Chereads / Say That You Love Me / Chapter 7 - Chapter 6 - His Plans

Chapter 7 - Chapter 6 - His Plans

Chapter 6

His Plans

Nagising si Peter kinaumagahan, magaan ang pakiramdam niya, ngunit iisa tao lang ang na agad na hinanap ng kanyang mga mata pagkagising niya iyon ay ang kaibigan niyang si Edward na ngayon ay wala na sa loob ng kanyang kwarto.

Bumangon siya at inayos ang kanyang buhok at naghilamos ng kaunti sa loob ng banyo.

"Parekoy... maibabalik pa kaya natin ang dati? 'yong ganito lang... gaya ng dati..magkaibigan"

Napapikit ng mariin si Peter ng muli niyang maalala ang mga sinabing iyon ni Edward sa kanya kagabi.

He was stunned. Edward said it with sincerity. He wanted to respond to it pero mas pinili niyang huwag na lamang itong sagutin dahil baka kung saan pa mapunta ang susunod nilang usapan.

Lumabas siya ng banyo at kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bedside table chineck niya ito habang pinupunasan ng tuyong bimpo ang kanyang pisngi.

He was expecting a text message from Sammy ngunit wala. Wala siyang natanggap, nagtaka naman kaagad si Peter dahil minsan nagse-send ito ng text message tuwing umaga, He sent Sam instead a text message na dadaanan niya ito sa bahay nila.

Hinintay niya na mag-reply ito ngunit natagalan at wala siyang natanggap, kumukulo na ang sikmura niya, he needs to it.

Lumabas siya ng kanyang kwarto at bumaba sa first floor ng kanilang bahay para mag-agahan.

Naabutan niya ang kanyang Mama na nagluluto sa kitchen at ang kanyang kapatid na si Jacob na naglalaro sa dinning table.

"Ma! morning" bati niya dito.

"Morning din nak.. maupo ka na diyan sa harap ni Jacob at nang makapag-almusal ka na din" ani ng kanyang ina na hindi na makatingin sa kanya dahil sa abala ito sa pagluluto.

"Goodmorning kuya!" bati ng kapatid niyang si Jacob.

"Goodmorning too brother! hmm!" ginulo niya ang buhok nito dahilan upang ito ay bumungisngis.

"Hmm look! kuya may bago akong laruan!" Jacob.

"Hmm?" ani ni Peter habang umiinom ng fresh milk sa kanyang mug.

"Bigay ni kuya Edward! sabi niya galing Canada daw ito binili niya para sakin hehe" dagdag ni Jacob.

Nakita nga ni Peter ang bagong laruan na hawak ng kanyang kapatid.

"Did you thank him ?" Peter.

"Yes of course kuya!" sagot ng kapatid niyang si Jacob at nagpatuloy na sa paglalaro.

Umiling na lamang siya. Mabuti naman, hindi nagbago ang treatment ni Edward sa pamilya niya lalo na sa kapatid niyang si Jacob. Itinuturing parin nitong parang sariling kapatid si Jacob gaya ng dati.

Lamang pagdating sa kanya, parang hindi iyon posible. Ramdam niya ang pagkadisgusto at kakaibang kilos nito kapag nakikita siya nito.

Patunay na riyan ang mga nangyari noong nakaraang araw at hanggang kagabi. He was just confused. Kung anong ibig sabihin nito sa sinabi nito sa kanya kagabi.

Hindi niya alam kung nagse-sleep walking lang ito, nananaginip? at nagsasabi ng kung ano-ano o baka naman totoo nga at sinasadya nitong tumabi sa kanya sa pagtulog at sabihin ang mga salitang iyon sa kanya.

"Dahan-dahan Jacob mainit pa ang pagkain" ani ng kanyang Mama.

Kinuha ni Peter sa kanyang Mama ang bowl na may lamang soup.

" Ma ako na po.." Peter.

"Salamat Peter" ani ng kanyang Mama.

Kumuha siya ng isa pang bowl at nilagyan iyon ng laman pagkatapos ay ibinigay sa kanyang kapatid na si Jacob.

"Oh.. dahan-dahan mainit pa" Peter.

"Okay... salamat po Mama at Kuya" Jacob.

Peter chuckled at ganoon din ang kanyang Mama sa cuteness na ipinakita ni Jacob sa kanila.

"Mood boster talaga itong kapatid mo ano? tuwang-tuwa sa kanya ang Tita Stella mo simula pa kagabi" ani ng Mama ni Peter.

Nagsimula na sa kanila sa kanilang agahan.

"Ganon ho ba Ma? haha " Peter.

"Oo nga pala, maaga pa silang umalis.. si Stella ay may pupuntahan daw si Edward naman may aasikasuhin pa daw sa University ninyo.. hmmm anong oras ba ang schedule of class mo nak" ani ng Mama ni Peter.

"Ahh ganoon po ba? 9 A.M. pa naman po" tugon ni Peter habang kumakain.

"Hmm... 7 A.M. pa lang naman maaga pa naman pala" mama ni Peter.

"Opo Ma" Peter.

"Nga pala ang sabi ni Stella baka daw pwedeng tulungan mo daw si Edward na makapag-adjust sa University ninyo anak.. alam mo naman iba ang set-up ng college ng Canada kung ikukumpara mo sa kolehiyo ng Pilipinas.. alam mo na siguro ang ibig-sabihin namin nak" mama ni Peter.

He stopped eating for a second ng marinig niya ang sinabi ng kanyang Mama. Napatanong agad si Peter sa sarili niya, paano kaya niya iyon gagawin? gayong mayroong buhay na tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Edward?.

"Sige po.. susubukan ko po Ma sa abot ng makakaya ko" tugon na lamang niya sa kanyang Mama.

Ayaw niyang magtaka ito sakaling tumanggi siya. Besides, walang naman silang alam sa issue na mayroon sila ni Edward that is why he has no choice but to agree.

His phone vibrated. He finally received a text message coming from Sammy. Agad naman niya itong binuksan.

[Goodmorning babe, no need to fetch me up.. I was with Edward, dinaanan niya ako sa bahay namin saying he is going to our University too that is why he gave me ride. See you at school. Love you] -Sammy.

A pain is suddenly pierced in his heart.

Pero sinubukan niyang kumalma dahil ayaw niyang maging curious ang kanyang Mama na ngayo'y kasama niyang kumakain.

Hindi maganda ang kutob niya sa inaakto ni Edward towards Sammy.

He wants to know kung anong intention nito sa kanyang girlfriend.

Muling nag-vibrate ang kanyang cellphone. Nakatanggap naman siya ng text message mula sa Victoria-Guzman Clothing Line.

He took a deep breath. They were inviting him for a personal interview and product fitting later this afternoon.

"Ma baka po ma-late ako ng uwi mamaya" Peter.

"Hmm.. bakit nak?" mama ni Peter.

"Nagtext po sa akin ang Victoria-Guzman Clothing Line pinapapunta po ako sa main branch nila for personal interview, product fitting at sa pag-aayos daw ng indorsements ko according to my academic schedules" Peter.

"Hmm.. okay nak wala namang kaso sa akin basta mag-iingat ka lang call me if I need to pick you up..pwede ko namang iwan muna si Jacob kay tita Stella mo if in case" mama ni Peter.

"Naku, wag na ma! haha ang tanda ko na kaya ko na pong umuwi mag-isa tsaka hindi naman siguro ako gagabihin po" ang sabi ni Peter.

"Ikaw ang bahala 'nak... basta mag-ingat ka lang ah tsaka goodluck alam kong kaya mo 'yan ikaw pa ba? kanino ka ba nagmana ng kapogian na pang super-model eh di syempre sakin! haha" nakangiting sabi ng mama ni Peter.

"Opo ma! kayo talaga" Peter.

Nagkatawanan na lamang sila pareho.

Nagpaalam na si Peter sa Mama niya na babalik sa kwarto pagkatapos niyang kumain at nang makapaghanda siya nang mga gamit na dadalhin sa klase at sa interview niya mamaya.

Nagdala nalang siya ng medyo malaking bag para mapaglagyan ng kanyang susuotin na damit para mamaya sa pagpunta niya sa Victoria-Guzman Clothing Line.

Nearly 10:00 A.M. ng magpaalam na siya na aalis.

Nagbook nalang siya ng taxi sa isang online app kaysa naman maglakad pa siya patungo sa entrance ng village nila, besides wala naman siyang susunduin dahil si Sammy ay nasundo na ni Edward without his knowing.

Napailing na lamang si Peter habang nakatingin sa labas ng taxi na sinasakyan niya. Sana ay mali ang kutob niya sa nangyayari ngayon, sana ay hindi siya tama at lahat ng ito ay bunga lamang ng kanyang mga pangamba.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na rin siya sa North Vallie University.

Namataan niya agad sa di kalayuan si Marcus na nakatayo sa may lobby.

Malamang inaantay siya nito dahil magkaklase sila sa isang subject ng umagang iyon.

"Dude! kamusta okay ka na ba?" paunang bati ni Marcus sa kanya at tsaka umakbay sa kanya.

"Okay naman na, malakas pa 'to sa kalabaw kaya mabilis gumaling" ani ni Peter.

Magkasabay silang naglalakad sa hallway.

"Hmm.. magpasalamat ka kako sakin dahil kung di agad ako nakatawag ng medic baka kung ano pang nangyari sa'yo don" Marcus.

"Oh siya, salamat dude haha consider it as my debt, singilin mo nalang ako next time haha" Peter.

"Oo ba! nga pala kilala mo ba 'yong player na 'yon... Edward ba ang pangalan non dude? pansin ko kase iba siya kung mag-alala sa'yo that time hmm" Marcus.

Tumahimik bigla si Peter, pagkaraan ng ilang segundo ay tinugon niya si Marcus para mawala ang pagdududa nito.

"Kaibigan ko 'yon, to be exact childhood friend.. galing pa 'yon ng Canada" sabi ni Peter.

"Ahh.. kaya pala mukhang foreigner! hmm.. di ko gusto 'yong asta niya tss.. parang yung mortal enemy mong si Vince" Marcus.

Natawa na lamang siya sa sinabi nito.

"Oh may nasabi ba akong mali?" Marcus.

Inakbayan niya rin ito pabalik ngunit ginamitan niya ng bigat ng kanyang katawan kaya bahagyang napasubsob si Marcus.

"SIRA! MABAIT YON" ani ni Peter.

"Oo na! oo na! wag ka na magalit dude, haha ang bigat mo!" Marcus.

"Ipakikilala kita minsan don, magaling 'yon sa soccer!" pagmamalaki ni Peter.

Soccer player din kasi si Marcus kaya naman iyon agad ang naisip niya para ituwid ang misconception nito sa kaibigan niyang si Edward.

"Oh? talaga! well sige-sige mukhang magandang ideya 'yan dude mayroon na rin akong prospect duel sa wakas" ani ni Marcus.

Pumasok na sila sa room kung saan gaganapin ang klase nila along with the students from other courses.

Ganoon kase ang arrangement ng Unuversity nila. They have to mix other courses with similar subjects and courses if nasa maximum number na ang population ng mga estudyante that is why classmate niya si Marcus sa isang subject kahit iba ang kurso at department nito.

Napakabilis ng oras, parang kanina lang pumasok sila sa room to attend the class ngayon tapos na at lalabas na sila para mananghalian. Iyon lang ang scheduled class ni Peter sa araw na iyon iisang subject lang.

Naghiwalay sila ni Marcus dahil may pupuntahan daw ito, naiwan naman si Peter na ngayo'y papunta na ng University Cafeteria.

Nagpadala siya ng text message kay Sammy, para yayain itong sabay na maglunch. Ngunit 15 minutes na ang nakakalipas hindi ito sumasagot sa text niya, he tried to call her pero out of coverage area. Inisip na lamang ni Peter na baka may ginagawa pa ito kaya ayaw pang magpa-istorbo.

He has no choice but to eat his lunch alone. Pumasok siya sa University Cafeteria at bumili ng pananghalian.

He wondered kung anong ginagawa ngayon ng kaibigan niyang si Edward at kung nasaan ito ngayon. Inisip niyang muli ang pakiusap ng mama niya kanina.

Blangko ang utak niya kung anong plano ang gagawin. Wala atang balak na makipagkasundo sa kanya si Edward.

He ate his lunch, may mga ilang estudyante na dumadaan sa gawi niya at bumabati sa kanya habang siya ay kumakain at tumutugon naman siya sa mga ito.

Hindi siya sanay na kumain mag-isa, he was always with Sammy.

Ewan niya ba at bigla siyang nalungkot. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa nag-iisa siyang kumakain ngayon o baka sa isiping maaaring maging komplikado ang lahat between him and Sammy, What if sabihin ni Edward dito ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa bago ito umalis papuntang Canada?.

Huminga siya ng malalim, tingin niya malabo namang mangyari iyon, mahal siya ni Sammy at ganoon din siya dito, it will surely prevail more than his stupid feelings towards his friend, Edward.

Napaangat siya ng tingin ng may napansin siyang dalawang tao na papalapit mula sa kanyang likuran.

Huminto ang mga ito sa table niya at noong tingnan niya kung sino ang mga ito ay nagulat na lamang siya.

"Hi Peter.. hmmm can we join you? wala ka namang kasama babe" it was Sammy.

Kasama si Edward... Bahagya itong ngumisi na nakatingin sa kanya na tila ba sinasabi nitong nanalo siya.

Gumapang ang inis at pagka-irita sa pagkatao ni Peter.

"I texted you.. and you didn't answer my call!" tumayo siya at binitbit ang kanyang bag at tuluyan nang tinalikuran si Sam at Edward.

"Peter wait! I can explain" Sammy.

Ngunit derederetso siyang lumakad palabas ng Unuversity Cafeteria na parang isang talunang bata. Kaya pala hindi sinasagot ni Sammy ang text message niya maging ang mga tawag niya dito kanina iyon dahil magkasama parin sila ng Edward na iyon.

Tama nga ang iniisip niya simula pa kaninang umaga.

Edward is planning to do something at ang nakakainis lang hindi niya kayang labanan ito dahil natatakot siyang baka ito ang maging dahilan para malaman ng lahat ang matagal na niyang tinatagong sekreto.

Hindi iyon matatanggap ng Papa niya kapag nagkataon, na ang anak nito ay minsan pang nagkagusto sa kapwa niya...lalake at sa nakababatang kaibigan pa niya..

.

.

.

.

.

.

.

Itutuloy....

Note:

[I'm sorry for the very late update. I want to thank all of you silent readers haha. Happy 5,000 reads for this novel and we are on Rank #19. Please be with me until the very last episode of this. Thank you again keep safe and healthy everyone!]