Chapter 8
Break Up Plan
Napaigtad si Peter nang may biglang tuwalya na tumama sa mukha niya habang siya ay nakaupo sa bleachers sa loob ng basketball court.
"Oy! Ayos ka lang bro? pansin ko kanina ka pang walang kibo at tulala dito sa taas hinahanap ka ni coach doon nandito ka lang pala" ani ng kaibigan niyang si Marcus. Sumandal ito sa steel railings na nasa harap ni Peter.
Ipinunas niya sa katawan ang tuwalya na binato ni Marcus sa mukha niya at binato din ito pabalik sa mukha ng kaibigan.
"Oy! Grabe naman 'to! Ang dugyot mo Peter!" reklamo ni Marcus ng maamoy ang pawis ni Peter na nasa tuwalyang tumama sa mukha niya.
Tinawanan niya lamang ang kaibigan.
"Gusto ko lang ng peace of mind kahit ilang minute okay? kaya nandito ako tapos andito ka manggugulo ano? Ang galling!" Peter.
" Apaka Sad boi naman? Kung minsan na nga lang eh? Hehe" Marcus.
"Ano, magkwento ka naman mukhang ang lalim ng iniisip mo eh" dagdag pa nito.
"Siya nga pala kamusta na kayo noong pinopormahan mo?" paglilihis ni Peter sa usapan.
Agad namang sumilay ang ngiti sa mukha ng kaibigan niya, halatang may naalala ito sa tanong niya.
"Ayon…nagpaparamdam parin naman ako sa kanya kaso parang walang pag-asa eh in a relationship siya eh" Marcus.
"Ha?! Eh akala ko ba lagi mo namang nakakasama?" Peter.
"Oo…kaso ewan, ayoko ko namang ipilit ang sarili ko sa kanya ano, hihintayin ko nalang 'yong tamang oras na maging kami talaga" Sabi ni Marcus habang nakatingin kay Peter.
"Aye! Ikaw ata itong Sad boi diyan eh" ani ni Peter kalakip ang pagtawa.
Ngunit noong makita niyang seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Marcus ay tumayo na siya at tinapik na lang ang balikat nito.
"Oy, sorry naman, hindi ko naman intensyon na biruin ang feelings mo ano" ani ni Peter. Nakatingin parin ng seryoso sa kanya si Marcus.
Itinaas naman ni Peter ang dalawa niyang kilay signaling a question mark expression in his face towards Marcus. Doon ay nag-umpisang sumilip ang ngisi sa labi ni Marcus at sinundan ng malakas na pagtawa.
"HAHAHAHA, I got you bro!" ani ni Marcus sa kanya. Umiling na lamang si Peter, kahit kailan talaga hindi kumukupas ang pagiging prankster nito.
Lumakad na sila pababa ng benches.
"How is your old friend? Does he still bothers you?" Marcus said, referring to Edward.
"Hmm!" ani ni Peter kalakip ang pagtango ng ulo niya.
"Kaya naman pala, during our practice kanina napansin ko sa tuwing nagkakasalubong kayo parang may gusto itong sabihin o gawin sa'yo" Marcus.
"Wag mo nalang pansinin o papatulan gusto ko ng payapang pag-iisip alam mo 'yon" Peter.
"Just be honest with me bro, no more hiding secrets ah…ano bang meron? Kaibigan mo din naman ako, you can trust me baka sakaling makatulong ako sa'yo 'di ba?" Marcus.
Huminga si Peter ng malalim, he is keeping it for several days already at hindi niya alam kung paano mag dedesisyon, baka kapag sinabi niya kay Marcus ay matulungan nga naman siya nito since subok na din niya ang kaibigan niyang ito pagdating sa mga problema niya sa buhay.
"He wants me to break up with Sammy" pag-amin ni Peter sa kaibigan. Agad na kumunot ang noo nito, marahil maging ito ay naguluhan sa gustong mangyari ni Edward.
"Ha? For what reason?" Marcus.
"Coz he holds my secret that only him knows" sa isip ni Peter.
"The question is not WHAT bro, its HOW!" ani ni Peter.
"Eh g*go naman pala ang kababata mo na yan eh!" Marcus.
"Chill! Boses mo baka marinig ka" Peter.
"Anong chill? You mean hahayaan mo lang na gawin 'yong gusto niya? Para ano? Don't tell me gusto niya si Sam?" Marcus.
"Parang hindi yata naging tama ang pagsabi ko sa nito eh" Peter.
"Eto naman?you have my back bro, I could help you … you know that" ani ni Marcus sabay siko nito kay Peter.
"Salamat pero I'm still figuring on how to solve this" Peter.
"Uh that's good, alam mo ang swerte ni Sam sa'yo kase kahit na mayroong taong tutol sa relasyon ninyo you're willing take risk for her but for me ito lang ang masasabi ko ah huwag na huwag mong gagawin ang gusto niyang kababata mo" Marcus.
Bumuntong hininga si Peter. Tama si Marcus. The idea of breaking Sams' heart would tear him also apart.
"Yeah, tama na nga bilisan mo.. tara na tapos naman na rin ang last round natin sa practice lagkit na lagkit na 'ko sa pawis" Peter.
"Mauna ka na sa locker, kunin ko muna 'yong back pack ko sa gilid ng court" Marcus.
"Okay sige" Peter.
Naghiwalay silang dalawa, tinungo ni Peter ang locker room. Nasa gitna pa ng court iba nilang kasama kaya naman tingin niya ay wala pang tao sa loob. Kinuha niya ang kanyang damit at tuwalya pagkatapos ay tinungo ang isa sa mga bakanteng shower room.
Binuksan niya ang shower at nagsimula na ngang maglinis ng katawan. Bumabalik pa rin sa isip niya ang mga sinabi ni Edward nang nakaraang araw idagdag mo pa ang mga sarcastic gestures nito habang nagpa-practice sila sa basketball court a while ago. This is giving him so much pressure. Gayon pa man ay hindi siya magpapatinag sa gustong mangyari ni nito sa pagitan nila ni Sammy, Besides if in case may gawin man itong hindi maganda wala naman nitong maipapakitang patunay kung sakali na ipagkalat nitong nagkagusto siya noon sa kanya.
Bago pa man noon umalis si Edward patungong ibang bansa ay pinutol na niya ang lahat ng uri ng komunikasyon sa kaibigan ginawa niya iyon para makapag-move on at makapag-focus ng husto kay Sam.
Matapos niyang maligo ay nagbihis na rin siya at nagdesisyong lisanin na ang shower room, he was busy wiping his wet hair, itinulak niya ang pintuan ng shower room para makalabas napaatras siya bigla dahil sa gulat nang may makita siyang tao na nakatayo sa labas nito.
Si Blake. Ngumiti ito noong makita siya. Tipid din na ngumiti pabalik si Peter dito at lumakad na nga paalis ang akala niya ay papasok na din ito sa shower room para maligo ngunit bigla itong nagsalita.
"Uh, Peter" Blake
"Huh?" Peter. Nilingon niya ito.
"Pasensya na nga pala sa mga inasal ko noong mga nakaraang araw… it is not my intention to get on your nerves hmmm…gusto ko lang na mapansin mo ko" Blake.
Kumunot ang noo ni Peter sa sinabi nito. Weird. Ngunit ayaw niyang maging rude dito since sincere naman ito base sa tono ng pananalita nito.
"'yon ba? Uh… okay…wala naman na sa akin 'yon, hindi naman ako masyadong madamdaming tao" ani ni Peter. Pinagpatuloy na niya ang pagpupunas sa kanyang basang buhok. Humarap siya sa kanyang locker. It's still weird dahil nakatingin parin sa kanya si Blake.
"Can I invite you to grab a bite sometime?" Blake.
Tumingin ulit si Peter sa kay Blake.
"Huh? Uhm" alangan na sagot ni Peter.
"I mean… to treat you as peace offering, wala naman sigurong magagalit hindi ba since you already broke up naman na with your recent relationship" Blake.
"Anong sabi mo?" Peter. Naisara niya ng malakas ang kanyang locker.
"Uh did I offended you again? Iyon kase ang sabi ni Edward sa akin kanina… I asked him if you are fine going out with someone else and he said 'YES' because he said you already broked up with your current relationship, and since he's your friend right, so eventually I believed him" Blake.
Nakagat ni Peter ang gilid ng kanyang labi, his anger started to burst out of his chest, by then he found his self in great rage habang mabilis na naglalakad palabas ng locker room tinawag pa nga siya ulit ni Blake pero hindi na niya ito pinansin, his attention is focused enough in finding the person who spread rumors about him. Nang makita na nga ng kanyang mga mata ang taong iyon ay itinaas niya sa ere ang kanyang kamay na kanina pa nakayukom. It landed on Edwards' face, sa lakas ng suntok na iyon ay nabuwal ito at napaupo sa sahig ng court.
Agad naman na nagsitakbuhan ang mga team mates nila para awatin si Peter. Masamang-masama ang tingin niya kay Edward. Tumayo ito, umiling at gumanti din ng suntok sa kanya.
"Tol, tama na. tama na awat na!" ani ng mga kasama nila hinila din nang mga ito palayo si Edward.
Nasapo ni Peter ang gilid ng labi niya ngunit hindi niya alintana ang pagdurugo nito dahil mas lalong naghari ang pagsiklab nang galit sa kanyang buong pagkatao. Kumuwala siya sa pagkakahawak ng mga kasamahan nila sa kanyang balikat, Tila nang hahamon pa ang mukha ni Edward na animo'y ba iniimbitahan pa nitong makipagbuno pa nang husto si Peter sakanya.
"Pre! Pre! Tama na 'yan!"
Nakarinig sila ng malakas na pag-pito.
"PETER!!!" sigaw ng coach nila na papasok palang ng court.
Dahil doon ay natauhan si Peter. Hinila siya ni Marcus palayo.
"Damn! Pete… tara-tara dumudugo ang labi mo" Marcus.
"ANONG NANGYAYARI DITO?" ani ng coach nila.
"TANONGIN NIYO SI PETER COACH! I WASN'T DOING ANYTHING HERE! UNTIL HE PUNCHED ME OUT OF THE BLUE" Edward.
"PETER! ANO TO?" tanong ng coach nila sa kanya.
Yumuko na lamang si Peter. Inihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. Maging siya ay hindi makapaniwala sa kanyang nagawa. Nabigla siya at napangunahan ng matinding galit.
"Sorry coach!" aniya.
"For gods' sake Peter! Wala tayong oras para sa anumang klase gulo! Malapit na ang quarter finals instead of wasting your energy sa pakikipag-away! Why not pagbutihin ninyo ang pag-eensayo?!" Coach.
"BOTH OF YOU! MAKE IT UP ALREADY! HINDI KO ALAM ANG DAHILAN NG SUNTUKAN NINYONG DALAWA PERO PAG-DATING DITO SA COURT LAHAT TAYO IISANG KAMPI NAIINTINDIHAN NIYO?!" ani ng coach nila.
"YES COACH!"ani ng mga kasamahan nila.
"Okay coach" Edward.
Lumapit ito kay Peter at iniangat ang kanang kamay para makipag-shake hands.
Tinitigan lamang ni Peter ang kamay nito.
"Go on Peter! Hindi tayo uuwi kapag hindi kayo nagkaayos sa harap ko at siguraduhin niyo lang dalawa na sa paglabas niyo ng court na ito hindi na kayo mag-aaway, maliwanag?" ani ng coach nila.
"sige na Pete, talo-talo naman tayo dito eh, team mates tayong lahat"
Huminga siya ng malalim at tinanggap na nga ang kamay ni Edward.
Pagkatapos noon ay lumakad siya pabalik ng locker room at kinuha ang backpack.
Nakasunod sa kanya si Marcus sa paglabas niya ng auditorium
"Oy oy oy, sandali lang naman, nagmamadali?" Marcus.
Dinampian ni Marcus ng icepack ang gilid ng labi niya.
"Anong nangyari? Bakit kayo nagkasuntukan ng kababata mo ah?" tanong ni Marcus.
"Mauna na ko Marcus, gusto kong umuwi ng mag-isa ngayon" Peter.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy...