Chereads / La Maestra / Chapter 1 - Kabanata 1

La Maestra

🇵🇭jaedgu
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 22.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Kabanata 1

"What?! Hindi ka sasama sa trip namin ng Daddy mo?" gilalas na tanong ni Mrs. Merlin Guieb.

"I have no choice, Mommy. May school activity kami," sagot ko. 

"Euna, ano ka ba naman? Noong pumunta kami ng daddy mo sa Thailand, hindi ka na nakasama. Ngayon na binigyan tayo ulit ng chance na makapunta sa Korea, tatanggi ka na naman."

Ininom ko muna ang fresh milk nanasa baso bago sinagot si Mommy. "Mommy, I'd love to go but matatapat sa fieldtrip ng school. Kayo na lang ni Daddy."

"Hay naku, ewan ko sa'yong bata ka. Simula nang itayo 'yang pre-school mo na 'yan naging priority mo na."

Sinaway ni Daddy si Mommy. "Hayaan mo na 'yang anak mo. Maghanda na tayong dalawa lang ang pumunta sa abroad para naman makapagsolo tayo."

"Naku, magtigil ka nga! Matanda ka na para mag-isip ng kung anu-ano." Natawa na lang ako ng malakas. 

"Anong masama? Mag-si-sixty pa lang naman si Daddy at ikaw naman Mommy, you're still young and pretty. Malay mo magkakaroon pa ko ng bunsong kapatid, heheh."

"Tigil-tigilan niyo akong mag-ama baka masapok ko kayong dalawa!" singhal ni Mommy bago niya ako hinarap. 

"At ikaw na bata ka, bigyan mo naman ng panahon ang sarili mo at huwag 'yang sapat na sulok na lang ng Polystone Pre-School umiikot ang mundo mo. Alalahanin mong you're not getting any younger. You're already twenty-eight at hanggang ngayon mukhang wala ka pang balak mag-asawa."

Sumubo ako ng fried rice.

"Here we go again," sabi ng isip ko.

Nagpatuloy na naman si Mommy. "Hija, matanda na kami ng Daddy mo. Gusto namin, bago man kami mawala ay makita ka namin na nasa magandang kalagayan."

"Mommy, nasa maganda naman akong kalagayan, ah. I have my own business. Maganda ang takbo ng pre-school na itinayo namin ni Aica."

"That's not what I'm trying to say. Ang sinasabi ko ay ang pagkakaroroon mo ng pamilya."

"Tama ang Mommy mo, Hija. Maaaring kapag nawala kami ng Mommy mo ay maiwanan ka namin ng maraming pera pero hindi sapat 'yon para masiguro naming magiging masaya ka." Tugon ni daddy.

Ngumiti ako. "I'm happy, okay? Don't worry about me. I'm happy with what's going on with my life. Kung dadating ang lalaking para sa akin, basta na lang dadating 'yon. 'Di ba, Mommy thirty ka na nang nakilala mo si Daddy?"

"'Yon nga 'yung pinag-aalala ko. Tignan mo, dahil late na kami nagpakasal ng Daddy mo, nag-iisa kang naging anak namin. Fifty-nine na ako ngayon at wala pa ni isang apo ng Daddy mo bago man lang sana pumikit ang mga mata namin."

Kapag ganoong nagda-drama si Mommy, wala na akong magawa kundi ang makinig na lang.

In a way na may punto sina Mommy at Daddy. Si Daddy ang Vice president ng isang Electronics company. Marangya ang buhay namin dito sa Ilocos at kabilang sa mga yearly incentives na natatanggap ni Daddy ang mga out-of-the-country trip. Pero dahil nga sa pre-school na itinayo ko at ng best friend kong si Aica ay madalas na hindi na ako nakakasama sa parents ko.

Simula ng natapos ko ang BS Elementary Education seven years ago ay nagtayo agad kami ng pre-school house. Gusto ni Daddy na lawyer or doctor ang kunin ko dati pero ang puso ko ay nasa mga bata. I love teaching. Kumuha pa nga ako ng eighteen units sa kursong Child Psychology para ma-enhance ang kaalaman ko sa iba't-ibang ugali ng mga bata.

Since bata pa kasi ako ay pangarap ko ng maging guro at magkaroon ng sariling eskwelahan. Balak pa nga namin ni Aica na ituloy hanggang grade six ang Polystone Pre-School dahil maraming parents ang nag-re-request.

"Oh, hindi ka na ulit nagsalita d'yan?" sabi ni Mommy.

"Hayaan ninyo, Mommy, Daddy. Kapag nakita ko na ang lalaking mamahalin ko, yayayain ko agad na magpakasal."

"Bakit kasi pinakawalan mo pa si Vince? Okay naman siya. Siguro, kung hindi kayo naghiwalay, baka may anak na kayo ngayon. May apo na sana kaming isasama sa mga out of the country trips namin. Alam mo na, retirable age na ang Daddy mo. At, then end of this year, mag-re-retire na siya kaya kailangang magkaroon na kami ng mapaglilibangan."

Para maiwasan ang mahaba pang usapan ay mabilis kong inubos ang fried rice sa plato ko bago tumayo.

"Oh, tapos ka na agad magbreakfast?" tanong ni Mommy.

"May pupil kami na mag-ce-celebrate ng birthday sa school, Mommy. The party will be at nine in the morning kaya doon na lang ako kakain nang heavy." Tumayo na ako at humalik sa magulang ko bago umalis. 

While I'm driving my car patungo sa school na hindi naman kalayuan sa subdivision namin ay napapailing ako. Those words from my mother added pressure for me.

Ano ba ang magagawa ko kung walang lalaking matitiyagang manligaw sa akin? May nakikilala man ako from time to time, wala namang nagtatagal na manligaw. Alangan namang isang date lang ay bumigay ako kaagad?

Si Vince, ang aking first love, ay dalawang taong nanligaw sa 'kin bago ko siya sinagot. Tatlong taon din kaming nagkaroon ng relasyon pero nauwi sa wala.

Nang yayain ako ni Vince na magpakasal 3 years ago ay tumanggi ako dahil gusto ko pang bigyan prayoridad ang aking eskwelahan. Mula noon, unti-unti nang lumabo ang aming relasyon hanggang nauwi sa break-up. Kahit paano naman nasaktan ako at may kaunting regrets pero dahil sa Polystone Pre-School, hindi ko naman matagal na ininda 'yon.

I have much fun with kids palibhasa ay solong anak ako at sabik sa kapatid kaya ang paghihiwalay namin ni Vince ay madali ko rin na nakalimutan. Ang balita ko nga may isa na siyang anak.