Chereads / BAHAGI NG ATING KABANATA (On-going) / Chapter 12 - KABANATA XI Ang Arkitekto

Chapter 12 - KABANATA XI Ang Arkitekto

Isang hapon ay pumunta sina Kapitan Hacob kasama ang asawa nito sa baryo kung saan nagtuturo ang kaniyang pinakamamahal na asawa. Pagkaabot pa lamang nila sa baryo ay sinalubong na sila ng mga kabataan. Nagsigalang ang mga kabataan nang maabutan nila ito.

Katuwaan ang namumutawi sa bawat mukha ng mga bata nang masilayan ang mag-asawa. Mainit na pagbati ang inilaan ng bawat tao na naroroon para sa mag-asawang Guevarra.

Pinaupo sila sa isang silya na nakaharap sa may lawa. Sila ay may hinihintay, ang arkitekto. Nagsigalakan ang mag-asawa kasama ang mga bata na kasalukuyang nagmasid sa tanawin sa lawa. Nagbabadiya ang sobrang kasiyahan sa kanilang mga mata. Repleksyon na nakakitaan nila ng kagandahan ang baryo.

Mayamaya lamang ay sa wakas ay dumating na ang kanilang hinihintay, ang arkitektong si Ginoong Dabid Eugenio. Ngumisi ito ng makita ang mag-asawa.

"Lubusan kong ikinatutuwa na makaharap ko ang kagalang-galang na mag-asawang Guevarra," tugon nito habang sinulyapan ang mag-asawang Guevarra. "Isa pa, nakakahanga ang pook na ito Kapitan Hacob. Pero mas nakakahanga ang inyong kagandahang-loob," dagdag na wika nito. Napagpasyahan nila na pagtuonan na ng pansin ang kanilang pakay.

Inilawig ng arkitekto ang kaniyang mga paningin sa malawak na tanawin. Halata sa mukha nito na napapahanga siya sa kagandahan ng tanawin na sa kaniya ay bumungad.

"Ano sa tingin mo Ginoong Eugenio?" si Estepha. Ngumiti naman ang Ginoo habang napatingin sa gawi ng asawa ni Kapitan Hacob. "Napakaganda rito. Nakakahanga!" saka ibinalik muli ang paningin sa tanawin.

Tumango-tango ang arkitekto at halatang may malalim na iniisip. "Madali lamang ang pagpapatayo ng bahay-paaralan dito Kapitan sapagkat patag ang lupain rito, mas mapapadali natin ang pagtatayo sa kaunting panahon lamang," seryosong paliwanag nito. "Lalo na kung marami ang magtratrabaho at magtutulungan upang mapatayo ito. Walang pag-alinlangang madaling magamit ito sa pagtuturo. Ang ating pakay ay ganoon, para hindi na mahirapan pa ang mga bata sa kanilang pag-aaral." Natuwa naman si Kapitan Hacob at si Estepha sa mga napakinggan. "Kung sa gayo'y mabuti iyan Ginoong Eugenio, dapat lamang na mapadali ang pagtayo ng bahay-paaralan. Hindi ko matiis ang asawa ko at ang mga kabataan na makikita lamang sila sa labasan," si Kapitan Hacob na nakatingin sa mga batang naglalaro ng saranggola sa hindi kalayuan. Hinaplos ang puso nito sa mga kaaya-ayang nakita at napakinggan.

"Kung gayon ay sisimulan na natin sa madaling panahon ang pagbili ng mga materyales. Hindi naman gaano kagastos ito Kapitan Hacob," ang arkitekto. "Hindi kami nag-iisip sa mga gastusin na maaaring mailaan sa pagtatayo. Ang hangad namin ng aking asawa at anak ay makatulong sa katulad nila." Silang tatlo ay nakatingin uli sa mga batang masayang-masaya sa mga ginagawa. Bawat halakhak ng mga bata ay nagsisilbing musika sa kanilang mga tenga. Kusang nabibiyak ang mga puso ng tatlo para sa mumunting pangarap para sa mga kabataan, ang magkaroon ng komportableng mapag-aralan.

Bahagi na ng katauhan ng mag-asawa ang may busilak na puso at bukas-palad. Diyan namana ang kagintuan ng puso ni Diego, sa kaniyang Ina at Ama. Kaya'y ganoon lamang na walang takot na harapin ni Diego ang mga balakid na dumaraan sa kaniya. Katapangan para sa ipinaglalaban.

Di nila batid ang pagdating ni Diego na kasalukuyang nasa kanilang likuran.