Chereads / La Maestra / Chapter 8 - Kabanata 8

Chapter 8 - Kabanata 8

Napansin ko agad na malungkot si Macy kinalunesan. Hindi ito nagpa-participate sa group singing. Hindi ko natiis kaya nilapitan ko siya. "Macy, is there any problem?"

"My dad talked to me. Hindi siya sasama sa akin." sabi niya na mahinang boses bago kinusot ang mga mata na may nagbabadyang luha.

Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na pinasigla ang boses. "It's okay. Teacher Euna will be there. Yaya Dina will be there too. All your classmates will be there. Isn't happy?"

Tinignan lang niya ako.

Damn you, Kinsey Doña! What are you doing to your daughter?

Kahit anong pilit kong pasiglahin si Macy ay hindi ko magawa. Hanggang sa mag-uwian ay malungkot pa rin siya. Pati tuloy ako ay hindi maiwasang malungkot.

Hindi nakaligtas kay Aica ang kawalan ko ng sigla nang kumakain na kami ng lunch. Nauna nang kumain sina Jess at Yumi kaya kaming dalawa lang ang naiwan sa opisina.

"Oh, bakit mukhang biyernes santo 'yang mukha mo?" tanong ni Aica.

"Nag-aalala lang kasi ako kay Macy. Bumabalik na naman ang pagiging malungkutin niya."

"Pansin ko nga. Kahit sa flag ceremony, walang kasigla-sigla. Bakit ba? Akala ko okay na siya."

"Iyon nga rin ang akala ko. Hindi naman kasi nagtuluy-tuloy ang pagpapakita ng concern ng daddy niya sa kanya. She was requesting na samahan siya ng daddy niya sa field trip but he turned down her request."

"Bakit hindi mo ulit kausapin?"

"Sino?"

"Si Mr. Doña. Kagaya noong birthday ni Macy. 'Di ba kinausap mo ang daddy niya para um-attend?"

"I already did."

"Really? Oh, anong nangyari?"

"Mukhang nagalit pa sa akin, e. Para bang lumalabas na pakialamera ako sa buhay nilang mag-ama."

"In-explain mo sana na concerned ka lang doon sa bata."

"Alam daw niya iyon."

"Hay naku, sayang!"

"Sayang ang alin?"

"Akala ko pa naman, maganda ang ending ng nakita ko noong birthday ni Macy."

"Ano bang pinagsasabi mo riyan?"

"You look so perfect together. I was thinking if you would end up together, with Macy of course. Ang ganda sigurong tignan."

"Ayan ka na naman..."

"Inisip ko lang 'yon pero mukha ngang imposibleng mangyari. Tingin ko lang na wala ng interes sa babae ang daddy ni Macy. Imagine, sa ganda mong 'yan, hindi na-attract sa 'yo."

Gusto kong matawa sa sinabi ni Aica. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi na nag-dinner kami ni Ken minsan. Ayaw ko ng dagdagan pa ang ilusyon niya na ilusyon din naman niya. Pinipigilan ko na lang ang sarili dahil alam ko naman na wala iyon patutunguhan.

Hindi pumasok si Macy kinabukasan. Tumawag si Dina. May sinat daw ang bata. Napuno ako ng pag-alala. Iba na talaga ang nararamdaman ko para kay Macy. My concern for the child was more than her concern over my pupils. Panay ang tawag ko sa bahay ng mga Doña at kinakamusta si Macy. Naroon din si Mrs. Daniela Doña para personal na tingnan ang apo.

Pagtawag ko ulit bandang alas-tres ng hapon ay si Mrs. Doña ang nakasagot.

"Kumusta na po si Macy?" tanong ko.

"Wala na siyang sinat pero baka hindi ko na rin papasukin bukas."

"Okay lang po. Pagpahingahin n'yo na lang."

"Dito nga muna ako sa bahay para mabantayan ko siya. Wala kasi si Ken at nasa Cebu. Hanggang sabado pa siya roon."

Business as usual.

"Sana naman po ay tuluy-tuloy na ang paggaling niya. Hayaan ninyo at dadaan ako mamaya para madalaw siya."

"Naku, salamat, Teacher Euna. Tiyak na matutuwa si Macy kapag nakita ka."

Nang uwian na ay dumaan muna ako sa centro para bumili ng prutas para kay Macy bago nagtuloy sa bahay nila. Agad akong sinalubong ni Mrs. Doña sa gate. Sinamahan ako sa kwarto ni Macy. Naabutan ko siyang pinipilit painumin ng gamot ni Dina si Macy.

Natuwa si Macy nang makita ako. "Teacher!" sigaw niya.

"Hi, Macy! Kumusta ka na?" nilapitan ko siya sa kama at hinalikan sa noo.

Si Dina ang sumagot. "Naku, Ma'am, ayaw pong uminom ng gamot. Oras na ng pag-inom niya."

Kinuha ko ang gamot kay Dina. "Macy, you should take your medicine dahil kung hindi, baka hindi ka makakasama sa field trip natin sa Friday."

"Ayoko sumama," sagot ni Macy.

"Why? Masaya 'yon, 'di ba? Your classmates are all excited."

"Wala naman akong kasamang daddy."

"Ako, apo. Sasama ako," singit ni Mrs. Doña.

"Grandma kita. Gusto ko, may kasama rin ako na daddy."

Hinaplos ko ang buhok ni Macy. "Malay mo bago mag-Friday, dumating ang daddy mo kagaya nung birthday mo, 'di ba? Kaya dapat, inumin mo na ang gamot mo."

Nginitian niya ako. Nagsalin ako sa kutsarita ng paracetamol bago iniumang sa bibig niya. "Take this na. masarap naman ito. Lasang cherry."

Ininom naman niya ang gamot. "Very good. Good girl ka talaga," sabi ko bago inabot ang tubig sa bedside table at pinainom si Macy.

"Now, kailangan mong mag-rest. Gusto mong kumain ng grapes? I brought you oranges and grapes."

Umiling siya. "I want to sleep."

Inalalayan ko siya sa paghiga. "Okay. Sleep ka muna. Mamaya kakain ka nang marami sa dinner, tapos iinom ulit ng medicine after four hours." Tumango siya bago pumikit.

Nasulyapan kong nakangiti si Mrs. Doña pero may namumuong luha sa mga mata niya habang pinapanood ako na hinahaplos ang buhok ni Macy.

Nang makatulog na si Macy ay nagpaalam na ako. "Hindi na po ako magtatagal, Mrs. Doña."

"Dito ka na mag-dinner. Nang sinabi mong pupunta ka ay nagpahanda ako ng hapunan. Saluhan mo kami ni Macy."

"Naku, hindi na po. Hihintayin ako ni Mommy at Daddy ko sa bahay."

"Sige na. Ngayon lang naman ako hihiling sa 'yo."

Wala akong nagawa kundi pagbigyan si Mrs. Doña. Tinawagan ko na lang si Mommy at sinabing male-late ako sa pag-uwi.

Nagising si Macy bago maghapunan. Sumabay siya sa pagkain pero matamlay pa rin siya habang sinusubuan ni Dina. Bago ako umuwi ay ako pa rin ang nagpainom ng gamot at nagpatulog sa kanya. Wala na siyang sinat pero matamlay na matamlay pa rin siya.