Chereads / La Maestra / Chapter 3 - Kabanata 3

Chapter 3 - Kabanata 3

Napahanga ako sa napakalaking bahay nina Macy. It was a Dunleith-Style Mansion. Matingkad na green ang mataas na gate na bakal. Isang naka-unipormeng gwardya ang sumalubong sa amin.

"Hi, Manong. Teacher ako ni Macy. Inihatid ko siya."

Hindi ko na ipinasok ang kotse ko sa loob ng marangyang bakuran. Iniwan ko na lang ito sa tapat ng gate at naglakad na lang kami papasok.

Agad na sinalubong kami ng isang babaeng may nasa mid-forties ang edad. Nakasuot ito ng puting uniporme. Hindi ko man nakilala sigurado na akong siya si Manang Ana. Nakangiti siya ng abutin ang kamay ni Macy at kinuha ang bag niya.

"Salamat po, Teacher sa paghahatid ninyo kay Macy. Ako po ang kausap n'yo kanina. Tinawagan ko ang daddy niya sa opisina pero sabi ng secretary niya na umalis na raw. Tinawagan ko naman sa selpon, hindi ko makontak," ani Manang Ana.

"It's okay. Hindi na po ako magtatagal." Kung napahanga ako sa exterior ng bahay ay mas humanga ako sa loob.

Napukaw ang atensyon ko sa malaking watercolor painting ng isang magandang babae na nakasabit sa dingding sa main living room. Sa kaliwa ay may malaking wedding picture naman na nakapatong sa ibabaw ng cabinet na kahoy na pinalilibutan ng marami at iba't-ibang litrato kabilang ang mga litrato ni Macy. Natuon ang mata ko sa groom. Siguro ito ang daddy ni Macy. His eyes were tantalizing. Masaya ang mukha niya habang nakatitig sa magandang bride. Isang larawan ng happy couple.

Instantly, I felt spasm of excitement. Hindi ko alam pero bigla akong may naramdaman na kakaibang pintig ng puso sa pagtitig ko sa larawan ni Kinsey Doña. Binalewala ko kaagad ang nararamdaman. Typical lang siguro sa isang tulad kong nasa late 20's pa lang ang ma-attract sa isang gwapong lalaki.

"Naku, sandali lang po at maghanda ako ng maiinom," ani Manang Ana.

"Huwag na po kayong mag-abala," tanggi ko.

"Inihabilin ko lang ang mga estudyante ko," dagdag ko.

Sa totoo lang, umaasa kong makausap si Kinsey Doña. Hinawakan ni Macy ang kamay ko,

"Teacher, please stay a little longer."

Nakisang-ayon naman si Manang Ana.

"Oo nga naman po, Teacher. Ihahanda ko na ang lunch ni Macy. Sabayan na po ninyo siyang kumain. Wala kasi ang isang maid na nakatukang magluto kaya pagpasensyahan na lang ninyo ang luto ko."

Mahihindian ko ba naman ang simpleng kahilingan ng isang bata?

"Okay," sabi ko.

Magkahawak kami ng kamay ni Macy hanggang sa pagpasok sa dining room.

Habang hinihintay namin ang paghahain ni Manang Ana ay tinanong ko si Macy. "Mommy mo ba ang nasa portrait sa sala? May hawig kasi kayo ng magandang babae."

Tumango lang siya bilang sagot. "She's pretty like you." Ngumiti naman si Macy.

"I know, kaya lang po hindi ko siya natatandaan. Baby pa ako ng namatay siya." inosenteng sagot niya.

"I'm sure, your mommy watching over you. Siya ang guardian angel mo. What's her name?"

"Menorka."

"Menorka? Nice name."

Beef stew at fried chicken ang inihain ni Manang Ana. "Pasensya ka na, Teacher. Kasi wala ang cook namin. Ito namang si Macy, walang ibang gustong kainin kundi fried chicken. Hindi naman dito kumakain ng lunch si Sir Kinsey."

"Okay na po ito. Pero, Macy, dapat matuto kang kumain ng fish and vegetables. 'Di ba pinag-aaralan natin sa school 'yon?" Tumango si Macy. "Can you promise to teacher na simula ngayon, kakain ka na ng gulay at isda?" Tumango ulit siya.

"Hi!" Sabay kaming napalingon ni Macy sa pinagmulan ng boses na iyon. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain kaya hindi nila namalayan ang pagpasok ng bagong dating.

Agad tumayo si Macy at sinalubong ng halik ang lalaki. "Daddy!"

I realized na mas gwapo si Kinsey Doña sa personal kaysa sa picture. His eyes were not only tantalizing. Ngunit halata ang lungkot sa likod ng salaming suot. He was towering. Siguro humigit-kumulang anim na talampakan ang taas niya. Siguradong kapag tumayo ako ay hanggang balikat lang niya ako dahil five-feet four inches lamang ang height ko. At kahit mukhang ilang araw na itong hindi nakakapag-ahit ay malinis pa rin tingnan ang maamong mukha. He looked haggard but stunningly handsome still. Sa tantya ko ay humigit thirty-two na siya.

Si Manang Ana ang nagpakilala sa 'kin, "Sir, inihatid na lang po ni Teacher Euna si Macy kasi nainip na ang bata."

Seryosong nagsalita si Mr. Doña nang humarap sa 'kin. "I'm sorry sa abala. Nawala kasi sa loob ko na ipasundo si Macy sa driver ko kanina. Late na nang maalala ko. I dropped by the school at nalaman ko nga ng inihatid mo raw sa bahay si Macy. I'm his father, Kinsey Doña," pagpapakilala niya sa'kin saka naglahad ng kamay.

Tumayo ako at tinanggap ang pakikipagkamay. "No problem, I'm Euna Guieb, teacher ni Macy."

Lalo akong nakaramdam ng uneasiness nang pumaloob ang kamay ko na sobra ang panglalamig sa kamay ni Kinsey. Bakit hindi ko mapigilan ang panglalamig ng kamay ko? Hindi naman ito ang unang beses na nakipagkamay ako sa magulang ng isang estudyante. At bakit ganoon na lang ang hatid niyang ka ba?

Binawi rin niya agad ang kamay niya at isinuksok sa pantalong suot. Napatingin siya sa kinakain namin.

"Macy insisted na saluhan ko siya sa pagkain." Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ni Kinsey.

"It's alright. Nakakahiya nga sa'yo dahil naabala ka pa."

"Okay lang 'yon, Mr. Doña. May naiwan namang teacher sa school."

"You own the school, right? Nabanggit minsan ni Dina na ang teacher daw ni Macy ang may-ari ng Polystone."

"Dalawa kaming may-ari. My co-owner is Aica Fortes. She's teaching senior kinder."

Tumango-tango naman si Kinsey, "I see."

Kahit hindi pa tapos sa pagkain ay nagpaalam na ako. "Hindi na ako magtatagal, Mr. Doña. I have to go back to school. Ibinilin ko lang ang mga estudyante ko na pang-afternoon session sa isang teacher."

"We are not through eating yet, Teacher," singit ni Macy.

"Huh?" Napatingin ako sa plato ko.

"It's not good na mag-iwan ng food sa plate, sabi ni Yaya Dina," sabi pa niya.

"Okay. I'll just finish my food then I'll go back to school." Napatingin ako kay Kinsey, "Kayo, Mr. Doña? Sumabay na kayo sa amin."

Bahagyang itinaas ni Kinsey ang kamay. "I'm done already. Maiwan ko na muna kayo. I have to change at ihahatid ko si Macy sa bahay ng lola niya," tumalikod siya at naglakad.

Hindi ko napigilan na sundan ito ng tingin. He had very broad shoulder na bagay sa malaking built ng katawan niya. Bagay na bagay ang suot niyang royal blue long sleeves and black formal pants. Naisip ko kaagad, sayang ang kagwapuhan niyang maagang iniwan ng asawa. I was also wondering kung gaano karaming babae ang naghahangad na pumalit sa pwesto ng asawa niya.

"Ihahatid ka na pala ng daddy mo sa lola mo," baling ko kay Macy.

"Saan nakatira ang lola mo?"

"Sta. Lucia po," malungkot niyang sagot.

"Oh, bakit ka malungkot?"

Si Manang Ana ang sumagot. "Nagtatampo po kasi si Macy dahil iiwan na naman siya nang daddy niya. Dahil wala si Dina, doon muna siya tutuloy sa lola niya."

"I think my dad doesn't love me," biglang sabi ni Macy.

"That's not true. Of course, your daddy loves you."

"Bakit niya ako patitirahain kay Lola?"

"Kasi, para may magbantay sa 'yo habang wala ang yaya mo. Busy din kasi ang daddy mo sa trabaho niya, 'di ba?"

"Pagbalik naman ng yaya mo, babalik ka ulit dito. Mas masaya naman siguro sa bahay ng lola mo, hindi ba?" Tumango siya.

"But I'll still love my dad."

"Don't worry, I'm sure he'll visit you there."

Hindi na ulit nagsalita si Macy.

Nang matapos ako sa pagkain ay nagpaalam na ako. Tamang-tama namang bumalik na si Kinsey. Nakapagpalit na siya ng damit. Isang white round neck shirt at faded maong pants ang suot niya. Sa kanang kamay niya ay may bitbit na kiddie bag at sa kaliwang kamay ay isang suit case.

"Aalis na ako, Mr. Doña," paalam ko. I didn't know kung bakit hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.

"Thanks again. I'll bring Macy to my Mom's house. She'll stay there for about two weeks habang wala pa ang yaya niya. May business trip kasi ako sa Cebu."

"You're going to Cebu, Daddy?" singit ni Macy.

Tumango si Kinsey. "Yes baby. 'Di ba baby nabanggit ko na sa 'yo last night?" Lumungkot ang mga mata ni Macy. "Again?"

"Macy baby, your grandma will take care of you, dont worry."

Ramdam ko ang lungkot ni Macy. Wala naman ako sa lugar para kausapin si Kinsey at ipaalala sa kanya ang tungkulin niyang bigyan ng oras ang anak. Iyon na sana ang pagkakataong hinihintay ko pero alam kong hindi pa ito ang panahon para ipaunawa na kailangan ni Macy ang kalinga. Wala na ang mommy niya kaya dapat ay dobleng atensyon ang makuha niya mula sa daddy niya.

Habang nagda-drive ako pabalik sa school ay hindi maalis-alis sa isip ko ang mukha ni Kinsey. Mukha naman hindi siya pabayang ama. Siguro ay ginugugol niya lamang ang panahon sa trabaho para malimutan ang namatay na asawa. Sa ginagawa niyang iyon ay hindi na niya naisip na napapabayaan na niya ang tungkulin niya bilang ama kay Macy.

Ayokong aminin sa sarili na na-attract ako sa kanya. Atraksyong higit pa sa naramdaman ko sa first boyfriend kong si Vince.

Paghanga siguro dahil napakagwapo naman talaga si Ken. Ano ba 'yan, Ken na ngayon ang tawag ko sa kanya imbes na Kinsey. Ano ba itong nararamdaman ko? He had all the qualities na siguradong mabibighani ang isang babae.

Hindi na ako hayskul para kiligin sa isang gwapong lalaki. Kahit gwapo at mukhang mabait si Kinsey, sa tingin ko ay mahihirapan ang sino mang babaeng makakarelasyon niya. Mahirap ma-inlove ang isang biyudo lalo pa at sa tingin ko ay mahal na mahal niya ang namatay na asawa.

Aasa ba akong magkakainteres man lang sa'kin si Kinsey? Siguro, hindi ako 'yong tipong babae na magugustuhan niya. He was so tall, typically tall, and handsome. Kahit twenty-eight na ako ay mukha pa rin naman akong teenager dahil sa height ko. Maraming nagsasabi sa akin na maganda ako. Sabi ng kakilala at mga kaibigan ko, ako raw ang tipong virginal beauty. May maamong mukha at matangos na ilong, magandang kutis at sexy petite body. Pero sa tingin ko, hindi man lang na-attract sa 'kin si Kinsey. I should know dahil sanay na ako kapag nakakakilala ng lalaking may interes sa 'kin.

Naramdam ako ang panghihinayang na isipin iyon.