Chereads / LIGHTS, CAMERA, SCANDAL? / Chapter 9 - CHAPTER 8

Chapter 9 - CHAPTER 8

"ANO'NG PROBLEMA MO?"

Napakislot si Blitzen at biglang napalingon sa kanyang tabi nang may biglang magsalita. Sinimangutan niya ang kanyang kakambal nang mapansing nakaupo na pala ito sa tabi niya.

Kasalukuyan silang bumabyahe patungo sa Boracay sakay ng isa sa mga private jets ng kapatid nilang si Comet para i-shoot ang music video ng carrier single ng album ng bandang Parokya ni Edgar. Kasama nila sa shoot si Krisstine ngunit nauna nang magtungo sa Bora ang dalaga. Si Dakila naman ay emergency'ng napauwi ng probinsiya kaya hindi nakasama.

"Wala naman akong problema," iritableng sagot niya.

Hindi niya pa rin ito napapatawad sa paglalagay nito sa kanya sa sitwasyong kinasasangkutan niya ngayon. Naiinis pa rin siyang isipin na tuwang tuwa pa ito dahil naipit silang dalawa ni Krisstine sa isang pekeng relasyon. Lalong ikinaiinit ng ulo niya ay ang madalas na panunukso nito sa kanila ng dalaga. Kung alam lang nito kung sino ang gusto niya.

"Nagtatampo ka pa rin?" amused na iling nito. "Eto naman, tinulungan lang naman kita. It's the only way out, bro. Isa pa, Krisstine isn't bad. In fact, jackpot ka sa kanya."

"Oo, jackpot ako sa sakit ng ulo at sa sobrang pagkainis," angil niya.

Alam ni Donder kung gaano siya laging naiinis kay Krisstine. Simula pa kasi noong una niya itong nakita at sa tuwing pumupunta ito noon pa sa bahay nila ay puro reklamo na ang maririnig sa kanya. While his brothers used to praise how pretty Krisstine was, busy naman siya sa paghahanap ng maipipintas dito—kung gaano ito kaarte, hindi marunong sa mga ganito, ganyan, kung gaano kapapansin sa mga lalaki at kung anu-ano pa.

"Nag-away kayo?" usyoso nito, biglang naging interesado.

Napasimangot siya. Bigla niya kasing naalala iyong naganap ilang araw na ang nakararaan. Oo, nag-away nga sila. Kaya hanggang ngayon ay inis na inis pa rin siya.

"Siya na nga itong nakipaglandian sa party ni Alejandro, siya pa itong may ganang magwalk-out at iwan akong mag-isa. Kung hindi ko lang kaibigan iyong mga reporters na naroon ay baka na-headline na naman kami. Hindi talaga nag-iisip ang babaeng iyon."

Donder put his feet on the same table his feet were stretched. Then he put his hands behind his head and then leaned on the futon. "Paano naman siya naglandi?"

"Alam ng buong Pilipinas na girlfriend ko siya pero hayun, kung makatawa habang pinapalibutan siya ng mga lalaki eh parang kinikiliti siya," patuloy na himutok niya. "All eyes were on her that night! Tawa kasi ng tawa, nagpapapansin!"

"So, ano'ng ginawa mo?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"'Eh di nilapitan ko! Kinaladkad ko nga papunta sa hardin."

"Tapos?"

"Ayun, pinagalitan ko. Kaso, siya pa itong nagdadakdak sa harap ko. Na kesyo hindi ko pa raw naririnig ang side niya ay hinusgahan ko na siya, na wala raw ako ipinagkaiba sa mga basher niya. Pagkatapos ay bigla na lang akong iniwan. Ni hindi man lang ako nakapagsalita."

Muling nanariwa ang gabing iyon sa isip niya. Hindi niya talaga mabura sa kanyang isipan ang histura nito nang gabing iyon. Hindi ang katotohanang nagawa nitong magwalk out sa harap niya o ang pang-iiwan nito sa kanya sa party ang ipinagpuputok ng butsi niya. The sadness in her eyes when she told him those words haunted him and it was killing him.

"Bakit ka affected?"

"H-hindi ako affected ah!" mabilis niyang tanggi, bigla siyang nahimasmasan.

"Kung hindi ka affected, bakit ganyan ka mag-react?"

"K-kasi nga naiinis talaga ako."

"It's been three days pero hanggang ngayon ay naiisip mo pa rin iyon."

His irritation grew. "N-naisip ko lang bigla iyon dahil magkikita ulit kami ngayon," pagsisinungaling niya.

"Sabi mo eh," nakakalokong sagot ng kakambal niya.

Sumiklab pang lalo ang nag-aapoy niyang inis. "In fact, I don't want to see or talk to her. Kung pwede nga lang umatras at hindi na makipagkita sa kanya ngayon ay ginawa ko na."

Biglang napangisi si Donder. "Do you need my help, then?"

Natigilan siya. "Just what do you want to say?"

"You know the drill. I wouldn't mind playing Blitzen for times like this."

Hindi niya alam kung paano siya magre-react sa suhestiyon nito. He should be relieved. Bakit hindi, eh napakaganda ng suhestiyon nito? They'd done it a couple of times before. Bibihira ang nakakapagsabi kung alin si Donder at alin si Blitzen.

Maliban sa kanilang mga kapatid ay si Sebastian lang ang may kakayahang malaman kung sino ang sino sa kanilang kambal. It would be easy for Donder to act like him, since kagaya niya ay may talento rin ito sa pag-arte. Ngunit bakit ganon?

Sa tuwing sumasagi sa isip niya si Krisstine ay tila nakikipag-away ang isang bahagi ng isip niya at ayaw pumayag na makipagpalit siya sa kakambal?

"Ayaw mo?" seryosong tanong ni Donder nang hindi pa rin siya sumasagot. "Nakakapagtaka naman. Akala ko ba ay gustong gusto mong makalayo kay Krisstine?"

"O-oo nga," ang tanging nasabi niya.

"Ayaw mo bang makipagpalit?"

He could see some teasing-bitching in Donder's eyes, kaya naman bigla siyang nainis. "Syempre gusto! Mabuti pa nga at magpalit tayo. Kahit ngayong araw lang na ito. Ako ang mauunang uuwi mamaya ha? Ikaw ang bahalang maiwan sa isla."

Mauunang uuwi ng Maynila si Donder dahil may naiwan itong trabaho sa Makati. Bale tatlong araw sila sa Boracay para sa shooting, habang si Donder ay isang araw lang. Ang Parokya ni Edgar naman ay darating sa ikatlong araw pa dahil sa studio magsho-shoot ng ibang eksena ang banda, tapos may mga gig pang dapat tapusin ang PNE.

"Cool!" excited na bulalas nito. "Sabi mo iyan ha? Walang bawian!"

"B-bakit ko naman babawiin? A-ano ako, bale?" labas sa ilong na sikmat niya.

Donder's grin grew wider. Mayamaya'y inilalabas nito ang cellphone nito mula sa suot nitong pantalon. "Hey Prancer, have you heard the news?"

Nagkunwari siyang walang pakialam kahit na sa loob loob niya ay parang may nagwawalang elepante. Bakit parang ang bigat ng pakiramdam niya? Taliwas iyon sa pagbubunyi ng utak niya. Pasimple siyang tumingin kay Donder na kanina pa daldal ng daldal sa telepono, kausap ang mga kapatid nilang hayok sa tsismis. He clenched his fists. Bakit ba siya nagagalit? Hindi nga ba't pabor sa kanya ang gagawin ng kanyang kakambal?

Sa oras na dumating si Dakila ay malalaman nitong nakipagpalitan si Donder sa kanya para makasama si Krisstine. Iyon na ang pagkakataon niyang masira ang lihim na pagtingin ng babaeng iniibig niya sa kanyang kakambal na ubod ng manhid. Mabubuksan na ang saradong mga mata ni Dakila sa pagiging palikero ng kapatid niya.

He sighed. Bakit ba ang gulo ng buhay? He was helplessly inloved with Dakila, who was helplessly inloved with Donder, na wala namang pakialam kay Dakila. Magulo na nga ang isip niya sa sitwasyon nilang tatlo ay lalo pa iyong gumulo nang biglang dumating sa buhay niya si Krisstine. Lalo tuloy siyang nawalan ng diskarte para ayusin ang buhay niya.

"Tawagin mo nga sina Dancer at Cupid! Mga dakilang tsismoso ang mga iyon kaya matutuwa sila sa tsismis ko. Hayaan mo na si Dasher, busy iyon. Baka mahirapang humugot, mainis pa sa iyo. Nandiyan ba si Rudolf? Pakausap nga. Magaling iyon sa payong puso eh."

Unti-unti nang nagdidilim ang mukha niya. Bakit kailangan nitong ipamalita sa mga kapatid nila ang gagawin nila? He was about to snap at Donder when he heard what he'd said.

"Palit kami ni Blitzen mamaya. Guess what, makakapareha ko si Krisstine sa isang music video. Damn right, bro! Sa beach ang shoot!" ngisi nito. Hindi niya alam ngunit parang nakakaloko pa itong napatingin sa kanya. "Damn! Vixen! Ayaw kitang kausap. Wala pang usapang kamanyakan ito kaya huwag ka munang umeksena."

Hindi na niya natagalan ang mga pinagsasabi ng kambal niya. Padaskol niyang hinugot ang dala niyang headphone sa kanyang travelling bag at tsaka itinakip iyon sa magkabilang tenga niya. He chose the noisiest song he had in his music player and hit the full volume. Damn. Bakit ba pumayag pa siyang makipagkasundo sa kakambal?

Ang bigat tuloy ng pakiramdam niya. Tsaka kailangan pa ba talagang itsismis ni Donder sa mga kapatid niya ang kasunduan nila? Wala talaga itong naitatagong lihim kahit kailan. Lihim. Speaking of, hindi niya pa nasasabi sa kakambal na three days ago ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang dakilang ama. Sebastian wanted to talk to him about his scandal.

Ngunit may palagay siyang may mas malalim pang dahilan kung bakit siya nito gustong makita at makausap. Kailan ba nagkaroon ng pakialam ang kanyang ama tungkol sa career at buhay niya? Nakikialam lang naman ito kapag pera at kompanya na ang pinag-uusapan.

Tsaka na niya muna po-problemahin ang nalalapit nilang pagkikita ni Sebastian. Sa ngayon ay ang nalalapit muna nilang pagkikita ni Krisstine ang pagtutuunan niya ng pansin.

Damn, his mind was back at her again! Lagi na lang ba itong sisingit sa isip niya? He tightly closed his eyes and pretended to sleep. Hindi tuloy niya nakita ang pagtawa ni Donder.