This is a work of fiction
DISCLAIMER:
Names, characters, places and events are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual events is purely coincidental, do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. If so, Kindly ask for a written consent.
Note: Actually this novel is already completed by unfortunately my old account was deleted by wattpad for no reason so I'am re-uploading this again.
*****
They were friends at first, but things have change when one of them found his self falling inlove towards the other.
Matagal nang magkaibigan si Edward at Peter, katunayan ay halos sabay pang lumaki ang mga ito, sharing personal stuffs, likes and dislikes even ang pananaw nila sa buhay ay pareho narin. Pangarap nilang maging successful sa kani-kaniyang mga pipiliing ng career sa buhay.
Ngunit nag-umpisang lumabo ang lahat noong pareho silang nagkaroon ng interes sa iisang babae.
Pinipilit ni Peter ibahin ang takbo ng kanyang pagkatao but he can't really escape to the fact that he is falling inlove with someone else while being in-a-relationship with Sammy at iyon ay walang iba kundi ang kababata niyang kaibigan.
Will he be able to cross the road and take all the risks para aminin ang nararamdaman niya kay Edward? even it'll cost their friendship?.
This is your ultimate experience
Of an extraordinary love..
Brad series Season 1
Brad Series
[First Book]- COMPLETED
" Say That You Love Me "
×××~~~~×××
" Hi hubby! " biglang sumulpot ang nakangiting dalaga sa tabi ni Peter na siyang ikinagulat naman ng binata.
Mabilis naman na itinago ni Peter ang cellphone na hawak niya pagkatapos ngumiti ng matamis dito.
Halata pa nga ang pagkagulat sa mukha hindi niya ini-expect bigla-bigla itong susulpot mula sa likuran niya.
" Oh wifey i-ikaw pala... kamusta pasensya na ah? hindi kita nadaanan sa inyo kanina si mama kase isinabay na lamang ako sa paghatid " sagot ni Peter sa kanyang one year relationship girlfriend na si Sammy.
" Oh okay lang 'yon, bakit naman parang namumutla ka nagulat ba kita haha ? Ano ba yang tinitingnan mo sa cellphone mo? " sabi ni Sammy inakbayan siya nito sa kanyang balikat.
" Ahh.. Wala mga pictures mo lang sa facebook ang gaganda kasi.. Magandang tingnan" Peter.
"Hmmm.. talaga baka naman pictures yan ng ibang babae! naku subukan mo lang! patingin nga?!" Sammy.
Inilayo ni Peter ang kanyang cellphone at mabilis na pinindot ang application na instagram kung saan kanina pang nakabukas at sakto ding naka standby sa profile ng kanyang nobya.
Kinuha ni Sammy ang cellphone niya.
Baliw na ngumiti ito kay Peter ng makita nito kanyang mga pictures na tinitignan ng kanyang nobyo. Hinuli nito ang magkabilang pisngi ni Peter at tsaka pinangigilan ng pisil.
"Aww!" daing ni Peter pero nakangiti naman.
" Naku ang bolero mo talaga! oo na naniniwala na 'ko sa'yo at tsaka bakit ka pa tumitingin sa mga pictures ko eh pwede mo naman akong tingnan ng personal" anito sabay pinch ng mahina sa ilong ni Peter
"Wala lang, gusto ko lang kase... wala namang masama don di ba?" sagot ni Peter.
" Alam mo napakaswerte ko talaga kasi naging boyfriend ko ang pinaka-cute at pinaka-mabait na lalake na kagaya mo hmm!! " Sammy sabay muling pisil nito sa pisngi ni Peter
" Aw!! Grabe hayan ka na naman pinangigilan mo na naman yung pisngi ko! " Peter
"Alam mo ako rin ang suwerte ko kasi ako ang sinagot mo...sa dami ng nanliligaw sa'yo, I love you" turan ni Peter na siyang ikinapula ng pisngi ni Sammy.
" I love you more hubby! " pagkatapos ay hinalikan ang ilong ni Peter.
Mabilis lang.
Nakita naman agad iyon ng mga kaklase nila na bigla ay kapwa kinilig din naman.
"Eheeem! "
" Hay naku! Kaya pala ang daming langgam dito sa room natin noh? kasi naman may dalawang nag-aasukalan dito ang aga-aga! " komento ni Alex nang na kanina pang naka-ismid sa ginagawa ng dalawa niyang kaibigan.
" Pasensya na hehe kung naiingit ka Alex haha " sabi ni Sam.
" Bakit naman kami maiinggit nu eh kontento naman kami ni baby Alex ko sa isa't-isa, di ba babe? " sabi ni Chase sabay dikit sa braso ni Alex na parang linta.
Kumunot naman ang kilay ni Alex sabay tulak dito palayo sa kanya.
" Yucckk!! Babe? I-babe-babe mo yang mukha mo nu lumayo ka nga sakin amoy bahay-bata ka pa ! Eww " sabi ni Alex at itinulak si Chase sa kanya.
Tawanan naman ang iba pa nilang kaklase na pinapanuod lang ang bangayan nina Chase at Alex.
" Bakit hindi mo na kasi sagutin si Chase Alex? " kantyaw naman ng mga kaklase niya.
" Ayoko nga!! Hindi pa yata 'to tuli eh!! " sabi ni Alex.
" Oy grabe ka naman? Tuli na ko nu!! Tingnan mo pa ! " sagot ni Chase sabay hawak sa belt ng slocks nito.
Nagtakip pa ng mata si Alex sabay tulak na naman kay Chase palayo.
" Ayoko nga! Kung talagang tuli ka na nga, bakit mas matangkad pa ako sayo hah! Mahiya ka nga sa height mo! " Alex.
"Ang harsh mo naman babe!" Chase.
Napuno lang ulit ng tawanan ang buong classroom.
Sa totoo lang kase mas matangkad talaga si Alex kay Chase kaya naman palagi nitong pinagdidiskitahan ang height ng niya sa tuwing dumidikit ito sa kanya.
Ang nakakatuwa pa sa dalawang ito ay hindi maawat at palaging nag-aaway ang mga ito. Nabansagan tuloy silang...
The Quarell Couple ng section nila.
" Teka nandyan na yung prof natin wifey, mamaya nalang uli tayo mag-usap ah" sabi ni Peter.
" Okay sige..." Humiwalay naman si Sam sakanya noong pumasok na ang proffesor nila sa class room.
Umayos na rin sa pagkakaupo ang mga kaklase nila na kanina pang nakatambay sa labas ng room at hindi namalayan ang pagpasok ng prof. nila.
Hindi parin maitago ni Peter ang kaunting excitement sa nalaman niya kanina lamang.
Feeling guilty siya sa hindi pagtatago ng totoo kay Sammy.
Uuwi na kasi ang nakababata niyang kaibigan na si Edward ngayong linggo sa Plipinas. Ayon sa nakita niyang post nito sa kanyang account ay umaga ito darating.
Sandali niyang sinulyapan si Sam na nasa unahan lamang niya nakaupo abalang nakikinig sa sinasabi ng kanilang proffessor.
Gustong-gusto niyang mag-sorry dito dahil sa nagawa nitong pagsisinungaling kanina pero may parte rin ng isip niya na huwag na lamang sabihin dito ang totoo.
Ang totoo'y mga pictures ni Edward ang tinitingnan niya sa facebook.
Mga recent photos nito na kuha sa Canada at hindi ang mga pictures ni Sammy.
Dalawang taon na silang hindi nagkikita ng kanyang kababata at ngayon na nalaman niyang uuwi na ito sa Pilipinas ay nasabik na lamang siya bigla.
Matagal tagal narin... ngunit iyon nga nabura ang excitement sa diwa ni Peter ng maalaala ang mga nangyari noon sa pagitan nilang tatlo.
Napahugot na lamang siya ng isang malalim na paghinga.
Hindi naging maganda ang pag-alis ni ng kaibigan niya ng mga araw na iyon.
Hindi na namalayan ni Peter ang oras at tapos na pala ang huling subject nila sa umagang iyon.
Inaya siya ni Sam na sabay na silang magtanghalian pero tinanggihan niya muna ito dahil pinapatawag sila ng coach nila sa basketball team.
Naintindihan naman iyon ni Sam kaya hindi naman ito nagtampo sa kanya.
Mag-isa siyang naglalakad patungong gym.
May nakasalubong siyang dalawang lalake na nag-uusap at magkahawak kamay habang naglalakad, nilingon niya ito noong lumagpas ang mga ito sa kanya.
Halata sa mga mata nito ang kakaibang saya. Napailing na lamang si Peter sa kanyang nakita at bahagya ay natuwa.
Aminado si Peter sa kanyang pagkatao.
Hindi na bago sa kanya ang nakita niya kanina lang.
Iyon ay ang katotohonan na walang pinipiling kasarian ang pag-ibig.
Pero sa pag-aakalang may 50% pa na tsansa na hindi siya maging ganon sinubukan niyang makipagrelasyon kay Sam and somehow nagtagumpay naman siya.
Pero paminsan-minsan mayroong pag-sisi sa puso niya sa ginawa niyang desisyon.
Another reason for that, is that ginawa niya iyon para hindi siya mahusgahan ng mga tao at sa pag-aakala ding kaya pa niyang kontrolin at baguhin ang damdamin niya pero mali...
Parang mali yata ang naging desisyon niya dahil sa mas lalo lamang naging mahirap sa kanya ang pagkontrol sa damdaming iyon.
Nakarating na siya ng gym nandoon narin ang iba pa niyang mga kasama.
Naghihintay at nag-uusap usap.
Miyembro siya ng Varsity team ng School.
Kumaway siya sa mga kasama niya. Hilig niya talaga ang pagba-basketball noon pa man kaya naman ito ang pinagsikapan niyang pasukin.
" Peter! " bati sa kanya ng mga kasama niya. Ngumiti siya at bumati rin sa mga ito.
" Heto na pala si mr. MVP eh!! " sabi ng coach nila.
" At dahil nandito na kayong lahat!! Mayron lang akong sasabihin... magkakaroon tayo ulit ng try-outs this week dahil may gumraduate nang dalawang members ng team natin kailangan humanap uli tayo ng bago! " ani ng kanilang coach.
" Hindi ba coach may dalawa tayong bagong recruit? " sabi ni Peter.
" Oo nga coach! "
" Umataras na eh! Ewan ko sa mga estudyanteng yon ! "
" Ano bro payag ka ulit na magpa-try outs? " Tanong ni Marcus kay Peter ang pinaka-close niyang team-mate sa grupo.
Magaan ang loob niya dito. Ito lang kase ang nakakausap niya ng matino sa team.
" Hmm! Sa tingin ko kung kailangan papayag narin" sagot ni Peter.
" Marcus, Peter, Jacob Leo at Vince kayo ang sasama sa try-outs " sabi ng coach nila.
" Coach kahit wala naman si mr. MVP eh kaya naman naming gawin ang try-out!" singit ni Vince.
Ito na siguro ang pinakahambog na miyembro nila, hindi rin alam ni Peter kung bakit palaging mainit ang dugo nito sa kanya.
Siniko ni Marcus si Peter.
Sinulsulan pa siya nito na upakan na raw niya dahil naghahambog na naman.
Gustuhin man ni Peter ay hindi niya na lamang ito pinansin lalo na ang mga tingin nito na makahulugan at isa pa kuya siya ni Sam ayaw niyang gumawa ng bad impression dito.
" Vince! Tama na yan! No other discussions kasama parin si Peter sa try-outs.. Kailangan kayong lahat para makapili tayo ng deserving na maging bagong team mate ninyo okay" sabi ng coach nila.
Inis na tumayo si Peter dahil hindi na niya kaya pang tagalan ang presensya ni Vince doon.
Sa pag-aakalang makakaiwas siya kay Vince...
Nilapitan pa siya nito at ngumisi ng nakakaloko.
" Ayoko kasing mabahiran ng LANSA ang Team natin.. kaya ayos lang naman kasi na wala ka " anito sa kanya.
Kumunot ang ang noo ni Peter sa sinabi nito. Anong ibig sabihin nito.
"Anong sabi mo?" Hinarap siya ni Peter at hinarap ito.
" Huwag ka nang mag-maangan pa.. Kunwari ka pa! Tsss. "Vince
"BAKLA! " sambit nito sa kanyang tainga at kapagkuwa'y sinadya nitong bungguin ang balikat niya.
Ikinuyom ni Peter ang kanyang kamao.
"Vince! Tama na yan" saway sa kanila ng kanilang coach.
Lumabas din ito agad ng gym.
Halata ang pagkagulat sa mukha niya sa sinabi ni Vince.
Nagpigil parin si Peter.
Kung hindi lang ito kapatid ni Sam ay baka matagal na din niya itong ginawaran ng suntok para matuto ng leksyon.
" Pre ayos ka lang ba? " tanong sakanya ng mga kasama niya.
" Bro huwag mo na lang pansinin yung si Vince masyado lang talagang mataas ang self-confidence sa sarili nang isang yun eh" paliwanag sa kanya ni Marcus.
Sabay-sabay na din silang lumabas ng gym.
Hindi parin niya alam ang gagawin.
May alam kaya si Vince tungkol sa kanya?
Pero paano?.. Paano kung ipagkalat niya ito.
Paano kung sabihin niya ito kay Sam? Anong mangyayari.
Itutuloy....