Chereads / BAHAGI NG ATING KABANATA (On-going) / Chapter 13 - KABANATA XII Ang Sorpresa

Chapter 13 - KABANATA XII Ang Sorpresa

Kasalukuyan akong nasa kanilang likuran at panay ngiti. Nadatnan ko ang pagtanaw nila sa hindi kalayuan sa mga batang galak sa pagpapalipad ng saranggola. Di nila batid ang aking pagdating hanggang wala akong magawa kundi ay magsalita na lamang mula sa kanilang likuran. "Ama at Ina," tanging wika ko. Mabilisan silang napasulyap sa kinaroroonan ng tinig kasali rin ang arkitekto.

"Oh Diego, ikaw na pala ay andito. Kanina kapa ba sa aming likuran?" si Ina na panay ngiti. Hindi maitatangging bakas sa mukha niya ang sobrang kagalakan sa proyektong inilaan ni Ama at nila Don Valencio at Donya Monica. Tumango naman ako bilang pagtugon kay Ina. Bigla nalang akong may namalayang wala rito sa aming kinaroroonan. "Asan sila Eliza, Don Valencio at Donya Monica?" pag-iiba ko sa aming pinag-uusapan. Napatingin naman ako sa gawi ng arkitektong di ko pamilyar.

"Sila raw ay may ipapakilala sa ating mahalagang tao Diego na naglaan rin ng donasyon para sa sisimulang proyekto," wika ni Ama. Nang marinig ko yon ay di ko makaligtaan ang kagalakan na kanina ko pa ay batid.

"Nasisiyahan akong marinig iyan Ama," agad na wika ko. Panay parin ang titig ng arkitekto sa akin nang bigla itong magsambit. "Nais ko sanang makilala ng personal ang inyong anak Kapitan Hacob at Gng. Estepha," sambit ng arkitekto. Tumango naman si Ama. "Ginoong Eugenio, ang aming anak na si Diego. Ang kaisa-isa naming anak na tinahak ang pag-aabogasya." Iniabot ng arkitekto ang kaniyang kamay sa akin. Inilahad ko naman ang aking kamay bilang masayang pagpakilala.

"Nakakahanga naman ang inyong anak na si Diego, Kapitan. Abogasya ang kaniyang kinuha sa kolehiyo. Hindi madali ang kursong iyan sapagkat buhay ang siyang ilalaan ngunit muli ako ay napapahanga sa taglay niyang katapangan. Balang-araw siya ay makakatulong para sa ating bansang Pilipinas."

"Kahit hindi pa siya ganap na abogado Ginoong Eugenio ay siya na ay nakatulong sa bansa natin sa sarili niyang pamamaraan," bawi ni Ina sa sinabi ng arkitekto. Bakas muli ang paghanga sa kaniyang mata.

Wala parin sila Eliza, kaya napagdesisyunan namin na ipasyal si Ginoong Eugenio sa kaaya-ayang mga tanawin rito. Talagang nakakahalinang pagmasdan ang bawat tanawin na nasulyapan ng aming mga mata. Ang preskong hangin na kasalukuyang nalalasap hatid ng Inang kalikasan. Ang dahang paglubog ng araw sa Silangan na nagpahiwatig na hahantong na ang gabi. Lumitaw naman ang kaaya-ayang liwanag na nagmumula sa biglang pagsulpot ng buwan. Nakakahalina, ayaw kong ito'y hindi na muli pang makita.

Ang mga tinig ng ibon na sabay na nagsitunogan. Nagpapagaan sa pakiramdam. Mas mabilis ang pagtakbo ng oras na ngayo'y aking namamalayan. Nasan na kaya sila Eliza? Hindi ko maitatanging hinahanap ko na naman siya.

Sobrang pangungulila nalang ang biglang bubungad sa akin kapag di manlang masilayan ang mukha ni Eliza. Di ko maiwasan ang kalungkutang babalot at lalamon sa akin kapag ganon ang siyang mangyari. Parte na siya ng aking buhay at ang aking nagsisilbing balangaw. Napasulyap kaming apat sa kalangitan ng nilibutan ang buwan ng balangaw. Kaaya-aya.

Mayamaya lamang ay nakasalubong namin sila Eliza kasama ang kaniyang ina at ama-----at sila Miguel at ang pamilyar na taong kasama nila. Kusang napatingin ako sa gawi ni Ama na bakas ang katuwaan.

"Aking kapatid?"