Pagdating ko sa bahay kinahapunan ay sinubukan ko na tawagan ang selpon ni Ken ngunit cannot be reached naman. Ang numero ng hotel ang sumunod na tinawagan ko.
"Good afternoon. Can you connect me to room 110 please?" sabi nang may sumagot sa telephone operator.
"Ma'am, are you trying to call Mr. Kinsey Doña?" tanong ng receptionist.
"Yes."
"I'm sorry, Ma'am, but he's out for a meeting. Can you just leave your message?"
"Nevermind. I'll just call up again."
"Can I have your name, Ma'am? Bilin po kasi ni Mr. Doña na kunin ang lahat ng pangalan ng tatawag o mag-message sa kanya."
"Okay. Tell him na tumawag si Teacher Euna. Kung may oras siya, pwede rin siyang mag-return call sa selpon ko."
Ibinigay ko ang cellphone number ko. "Okay, Ma'am. Thanks for calling."
Lihim kong inasam na sana ay tawagan ako ni Ken. Hindi ko alam kung bakit minsan ko palang nakita ay gano'n na ang paghahangad kong mapalapit ang kalooban niya sa 'kin.
Ang gusto ko lang naman noong una ay matulungan si Macy. Ngayon ay may iba akong gustong makamtam. Gusto kong mapansin ako ni Ken. Nahihiya akong tanggapin ang bagay na iyon, pero iyon ang totoo.
Sa harap ng hapunan, eksayted na ibinalita ni Mommy na mapaaga ang trip nila papuntang Korea.
"Pwede ka na sigurong sumama, Euna. Kaya asikasuhin mo na ang tourist visa mo. Imbes na sa katapusan ng buwan ang trip, ipina-advance na nang Daddy mo sa darating na Biyernes para nga makasama ka. Isang linggo lang naman tayo roon. Siguro naman ay wala ka nang maidadahilan ngayon. Sabi mo may field trip kayo sa katapusan ng buwan."
"Mommy, hindi rin ako makakasama. Kayo na lang ni Daddy." Hindi ko masabing may party ang isang estudyante ko.
"Ano ka ba naming bata ka! Hindi na kita maintindihan. Ano na naming importanteng bagay ang idadahilan mo?" mukhang napipikon na si Mommy.
"Next time na lang ako sasama, Mommy."
"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na magre-retire na ang Daddy mo last chance na natin ito to go abroad for free."
"Pwede naman tayong bumalik doon anytime," sagot ko.
"Ayaw mo ngayon ng libre?"
"Mommy...."
"Mommy, hayaan mo na ang anak mo. Siguro kung boyfriend niya ang kasama niyang magbibiyahe, mas ma-a-appreciate niya," tugon ni Daddy na parang nagtatampo rin.
"Daddy naman. Busy lang talaga ako sa school. Don't worry, babawi ako next time. Saka para naman sa inyo 'yong trip. Alam ko naman na para lang talaga sa mag-asawa 'yon. Kayo ang bibili ng ticket ko. Just enjoy the trip, okay? Basta, don't forget my pasalubong," ngiti ko sa kanila.
"Tsismoso ka talagang matanda ka!" pinandilatan ni Mommy si Daddy.
Natawa na lang ako sa kanila. Hindi pa rin talaga nagbabago ang Mommy ko. Ang gusto kasi niya ay nandoon din ako kung saan man siya.
"Mag-isa ka lang kasi rito. Mahigit isang linggo kaming mawawala. Paano ka?"
"I'm already a grown-up, Mom. 28 na ako, remember? Kinukulit na nga ninyo akong mag-asawa, e."
"'Yon na nga, e. Matatahimik lang ako kapag nakita kang may sarili nang pamilya." Ngiti lang ang isinagot ko sa sinabi ni Mommy.
Ang bagay na iyon sana ang gusto kong maramdaman ni Macy sa paglaki niya. Naibigay sa akin ang lahat ng pagmamahal at atensyong kailangan ko. Paano nararanasan ni Macy ang bagay na iyon ngayong kahit ang Daddy niya ang nagkakait iyon sa kanya?
Muli kong naalala si Ken. Lihim ko na namang inasam na sana tawagan niya ako para mapaki-usapan siyang umuwi sa birthday party ni Macy. Ang tawag na inaasam ay hindi ko nakamtan.
Nakatulog na lang ako sa paghihintay ng return call ni Ken pero hindi iyon nangyari. Maaga pa lang ay abala na kaming lahat sa pag-aasikaso sa birthday party ni Macy.
Nakita ko na natuwa si Macy sa nakikitang paghahanda sa birthday party niya pero madalas ay nakaupo lang siya at nakatingin sa malayo. Alam kong hindi pa rin lubos ang kasiyahan niya.
Masaya lahat ang mga bata sa clowns, mascots at mga palaro. Kahit may host ang Jollibee, pinaki-alaman ko pa rin ang program. Ako ang nag-host para sa games. Tuwang-tuwa naman ang mga bata.
Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan nang biglang tumayo si Macy at nagtatakbo sa gate.
"Daddy!" sigaw niya.
Napalingon kaming lahat. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makita ko si Ken. Kahit malayo ang agwat namin nagtama ang aming mga mata. Hindi ko sigurado kung nakangiti siya o hindi, but my heart was beating so fast.
Hindi ko alam kung dahil sa pangalawang pagkakataon nakita ko ang lalaking hindi ko naintindihan kung bakit hindi mawala sa isip ko. Nakita kong kinarga ni Ken si Macy at hinalikan. Napatunayan kong may pusong-ama rin naman pala siya. I am happy for Macy. Pati si Mrs. Doña ay halos hindi maipaliwanag sa mukha ang labis na kaligayahan.
Agad siyang lumapit sa akin at bumulong, "Thank you, Teacher Euna." Ngumiti ako.
Wala naman akong ginawa. Pinagalitan ko lang si Ken. Hindi ko naman akalaing makokonsensya pala ang lokong ito sa ginawa ko.
Naging masaya si Macy sa buong party. For the first time, nakita kong gaano kasaya ang bata. Walang katapusan ang pasasalamat ni Mrs. Doña sa akin. Pati si Ken ay lumapit sa akin.
"Thanks for everything," diretsong nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
"Wala 'yon," tanging sagot ko.
"I owe you an apology for being rude sa pakikipag-usap ko sa 'yo sa phone," sabi pa niya.
"It's okay, feeling ko nga ako ang lumagpas sa boundary."
Ngumiti siya. "Well, I must admit na talagang lumagpas ka sa boundary kasi ikaw ang nakapilit sa 'kin na baliin ang naka-schedule ko nang appointment."
Parang kiniliti ang puso ko sa matamis na ngiting pinakawalan ni Ken. Mas gwapo pala siya kapag ngumingiti. Lumalabas ang malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi.
"Para naman 'yon sa anak mo, ano ba naman 'yong mawalan ka kahit malaking halaga?"
"Actually, hindi naman ako nawalan. Nakumbinsi ko lang 'yong ka-appointment ko na mag-breakfast meeting na lang kami para makalipad agad ako pabalik dito sa Ilocos. Kaya ito, nakahabol ako sa party ng anak ko."
"Good for you. Two birds with one stone."
"I owe you one. How about dinner tomorrow para naman makabawi ako sa 'yo?" My God! Totoo ba ito?
"S-Sure." Bakit hindi man lang ako nagpakipot? Bigla tuloy akong kumambyo.
"Siguro naman hindi na kailangan. Like I've said, tungkulin kong i-ensure lagi ang kaligayahan ng estudyante ko."
"Pumayag ka na e, babawiin mo pa ba?" napahiya tuloy ako.
"Okay."
"So, susunduin kita sa inyo around seven?"
"Ikaw? Alam mo ba ang sa amin?"
"No. unless sasabihin mo ang address." Mabilis kong sinabi ang address ko.
"Got it!" sabi niya. Tapos na ang party-nakauwi na rin lahat ng estudyante-para pa rin akong nasa cloud nine. I couldn't believe na yayayain ako ni Ken na mag-dinner.
Siguro, na-overwhelmed siya sa nakitang kasiyahan ng anak niya. But I was certain; it was a thank you dinner for all the things I've done for his daughter.
"I smell romance," narinig kong bulong ni Aica mula sa likuran ko.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa 'kin.
"What are you talking about?"
"Bagay kayo ni Mr. Doña," sabi niya na maliwanag ang pagkakangiti.
"Are you kidding me? Ang tangkad-tangkad nang tao tapos ang liit-liit ko."
"Asuss... kunwari pa raw itong bestfriend ko. Height doesn't matter, hahaha! Nagtu-twinkle ang mga mata mo habang kausap mo siya. Ano ba ang sinabi niya?"
"Wala. Nag-thank you lang." Nagpasya akong huwag sabihin na inimbitahan ako ni Ken na mag-dinner. Siguradong lalo niya akong biruin nito.
"Hay naku! Feeling ko, may nabubuong love story sa pagitan ninyong dalawa."
"Stop it, Aica! Nakakahiya!"
"Uyyyy..... nagba-blush siya."
"Hindi ah!" tanggi ko.
"Para ka namang teenager, Euna. You're too old para magkaila sa 'kin. I know you. Ganyang-ganyan ka noong panahong nililigawan ka ni Vince. Hindi ka makakapagkaila sa 'kin, 'no!"
"Ano ka ba? Tigilan mo nga ako."
"Basta! Alam ko, bagay kayo ni Mr. Doña. Napakagwapo naman kasi niya. Ano pa bang hahanapin mo gwapo na, mayaman pa. Kapag nagkataon, may instant anak ka na agad. Instant family."
"Heh! Tumigil ka nga! Marinig ka nina Jess at Yumi, baka kung ano pang isipin ng mga 'yon."
"Maaano ba? Ayaw pa kasing aminin na inlove ka." Inirapan ko siya.
Hindi naman ako nagsisinungaling kay Aica. Kung may mas nakakakilala sa'kin ng lubusan, ito iyon dahil simula first year college na magkakilala na kami. Alam na alam niya ang likaw ng bituka ko. Kahit na gano'n, nakakahiya pa rin umamin. Saka na lang siguro kapag nagkatotoo ang pantasya kong ligawan ni Ken.