Chereads / La Maestra / Chapter 2 - Kabanata 2

Chapter 2 - Kabanata 2

Apat kaming teachers sa Polystone. Sa Nursery ako naka-assigned. Si Aica ay sa Kinder 2. Ang dalawa naming assistants ay sina Teacher Jessie at Teacher Yumi. Ako na rin ang tumatayong administrator ng sariling eskwelahan. Ang mundo ko ay umiikot lamang sa school at sa bahay.

Paminsan-minsan sumasama rin naman akong makipag-date sa mga bagong kakilala pero hindi ko pa nga nakikita ang lalaking muling magpapatibok ng puso ko. I have no specific qualities in mind. Basta para sa 'kin, kapag nakita ko na ang lalaking magpapatibok ng puso ko, 'yon na 'yon. Kung kailan darating ang lalaking iyon, iyon ang hindi ko pa alam.

Maging sa eskwelahan ay tampulan na rin ako ng tukso. Kapag magkakasama kaming kumakain nina Aica, Yumi at Jess ay ako ang palaging topic.

"Bakit? Is twenty-eight old enough para mag-worry kayong lahat sa akin?" tanong ko sa tatlo.

"Sa panahon ngayon, matanda na talaga ang twenty-eight. We are all happy with our lives. Ikaw na lang itong wala pang pamilya. Ang mga lalaki, instead na mag-asawa ng may edad na, mas pinipili nila ang mas bata. Kaya, you should worry na talaga," sagot ni Aica.

Naki-ayon naman si Jess. "Correct! You don't know what you're missing."

"Masarap ang may asawa, especially kapag malamig ang panahon," si Yumi, saka sinabayan ng matunog na tawa.

Napuno ng tawanan ang opisina kung saan kami kumakain ng handa ng batang nag-ce-celebrate ng birthday sa araw na ito.

"Hayyy... as far I'm concerned, I don't need to worry. Kung may darating na lalaki sa buhay ko, 'di fine. Kung wala naman, okay lang din. What I can do kung talagang fate ko na ang tumandang dalaga?"

"At paano na lang ang passion mo for kids?" tanong ni Aica.

"There are lots of kids around. I'm always surrounded with kids, right?"

"Ang ibig kong sabihin, your own kids."

"I am still young. Kapag umabot ako sa thirty-five at wala pa rin akong asawa at anak, dapat na sigurong tanggapin na wala na akong pag-asa. Mahihirapan na siguro akong makahanap talaga ng partner kapag nasa ganoong edad na ako."

Nasa kainitan na kami ng pagkukwentohan ng marinig namin na may umiiyak na bata sa labas kung saan kumakain din ang mga bata. Pumasok sa opisina si Beng, ang assistant sa pagpapakain ng mga bata kapag recess.

"Ma'am Euna, si Macy po. Umiiyak naman," sabi niya agad.

Bigla akong tumayo. "Bakit daw?"

"Basta na lang po umiyak. Pinilit kong kumain pero ayaw naman niya."

"Ano raw ang gusto? Pinagalitan mo ba?" umiling si Beng.

"Naku, hindi po, Ma'am. Ewan ko nga po riyan kay Macy, masyadong sensitive. Ayaw kumain. Tinanong ko kung gusto niyang subuan ko siya, tapos bigla na lang umiyak."

"Wala ba ang yaya niya?" tanong ko.

"Wala po, eh. Driver lang ang naghatid sa kanya kanina."

"Baka iyon ang dahilan kaya siya umiiyak." Nagpaalam ako sa mga kasama ko.

"Sandali lang, papatahanin ko lang si Macy." Nursery pupil ko si Macy.

Simula nang i-enrol siya rito ay hindi siya nakikipaglaro sa mga kapwa niya bata. From the child's record, nalaman ko na patay na ang mommy niya. Nang mag-enrol siya ay Yaya niya ang kasama. Kahit ilang beses na kaming nagpatawag ng meeting sa mga parents ay hindi ko pa rin nakitang um-attend ang kanyang Daddy.

"What's the problem, Macy? Why are you crying?" malambing kong tanong. Umiling lang siya bago pinahid ang luha.

"Tell teacher Euna what made you cry." Hinawakan ko ang baba ni Macy at tiningnan ito sa mga mata.

"May masakit ba sa 'yo?" Umiling ulit siya.

"So, why are you crying? 'Di ba dapat happy ka kasi birthday ng classmate mong si Aki? Later we'll have games."

Saka pa lang nagsalita si Macy. "I miss Yaya Dina."

"Eh, tell your Dad to prepare your food."

"He won't do that. He said 'pag wala si Yaya, si Manang Ana ang mag-aalaga sa 'kin."

Naging interesado ako sa pakikinig kay Macy. Ngayon lang siya nagkwento. Hindi ito talkative kagaya ng ibang estudyante ko.

"'Yon naman pala eh. Nandiyan pala si Manang Ana. Isn't she okay?"

"She's okay but..." Napangiti siya.

"She's okay, kaya lang mas love mo si Yaya Dina?"

Ganoon din ako sa yayang nag-alaga sa akin noong maliit pa ko. Natatandaan ko pa nang nag-asawa ang Yaya ko at kailangan na niya akong iwan. I was six years old then. Umiyak ako nang umiyak. Ilang araw rin akong inamo ng Mommy at Daddy ko. Ikinuha nila ako ng bagong yaya pero hindi ko gusto kaya simula noon hindi na ko nagkaroon ng yaya.

Malungkot pa rin ang mukha ni Macy. Hindi na ulit siya nagsalita. Hindi ko na rin ulit kinulit ang bata.

Kinuha ko ang styrofoam na may lamang spaghetti at sinubuan ko siya.

"Here, say ahh, kumain ka na. Habang wala si Yaya Dina, ako ang magpapakain sa 'yo, okay?" Nagpasubo naman siya.

Sa labin-limang estudyante ko sa Nursery na pang morning session, tanging si Macy lang ang nagpapakita ng ganung ugali. Tahimik at hindi siya palakibo. Gusto niyang palagi siyang nag-iisa at hindi ito nagpapa-iwan sa Yaya. Ang ibang yaya o taga-bantay ay bumabalik na lang kapag oras ng pagkain ng mga bata at oras ng uwian. Habang nagkaklase kami ay gusto niyang nakikita ang Yaya Dina niya. Wala naman akong magawa dahil iiyak lang siya kapag pinapalayo ko ng Yaya niya.

Minsan ko ng tinanong ang Yaya niya kung bakit gano'n ang ugali ni Macy pero simpleng, "Ganoon na po talaga siya," ang tanging sagot niya.

Alam kong mas malalim na dahilan kung bakit nagkaka-ganoon si Macy. Matalino naman siya pero hindi ito nakikipag-cooperate. Kapag nagpapa-painting o nagpapa-drawing ako tuwing lunes ay iginuhit niya ang Daddy niya.

Kapag tinatanong ko kung anong ginagawa niya sa weekend ay lagi niyang sinasagot na, "I stayed at home." Habang ang mga kaklase niya ay kung anu-anong lugar ang pinupuntahan kapag weekends. I know there was something wrong with Macy's life at home.

Kaya nga gustong-gusto kong makilala ang Daddy niya para matanong ko ng personal kung ano ang bumabagabag sa bata. Pero hindi nga dumadalo ng meeting ang Daddy niyang si Mr. Kinsey Doña. Si Dina pa rin ang um-attend kapag nagpapatawag ako ng meeting sa eskwelahan.

Naubos naman ni Macy ang spaghetti pero noong nagkaroon na ng games at lumabas na ang mascot ay umupo na lang siya sa isang tabi. Kahit anong pilit ko na makilahok siya sa games ay hindi nakikihalubilo. Nang nag-blow ng candle ang birthday celebrant at nakisama sa picture taking ang parents, napansin kong nakatitig si Macy sa kanila.

Nang matapos ang morning session, napansin ko si Macy na naghihintay sa waiting couch. Nilapitan ko siya.

"Who's going to fetch you now?" tanong ko. Tinitigan lang niya ako bago nagbaba ng tingin.

"Driver ang naghahatid sa'yo kanina?" tumango siya.

"Siya rin ang susundo sa 'yo?"

"I don't know, teacher." sagot niya sa 'kin. Napabuntong-hininga ako.

"Stay here, I call up your house para i-remind ang susundo sa 'yo rito. Baka nakalimutan."

Tinignan ko ang numero ng bahay nina Macy sa file ko at idinayal. Nakatatlong ring bago may sumagot sa telepono.

"Doña's residence, good afternoon." sagot ng nasa kabilang linya.

"Good afternoon. Si Teacher Euna po 'to, teacher ni Macy."

"Naku! Hindi po ba siya sinundo ng driver ni Sir Kinsey? Baka nakalimutan ni Sir."

Anak, nakalimutan.

"Eh, nasaan po ba si Mr. Doña?"

"Nasa opisina po. Baka nalimutan na sabihan ang driver niya. Baka po busy sa meeting. Teacher ako na lang po ang susundo. Mag-ta-taxi na lang ako."

Mabilis akong nag-isip. "Ako na lang ang maghahatid sa kanya."

"Talaga po? Naku, maraming salamat, Teacher."

Nang lumabas ako ng aking opisina ay nilapitan ko ulit si Macy.

"Is it okay with you kung ako na lang ang maghahatid sa 'yo sa bahay n'yo?"

Umaliwalas ang mukha niya. "Yes, teacher."

"Let's go then." Hinawakan ko ang kamay niya at iginaya sa parking area.

Umaasa ako na makita at maka-usap ko sa lalong madaling panahon ang daddy niya.

While I'm driving my blue Honda Civic, pinilit kong masigla ang pag-uusap namin ni Macy. Nagpatugtog ako sa car stereo ng sikat na kantang "Jumpshot."

"Do you like that song, Macy?" tanong ko habang medyo iginagalaw-galaw ang aking balikat na parang sumasayaw.

Nilingon niya ako, saka sumagot. "Opo."

"You know how to dance?"

Ngumiti siya.

"I'll teach you. Magaling sumayaw si Teacher Euna na ganyan. Sa Friday, sa P.E. natin, I'll show you."

Lumuwag ang nagkakangiti niya. Lalo kong iginalaw ang ulo at balikat ko. "C'mon, let's dance."

Sinabayan ko pa ang kanta sa car stereo. And I surprise, narinig ko na lamang siyang nakikisabay si Macy sa pagsayaw.

Sino na ba namang bata ang hindi nakakaalam sa sikat na kantang iyon? It warmed my heart. Natutuwa akong makitang ngumiti ang isang malungkuting bata.