagot. Sa tuwing nag chachat naman ako sa kanya ay 'di manlang ma-seen ang mga message ko,
"Bat gising ka pa?" muntik ko ng mabitawan ang hawak kong baso ng makita ko si mama na pababa mula sa second floor.
"Na-uhaw lang ako, ma" maigsi kong sabi bago aalis na nang kusina. Hindi ko kaya makita si mama, sa tuwing nakikita ko s'ya, pakiramdam ko ay wala akong kwentang anak. Totoo nga siguro ang bansag nila sa'kin dito sa bahay. Isang black sheep.
Black sheep ng pamilya na walang ginawa kundi ang sakit ng ulo.
"Aminin mo nga sa'kin, buntis ka ba?" napa-tingin ako kay mama. Paano n'ya nalaman?
"M-ma" tawag ko sa kanya, ramdam ko na ang matinding takot at kaba.
Paano n'ya nalaman?
Napa-hawak ako sa tyan ko. Bago dahan-dahan na lumapit kay mama at agad s'yang niyakap, nag umpisa na rin tumulo ang luha ko na palagi kong pinigilan para hindi sila maka-halata.
"Ma, sorry. Sorry, mama." Tangin lumabas ko sa bibig ko habang yakap ko si mama.
Isa akong malaking disappointment sa kanya, alam ko na isa ako sa inaasahan n'ya katulad ni ate pero ngayon. Wala na.
"Buntis ka?" tumango ako bago humikbi. Hinihintay ko na itulak n'ya ako at sampalin pero niyakap n'ya lang ako.
Naramdaman ko ang unti-unting pag-lalim ng pag hinga n'ya. Umiiyak si mama.
Agad akong bumitaw sa yakap at hinawakan ko ang tyan ko.
"Buntis ako, ma." Tanging na sabi ko at tuluyan nang mapa-upo si mama.
"Bakit? Ching, anong ginawa mo sa buhay mo?" wala akong masabi, tameme ako sa bawat tanong ni mama. Bat ko ba nagawa 'to, bat ako nag pabuntis.
"Desi-sais ka palang, ching. Anong ibubuhay mo sa anak mo? Alam mo na walang itutulong ang ama mo pag nalaman n'yan 'yan." Niyakap ko ulit si mama.
"P-paano mo nalaman ma?" kinakabahan kong tanong. Alam na ba ni Ate?
"Anak kita. Galing ka sa'kin, simula ng lumabas ka sa'kin, ako na ang kasama mo.
Kilalang-kilala kita, sa kilos, pananalita, at pag-iisip mo. Ina ako, ina mo 'ko, kaya kahit di mo sabihin alam kong may problema ka." Mahabang sabi ni mama.
"Ma, sorry ma. Nasira ko ang mga pangarap mo sakin, pangarap n'yo ni ate para sakin." Umiiyak kong sabi bago ako mahigpit na yumakap kay mama.
Akala ko, akala ko hindi n'ya ako napapansin dahil puro si ate nalang ang pinag-tutuunan n'ya ng pansin at ako? Palagi nalang ako pinapagalitan, sinisigaw at laging pinapangaralan pero mali ako. Lahat kami, di ko lang nakikita pero tahimik n'yang inoobserbahan.
"Masakit sa'kin nangyari sayo, Ching. Pakiramdam ko wala akong kwentang ina, pakiramdam ko naging kulang pa ako sa pangangaral sa inyo." Ma.
"Ma, natatakot ako. Baka patayin ako ni papa pag malaman n'ya na buntis ako." Laging sinasabi sa'min ni papa.
Na isang pagkaka-mali, aalis na kami sa bahay at walang makukuhang tulong sa kanya. Nag ka-mali ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Talagang papatayin ka ng ama mo, 'yong ate at mga kapatid mo sobrang maapektuhan sa ginawa mo. Ching, bat di ka nag-iisip at nakikinig sa'kin? Anong ginawa mo sa sarili mo?"
Hindi ko rin alam ma, hindi ko alam na aabot ako sa point na 'to. Nag iingat naman kami, pero bat may lumusot. Bat naging ganito? Bat parang iniwan n'ya ako sa ere.
"Umalis ka na dito sa bahay." Sabi ni mama bago humiwalay sakin.
"M-ma" mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, sa sinabi ni mama. Ibig sabihin ay hahayaan n'ya na rin ako?
"Umalis ka na dito bago malaman ng ama mo ang kalagayan mo. Kakausapin ko ang tita Inday mo, doon ka muna sa kanya. Pag nalaman nang papa mo na nandito ka pa, hindi ka makakalabas ng walang latay." Sabi ni mama bago tumayo.
Sumunod lang ako kay mama at patuloy na pinupunasan ang luha ko.
"Ma, paano ang pangarap ko?" 'yong mga pangarap ko at pangarap nila sa'kin. Paano na ako?
"Sana naisip mo 'yan bago mo gawin ang kalokohan mo, ching. Wala akong pwedeng maitulong sa'yo kundi ilayo ka lang at itakas ka sa papa mo, pero pag dating sa pera wala.
Napa-yuko nalang ako, bat ako lang kumakaharap ng problema ko? Bat pakiramdam ko, sobrang-sobra na ako sa pamilya ko.
"Ipapa-laglag ko nalang 'to ma. Ayaw ko nito." Hindi ko nag iisip na sabi.
Kung ito lang ang nag iisang paraan para mawala ang problema na 'to, kung ang pagka-wala lang ng bata sa tyan ko ang lulutas ng lahat ay gagawin ko.
"Gago ka ba? Ching, ina ka na! hindi pa man lumalabas 'yan sa'yo may responsibilidad ka na! kung 'yan ang sulosyon mo sa problema mo ngayon, hindi ako papayag. 'yan ang wag na wag mong gagawin, kasalanan 'yan hindi lang sa batas ng tao kundi pati na rin sa mata nang diyos!"
Wala akong magawa kundi ang yumuko.
Natatakot ako, natatakot sa pwedeng mangyari, alam ko na ang susunod nito. Mag aaway sila mama at papa ng dahil sa'kin, dahil sa kapabayaan ko pati na rin sila ate.
Kung wala pang nag kaka-mali sa'min ay sobra na kaming ibaba ni papa, paano pa kaya ngayon? Baka hindi na patuluyin si ate sa kolehiyo, pag nangyari 'yon pati ate magagalit sa'kin.
Ang laki kong disappointment, sobrang laki.
"Anong gagawin ko ma?" tanong ko kay mama na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
"Mag-impake ka, pupunta ka sa tita mo. Kakausapin ko s'ya, hahanap ako ng pera tsaka saka ka pumunta sa Mindanao. Wala akong pangpa-aral sa'yo kaya kung gusto mo mag-aral mag hanap ka nang paraan para sa sarili at anak mo." Mahabang sabi ni mama.
Naupo ako sa tabi ni mama, niyakap ko s'ya at umiyak sa kanya.
"Ma, sorry." Sorry, mama.
Kung 'yon ang sa tumingin mong ikabu-buti gagawin ko. Umiyak lang ako kay mama, sabay kaming umiyak. Umiiyak si mama ng dahil sa'kin at ako umiiyak dahil sa sobrang disappointment ko sa sarili ko, pati na rin sa pag-iyak ni mama.
Sa tingin ko, wala talaga akong kwentang anak.