Chereads / BAHAGI NG ATING KABANATA (On-going) / Chapter 7 - KABANATA VI Sa Hapag

Chapter 7 - KABANATA VI Sa Hapag

Namamayani sa mukha ni Ama ang sobrang kagalakan ng makita si Miguel. Ang aking Ina ay kasalukuyang inilapag ang aming hapunan. Sila ay nagsisikwentuhan tungkol sa mga pinagdadaanan. Nabanggit ni Ama na bibisitahin niya ang kaniyang matagal na nawawalang kapatid kalaunan. Ayon kay Ama, maghahanap pa siya ng tiyempo sapagkat maraming mga bagay pa ang kaniyang uukulin sa politika. Isa na doon ang pagsisilbi sa mga nangangailangan. Iyon naman ay naunawaang lubos ni Miguel. Mahabang sandali ang kanilang sinasalaysay ng naabot sa ibang usapan.

"Itong pinsan kong si Diego, Tiyo Hacob ay kinakitaan ko ng kakaibang talino ukol sa abogasya." Napatigil ako sa pagkain at napasulyap sa kaniyang gawi.

"Saan ba nagmana ang katalinuhan ng aming kaisa-isang anak, sa kaniyang Inang dating kumukuha ng abogasya," si Ama. Si Ina ay dating kumuha rin ng abogasya ngunit sa sawimpalad ay hindi niya natapos sapagkat sa kakulangan ng suporta sa kaniyang mga magulang. Tinahak niya ang ibang landas at kumuha na lamang ng ibang kurso, ang pagtuturo. Ang pagtuturo sa kanilang kapanahunan ay ang may pinakamaliit na gastos.

"Matagal na naming batid iyan Elias. Kung tutuusin ay mas matalino pa ang aming anak, kaysa sa akin."

"Ina, huwag kayong magsalita ng ganiyan. Ang aking mga natutunan sa buhay ay hindi lamang galing sa akin kundi galing sa inyong dalawa ni Ama. Kung mararapatin, ang aking mga katiting na nalalaman noon ay hindi tutubo kung hindi niyo patuloy na dinidiligan." Napangiti silang tatlo sa aking sinabi.

"Hindi ka talaga nauubusan ng katuwiran Diego," si Miguel. Nagsihalakhakan kami ng sabay sa hapag.

Patuloy kami sa pagkain. Nag-iibayo ang saysay ng mga sinasalaysay namin sa isa't-isa. Marami akong nakalap na impormasyon tungkol kay Miguel. Di mahulugang kasiyahan ang aking dinadamdam sa ngayon. Isang kasiyahan na hindi mapapalitan ng materyal na bagay. Mga ngiti'y kusang iniukol sa isa't-isa sa hapag.

Nagsalitang muli si Miguel. "Tiyo Hacob, bukas pagkatapos ng aming klase ay aanyahan ko sana itong si Diego papunta sa museo. Nais ko sanang ipasyal siya roon. Kung hindi ako nagkakamali ay mahilig siya sa mga sinaunang mga bagay."

"O sige Miguel. Kung gayon kayo ay mag-iingat." Tumango naman si Miguel.

Tumingin siya sa aking gawi at binigyan siya ng makabuluhang tingin, ang pagpayag. Matagal nadin akong hindi nakapasok sa mga museo. Nais kong makakita uli ng mga sinaunang bagay, ng mga sinaunang ninuno.

Pagkatapos ng hapunan sa hapag ay nagpaalam si Miguel. Inanyahan sana siya ni Ama na sa aming tahanan na lamang matutulog ngayong gabi ngunit hindi siya pumayag. Nais niyang umuwi sapagkat nais niyang ipaalam sa kaniyang Ama ang magandang balita, na nakita na niya sa wakas ang kapatid nito. Walang magawa si Ama. Siya nalang ay pumayag. Tanaw ko sa kalayuan si Miguel na nakasakay na sa karwahe.

Walang pag-alinlangan kong pinuntahan si Ama. Tatanungin ko siya sa kalagayan ni Eliza at kung kamusta ang liham na aking pinabigay sa kaniya. Galak akong abutin ang isang liham na inilahad ni Ama sa aking kamay. Tumungo ako agad sa silid upang basahin ang liham.

Sa aking pinakamamahal na Diego,

Lubos akong nagagalak sa iyong liham. Ako rin ay nangungulila sa iyo. Sana'y makita kitang muli Diego. Salamat sa tunay na pag-ibig na iyong ipinaparamdam. Nais ko lang na ipaalam na, sinasagot na kita sa panliligaw mo. Alam kong ang bilis ngunit wala namang tutol sa pag-iibigan nating dalawa, bakit ko naman papatagalin ka sa panliligaw kung ang iyong nararamdaman ay gaya ng akin.

Sinasagot na kita, Diego.

Mahal na mahal kita, aking Ginoo.

Nagmamahal,

Eliza

Nang gabing yaon, dalawang bagay ang aking nakuha, ang makilala ang aking pinsan, ang panghuli'y ang pag-iibigan namin ni Eliza. Dinagdagan ko ng bagong kabanata ang nobela naming dalawa ni Eliza bago pumanhik sa pagkakatulog.