"HELLO AI MY LABS!"
"Ay butiking nahulog sa kisame na napadapa ng nakapakeke!" natatarantang sambit ni Aira nang may biglang magsalita sa likuran niya.
Naiiritang napalingon siya sa kalbo lalaking noo'y nasa tabi na niya. May hawak itong cheap na bulaklak na halatang nabili lang nito sa kanto. She rolled her eyes at Mang Edmundo. Ngunit matapos niyang huminga ng malalim ay nagawa na niyang humabi ng isang pekeng ngiti para sa lalaking parang baliw na nakangisi sa harap niya.
"Wuzzap Mang Edmundo? Napadaan ka yata," kunwa'y tanong niya rito.
"Bibisitahin ko lang ang pinakamagandang dalaga dito sa Maliboot Market. Para nga pala sa'yo my labs." Kinikilig na iniabot nito sa kanya ang dalang mga bulaklak.
Kamuntik na siyang nasuka sa inakto nito. Pinigilan niya lang ang kanyang sarili dahil baka mapaaga ang paghuhurumentado nito. Pinagbuti niya ang pagngiti kahit na ngalay na ngalay na siya. Pailalim niya ring tinignan ang hawak nitong bulaklak bago inabot iyon.
"Salamat Mang Edmundo. You the beast among the rest!" ngiting aso ang iginawad niya sa matanda. "Magsalita ka lang ng tungkol sa utang ni Inay, ikukuskos ko sa aspalto yang kumikinang mong ulo," banta ng isip niya.
Maingat niyang inilapag ang mga bulaklak sa katabi niyang upuan. Naghanda na siya para sa isang nakaambang giyera. Natitiyak niyang aarangkada na naman kasi ang bunganga nito sa pagpe-pressure sa kanyang magbayad sa utang ng nanay niya. Nang hawakan niya ang matalim na kutsilyo at napasinghap ang matanda.
"Maghunus dili ka my labs," kinakabahang sabi ni Mang Edmundo na itinaas pa talaga ang dalawang kamay sa ere. Medyo namutla pa nga ito eh. "Hindi muna ako maniningil ng utang ngayon. Ipapaalala ko lang sa'yo na isang buwan lang ang maibibigay kong palugit sa'yo. S-sige, alis na ako." Tsaka mabilis na tumalilis palayo.
Napailing siya. Noong isang araw lang ay sinabuyan niya ito ng tubig dahil sa pangungulit nito. He's been courting and pestering her ever since he told her about her mother's unpaid debt to him. Napabuntong-hininga siya.
"Mabuti at nakakaintindi ng sign language ang kalbong iyon," iiling iling na bulong niya sa sarili habang kinakaliskisan ang mga paninda niyang isda.
"Ano'ng ibinubulong bulong mo diyan?" takang tanong ni Macke na abala sa pagwiwisik nito ng tubig sa mga paninda nitong isda.
"Sekretong malupit," she replied smugly.
"May binabalak ka ano?" singit ng atribidang si Jhen. Prente itong nakaupo dahil tapos na nitong ayusin ang mga paninda nitong isda.
"Oo. Ipagluluto ko ng masarap na paksiw na bangus si Mang Edmundo," sarkastikong sagot niya. "Sooobrang sarap," dagdag pa niya.
Nanlaki ang mga mata ng dalawang tsismosa. Biglang itinigil ni Macke ang pagwiwisik sa mga isda. Napatayo naman bigla si Jhen. "Tapos?" magkapanabay na tanong ng excited na mga bruha matapos lumapit sa kanya ang dalawa.
"Ipagtitimpla ko siya ng juice," kibitz-balikat niya.
"Tapos?" interesadong usisa ni Macke.
Napatingin siya rito. Napataas ang kilay niya. "Tapos, ipapakain ko at ipapainom ang lahat ng iyon sa kanya."
"Tapooooooos?" pigil ang hiningang tanong ni Jhen.
Naiirita na siya sa kabaliwan ng dalawa kaya naisipan niyang asarin ang mga ito. Ibinaba niya ang hawak na kutsilyo at tsaka pinamewangan ang dalawa.
"Tapos ay lalasunin ko siya gamit ang paksiw na bangus at juice at kayo ang pagbibintangan kong pumatay sa kanya. Tapos ang problema ko dahil wala nang mangungulit saking kalbong manyak mawawalan pa ako ng mga atribidang kasama dito sa talipapa. Diba ang astig?" ngisi niya.
Napasimangot ang dalawa sa isinagot niya. "Mga tsismosa kayo, subukan ninyong isumbong sa mga pulis ang plano ko. Kayo ang lalasunin ko," natatawang banta niya.
"The crazy girl has gone wild. Ain't that so disturbing?"
Napalingon silang tatlo sa biglang nagsalita sa mismong tapat ng stall na pag-aari niya. Pansumdandaling nanlaki ang mga mata niya nang makilala niya kung sino ito. Mayamaya pa ay agad ring naningkit ang mga mata. Ang singkit na inglesero kahapon!
"What is you done here?" pagsusungit niya. She almost grinned when she saw that same reaction she got when he heard her spoke English.
"Stop it. Marunong akong magtagalog kaya pwede bang magtagalog ka nalang? Sumasakit na naman ang ulo ko sa kaka-english mo. It's creepy, you know?" asik nito.
"It's creepy, you know?" gagad niya. "Ikaw nga, hindi nagja-japanese, pinupuna ba kita? Napaka-ek ek ng sakang na'to!" Nakapamaywang na sabi niya. Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan na sila ng mga tao. "Ano, bibili ka ba o hindi? Kung hindi ka bibili eh aba'y lumayas layas ka na sa harap ng pwesto ko. You're blocking my way! No parking here. Tsupiiii!" pagtataboy niya rito.
"Nandito ako para maningil," matigas nitong sabi.
"Weh? Wala naman akong utang sa'yo ah?" ismid niya. Ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay bigla siyang natigilan nang bigla niyang naalala si Mang Edmundo. "Huwag mong sabihing nabalitaan mo ang pakulo ni MangEdmundo at nakikiuso ka na rin? May utang din sa'yo ang nanay ko?" Tinapunan niya ito ng isang pailalalim na tingin.
"What?" kunot-noong anas nito.
"Ayan, nag-english ka na naman. Now I am allowing myself to talking in English. Because you what what me already, I could talk talk in English again."
"Shut up!" bigla nitong hiyaw.
"No way highway! No me shutting up. You shatap!"
"Hindi ko alam kung nababaliw ka na ba o hindi pero wala naman talaga akong pakialam. Ang gusto ko ang bayaran mo iyong nasira kong damit noong tinapunan mo ako ng isa at pinaluguan ng nakakadiring tubig na malansa." Napangiwi ito. "You don't know how that incident traumatized me," iling pa nito. "Pati iyon, bayaran mo sa'kin!"
"Mukha mo, bakit ko gagawin iyon? Sinira ko ba iyong damit mo? Eh ikaw itong tatanga tanga kaya nabunggo mo ako. It's you're faulty, not me." Dinuro niya ito. "Isa pa, iyang ulo mo, mukhang matagal nang sira. Kaya wala na akong dapat bayaran sa'yo."
"I told you to stop talking in English! Wrong grammar ka kaya nakakarinding pakinggan iyang mga sinasabi mo!" mukhang nasagad na niya ang pasensya nito.
Sukat sa kanyang narinig ay napatawa siya ng malakas. His reaction to her obvious teasing was very funny. Hindi niya inakala na magiging ganon kasaya ang paglaruan ito. Ang sarap sarap sarap nitong asarin talaga. Lalo na at nakikita niya ang namumula nitong mukha dahil sa matinding pagkainis. Lalo ring naniningkit ang dati na nitong singkit na mata.
"Nani? Dou shita no?" nakangising sambit niya. When he froze, she laughed harder. "Astig ko 'no? Nagulat ka ba? Marunong ako mag-Japanese. Oha! Idol mo na ako? Don't worry, napanood ko lang yan sa Detective Conan," natatawang sabi niya.
"You really are insane," hindi makapaniwalang iling nito.
"Insane? Oh yes yes yo! Insane na kung insane. Pero dahil diyan, pinapalayas na kita. Tsupii! You're blocking my way. Mareng Chris! Suki! Come to me! Sakin ka bumili!" sigaw niya nang makita ang kanyang paboritong suki. She ignored the guy's presence, totally!
Iiling iling na tinignan siya ng lalaking hapon. Mayamaya ay napabuntong-hininga ito. "You're disqualified! Hindi ako makakapayag na ang isang katulad mo ay makakasali sa contest na 'yun," maigiting ang naging pahayag nito bago siya tuluyang iniwan.
Natulala siya sa mga sinabi nito. Hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi nito. Wala na siyang nagawa kundi ang pagmasdan ang likod nito matapos itong pumihit patalikod para umalis sa harap niya. Nang makalapit ang suki niyang si Chris ay tsaka lang siya napakurap. Hinarap niya si Chris at halos pabulong na tinanong.
"A-ano raw?" nagtatakang tanong niya.
Napasimangot si Chris. "Hindi mo ba alam? Judge iyon sa nalalapit na Palengke Queen Pageant dito sa Maliboot Market. Siya yata iyong pipili at mag-aapprove ng mga kwalipikadong contestants. Akala ko ba sasali ka, kasi malaki ang premyo doon?" tanong nito. "Kaya nga ako napadaan kasi sasabihin ko sana sa'yo na namimigay na sila ng registration form sa itaas. Alam ko kasing gipit ka at kailangang kailangan mo ng pera."
Sa dami ng sinabi nito ay iisa lang ang tumatak sa isip niya. Napalunok siya at biglang pinanghinaan ng tuhod. "J-judge? Iyong mokong na iyon?"
"Oo. Anak siya ni Mr. Hanagami, iyong may-ari ng lupang kinatitirikan ng Maliboot Market. Sa kanila ang buong palengkeng ito. Hindi ba't sila ang isa sa mga pinakamayang negosyante at mamamayan sa Bayan ng Adikterya? Hindi mo iya kilala?"
Sa narinig ay bigla siyang napaupo. Para siyang inagawan ng lakas ng sampung alien. Ketek! Paano na ang isang daang libong piso niyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa? Oh noooooooooooooooo! Tumayo siya at mabilis na isinukbit sa bewang ang kanyang belt bag.
"Macke, Jhen. Pakibantay saglit itong pwesto ko. Bilang ko ang mga isda ko kaya huwag kayong mangungupit. Hahabulin ko lang si Mr.Sakang!"
Hindi na niya hinintay pang makasagot ang mga kasamahan niyang natulala. Mabilis siyang tumakbo para habulin ang singkit pikit na iyon. Hindi siya makakapayag na mawalan ng chance na sumali sa Palengke Queen Pageant dahil iyon lang ang tanging pag-asa niya para mabayaran ang utang ng inay niya kay Mang Edmundo. Hindiiiii!
"Mister Sakaaaaaaaaaaaang!" hinihingal na sigaw ni Aira nang makita niya si Yu. Thank God, hindi pa ito nakakalayo masyado. Grabe, ang bilis niya palang tumakbo kapag ganoong nerbyos na nerbyos na siya. Galit na napalingon naman ang tinawag niya.
"Ayiiieeeeeeeeee...lumingon," natatawang tudyo niya dahil sa paglingon nito.
"Naze anata wa watashi ni shitagatte iru?" naniningkit ang matang tanong nito.
"Ay susme! Iyong what's wrong lang ang alam ko sa Japanese. Don't Japan Japan me!" she exclaimed. Napahawak pa siya sa kanyang ilong na animo'y may tumulong dugo roon. She thought she saw him smile, bagamat saglit lang iyon kaya hindi siya sigurado kung ngumiti nga ito o hindi. Lalo pa't bigla na lang nagtagis ang mga bagang nito. Napalunok siya.
"Then don't English English me!" panggagaya nito sa kanya. "Ang sabi ko, why are you following me? Ikaw naman ang nagpaalis sa akin doon," nakakalokong sagot nito. "Kaya bakit mo ako hinahabol ngayon?"
Napalunok siya. Could she really swallow her pride in front of him? Kaya niya ba talagang sikmurain ang nakakaloko at nangungutyang tingin nito sa kanya habang para siyang mansanas na nakatayo sa harap nito? Kung may choice lang siya, mas pipiliin niyang dagukan ang mokong na nakangisi sa harap niya pero dahil wala naman talaga siyang choice, lulunukin na lang niya ang pride niya. She had to be in that damned pageant! Kung hindi ay yari siya sa multo ng nanay niya at sa nakakadiring si Mang Edmundo. She gulped.
"Teka teka, huwag mo sana akong personalin. May nakapagsabi sa akin na ikaw raw ang namimili ng mga sasali sa pageant. As you can see, maganda ako, sexy at talented. Kaya kong paghiwahiwalayin ang kape, creamer at asukal sa 3-in-1 na kape. Kung ikukumpara mo naman ako sa mga tao rito, ako na ang pinakanagmumukhang tao. See my beautiful face? I'm like an angel sent from the heavens above. Para rin akong Pilipinas, I'm sooo hot."
Para na siyang tanga. She was so nervous that she kept on blabbing like an idiot in front of him. Kanina pa bugbog sarado sa isip niya ang ta-tanga tangang sarili niya. Kung nalaman niya lang agad na isa ito sa mga judge, baka lumuhod pa siya sa harap nito kahapon para lang magsorry. Eh di sana ay pinigilan niya ang kanyang inis at nagsorry na lang siya rito.
"Mayabang ka pala talaga," naiinis na komento nito. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Maximum confidence, huh?"
Kahit na naghuhurumentado na ang isip niya at nangangati na ang kamo niyang kanina pa gustong dumapo sa mukha nito ay pinili niya pa ring ngumiti. "Thank you."
Napahalukipkip ito. "What we need is someone with brains. Someone who would uplift the name of Maliboot Market's tindera image. Iyong tiyak na igagalang ng mga tao kapag nakita siya, tipong hahangaan ng mga tao, costumer man o kapwa tindera niya."
Okay fine! Nakakainis na ito kaya hindi niya na napigilang sagutin ito ng pabalang. How dare he ambush her pride just like that? Sino ba ito para husgahan siya agad ng ganoon?
"Zombies ate my brains," nang-aasar na sikmat niya.
"Then you're not qualified. You don't fit in any of the requirements I've told you."
"Kapag ba napatunayan kong matalino ako, makakasali na ako?" matapang na aniya.
Hindi niya palalampasin ang pagkakataong manalo sa patimpalak na iyon. Lalo na kung ang korning contest na iyon ang makakapagpalaya sa kanya mula sa sumpa ng kalbong si MangEdmundo. Kahapon pa siya nag-aabang na makakuha ng registration form. Inaasahan niyang matatanggap siya at mananalo sa oras na makasali siya. Hindi ang sakang na gaya nito ang makakaputol ng pantasya niya! Hindi siya susuko!
Kung hindi uubra ang pagpapa-tweetums niya rito, pwes ibang taktika ang gagamitin niya rito. Tutal eh mukhang tuwang tuwa naman itong nakikipag-asaran at nakikipaglaitan sa kanya, eh di yun na lang din gagawin niya. She's cute when she's sweet but she's too damned hot whenever she's angry. Go, Aira! Fighting girl! Yan ang spirit! Tuloy ang pantasya!
"Could be," naghahamong kibit-balikat nito.
"May suggestion ako. Bakit hindi natin pasusyalin ang premyo? Para naman may thrill itong niluluto nating ito," ngisi niya.
"Ano na naman ang balak mo?" interesadong tanong nito.
Bingo! Kumagat sa pain niya ang bruho. "Madaming tenga ang nakikinig sa atin ngayon," nilingon niya ang mga taong kanina pa pasimpleng nakikinig sa usapan nila. "Kaya dapat ay maganda ang ating show."
"Meaning?" he cocked his left brow.
"Kailangang i-date mo ako kapag ako ang nanalo."
Tapos ay pahihirapan niya ito sa date nila. Magde-date sila sa sementeryo, pakakainin niya ito ng balot, pakakantahin sa videoke sa mga bar na may maraming nag-iinumang tambay, paiinumin ng Gin na walang ice at pakakainin ng siling labuyo. Wahahah! Ngayon palang ay kinikilig na siya habang iniisip ang maaaring maranasan nito kapag nagdate na sila.
"Hindi ka pa nga nakakapasok sa pageant, panalo na agad ang iniisip mo? How futuristic can you get?" iling nito. "Nasobrahan ka naman yata sa kayabangan. Iniisip mo ba talagang ide-date kita? I'm not that crazy, you know," tuya nito.
She clenched her fists. Ang damuho, akala naman nito excited siyang makadate ito. Kung alam lang nito. "Simple lang. Oo o hindi lang naman ang sagot. Mahirap ba iyon?"
Napataas ang kilay niya nang hindi agad ito nakasagot. Kulang na lang ay ipagsigawan niya sa mukha nito na sangkaterba ang nag-aayang makipag date sa kanya. Karamihan ay mga mayayamang foreigner na mamimili na nabighani sa mukha niyang mala-anghel.
Yumayabang pala talaga siya sa tuwing may lumalait sa kagandahan niya. Ketek! Ni hindi na niya naisip na mas marami tiyak ang nagkakadarapang makadate ito. Kung titingin nga lang siya sa paligid nila ay makikita niyang kanina pa pinagnanasaan ng mga babae, bading at mga matrona si Yu. Tssss.
"O baka naman natatakot kang ako ang manalo?" pang-iinis niya.
"Oo."
Napatitig siya sa seryosong tinging ipinukol nito sa kanya. She wouldn't back down on him. Kaya matapang niyang sinalubong ang tingin nito. Kung iniisip nitong magba-back out siya sa larong inihain niya sa harap nito ay nagkakamali ito. Wala pa siyang inuurungang laban.
"Cool! I couldn't contain my excitement about this upcoming pageant. Especially that I'd be getting a hundred thousand cold cash and a date with you! Aw, life is really getting better and better everyday, don't you think?" excited na bulalas niya. "I'm so dead excited about this! Dang, innocent prayers are always answered indeed!"
"Huh?" parang tanga itong napatitig sa kanya, na ewan naman niya kung bakit.
"So, ano na? How am I gonna prove to you that I actually defeated the huge wave of zombies and my brain is still intact? How about a quiz? Hmmm, a trivia? Name it. I'm on it," excited paring aniya. Natigilan siya ng mapansing nagbabaga na ang tingin nito sa kanya.
Ooooops. Nakalimutan niyang wrong gramming pala ang drama niya sa harap nito. Dalawang bagay lang talaga ang nakakapagpa-English sa kanya—iyon ay una; kapag galit siya at pangalawa; kapag excited na excited siya. Argh! Bakit ba nakapagsalita siya ng English sa harap nito? Sayang iyong effort niyang mang-asar! Napalunok siya.
"You're unbelievable," nanggagalaiting sambit nito. Mayamaya'y tinalikdan siya nito at nagsimula na itong maglakad palayo.
"Hey! We aren't through yet! Hindi mo ako pwedeng idisqualify! Willing akong magtake ng quiz! Kahit na periodical exam pa iyan!" habol niya rito.
Hindi pwede! Patakbong hinabol niya ito. Hindi siya papayag na mawalan ng saysay ang pagda-diet niya at pagbyu-beauty rest niya ng ilang lingo para paghandaan iyong contest nang ganon ganon na lang. It was her only hope!
Nabuhayan ang loob niya nang bigla itong tumigil sa paglalakad. Hindi ito lumingon sa kanya ngunit bigla itong nagsalita.
"Meet me at the parking lot after your work. Don't be late."
Nakahinga siya ng maluwag. "Sure. I won't be late," ngiti niya.
Hindi na ito ulit nagsalita. Bagkus ay itinuloy nito ang pagsibat. Nang mawala ito sa paningin niya ay para siyang baliw na nagtatatalon sa tuwa. May pag-asa pa siya!
"Hanep Ai, ang galing mo pa lang mag-english? Napatunganga sa'yo si SirYu!" natatawang sabi ni Nikka na isa sa mga nakasaksi sa usapan nila ni Yu. Kagaya niya ay tindera rin ito sa talipapa. Biglang nagbulung-bulangan ang mga etchusera sa paligid nila.
Tumatawang naglakad na lang siya pabalik ng kanyang naiwang mga paninda. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Grabe, masyado naman yata siyang excited sa pagpayag ng Yuri hanagami na iyon? "Baka deep inside eh kinikilig ka," tudyo ng isip niya.
"Ang mokong na iyon? No way! Ayoko sa mga lalaking mapanglait sa kapwa! Nilait lait ang grammar ko. Akala mo kung sinong matalino?" reklamo niya. Ngunit nakakapagtaka yata kung paanong napapayag niya agad ang ulupong na sakang na iyon sa pakulo niya.
Hindi kaya may plina-plano itong masama laban sa kanya? Napailing siya. Huh! Magkakaalaman mamaya! Maghahanda siya ng paminta, isasaboy niya sa mukha nito iyon sa oras na gumawa ito ng hakbang na hindi niya masisikmura.
Huwag lang kiss, Diyos ko.
Sa ganda ng lintik na mga labi nito ay malamang na magpatangay siya sa sensyasyong idudulot ng mainit na halik nito. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang mga labi.
"Kapag ikaw lips, hinalikan nung sakang na Yu na iyon, ipangako mong gaganti ka!" kausap niya sa sarili. Lihim siyang napangiti. Nagtutumalandi na naman ang isip niya.
______________________________________________________________________