Naging mas malapit ang loob ko kay Macy. Nang mga sumunod na araw. Malungkutin pa rin siya at bihirang maki-salamuha sa mga kaklase. Ka-vibes ko na rin ang Lola Daniela ni Macy, ang mommy ni Kinsey, na madalas siya ang maghahatid kay Macy.
"How's my grand daughter, Teacher Euna?" tanong ni Mrs. Doña minsang sinundo niya si Macy.
"Okay naman po siya sa academics. Kaya lang hindi siya masyadong active sa extra-curricular activities," sagot ko.
Malungkot na tinignan ni Mrs. Doña ang apo habang nakaupo sa bench at pinapanood ang mga kaklase sa paglalaro. "Hayy... masyado kasing naapektuhan ang apo ko ng maagang pagkawala ng mommy niya."
"Ilang taon po ba si Macy nang namatay ang mommy niya?"
"Magdadalawang taon siya nang namatay si Menorka. Mahirap talaga para sa isang bata ang lumaki na walang inang nag-aalaga."
"If you don't mind my asking, Mrs. Doña, ano po bang ikinamatay ng mommy ni Macy?"
"Aksidente. Nabangga ang kotse nila habang minamaneho ni Ken. On the spot ay namatay si Menorka at himalang nakaligtas si Ken. From then on, sinisi ni Ken ang sarili. Lately na nga lang medyo nakaka-recover ang anak ko. Alam kong hanggang ngayon ay nagi-guilty pa rin siya sa pagkawala ni Menorka nang wala sa panahon."
"Aksidente naman po ang nangyari."
"Hindi niya makalimutan na siya ang dahilan ng pagkamatay ni Menorka. Galing kasi sila sa isang event nang gabing 'yon. Nakainum siya."
"Hindi na po maibabalik ang panahon, Mrs. Doña. Mas mabuting ibubuhos na lang ang panahon niya kay Macy. Malungkutin ang bata. Naghahanap siguro siya ng atensyon."
"'Yon nga ang lagi kong sinasabi kay Ken. Ang gusto ko sana ay akin na lang muna si Macy pero ayaw rin naman niyang pumayag. Pati si Macy, ayaw rin niyang iwan ang daddy niya. No choice lang ang bata kapag out of town si Ken, gaya ngayon at wala si Dina."
"Macy feels she's neglected kaya siya nagiging malungkutin. Wala na nga siyang mommy, wala pa rin panahon sa kanya ng Daddy niya."
"I know, my son is trying to be a good father to her, kaya lang mas ibinubuhos ni Ken ang atensyon sa trabaho. Alam mo bang naging alcoholic ang anak ko after Menorka's death? Kaya siguro naging malungkutin si Macy because as she grew older, nakita niya ang daddy niya sa ganung kalagayan. Ngayon namang nakaka-recover na si Ken ay halos patayin naman niya ang sarili sa trabaho. Ipinagawa niya ang dream house ni Menorka para raw ma-retain ang alaala nito sa kanya."
He must really love her.
"Wala naming masama roon, Mrs. Doña, kaya lang dapat mas bibigyan ng anak niyo ng atensyon si Macy."
"Hindi ako nagkulang sa paalala sa kanya, Teacher Euna. How I wish na makakita na siya ng babaeng muli niyang mamahalin para naman mabago na ang pananaw niya sa buhay. Hindi naman pwedeng mabuhay sa alaala niya si Menorka habang buhay."
Nagbigay ng kiliti sa akin ang sinabing iyon ni Mrs. Doña. If I would given a chance, gusto kong bigyan ng bagong pag-asa sa pag-ibig si Ken. Pero imposible dahil nga mabaling pa sa iba ang pagmamahal ng anak niya.
Iniisip ko lang kung paano kaya ang sex life ni Ken. Naapektuhan din kaya iyon ng pagkawala ni Menorka? Mahigit dalawang taon nang patay ang babae. May ibang babae na kayang nakapagpaligaya kay Ken?
At ano naman ang pakialam ko sa bagay na iyon. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko. I am becoming different when it comes to Ken. Pero ako na rin ang tumigil sa maruming iniisip ko. It is Macy who I concerned a lot. Bilang guro, may obligasyon akong tingnan at pangalagaan ang lahat ng estudyante ko.
Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili kung bakit may kakaibang damdamin ako kay Macy sa simula pa lang. Dapat hyperactive siya kagaya ng mga kalaro niya dala ng murang edad pero kahit minsan ay hindi ko nakitang nakipagharutan sa mga bata. Hindi siya nakikipagkantahan at sayawan kapag PE. Nakatingin lang siya at pangiti-ngiti.
Oo, tama. Naaawa lang ako kay Macy. I want to see her act like a normal child. Para bang ninakaw rito ang buhay ng isang normal na bata at gusto kong ibalik ang buhay na iyon. Minsan lang maging bata sa isang tao. At kung hindi mararanasan ni Macy iyon hindi magiging kompleto ang pagkatao niya.
At habang pumapasok sa school si Macy sa aming eskwelahan, pipilitin ko sa abot ng makakaya ko na maiparamdam ang pagkakaroon niya ng isang ina. After all, being her teacher, I'm her second mother. I want to give her the love of a mother and I am willing to play the role.
"Mukhang malapit ang loob mo kay Macy," ani Aica noong minsang nag-usap kami.
"Naaawa kasi ako sa bata. She's got all the material things in this world pero kulang ang pagiging bata niya."
"Maaga kasi siyang naulila sa ina. May kasabihan ngang, 'mawala na raw nang maaga ang tatay, huwag lang ang nanay.'"
Tumango ako. "Siya nga pala, kinausap ako ni Mrs. Doña. Dito raw mag-ce-celebrate ng fourth birthday si Macy. Nagtatanong nga kung ano pa raw ba ang pwedeng idagdag sa celebration para naman sumaya ang apo niya."
"Clown and mascots."
"Very common."
"Anong gusto mo?"
"If I only have my way, gusto kong kausapin ang daddy ni Macy. Anyway, birthday naman ng anak niya."
"Akala ko ba nasa out-of-town-trip?"
"Oo nga. But it's his daughter's birthday. Ipagpapalit ba naman niya 'yon sa business?"
"Kakausapin ko si Mrs. Doña. Sasabihin ko sa kanyang kumbinsihin si Mr. Doña na umuwi sa birthday ni Macy," sabi ko.
"At kung hindi uuwi?"
"Maniniwala na ako na balewala sa kanya ang anak niya. The way I see things, mahal na mahal ni Macy ang daddy niya. And he's the only one who could make her happy."
"Dapat magkaroon na rin siya ng bagong mommy na mag-aalaga sa kanya. Infairness, sabi nina Jess at Yumi gwapo raw pala ang daddy ni Macy. Nakita nila noong araw na inihatid ko si Macy sa bahay nila tapos sinundo naman ng daddy niya rito. Bakit nga pala hindi ka nagkukwento sa 'kin tungkol sa pagkakilala niyo?"
"Hmmm... Ano kaya kung magbiro ang tadhana at kayo pala ni Mr. Doña ang para sa isa't-isa?" dagdag ni Aica.
"Aica!" pinandilatan ko siya.
"Ayyyiiiieeee.... Nagba-blush!"
"Of course not!"
"You're blushing. Huwag kang tumanggi. Malay natin. Sa dinami-dami ng nirereto namin sa 'yo, ang daddy pala ni Macy ang makakatuluyan mo."
"Pwede ba? Si Macy lang ang concern ko at hindi ang daddy niya. I will just help her para ipamulat sa daddy niya ang katotohanang kailanman hindi na babalik ang asawa niya. And that Macy needs him."
Sumeryoso ang mukha ni Aica. "And I think with your concern for Macy, you're the best replacement for her mother."
"Aica, walang makakapalit sa puso ni Mr. Doña sa asawa niya."
Nang sinundo ni Mrs. Doña si Macy ay kinausap ko siya. Ang birthday ni Macy ay tatapat ng miyerkules pero napagkasunduan naming biyernes ganapin sa school compound para maraming bata. Sama-sama kasi ang Nursery at Prep sa morning at afternoon session sa araw ng PE namin.
"Nakipag-usap na ako sa Jollibee," sabi ni Mrs. Doña. "Kinuha ko ang pinakamagandang package. Kasama ang dalawang mascots. May kinausap na rin akong clowns na magpe-perform."
"Hindi po ba makakauwi si Mr. Doña?" nag-aalangan kong tanong.
"Hay naku, Hija. I've been trying to convince him but he can't cancel his meeting on Friday. Babawi na lang daw siya sa susunod. Tatawagan na lang daw niya si Macy sa mismong araw ng birthday niya at itatanong kung anong gustong regalo."
"Mas magiging masaya siguro si Macy kung nandito siya, Mrs. Doña."
"I know that."
"K-Kung okay lang po sa inyo, pwede ko po bang makuha ang cellphone number niya or any number where I call him up? Susubukan ko rin siyang kumbinsihin."
"Of course. Mas gusto ko nga na may ibang kakausap sa kanya." Agad kumuha ng ballpen at papel sa bag si Mrs. Doña at isinulat ang numero ni Ken. "He's staying at the Oasis Hotel. Kumukuha kasi siya ng printing jobs para sa calendar for the new year kaya medyo matagal siya roon. Kung unattended ang selpon niya pwede mo siyang tawagan sa hotel."
"Sige po. Ita-try ko."
Hinawakan ni Mrs. Doña ang kamay ko. "Thank you, Teacher Euna. Hindi mo lang alam kung gaano kalaking tulong ang nagawa mo sa apo ko. Ikaw nga ang bukambibig niya, alam mo ba 'yon? Dati-rati, wala siyang kibo pagdating niya sa bahay pero ngayon nagkukwento na. Palagi niyang sinasabi na you're nice daw."
"Tungkulin ko po bilang teacher na siguruhing maganda ang katayuan ng mga estudyante ko."
"How I wish magkaroon ng panibagong mommy si Macy na gaya mo," sabi pa ni Mrs. Doña.
Parang hinaplos ang puso ko pero binalewala ko ang sinabi niya. Kahit na nahuhumiyaw ang aking puso na may kakaiba nga akong nararamdaman para kay Ken ay tumatanggi naman ang isip ko.