Chereads / LIGHTS, CAMERA, SCANDAL? / Chapter 7 - CHAPTER 6

Chapter 7 - CHAPTER 6

"HINTAYIN mo ako. I'll just park the car."

Krisstine shrugged when Blitzen cut the call. Bihira naman niyang pagbigyan si Blitzen na sunduin siya sa lobby ng condominium building niya eh. Alam niya kasing pagod ito dahil galing pa ito sa taping nito sa commercial na natanguan nito ilang buwan na ang nakalilipas bago pa man pumutok ang eskandalo nilang dalawa.

Papunta sila sa birthday bash ni Alejandro Guandron, anak ng isang pamosong director at isa na ngayong baguhan ngunit namumukadkad na actor. Maraming artista ang invited sa party nito. It would be the first ever party Blitzen and she would attend to. Ayaw niya sanang pumunta dahil hindi naman talaga siya mahilig sa mga party ngunit kailangan nilang magpunta.

May misyon pa sila ni Blitzen na papaniwalain ang mga tao na totoo ang relasyon nilang dalawa. She sighed. Makikipagplastikan na naman siya mamaya. Kung hindi niya pa alam ay tiyak na marami na naman ang manghuhusga sa kanya ro'n. Ikinatatakot niya lang na baka may maligaw siyang basher o di kaya'y hater doon at bigla na naman siyang maprovoke.

She bit her lip. Iniikot niya ang kanyang paningin sa maluwag at maliwanag na lobby ng SCB o Sandoval Condominium Builders. Ang building na iyon ay pag-aari ng kanyang pamilya, isa sa maraming business na mamanahin niya. Maraming mga sikat na personalidad ang nakatira roon. Si Dasher nga na kapatid ni Blitzen ay may unit din doon.

It's been five years since she'd been a celebrity but even then, she wasn't used to walking into public places. She always felt unwanted and uninvited. Napayuko siya sabay inayos ang suot niyang manipis na scarf at malaking shades na puti na nakatakip sa kanyang mga mata. Kung sa ibang mga artista ay ikinatutuwa ang pagkilala mula sa ibang tao, siya ay kabaligtaran.

She was always cautious whenever she was in crowded places. Hindi naman kasi siya kagaya ng mga ibang artistang sikat na madalas pinupuri ng mga tao kapag nilalapitan. She was a villain in other people's eyes—or a slut, a trash. Madalas siyang napagsasabihan ng mga masasakit na salita. Napakasama ng tingin ng ibang tao sa kanya. Kung may naliligaw mang fans niya, bibihira lang dahil karamihan ng fans niya ay sa probinsiya o sa abroad naka-base.

"Hi Krisstine!"

Napakislot siya nang may biglang tumawag sa pangalan niya. Grupo iyon ng mga kabataan—tatlong lalaki at dalawang babae. Pasimple niyang binistahan ang mga ito. Obviously, puro anak mayayaman ang mga ito. Hindi basta basta ang mga nakakapasok sa building na iyon.

"H-hello," sagot niya. She flashed them a sweet smile.

When she saw a dangerous glint in one of the girl's eyes, a knot automatically formed inside her stomach. Uh-oh. Not again, her mind said. She's been accustomed to that kind of scenario, kaya alam na niya ang mangyayari pagkatapos ng pag-uusap na iyon.

"Is it true that Blitzen and you had sex?" prankang tanong ng isang babae.

Biglang nangati ang kamay niya. Sarap sigurong sampalin ito sa mukha ng left to right, ten times. Ngunit syempre, hindi naman niya iyon pwedeng gawin dahil nasa public place sila. Marami na silang nakuhang atensyon, lalo pa't malakas ang boses ng babaeng nagtanong.

"Is he good?" nakakalokong tanong ng isa pang babae. Naghagikhikan ang mga kasama nito. Nag-apir-an pa ang mga binata.

Hindi pa man siya nakasasagot ay sinundan ng isang lalaki ang tanong. "If I were to pay you, say fifty thousand. Would you have sex with me too?"

Umakyat yata ang lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa napakabastos na tanong nito. Kung alam lang ng lalaking iyon kung gaano kadami ang perang laman ng bank account niya. Oh damn, she could even buy his entire estate with a doubled price!

"That's rude," ang tanging nasabi niya. Mabilis niyang iginala ang kanyang paningin sa kanilang paligid. Where the hell was Yayo? Ang sabi nito ay babalikan lang daw nito ang naiwan nitong make-up kit nito sa unit nila sa twenty fifth floor.

"Is fifty thousand not enough?" mocked the second guy.

"If I double it, would you go all the way with me?" asked the third guy.

Her anger snapped. She slapped him straight on his face. Sa nanlilisik na mga mata ay itinulak pa niya ito. "How dare you say that to me? Ang kapal ng mukha mo! Sino ka ba? Baka hindi mo alam na barya lang sa akin ang halagang singkwenta mil? With just one smile on the camera, that little amount could be tripled! I can even buy you right now!" sigaw niya.

Sa sobrang inis niya ay marami pa sana siyang gustong sabihin ngunit bigla niyang napansin ang camerang hawak ng isang babae na kasama nito. Nakatutok sa kanya iyon. Agad siyang napamura sa kanyang isip. She shut her mouth in that instant and then turned her back.

"Bakit ba siya ganon? Grabe ha? Ang yabang yabang. Para humihingi lang ng isang picture eh," narinig niyang wika ng isa sa mga lalaki.

Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi na niya pinansin ang nang-uuyam na tingin ng mga tao sa paligid niya. Nanginginig pa rin siya habang naglalakad palayo nang bigla siyang mapatigil dahil may bumangga sa kanya. Nang iangat niya ang kanyang tingin upang bistahan kung sino iyon ay napanganga siya. It was Blitzen!

At base sa hilatsa ng mukha nito ay mukhang nasaksihan nito ang ginawa niyang pagsampal at pagsigaw sa lalaki kanina. She saw contempt and disgust on his handsome face. Lalong sumama ang pakiramdam niya. Sanay naman na siyang napupunta sa mga ganoong sitwasyon eh. Simula noong nag-debut siya sa pag-aartista ay ganon na ang eksena lagi.

Nagsimula ang lahat ng iyon nang may makaaway siyang fan dahil sa pambabastos nito sa kanya. Na-bidyuhan ang ginawa niyang pagsigaw sa fan ngunit hindi nakuha ang unang bahagi ng tunay na nangyari. Ang siste tuloy ay nabaliktad ang sitwasyon.

Nabansagan siyang malaki ang ulo, suplada, palengkera at plastik. Ang simpleng pagtatangol niya sa kanyang sarili ay inisip ng mga tao na pagsusuplada sa fan niyang humihingi lang naman daw ng picture niya. Noong una ay sinubukan niyang magpaliwanag sa mga tao ngunit nang wala rin namang tumanggap sa paliwanag niya ay napagod na rin siya.

Sabagay, good or bad, publicity pa rin naman iyon. Dahil doon ay naging matunog ang pangalan niya. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Sanay na siyang nahuhusgahan ng ibang tao, ngunit bakit parang mas mabigat yata sa pakiramdam ang malamang pati si Blitzen ay hinuhusgahan siya? Napakurap siya. She shouldn't care about his thoughts.

Eh ano kung masamang babae ang tingin nito sa kanya? Napasimangot siya. "Ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay," angal niya. Nagpatiuna na siyang naglakad palabas.

Damn, she wanted to get out of that place, fast! Hindi niya matagalan ang galit ng lahat sa kanya. Bago siya tuluyang makalabas ay napatigil ulit siya. Nakatayo si Yayo malapit sa revolving door ng lobby. Nakatingin ito sa kanya, with sympathy in her eyes.

Nginitian niya ito as if telling her that she was fine. But Yayo knew better. Yayo shook her head. She just shrugged. Sanay na rin itong makita siyang hinahayaan ang ibang tao na husgahan siya. Sa tuwina ay pinapagalitan siya nito dahil hindi niya raw ipinagtatanggol ang kanyang sarili. Lagi niyang inirarason na ayaw niyang mag-aksaya ng panahon para ro'n.

"T-tara na!" aya niya rito.

Then she walked out of that revolving door, once again letting her detractors ruin her image...and her self worth. She bit her lip. Another scar was carved in her heart.