Chereads / Say That You Love Me / Chapter 3 - Chapter 2 - Tied Together

Chapter 3 - Chapter 2 - Tied Together

Disclaimer:

This chapter may contain a mature content that is not suitable for 18 years old below.

Chapter 2

Tied Together

PETER

Hating gabi ng maalimpungatan si Peter mula sa kanyang pagkakatulog.

Bumangon siya sa kanyang kama at naupo sa gilid nito, kapagkuwa'y sa kanyang pagkakaupo ay napansinĀ  niya ang liwanag na tumatama sa kanyang mga mata, nanggagaling ang liwanag na iyon mula sa kwarto ni Edward na katapat lang din ng kwarto niya.

Tumayo si Peter at dumungaw sa kanyang bintana, hinila niya ang kanyang silya palapit at doon ay naupo siya, itinulak niya ng bahagya ang sliding glass ng kanyang bintana para pumasok ang ihip ng malamig na hangin mula sa labas.

Sabay dantay ng dalawa niyang siko sa bintana at nangalumbaba.

Nanatili siya nang ilang minuto sa ganoong posisyon habang nakatanaw parin sa bintana ng kwarto ng kaibigan niyang si Edward.

Tama siya, bukas ang ilaw mula doon sa loob, marahil naroon ang ina ni Edward sa palagay ni Peter.

Madalas kase itong pumunta doon dahil lumipat na din ito ng tirahan simula noong pumunta ng Canada si Edward upang doon manirahan sa kanyang Papa.

Hiwalay ang mga magulang ni Edward at mayroong kasunduan ang mga magulang nito na sa pagsapit ni Edward ng edad na bente uno ay doon ito titira sa kanyang papa ng isang taon.

Papungay-pungay ang mga mata ni Peter.

Kinuha niya ang kanyang cellphone, binuksan ang camera nito at kinuhaan ng litrato ang bintana ng kwarto ni Edward. Sunod niyang kinuhaan ang kanyang sarili ngunit very dim light lang sapat na para makita ang kanyang mga mata at labi sa litrato dulot ng liwanag ng buwan sa itaas ng langit at nang liwanag na galing sa kwarto ng kanyang kaibigan.

Binuksan niya ang kanyang instagram at facebook account na ngayon ay mayroon nang 200,000 followers, napangiti ng bahagya si Peter.

Ipinost niya ang dalawang picture na kinuha niya at nilagyan ng caption na...

"Same old place,long gone friend"

Ilang minuto pagkatapos niyang ipost iyon ay may nakita siyang nag-comment.

[Blake Sanchez]

I'm sure he/she will be back soon, still up Idol

Comment nito with smile emoticon sa dulo.

Ihi-hit niya sana ang like react sa comment nito ng biglang may mag-pop-up na mensahe mula sa kanyang facebook messenger.

"Idol, anong oras ang try-outs bukas?" anito sa kanyang chat.

Binuksan naman ito ni Peter. Pero hindi siya nag-reply dito, tinungo niya ang timeline nito.

Nakita niya doon na hindi pa pala niya naco-confirm ang friend request nito.

Ayaw niyang maging usesero sa facebook account nito pero ganoon kase ang ginagawa niya bago niya i-accept ang mga nagfi-friend request sa kanya ay tinitignan niya munang mabuti ang mga uri ng content na pino-post ng mga ito.

Sa di sinasadya ay napindot ni Peter ang isang album sa loob ng facebook account ni Blake. Naglalaman iyon ng nga half naked photos niya.

Napabilib naman si Peter sa angkin nitong panga-ngatawan halatang batak ito sa work out. Daan-daan ang likes at comments nito na nakuha.

Sa isip ni Peter ay napopost ito ng mga ganitong larawan upang maipakita kung gaano ito inaalagaan ang sarili niya.

Ginagawa din kase niya ito minsan sa mga FB at IG status niya.

Well, compared to him na kahit hindi mag-work out ay well formed at proportioned parin ang muscles sa katawan. Namana niya ang well proportioned at matipuno niyang pangangatawang ito mula sa kanyang Father's side mula sa mga tito niya na matitipuno ang pangangatawan.

Kumbaga nasa genes na niya ang natural development ng kanyang refined muscles.

Push ups at sit ups na lamang ang ginagawa ni Peter para madevelop ang kanyang tummy, butt at legs.

Inaantok na ulit siya. Binuksan niyang muli ang chat ni Blake at nagreply dito.

[2 P.M. sa University Gym] reply niya ng maikli.

Sumulyap muli si Peter sa bintana ni Edward, napaigtad siya bigla nang may biglang dumungaw sa bintana nito.

Sa gulat ay ni-lock ni Peter ang kanyang cellphone para mawala ang liwanag dito.

Mabuti na lamang at walang bukas na ilaw sa loob ng kwarto niya kaya hindi siya mapapansin na nakatambay sa bintana.

Hindi niya gaano maaninag ang mukha nito ngunit batid ni Peter na pigura iyon ng isang lalake.

Hindi kaya si Edward ito? Nandito na siya sa Pilipinas?sa isip niya

Di niya gaanong maaninag ng tama o makompirma kung si Edward nga ba iyon.

Hinila ni Peter ang kurtina para takpan ang kanyang bintana wari niya'y tumingin ito sa dereksyon ng kanyang bintana.

Hindi din alam ni Peter kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Marahil natatakot din siya na makita itong nakamasid sa kwarto ni Edward sa ganoong oras ng hating gabi.

Muli siyang umakyat sa ibabaw ng kanyang kama.

Hanggang ilang minuto pa ang lumipas sa nawalan na din ng ilaw ang loob ng kwarto ng kanyang kaibigang si Edward.

Humiga siya at ilang minutong nakatitig lang sa kisame ng kanyang kwarto.

Nag-isip isip.

"Nasisiraan ka na ba ng mabait Dude? magkaibigan tayo? hindi pwedeng ganyan dude! hindi ba nagparaya na ako para sa'yo kase ikaw ang gusto ni Sammy at hindi ako, ang sabi mo mahal mo siya... tapos ngayon sasabihin mo sa'kin na mahal mo din ako higit pa sa isang kaibigan?" ito ang boses na paulit-ulit na umikot sa utak ni Peter.

Nakagat niya ang kanyang labi at iritableng inihampas ang kanyang kanang kamay sa kanyang kama.

Damn! bakit ko ba iyon nasabi sa kaibigan ko? hindi sana ito umalis na masama ang loob sa'kin.

Ilang araw kase pagkatapos ng komprontasyon nila ni Edward ay ang pag-alis nito papuntang Canada. Kaya hindi manlang siya nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag dito.

Nadurog ang ilang taong pinagsamahan nila bilang magkaibigan dahil sa isang babae at dahil pa sa kanyang pesteng feelings para kay Edward.

Dinalaw na siya muli ng antok dahil sa sobrang pag-iisip.

Kinaumagahan ay tinanghali siya ng gising. Whole morning ay wala siyang schedule ng klase at sa hapon naman ay exempted din siya sa kanyang dalawang schedule of class dahil mayroon nang request na ginawa ang kanilang basketball coach para payagan silang hindi dumalo sa kani-kaniyang klase.

Bumaba agad siya ng sala at tinungo ang kusina dahil kagabi ay nakalimutan niyang kumain ng hapunan.

Kumukulo na ang kanyang sikmura.

Dinampot niya agad ang tinapay na nakahain sa lamesa. Naabutan niyang nagluluto ng tanghalian ang kanyang mama.

"Oy dahan-dahan naman anak sa pagkain baka mabulunan ka" ani ng kanyang ina.

"Pasensya na po, nakalimutan ko po kaseng bumaba kagabi nakatulog na po ako Ma nang hindi nakakapaghapunan" Peter.

"Oo, napansin ko nga hindi nalang kita ginising kase sarap na sarap ka na sa tulog mo... bayaan mo ilang minuto nalang maluluto na 'tong niluluto kong ulam" ani ng kanyang Mama.

"Si Papa po Ma?" Peter. Uminom siya ng juice na iniabot sa kanya ng kanyang mama.

"Ay andon nagtungo sa opisina nila.. aayusin na daw yung pag-resume ng kanyang duty sa navy siya na din yung naghatid kay Jacob" ani ng kanyang Mama.

"Ah ganon po ba? matatapos na po pala ang vacation ni Papa" Peter.

"Oo anak ang bilis nga eh, kamusta naman ang school?" tanong ng kanyang Mama.

"Okay naman po ma, wala kaming schedule ng class ngayon tapos mamaya may Try-Outs game kami sa basketball team ng University kaya exempted din ako sa afternoon class ko ngayong araw lang naman Ma hehe" sagot ni Peter.

"Ah, basta't wag mo lang pababayaan ang pag-aaral mo ah kahit na sumasali ka diyan sa sports activities ninyo ay dapat focus ka pa din sa studies mo nak ah" pagpapaalala sa kanya ng kanyang Mama.

Inilatag na nang kanyang Mama ang ulam at ang paboritong sinigang ni Peter na niluto nito.

"Oo naman Ma priority parin ang pag-aaral.... woow the best ka talaga ma! ang bango ng sinigang" ani ni Peter sa kanyang ina.

Ngumiti sa kanya ang kanyang ina at pinat ang ulo niya.

"Hmmmmm... ikaw talaga, naalala ko tuloy noon noong mailiit ka pa excited ka talagang kumain kapag may sinigang na nakahain.. hanggang ngayon binata ka na ganoon ka parin ang cute-cute mong tignan kapag kumakain ka ng mga niluluto ko" ani ng kanyang Mama sabay pisil sa kanyang pisngi.

"Ma naman! ang laki ko na bini-baby niyo parin po ako" Peter.

"Oh bakit? baby parin naman kita ah" ani ng kanyang Mama.

Nagkatawanan na lamang silang dalawa habang kumakain ng kanilang tanghalian.

Pagkatapos ayusin ni Peter ang gamit niya na gagamitin niya mamaya sa Try-Outs ay lumabas na din siya ng kanyang kwarto.

Naabutan niya ang kanyang Mama na nasa sala nanunuod ng telebisyon.

"Ma! okay lang kayo muna dito mag-isa sa bahay?" ani ni Peter ng makababa na sa hagdan.

"Oo anak, uuwi din naman na siguro ang Papa mo" ani ng kanyang Mama.

"Sige po aalis na po ako baka malate po ako sa try-outs game namin eh" Paalam niya.

Lumabas na siya ng kanilang bahay pagkatapos.

Kailangan pa niyang maglakad papuntang labas ng subdivision which is half kilometer away lang naman para makasakay ng taxi.

Madadaan siya sa tapat ng bahay nang kaibigan niyang si Edward. Saglit siyang tumigil para tumingin dito.

"Si Edward ba talaga iyong nakita ko kagabi? baka naman guni-guni ko lang iyon dahil sa naalimpungatan ako?" sa isip niya.

Umiling na lamang siya at binilisan na ang paglalakad.

12:30 P.M. ng makarating siya sa North Valley University. Dumeretso agad siya sa basketball court at dahil 2 P.M. pa ang simula ng try-outs game ng kanilang varsity team ay wala pa doon ang mga kasama niyang players may mga iilang estudyante na rin ang nasa loob ng court , naghihintay siguro.

Dating gawi, dumeretso si Peter sa loob ng locker room ng gym para magbihis. Bukas naman ang pintuan kaya pumasok siya loob gaya ng dati.

Inilapag niya ang kanyang bag sa upuan. Dumeretso sa tapat ng kanyang locker para kunin doon ang kanyang basketball shoes. Kinuha niya din sa pagkaka-hanger ang kanyang Jersey at ipinatong sa ibabaw ng kanyang bag na nasa upuan.

Napatigil lamang si Peter sa kanyang pag-aayos nang may marinig siyang kaunting ingay sa huling row ng locker sa may bandang dulo.

Apat na row kase ang locker cabinet sa loob pero naririnig niya ang mahinang kalampag sa huling row ng locker steel cabinet.

Sa pagtataka ay sinubukan ni Peter na alamin kung ano iyon.

"Ugh.. slo-slow down" ito ang narinig niya noong papalapit na siya sa dulo ng locker.

Hindi naman fully on ang ilaw sa loob ng locker room sumilip siya sa spot kung saan naka-off ang ilaw.

Laking gulat niya ng makita ang hindi inaasahan.

Kung hindi siya nagkakamali ay si Blake ang nakita niya na nakasandal sa locker cabinet. Nakababa ang trousers nito

Habang mayroo namang nakaluhod sa paanan nito na lalong mas ikinagulat ni Peter kung sino nang makita niya ang mukha ng lalakeng nakaluhod sa paanan ni Blake. Walang iba kundi si Vince. Ang kuya ni Sammy.

Abala ito sa kanyang ginagawa sa paanan ni Blake.

Napapalahaw ng kaunti si Blake sa ginagawa nito sa kanyang pagkalalaki.

"Dude.. ughh you're mouth was a living pleasure damn" Blake.

Napaatras si Peter at sa hindi sinasadya ay nasagi ng kanyang paa niya ang takip locker na nakabukas. Gumawa ito ng ingay.

Kapwa napalingon ang dalawa sa dereksyon ni Peter.

"Sh**t bro may tao!" Boses iyon ni Blake.

"Sino yan?" Boses naman iyon ni Vince.

Dali-daling pumasok si Peter sa loob ng shower room at isinara ang pinto nito.

Habol-habol niya ang kanyang paghinga.

"Baka naman pusa lang 'yon" boses ni Vince.

At doon tuloy-tuloy at nakakabingi na ang ungol na naririnig ni Peter sa apat na sulok ng locker room. Ungol ni Blake to be exact.

"Ugh.. you're good damn ahh! slow down ..ahhh" laman ng ungol nito.

"I will not stop until you will not plead to.." Vince.

"Sh**t that was good, deeper!" Blake.

"Yeah, Damn huge bro..." Vince.

"Ugh... funny! I see yours earlier its studded than min what's your secret" Blake.

"Experience.." Vince.

Tinakpan ni Peter ang kanyang mga tainga ngunit tumatagos parin sa pandinig niya ang ungol na ginagawa ng dalawa.

"Damn bro! I'm near... cumming" Blake.

After that they both reached the climax of their activity. Nakahinga naman ng maluwag si Peter. Kinikilabutan siya sa kanyang mga nasaksihan.

Hindi niya aakalain na makikita nito si Vince na ginagawa ang bagay na iyon kay Blake. Napamura siya sa kanyang isipan. Sana lamang ay hindi siya nakita ng mga ito. Kundi, malaking gulo pagnagkataon.

"Thanks bro, that was fun!" dinig pa ni Peter na sabi ni Blake.

"Its on me.. next time you'll do it" sagot naman ni Vince.

"Lalabas muna ako"dagdag pa nito

"Okay bro bihis lang muna ako... tumagas sa boxers ko yung liquid eh haha" Blake.

"Ang likot mo kasi dude.. haha... ayan isang buwan ba kamo?" Vince.

"Oo its been 1 month since.. you know no sexual activity" dinig ni Peter na pagyayabang pa ni Blake kay Vince.

"Kaya pala pareho tayo eh" Vince.

Nagtawanan lang ang dalawa.

Biglang gumalaw ang knob ng pintuan ng shower room kung saan nagtatago si Peter.

"Hey! may tao ba diyan?" Blake.

Hindi siya sumagot mula sa loob.

"Hey? naka lock" dagdag pa nito.

Dumeretso ito sa katabing shower room. Pagkarinig ni Peter na isinara na nito ang pinto sa kabila ay dali-dali siyang lumabas sa shower room at bumalik sa kanyang locker.

After a second ay bumukas ang pinto ng shower room kung saan pumasok si Blake.

"Oh hi idol! ikaw pala" bati nito.

"Oh hey!" alanganin niyang tugon dito.

"Kanina ka pa ba?" Blake.

"Kakarating ko lang... bakit?" ani ni Peter habang hinuhubad ang kanyang pang-itaas na shirt.

"Parang may tao kase kanina dito sa katabing shower room..." Blake.

"Ah ganon ba? naku masanay ka na diyan, laging naglo-lock ng kusa yan may sira na kase hindi yan nabubuksan basta-basta" ani ni Peter.

"Ahh ganon ba idol sige... uh! by the way nice physique" komento ni Blake habang nagbibihis si Peter ng Jersey shirt.

"Do you work out?" Blake.

"Not really, why?" casual na sagot ni Peter at isinuot na ang Jersey shorts nito.

" You know naghahanap ako ng gym buddy... oh siya sige magbibihis na din ako idol" paalam nito at bumalik sa loob ng shower room.

Weird! gym buddy? sa isip ni Peter.

Nakahinga naman siya ng maluwag. Akala niya'y mahuhuli siya't hindi na makakalusot.

" Teka nga? bakit ba ako ang natatakot na mahuli nila? eh sila nga etong may ginawang milagro dito pa sa loob ng locker room ng gym?" sa isip ni Peter. Napailing na lamang siya.

Hindi talaga siya makapaniwala sa natuklasan niya patungkol kay Vince, ang kuya ni Sammy.

He never expect... that he was... "damn" sa isip ni Peter.

Mas maigi sigurong wag na niya itong pakialaman pa baka mas lalo lang uminit ang dugo nito sa kanya. Ayaw na niya ng gulo lalo na kuya ito ni Sammy.

"Dude! kamusta" ani ni Marcus pagkapasok nito ng locker room.

"Ayos naman naghahanda na" sagot ni Peter.

"Oo nga eh, nakapagbihis ka na din oh siya ako din magbibihis na" Marcus.

Inilapag nito ang bag sa bakanteng upuan at walang kaabog-abog na nagtanggal ng trousers nito at upper shirt sa harap ni Peter.

Ang suot na lamang nito sa katawan ay ang black fitted boxers nito.

Natigilan naman si Peter sa ginawa nito.

"What?!" un-aware na tanong ni Marcus sa kanya.

"WALA! PESTE DITO KA TALAGA SA HARAP KO NAGHU-HUHUBAD ANO?!" saway ni Peter.

"Bakit, hahaha... dude tayo-tayo lang naman ang nandito pareho pa tayong lalake at magkaibigan pa" sagot ni Marcus.

"Oo na oo na! kahit na! kadiri ka dude " Peter.

Tinawanan na lamang siya ni Marcus. Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na si Blake mula sa shower room.

Basang-basa ang buhok nito at nakatapis lang ng towel.

"Oh! Blake!" Marcus.

"Oy! kamusta dude" Blake.

"Ang aga mo ah?! sinong kasama mo!" Marcus.

"Ah ako lang" Blake.

"Kanina ka pa ba diyan?" Marcus.

"Oo, nauna akong dumating I guess tas napansin ko din si Idol" tukoy nito kay Peter.

"Hmmm.. mabuti yan goodluck na lang sa game mamaya galingan mo para mapili ka"Marcus.

"Okay-okay!" anito

"Nice-nice.. nagwo-work out ka palagi ano?" Marcus.

"Madalas dude.. " Blake.

"Oo nga halata naman" Marcus.

"Ikaw ba dude?!" Blake.

"Paminsan-minsan!" sagot naman ni Marcus dito habang sinusuot ang basketball shoes nito sa tabi ni Peter.

"Kung gusto mo pwede kang sumama sa'kin mag-work out may alam akong gym na affordable at kompleto ang equipments plus trainors" Blake.

Siniko ni Peter si Marcus at umiling dito.

"What?!" Marcus.

"Sige next tume dude!" sagot ni Marcus kay Blake.

Tinignan ng masama si Marcus. Kung alam lang nito ang kulay ng Blake na 'yan baka hindi na nito pipiliing sumama pa sa paanyaya nito.

Mas piniling hindi tumingin ni Peter kay Blake. Ayaw niyang mahalata nito ang kanyang very disgusting expression.

Sa halip ay ginawa na lamang niya ang kanyang leg stretching routine.

"Dude okay ka lang ba? bigla kang tumahimik" tanong ni Marcus sa kanya.

"Ah.. oo nagco-concentrate lang ako sa leg stretching ko para maiwasan ang pulikat mamaya" sagot ni Peter.

Ang totoo'y disgusted siya sa inaakto ni Blake. Umaakto kase itong parang walang nangyari.

He was wrong, akala ni Peter ay normal itong tao he mean normal itong tao na hindi gumagawa ng ganoon. But his perception was wrong.

Nagsidatingan na din ang iba pang mga kasama nila. Doon na din napansin ni Peter na wala na doon si Blake.

Mabuti nga iyon para mabawasan ang alalahanin niya.

Huminga siya ng mamalim at lumabas na nang locker room.

Dinig na dinig niya ang ingay ng mga estudyanteng manunuod sa try-outs game nila. Tumabi siya sa kay Marcus at sa mga kasama niyang varsity players

"Hello MVP! akala ko di ka pa lalabas ng locker room eh.. madami nang naghihintay sa'yong mga fans mo oh!" ani ni Marcus.

Tama nga ito, nakita ni Peter ang grupo ng mga estudyante sa kabilang bahagi ng bleachers sa left side ng gym na mayroong bitbit ng banner na may nakalagay

"Go MVP, GO PETER SEBASTIAN" at may mga hugis pulang puso pa.

"Iba talaga! andon si Sammy" turo ni Marcus.

Kumaway si Peter dito. Ngumiti naman ito at binigyan siya ng two thumbs up sign.

Ngumiti din si Peter kay Sammy.

"Now its time to present to you our varsity team for todays try-out game next to that ay ang anim na bagong players na hahamon sa ating basketlball varsity players as part of their screening" ani ng commentator which is common friend din ni Peter sa kanilang course department.

Isa-isa na silang pinakilala at pumunta pagkatapos sa gitna ng court.

"Number 20, Vince Lei Sanchez ang ating legendary three point shooter " ani ng commentator.

Dumaan pa ito sa harap ni Peter at Ngumisi.

Hindi na lamang ito pinansin pa ni Peter. Hinayaan na niya lamang ito. Ayaw niyang masira ang kanyang mood.

"Number 15, Marcus Drake Del Fierro" tawag ng commentator sa kaibigan niyang si Marcus kumaway ito sa audience at pumunta na sa gitna ng court.

"At ngayon ang Newest MVP ng Campus Basketball League 2020 no other than lets give up for Peter Sebastian!" ani ng commentator.

Napuno ng cheering at drum beats ang apat na sulok ng Court.

"KYAAAAAAHHHHH! GO MVP! GO PETER SEBASTIAAAAAN" cheer ng mga supporters niya.

Ngumiti naman si Peter, tumayo at kumaway sa Audience habang naglalakad papuntang gitna ng court.

"This time, ang hahamon sa ating BasketballĀ  Varsity Team.. come on guys show yourselves to the audience" ani ng commentator.

Lumabas ang anim na players mula sa entrance ng gym.

Unang nakita ni Peter si Blake.

Nag-cheer naman ang mga estudyante lalo na ang mga babae na di magkamayaw sa pagtili.

But the last one player who entered the court ang umagaw sa atensyon ni Peter.

It was a familiar face. Kung hindi siya nagkakamali.

Si Edward. Tumingin ito sa dereksyon niya. Agad na nilukob ng kaba si Peter.

He didn't expect Edward to show up like this. Kung gayon ang nakita niyang dumungaw sa bintana ng kwarto ni Edward kagabi ng hating gabi ay walang iba nga kundi ang kanyang kaibigan na si Edward, na matagal na niyang hinihintay na makitang muli.

.

.

.

.

.

.

.

Itutuloy...