Chereads / La Maestra / Chapter 7 - Kabanata 7

Chapter 7 - Kabanata 7

Dumaan ang mga araw pero hindi ko na ulit nakita o nakausap man lang si Ken. Si Dina na muli ang regular na naghahatid kay Macy sa school. Nagpapaiwan na ngayon si Macy habang nagkaklase at sinusundo na lang ng yaya niya kapag uwian na. Unti-unti na rin nakikisalamuha sa mga kapwa bata ni Macy pero may mga oras na tahimik pa rin siya at mas gustong nag-iisa. Kapag gano'n ay may kinakausap agad akong bata at pinalalapitan si Macy para yayaing maglaro.

Biyernes. Eksayted ang mga bata dahil in-announce ko ang field trip sa susunod na biyernes.

"Eksayted ba kayo sa field trip natin next week? We'll go to Pot Museum, Hidden Garden at kung saan-saan pa where you can learn so many things. Pupunta rin tayo sa Baluarte para makita ninyo ang mga animals na sa pictures niyo lang nakikita. Isn't that great?"

"Yeheey!" sigaw ng mga bata.

"Each one of you should have one chaperon. Either mommy, daddy or yaya, okay? Papirmahan sa mommy or daddy ang consent form na ipapadala ko sa inyo, okay? Kapag walang pirma, hindi pwedeng sumama."

"Yes, Teacher!" sabi ulit ng mga bata.

Napansin ko na basta lang nakatingin sa akin si Macy. Siya lang ang hindi eksayted sa lahat ng mga batang nandito. Nilapitan ko siya.

"Macy, why are you sad?"

"Kasi, all my classmates, daddy or mommy ang kasama nila sa field trip. Ako lang ang may kasamang yaya," sagot niya.

"Why? Hindi sasama ang daddy mo?" sa totoo lang, I am hoping na si Ken ang sasama kay Macy.

"He can't, busy daw po siya."

Nakaramdam ako ng lungkot. Akala ko pa naman ay mabibigyan na ni Ken ng one hundred percent ang anak niya. "It's okay, Macy. Baka next time, pwede na si Daddy at saka pwede rin naming si Grandma ang kasama mo, e."

"I want daddy to come with me."

"Then talk to him. Sabihin mong gusto mo siyang makasama. I think pagbibigyan ka naman niya."

"Nasabi ko na po, e. Sabi niya, si Yaya Dina ang sasama sa akin."

How inconsiderate.

"Hayaan mo, I'll be there naman. Ako na lang ang chaperon mo."

"Teacher..."

"Hmm?"

"Can you talk to my Dad again?"

"Para ano? Tungkol saan?"

"Sabi ni Grandma, kaya siya umuwi noong birthday ko because you talked to him. Baka pumayag ulit siyang sumama sa field trip kapag kinausap mo ulit."

"Macy...."

Hinila niya ang kamay ko, "Please, Teacher..."

"S-Sige, I'll try but I won't promise you, huh?"

Tila nabuhayan siya ng loob. "Thank you," sabi niya bago niya ako hinalikan sa pisngi. Napangiti ako. How could Ken be so selfish para hindi pagbigyan ang anak sa munting kahilingan niya?

Hindi ko na inaksaya ang panahon. Nang makauwi ako sa bahay ay tinawagan ko si Ken. Nakatatlong ring bago niya sinagot.

"Hello?"

Agad na tumibok ang puso ko pagkarinig ko ng boses niya. It had been almost two weeks na hindi ko narinig man lang ang boses niya. "Hello, Mr. Doña, Miss Guieb here. I'm sorry to disturb you."

"It's alright. What is it? May problema na kay Macy, Miss Guieb?"

"Nothing really serious. Tungkol lang sana sa field trip next Friday."

"I have signed the consent form already."

"Yeah, but that's not the reason why I called up."

"So...." Parang naiinip niyang sabi.

"Macy wants you to go with her."

Medyo matagal siyang sumagot.

"As much as I want to, hindi ko talaga maisingit sa schedule ko, Miss Guieb. Masyadong hectic ang schedule ko this week hanggang next week. I will tell to my mother to go with her instead."

"Mr. Doña, Macy wants nobody else but you to accompany her."

"It's only a field trip," parang naiiritang sagot niya. "I can bring her to wherever you're going on Friday kapag may time na ako."

"You don't understand, Mr. Doña," dismayado ako.

"Look, Miss Guieb, I do understand pero hindi ko pwedeng i-cancel ang meeting ko sa Friday dahil lang sa field trip na 'yan. I appreciate your concern for my daughter pero sana naman naintindihan mo rin ang sitwasyon ko. Anyway, thank you for the time. Ako na lang ang bahalang kumausap kay Macy pagdating ko mamaya sa bahay. I-explain ko na lang sa kanya ang sitwasyon."

Hindi ako sumagot. Para kasing gusto kong maiyak. Wala naming dahilan para umiyak ako. Naiinis ako kay Ken. Inis na inis ako dahil sa pagbabalewala niya kay macy. Her dad was busy, too, during her childhood days pero walang mahalagang okasyon sa kanyang buhay ang pinalagpas niya na hindi niya kasama. How could he be so selfish?

"Miss Guieb?"

"Thanks for your time, Mr. Doña," sa wakas ay nasabi ko bago pinindot ang end button ng selpon ko. Hindi ko na hinintay na sumagot ulit siya.

Naiiyak akong naupo sa sofa pagkatapos. Hindi ako maaaring magkamali. Nasasaktan ako hindi lang para kay Macy kundi para sa aking sarili. Hindi ko tuloy namalayan ang paglapit ni Mommy.

"May problema ba, anak?"

Umiling ako. "Wala, Mommy."

Naupo siya sa tabi ko. "Eh, bakit parang natulala ka riyan? Sino ba 'yong kausap mo?"

"Isang parent, Mommy. Iniisip ko lang po kung bakit may mga parents na walang concern sa mga anak nila."

"Bakit mo nasabi 'yan?"

"May isa kasi akong estudyante na gustong-gusto na makasama ang daddy niya sa field trip. Itong walang pusong ama, hindi kayang ipagpalit ang negosyo sa kunting hiling ng anak niya."

"Si Macy ba ang tinutukoy mo?"

Napatingin ako kay Mommy. Madalas ko kasing maikwento kay Mommy si Macy pero hindi ang daddy niya.

"I just thought everything is going to turn out fine sa bata, hindi pala. Imagine, simpleng kahilingan ng anak niya, hindi pa mapagbigyan."

"Baka naman hindi lang talaga maiwasan no'ng tao na asikasuhin ang negosyo niya. Alam mo naman ang business-minded people."

"Mommy, siya na lang ang parent ng bata. Maano bang pagbigyan niya? Hindi naman siguro kabawasan ng kayamanan niya ang kasiyahang maibibigay niya kay Macy."

Napangiti si Mommy. "Hay, naku, ito talagang anak ko. Masyado kang nagiging emotional pagdating sa mga estudyante mo. Siguro kapag nagkaanak ka, you will do everything to please your children."

"Just like what you and Daddy did to me."

"Baka naman may mas malalim na dahilan ang daddy ni Macy. Baka talagang may importanteng appointment."

Hindi ako nagsalita. Hindi ko maamin kay Mommy ang nararamdaman ko. It was not Macy alone that I am concerned. Pati na rin si Ken. Pakiramdam ko kasi, tinatakasan pa rin ni Ken ang kalungkutan sa pagkawala ng asawa niya. Ibinubuhos niya ang panahon sa negosyo at the expense of Macy's happiness. Ang buong akala ko pa naman ay nabuksan ko na ng loob niya noong birthday ni Macy, hindi naman pala.