Chereads / La Maestra / Chapter 6 - Kabanata 6

Chapter 6 - Kabanata 6

Pagdating ko sa bahay, wala pa rin masidlan ang kasiyahan. Mag-isa lang akong naghapunan dahil umalis na patungo sa Korea sina Mommy at Daddy. Pagkatapos akong kumain, pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Nagbasa-basa ako ng libro pero wala rito ang konsentrasyon ko kundi ang mangyayaring dinner namin ni Ken.

Maituturing kaya iyong dinner date? 'Hindi,' sagot ng isip ko. Pilit kong isinisiksik sa isip ko na thank you dinner lamang iyon at walang ibang ibig sabihin. Twenty-eight na ako para mag-assume ng kung anu-ano sa isang lalaki. Nasa ganitong pag-iisip ako ng biglang nag-ring ang selpon ko.

Ken Calling...

Nai-saved ko na sa phonebook ang numero niya.

"Hello?"

"Hi, Teacher Euna. Pasensya ka na, ha? Ayaw kasi akong tigilan ni Macy hangga't hindi kita natatawagin. Gusto ka niyang kausapin."

"Okay, sige." Napangiti ako.

Si Macy na nag nasa kabilang linya. "Good evening, Teacher Euna."

"Hi, Macy!"

"I just want to thank you for making me happy today, Teacher."

"It's alright, Macy. Ibig sabihin na niyan, araw-araw ka nang magiging happy sa school?"

"Opo, kasi sabi ni Daddy, he'll be there for me always."

"Talaga? Good."

"Teacher?"

"Hmmm..."

"Alam mo ba ang wish ko sa birthday ko?"

"Ano?"

"Sana magkaroon ako ng mommy na kagaya mo. Sana ikaw na lang ang mommy ko."

Natuwa ako sa sinabing iyon ni Macy. Alam kong narinig iyon ni Ken. I was wondering kung ano ang iniisip niya nang mga sandaling iyon. Hindi ko napigilang mapangiti nang matapos kaming mag-usap ni Macy.

Halos maghapong hindi ako mapakali. Nag-gardening ako at kung anu-ano pa pero hindi ako mapalagay. Iniisip ko ang dinner namin ni Ken. Maya't-maya tumitingin ako sa orasan. Kulang na lang ay hilahin ko ang oras para gumabi na. Umaga pa lang ay napagpasyahan ko ng kong ano ang isusuot na damit.

Nang sa wakas ay mag-alas-sais na ng hapon, naligo ako, pinatuyo ang lampas-balikat kong buhok sa hair dryer, saka matiyagang kinulot sa baba nito para mas maging maganda.

Isang itim na dress na may Off-Shoulder Coachella dress ang napili ko. Above the knee ang haba ng dress ko. Tinernuhan ko ng black pointed pumps na apat pulgada ang taas para naman magmukha akong matangkad. Five feet-three inches lang ang height ko. Ang buhok ko ay hinayaan ko lang itong nakalugay para ma-enhance ang nakalantad na balikat ko ay sinuot ko ang silver necklace na may pendant na Saturn. I decided to put on a very light makeup.

I had been going out on dates pero ngayon lang ako ulit naging ganito ka-eksayted after my break-up with Vince, o mas tamang sabihing mas eksayted pa ako ngayon.

I was brushing my hair when someone knocked the door.

"May bisita ka, Ate." Boses 'yon ni Aida.

Tumayo ako at pinagbuksan siya. "Aalis ako, Aida. Ikandado mo na lang lahat, ang pinto at bintanan. May dala akong susi kaya hindi mo na ako kailangang hintayin," bilin ko.

"Boyfriend mo 'yon, ate?" nanlaki ang mga mata niyang tanong. "Ang gwapo, kahawig ni Lee Jong Suk."

"Hindi," mabilis kong sagot. Alam kong eksayted din si Aida na magkaroon ulit ako ng boyfriend.

"Ay, akala ko ay boyfriend mo na. Matutuwa na sana sina Sir at Ma'am."

Ngumiti ako. "Basta ikandado mong maigi ang bintana, ha?"

"Okay, Ate. Enjoy!" humahagikgik pa ito.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko agad na tumayo si Ken mula sa pagkakaupo sa sofa. Pagkakita ko sa gwapong mukha niya ay naramdaman kong nanginig ang tuhod ko. He was wearing a Chinese-collared long sleeves shirt na grayish-green at naka-tuck-in na itim na slacks. Tama nga si Aida, ala Lee Jong Suk kung manamit si Ken. Pati nga pagtayo niya ay nahahawig sa pamosong korean actor.

"Good evening," bati niya sa 'kin nang makalapit na ako.

"Hi, Good evening," feeling ko medyo sumabit ang boses ko sa sobrang kaba.

"Shall we go?"

"Yeah." Nauna na akong naglakad ramdam ko ang presensya niya sa likuran ko na sumusunod sa akin. Paglingon ko ay nakita ko pa na nakangiti si Aida sa may hagdan.

Sa isang fine-dining restaurant sa Café Bossa ako dinala ni Ken. Panay ang pasasalamat niya sa 'kin.

"I really can't thank you enough, Miss Guieb, for the things you've for Macy. Alam mo bang ikaw na lang ang palaging bukambibig niya?"

"Well, lahat naman ng parents ng estudyante ko ganyan ang sinasabi. May mga estudyante pa nga ako na umiiyak kapag tapos na nag klase kasi ayaw umuwi."

"Really? May magic ka siguro sa mga bata."

"Wala. I just want to show I care for them. No pretensions. I treat them as my own children." Natahimik siya.

Nagpatuloy ako. "Gano'n naman talaga dapat. Walang pretensions ang pagmamahal na ipapakita sa mga bata na ibigay sa kanila ang lahat ng atensyon."

"Which I could not do to my daughter," mahinang sabi niya.

"I didn't mean to offend you, Mr. Doña, pero alam mo bang matagal na kitang gustong kausapin tungkol kay Macy?"

Ngumiti siya. "Alam ko naman na malaki ang pagkukulang ko sa anak ko."

"She lost her mom at a very young age. Dapat ay maramdaman niya that she still has you."

Nalungkot ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Oh, I'm sorry. Hindi ko na dapat binanggit pa."

"It's alright."

"Pasensya ka na, Mr. Doña. Naikwento ka sa'kin ng Mommy mo ng—"

Pinutol niya ang iba pang sasabihin ko. "I'm sorry to interrupt you Miss Guieb, pero ayoko sanang pag-usapan ang.... You know..."

Pinasaya ko ang boses ko. "Oo nga naman. Kung anu-anong pinag-uusapan natin. Kumain na lang tayo." Nang tingnan ko siya ay kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Gusto ko tuloy magsisi dahil nabuksan ko pa ang topic tungkol sa namatay na asawa niya. Pinilit kong ibalik ang magandang mood niya.

"Mahilig sa art si Macy," banggit ko. "She loves to draw you kapag nagpapa-drawing ako."

Tumango-tango si Ken bago malungkot na nagsalita. "Just like her mom. Nakuha niya ang hilig ng.... wife ko."

Ramdam ko ang bigat ng kalooban niya. Iniba ko na ang usapan. "She also sings well. Nahihiya lang kapag pakakantahin ko nang solo. Sabi nga ng mommy mo, mana raw sa kanya kasi magaling siyang kumanta."

Tumango-tango lang din siya. Lumagok siya ng wine. Sa kabuuan ng dinner ay ako lang ang makwento. Sumasagot naman si Ken pero paminsan-minsan lang.

Hanggang sa natapos ang dinner namin, hindi na naibalik ang sigla niya. Alas-diyes nang ihatid niya ako sa bahay. Simpleng paalaman lamang ang namagitan sa amin.

Ang eksaytment na naramdaman ko nang simula ay napalitan ng lungkot. Sobrang formal ng approach namin ni Ken sa isa't-isa. Ano ba ang dapat kong asahan? Ken was a parent of one of my students who just invited me for a dinner to thank me. Hindi ba't hindi lang naman si Ken ang kauna-unahang parent na gumawa ng gano'n sa 'kin? I also went out with other parents.

When I was looking at him straight in the eyes ay pilit siyang umiiwas ni Ken ang mga mata niya sa 'kin. Hindi kaya nahalata niya na may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya? Kagaya ng sinabi ko sa sarili— noong unang nakilala si Ken, handa akong tulungan siyang kalimutan ang nakaraan. If he would only give me a chance. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko. I have no guts to do. Gusto ko lang makatulong bilang normal na tao.

While were eating. Hindi nakaligtas sa akin ang kagwapuhan niya. Hindi ko alam kong bakit hindi ko mapigilan ang sariling titigan siya. Gusto kong haplusin ang maamong mukha niya na balot ng kalungkutan. Kagaya ni Macy, gusto kong pasayahin siya sa abot ng aking makakaya. Subalit ako na rin ang sumagot sa sarili. Sa palagay ko ay una at huling dinner na namin iyon. Ayoko man ay nakaramdam ako ng panghihinayang.