Chereads / LIGHTS, CAMERA, SCANDAL? / Chapter 8 - CHAPTER 7

Chapter 8 - CHAPTER 7

KANINA pa tahimik na pinagmamasdan ni Blitzen si Krisstine, simula noong nakita niya ito sa kinasangkutan nitong panibagong eskandalo dahil sa pagsampal nito sa isang lalaki hanggang sa makarating sila sa birthday bash ni Alejandro.

Honestly, when he saw how Krisstine slapped that poor guy, he was disgusted. Hindi niya kasi inakala na magagawa nito ang bagay na iyon. Yes, he'd already read and heard a lot of bad things about Krisstine—kung gaano ito kasuplada at kapagmataas sa ibang tao—ngunit may isang bahagi ng isip niya na umaasang hindi totoo ang mga paratang na iyon.

Pero dahil sa nasaksihan at narinig niya kanina ay napatunayan niyang totoo nga ang mga iyon. He was disappointed. Inis na inisang lagok niya ang alak na laman ng hawak niyang baso. Hindi pa siya nakakapagsalita ukol sa nangyari ngunit sisiguraduhin niyang mapagsasabihan niya si Krisstine mamaya bago sila maghiwalay para sa gabing iyon.

Ayaw niyang masira ang kanyang career dahil lang sa ginawa niyang pagpatol sa isang babaeng walang pakundangang namamahiya at nananakit ng ibang tao. Hindi niya nagawang makapagreact agad kanina dahil talaga namang nagulantang siya sa kanyang nakita.

"May problema ba?"

Napalingon siya sa nagsalita. It was Dakila. Naroon din ito sa party, kasama si Donder. He sighed. "Nothing. Don't mind me."

Umangat ang kilay ni Dakila. "Para namang maloloko mo ako." Napakamot siya sa ulo. Kilalang-kilala talaga siya nito. "Tungkol ba kay Krisstine?"

"Naisip ko lang. Hindi kaya lalong magugulo ang career ko dahil sa kanya?"

Napangiti si Dakila. "I don't think so. Noong una, ako man ay nagduda sa naging desisyon natin. Naisip ko rin na baka nabigla lang tayo kaya nakagawa tayo ng isang nonsense na kasunduan. But looking at her now, I don't think that's the case. Malaki ang naitutulong niya sa career mo. Marami ka nang naka-line up na projects kasama siya. Both of your careers are soaring right now. Mr. Good Boy meets Ms. Bad Girl ba naman ang drama ng love team ninyo."

Hearing those words from Dakila, his heart convulsed with pain. Kahit kailan talaga ay hindi niya magagawang hindi masaktan sa tuwing nakikita at naririnig niya mula sa babaeng mahal niya na hindi man lang ito apektado kahit pa may ibang babaeng naididikit sa kanya.

He tore his gaze away from Dakila and glanced back at Krisstine who at that moment was surrounded by douche bags. Biglang nangunot ang noo niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa pambabalewala ni Dakila sa kanya o dahil sa tanawing maraming lalaki ang nakikipagharutan sa girlfriend niya kaya biglang parang kumulo ang dugo niya.

Basta ang alam niya ay hindi niya nagugustuhan ang kung anumang pakiramdam na iyon habang tinitignan niyang nakikipagtawanan si Krisstine sa harap ng mga lalaking iyon. Fine, she was a heartless woman. Suplada ito at mapang-api. Tanggap na niya iyon. Ngunit hindi niya mapapayagang pati ang pagiging "malandi" nito ay maikabit sa pangalan niya.

She was his woman now. HIS. ONLY HIS. Kaya habang nakatali ito sa kontratang pinagkasunduan nila ay hindi niya mapapayagang makipagngitian ito sa ibang lalaki, lalo na kung sa harapan niya pa. She must know how to rein her raging hormones!

"Puntahan mo na kasi. Kesa sa para kang asong nagngangalit diyan. Hindi ka naman nakatali kaya pwede kang sumugod doon at kahulan ang mga lalaking iyon."

Awang ang mga labing napalingon siya sa papalayong likod ni Dakila. Matapos kasi nitong sabihin iyon ay bigla na lang itong umalis sa tabi niya. Nais niya sanang linawin dito ang kung anumang iniisip nito ngunit hindi niya matagalang makita si Krisstine na kasama ang mga lalaking kung makangisi ay parang nakatama ng jackpot habang nakatitig sa girlfriend niya.

He furiously walked towards them, almost ready to explode. Babawiin niya ang kanyang girlfriend at kakausapin niya ito ng masinsinan. Dapat nitong malaman ang mga dapat at hindi nito dapat ginagawa habang nakatali sila sa isang relasyon!

------------------------------------

TALIWAS sa inasahan ni Krisstine ay nag-enjoy siya sa party na pinuntahan nila ni Blitzen. Nakakita kasi siya ng mga kaibigan doon. Kahit paano nama'y may mga kaibigan din siya. She saw Rocco, Rocky's younger brother who was also a manager. Kasama nito ang mga pinsan nitong parehong baguhang director na sina Mike at Lenard.

Malapit siya sa mga ito dahil madalas siyang dalhin ni Rocky sa mga family gatherings. Hindi siya nakakaramdam ng panghuhusga sa mga ito dahil kilala naman ng mga ito ang tunay na siya. Hindi kagaya ng supposed to be ay "boyfriend" niya. Sa tuwing naaalala niya ang naging reaksiyon at cold treatment ni Blitzen sa kanya simula nang masaksihan nito ang nangyari kanina sa lobby bago sila nagtungo roon ay naiinis siya.

Ano ang karapatan nitong husgahan siya? Pare-pareho ang mga ito! Inaakusahan siyang masamang tao samantalang ang mga ito naman ang tunay na masama dahil mapanghusga ang mga ito sa kapwa. Hindi niya dapat pinag-aaksayahan ng panahon ang mga gano'ng klase ng tao.

"May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" nagtatakang tanong ni Rocco nang mapansin ang pag-ismid niya.

Pinamulahan siya ng mukha. "I'm s-sorry. May bigla lang kasi akong naalala," hingi niya ng paumanhin. "What were you saying again?"

"Ah, sabi ko, bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo ngayon? Hindi ba't sabay kayong pumasok kanina?"

Pinigilan niyang mapasimangot. Sa halip ay kimi siyang ngumiti. "Ah, may kinausap lang siyang kaibigan. B-babalik din iyon mamaya," sagot na lang niya.

"Gano'n ba?" tango ni Rocco na mukha namang hindi kumbinsido sa tinuran niya. "Teka, nasaan pala si Yayo? Akala ko ba eh isasama mo siya ngayon?"

"Nandito siya kanina. Kaso may tumawag sa phone niya kaya lumabas siya saglit." Malapit din ito kay Yayo dahil kung nasaan siya ay naroon din ang kanyang PA.

"Looks like your man wants to take his claim on you now," nakangising sagot ni Mike

Kunot-noong napabaling siya kay Mike. "Huh?"

Sinundan niya ng tingin ang tinutumbok ng tingin nito. Natigilan siya nang makita si Blitzen na naglalakad palapit sa kanila. Hindi niya maiwasang kabahan habang pinagmamasdan ito. Bukod kasi sa napakagwapo nitong tignan sa suot nitong dark blue three-piece-suit na hapit na hapit sa well-toned body nito ay kasing-dark ng suot nitong suit ang mukha nito.

Ano na naman ba'ng nagawa niyang mali? Her heart banged against her chest as if it wanted to get out and hug Blitzen who was walking towards her. Napalunok siya. Nagsho-short circuit na naman ang utak niya kaya hindi siya makapag-isip ng matino. Now what, Krisstine? She wanted to run away but her pride scoffed at her cowardice.

Bakit niya kailangang tumakbo? Taas-noo niyang hinintay ang paglapit nito. She was Krisstine Sandoval the Biatch for nothing. Hindi ba't mas masama pa ro'n ang tingin ni Blitzen sa kanya? Nang maalala niya ang ginawa nitong panghuhusga sa kanya kanina ay nilukob ng inis ang kanina'y kaba niya. Kung kaya nitong maging cold sa kanya, kaya niya rin!

"Hey Blitzen! Congratulations sa Best Actor award mo," magiliw na bati ni Mike nang makalapit ang binata sa kanila. "I saw your movie, it was really great."

"Thank you," sagot ni Blitzen na sinamahan naman nito ng isang tipid na ngiti. He looked ultimately pissed. His blazing eyes descended on her. "Can I borrow my woman?" tanong nito sa mga kasama niya. Ni hindi man lang ito nag-abalang alisin ang tingin sa kanya.

Pinamulahan siya ng mukha dahil sa klase ng tingin at tono ng pananalitang ginamit nito. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pagdiriin nito sa mga salitang "my woman." Lalo na ang pagkatigil nina Mike at ang mayamaya'y pagngisi ng mga ito.

Hindi pa man siya nakakasagot nang bigla nang hawakan ni Blitzen ang kanyang siko, as if telling her that her protests and excuses would be futile. Na sumama na lang siya ng matiwasay dito kung ayaw niya ng gulo. She silently gritted her teeth.

"I'm sorry guys, sinusundo na ako," baling niya sa kanyang mga kasama. May kalangkap na tawa ang pagkakasabi niya kaya napatawa na rin sina Rocco.

"Nasa stage one palang kayo kaya naiintidihan ko kayo," biro ni Mike. Limang taon na itong kasal kaya madalas itong magbigay ng advice tungkol sa relasyon kapag magkakasama sila. "Go Krisstine. We'll talk again soon. Malapit na ang birthday ni Rocky."

Sa tuwing nagbe-birthday ang kanyang manager ay isinasama siya nito sa family celebration nito—na kadalasan ay nagiging family reunion.

"S-sige, mauna na muna kami," kiming paalam niya.

"Siya nga pala, Rocky called two hours ago. I-check mo raw iyong email mo. Hindi ka raw niya ma-contact. Call him daw as soon as you hear his message. Bakit ba kasi hindi mo sinasagot agad ang tawag ng kapatid kong iyon? Alam mo namang nababaliw iyon kapag hindi niya naririnig ang boses ng pinakapaborito niyang alaga," tawa ni Rocco.

Natawa na rin siya. "Ako lang naman ang alaga niya, 'di ba? Nakakadalawang bago palang din siya ngayon. So, ako pa rin ang orig," ingos niya. Nang magkatawanan ang lahat ay biglang humigpit ang pagkakahawak ni Blitzen sa braso niya. Muntik na niyang malimutang kasama niya nga pala ito. She fought the urge to roll her eyes. "Sige, mauna na muna kami."

Isang tipid na "we have to go" at tango lang ang iniwan ni Blitzen kina Rocco bago siya nito inalalayang maglakad patungo sa kung saan siya gustong dalhin ng damuho. Naiirita na talaga siya. He didn't have the right to man-handle her! In the first place, ito ang naunang nang-iwan sa kanya kanina. Nakita lang nito si Dakila ay bigla na lang siya nitong iniwang mag-isa.

Tapos ngayong may nakita siyang mga kaibigan niya ay bigla na lang itong lalapit at hihilain siya palayo? Party pooper! Ang siste ba ay ito lang ang dapat na mag-enjoy sa party na iyon? Nang makarating sila sa tagong parte ng hardin sa maluwang na mansion ni Alejandro ay inis niyang hinila ang kanyang kamay dahilan upang mabitiwan siya ni Blitzen.

"Ano ba'ng problema mo?" asik niya. "Bakit mo ba ako kailangang dalhin dito?"

"Ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan."

Nanliit ang kanyang mga mata. "What?"

"Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo? Sana man lang ay iniisip mo muna ako bago ka umaakto na parang wala ka ng pananagutan!"

May ilang segundo rin siyang napatitig sa namumula sa galit nitong mukha. At first, she really couldn't understand what he'd just said. Ngunit nang matitigan niya ang mga mata nito ay unti-unti na niyang naunawaan ang nais nitong sabihin.

She clenched her fists. Baka hindi siya makapagpigil at bigla niya itong masampal. How dare he? Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili sa kabila ng pagnanais niyang burahin ang mukha nito sa sobrang inis niya. She composed herself.

"I know what I'm doing," she stonily said.

Nagtagis ang mga bagang nito. "Hindi iyan ang nakikita ko!"

"Bakit, ano ba'ng nakikita mo?" matapang niyang tanong.

"Hindi ko inakala..."

She cut him off by waving her hand in the air, almost in front of his flushed face. "Rubbish! Bago ka pa may nakita kanina, may tumatakbo na sa isip mo. Bago mo pa ako isinalang sa harap ng korte, nahusgahan mo na ako, hindi ba? Kaya ano pa'ng silbi kung magpaliwanag pa ako sa iyo? Your ears are locked up now, unable to hear whatever reasons I might want to tell you. Kaya walang silbi ang komprontasyong ito."

Maarte niyang inayos ang ilang hibla ng kanyang buhok na nahulog mula sa pagkakatali. She was sporting a French loose bun hairdo. Isang malamig at misteryosang tingin ang ipinukol niya sa natamemeng binata. An equally mysterious smile curved her lips.

"Huwag kang mag-alala, Mr. Claus. Marunong akong tumupad sa usapan. Hindi naman ako tanga para sirain ang kasunduan natin. Marami ang nakataya sa kasunduang iyon. Isa pa, kung may masisira man sa atin sa oras na maghiwalay tayo ay hindi ikaw iyon kundi ako. Hindi pa ako ready para magsuicide sa career na layon ko pang lalong pagningningin."

"Now, if you'll excuse me. Mauuna na akong uuwi. Biglang sumakit ang ulo ko. Mahirap pala talagang makipagsabayan sa mga taong plastic."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla niya itong tinalikuran. Sa loob loob niya ay nagngingitngit pa rin siya. Sumosobra na ito! He was the worst jerk that ever lived on earth!

Announcement: For the remaining chapters, pakibasa po ito sa d r e a m e.

Username: Ex De Calibre.

Thank you! 😊