"Mauna na ko Marcus, gusto kong umuwi ng mag-isa ngayon" Peter.
"Okay sige, sige… pero itong icepack bitbitin mo na para hindi mamaga ang pasa mo" Marcus.
Hinawakan niya ang icepack at iniwan na nga si Marcus sa lobby ng Auditorium.
Binilisan niya ang paglalakad. Nilalamon siya ng takot at kahihiyan. Alam niya, ang ginawang iyon ni Edward na pagkakalat ng balita tungkol sa kanila ni Sam ay warning sign sa patungkol sa banta nito na dapat niyang hiwalayan si Sam sa loob ng limang araw.
Nag-ring ang phone niya, ngunit hindi niya iyon dinukot sa kanyang bulsa sa halip ay pumara siya ng taxi at sumakay na.
Dinala siya nang kanyang malalim na pag-iisip sa lugar kung saan paborito niyang puntahan, lalo na sa mga oras na naliligalig siya. Dapit hapon na kaya tanaw na tanaw niya doon ang kabuuan ng buong syudad at ang palubog na araw. Naupo siya sa upuang kahoy na naroon. Pumikit siya ng ilang segundo at ninamnam ang banayad na hihip nang simoy ng hangin. Tahimik ang paligid, tanging lagaslas lamang ng dahon ng mga punong kahoy sa paligid ang naririnig niya. Ilang minuto ang lumipas sa mula sa malalalim na paghinga ni Peter ay napayuko siya at unti-unti na ngang napahagulgol.
Paano? Anong gagawin niya para matapos nang lahat nang ito? Hindi niya maaatim na gawin ang gustong ipagawa sa kanya ni Edward. Mabuting tao si Sam, hindi niya kayang makita na masaktan ito nang dahil sa kanya. She's been so understanding in him for the past years of their relationship.
Noong kumalma ang kanyang sistema ay idinilat na niya ang kanyang mga mata at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Dumako ang paningin niya sa isa pang upuang kahoy na nasa tabi niya, doon ay bumalik sa kanyang isip ang mga alala-ala ng nakaraan.
"Dito! Dito Pete! Ayan…paabot nga ng martilyo at tsaka ng pako diyan sa likod mo" ani ni Edward.
"Okay sige-sige" Peter.
Kahit na tirik pa ang araw ay sinamantala ng dalawa na ayusin ang bago nilang natuklasan na tambayan malapit sa labas ng subdivision. Summer break noon at wala ganoong pinagkaabalahan sina Peter at Edward kaya naman napag-desisyunan nilang mag-ikot-ikot at sa kabutihang palad ay natagpuan nila ang isang bakanteng lote sa labas ng subdivision na ngayo'y kasalukuyan nilang inaayos para gawing tambayan
"Baka pagalitan ka ng mama mo ah? Ipapako talaga natin 'yan sa malaking ugat ng puno?" Peter.
"Oo naman, kaya nga natin ipapako para hindi mabuhat ng iba o mawala, tsaka wag kang mag-alala ipinagpaalam ko naman itong mga upuan kay mama, kaso hiram nga lang haha" anito.
"Sira! Haha pag ito nalaman ni Tita Grace wag mo kong idadamay ha!" Peter.
"Oo na, oo na, oh siya hawakan mo ng maigi ah? Para hindi lumihis ang dereksyon habang ipinapako ko 'yong paa ng upuang kahoy sa ugat ng puno" Edward.
Hinawakan nga ni Peter ng maigi ang upuang kahoy, habang ipinapako ni Edward sa malaking ugat ng puno ng Acacia. Nang matapos sila sa pag-aayos ay kapwa naupo ang dalawa sa upuang kahoy na inilagay nila sa bago nilang tambayan.
"Yes! Natapos din natin" ani ni Edward.
"Oo nga, woaahh… ang ganda dito ano? Malakas ang hihip ng hangin tapos kitang-kita ang buong syudad" ani ni Peter habang nakasalampak ang buhok katawan sa upuan dahil sa pagod.
"Lalo na siguro sa gabi!" Edward.
"Tapos bilog ang buwan, naiimagine ko na 'yong mga ilaw sa syudad 'yong magmimistulang bituin sa gabi" Peter.
Ilang minuto ang lumipas, kapwa walang nagsasalita sa kanilang dalawa marahil ninamnam nila pareho ang magandang tanawin sa lugar, walang ulap sa itaas kitang-kita ang kulay asul na kalangitan, lumilipad-lipad ang mga ibon alinsabay sa kalmadong sitwasyon ng buong syudad.
"Pwede ba tayong bumalik dito sa araw ng birthday mo? Sa gabi, gusto ko lang makita ang itsura ng buong syudad mula dito" ani ni Edward.
Tumingin si Peter kay Edward at ngumiti.
"Aba oo naman! Ako din gusto ko ding pumunta dito para panuorin ang nagliliwanag na syudad sa gabi mula dito" Peter.
"Promise 'yan Pete ah? Don't worry magse-set up ako dito ng simpleng after party para sa birthday mo pagkatapos ng celebration ninyo sa bahay ninyo" Edward.
"Naks naman! Nagpapabango! Ilang math assignments ba ang ipapagawa mo sa'kin sa opening classes ah?" biro ni Peter kay Edward. Binato siya nito ng maliit na bato. Humagikhik naman tuloy si Peter.
"Grabe ka sa'kin parang hindi mo 'ko kaibigan ah?akala ko ba ang magkaibigan nagtutulungan?" Edward.
Bahagyang tumawa si Peter, doon ay hinila siya pabalik sa kasalukuyan. Napamura siya ng mapansing madilim na pala ang paligid. Mabuti na lamang at naaabot din pala ng liwanag ng lamp post ng highway ang lugar kung saan siya nakaupo. Tumayo siya nag-unat-unat saglit ng katawan. Oo, bumalik nga siya sa lugar na ito gaya ng ipinangako niya noon ngunit siya lang at hindi si Edward.
Namangha siya sa kanyang nakita, unti-unting nagbukas ang mga ilaw sa iba't-ibang dereksyon ng syudad. Dahil doon pakiramdam niya gumaan ang kanyang loob. Kumirot ang gilid ng kanyang labi, Dinampot niya ang icepack na binigay ni Marcus sa kanya kanina para sana ilagay ulit sa gilid ng labi niya pero sa kasamaang palad natunaw na ang laman nitong ice.
Sa halip, ay dinukot nalang niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa, ito-touch palang sana niya ang screen nito para i-on ang flashlight app ngunit bigla namang lumitaw sa screen ang caller ID ni Sam. He cleared his throat bago sagutin ang tawag.
"Hello Pete? Asan ka? Kanina ka pa hinahanap sakin ni Tita? Tinatawagan ka daw niya pero hindi mo daw sinasagot ?" ani ni Sam.
"Ah eh… pasensya na may pinuntahan lang ako, nakalimutan ko ang oras at hindi ko nasilip ang cellphone ko nasa labas lang naman ako ng subdivision namin Sam don't worry I'm fine" malumanay na sagot ni Peter, batid niya ang pag-aalala sa boses ni Sam.
"Are you sure? Nabalitaan ko napaaway ka raw?" alalang tanong ni Sam.
"Ah 'yon ba? Wala 'yon…" pumihit na siya at sinimulan na ang paglakad na paalis ng tambayan. Dahan-dahan dahil medyo madilim talaga ang lugar.
"Nagkaayos naman na kami, small misunderstanding lang sa basketball team" dagdag pa niya. Napahinto sa paglalakad si Peter noong bigla ay may nakita siyang pigura na nakatayo dalawang metro ang layo mula sa kanyang dereksyon. Hindi niya gaanong makita kung sino ito, doon ay nilukob na siya ng kaba. Baka magnanakaw? Masamang elemento?.
"Babe? Are you still there? I heard you gasps? Are you sure you're fine?" ani ni Sam sa kabilang linya.
"Ah sorry sorry oo nandito pa ko may dumaan lang na pusa sa harap ko naglalakad kase papasok ng subdivision" pasubali ni Peter.
"Hmm okay, akala ko na kung ano… sige mag-ingat ka sa pag-uwi ha? Kita tayo bukas" Sam
"Okay!" Peter. Pagkatapos mag end ang call ni Sam ay agad-agad na inindot niya ang volume down button ng kanyang cellphone doon ay automatikong bumukas ang flashlight ng kanyang phone. Itinutok niya ito sa pigura nang nakatayo na dalawang metro mula sa dereksyon ng daan na tinatahak niya.
Sinangga ng isa nitong kamay ang liwanag ng flashlight na nanggagaling sa cellphone ni Peter.
"Sino ka?!" ani ni Peter. Lalakeng nakasuot ng jeans at white sweat shirts ang nakita niya, Aabog-abog ang boses niya dahil wala manlang siyang hawak na kahit na ano pangdepensa man lamang sa sarili kung sakali ngang masamang loob nga ito.
Nanlaki ang mata ni Peter nang ibaba ng lalake ang kamay nito.
Nakita niya ang mukha ni Edward. Lumakad ito papalapit sa kanya sabay hawak sa isa niyang kamay, hinila siya nito.
"Teka! Teka! Bitawan mo nga ang kamay ko?!" protesta ni Peter, pinilit niyang kalasin ang kamay ni Edward sa kamay niya ngunit hindi siya nagtagumpay.
Bigla-bigla sa ilang minutong paghila nito sakanya paalis sa lugar ay huminto din ito sa wakas at hinila siya paharap kay Edward. Nabitawan ni Peter ang kanyang cellphone nahulog ito sa damuhan.
"Just for once! Don't let other people worry about you!" ani ni Edward. Seryoso ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.
Peter gasps, iniwas niya ang kanyang tingin ngunit hinila pa siya ni Edward lalo palapit sa kanya, the look in his eyes... it's similar noong mga panahong natagpuan siya ni Edward sa hotel noong naglayas si Peter sa bahay nila, he looks very concerned.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.