Chereads / BAHAGI NG ATING KABANATA (On-going) / Chapter 8 - KABANATA VII Sa Museo

Chapter 8 - KABANATA VII Sa Museo

Kapapanhik lang namin sa loob ni Miguel. Agad na namutawi ang karilagan ng museo. Sa angking mga nakapaloob rito ay nakakahalina sa paningin. Bagama't ang aking balintataw ay hindi nakalimot sa mga ninuno. Ang kaginhawaan ng isang bansa'y nauugnay sa nakaraan. Kung ano ang nakaraan, repleksyon ng kasalukuyan. Ang sinumang walang pakialam sa nakaraan, kagaya lamang ng nasa bilangguan. Huwag lilisanin ang kahapon, sapagkat ito'y parte ng ngayon.

Biglang naparam ang magandang alalala nang nasilayan ko ang iba't-ibang kagamitan ng sinauna. Hindi ko maiwasang mapahangang muli sa mga nasakop ng aking mata. Kahit ito'y mga pamilyar sa akin ay hindi ako makapaniwala. Sadiyang kakaiba lamang kung ito'y makikita, kaysa mailarawan lamang sa binabasa.

Si Miguel naman ay tinahak ang iba't-ibang mga pinta habang ako'y nakatuon lamang sa mga sinaunang kagamitan ng mga ninuno.

May iba't-ibang banga ang sumalubong sa akin. Nakita ko ang banga ng manunggul at bangang hugis tao na unang libingan ng mga ninuno.

Sa unahan nama'y may isang pares ng pamukpok ng balat na tela noong unang panahon. Natunton ko naman sa hindi kalayuan sa aking kinatatayuan ang mga sinaunang alahas. Kakaiba ang mga hugis nito. Nasulyapan ko naman ang yari sa gintong maskara ng mga patay at mga sinaunang hikaw at abaloryo.

Sa kalagitnaan ng pagmamasid ay naaninag ko ang pamilyar na hitsura ng isang dalagita. Hindi ako nagpaalila na hindi siya muling makita kaya walang pagkibit-balikat ko siyang pinuntahan.

"Eliza," tawag ko sa kaniya. Siya ay nakatalikod sa akin. Itinuon niya ang kaniyang paningin sa isang pinta. Bigla siyang humarap patungo sa akin at hindi makapaniwalang makita ako sa kaniyang harapan. "Diego," tawag niya sa akin pabalik. Kinuha ko ang kaniyang kamay at hinalikan. Mayama'y sumulpot si Miguel sa aming harapan.

Sinulyapan ko si Miguel at naaninag ko sa kaniyang mukha ang paghanga sa taglay na alindog ni Eliza. "Sino ang magandang dilag na ito Diego?" Binitawan niya ang matamis na ngiti doon kay Eliza.

"Ah Miguel, ang aking irog at iniibig, si Eliza." Hinablot niya ng dahan-dahan ang kamay ni Eliza at hinalikan. "Lubos kong ikinagagalak na masilayan ang napakagandang mukha mo Binibini, ako nga pala ang pinsan ni Diego." Inilaan naman ni Eliza ang kaniyang ngiti kay Miguel.

Napatikhim ako sandali. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Bumalot sa akin ang matinding selos ngunit hindi ko hinayaang mamayani ito. Wala akong nais na sirain ang aming pag-ibig na nasimulan ni Eliza, sa hindi makatarungang rason. Napakababaw lamang kung ito'y aking hahayaan. Pinsan ko si Miguel, dapat ko siyang pagkatiwalaan.

"Ano ang ginugol niyo rito Diego?" wika ni Eliza na masayang bumungad ang ngiti sa akin. "Ipinasyal ako nitong pinsan kong si Miguel, mahal. Ikaw bakit ika'y andito?"

"Nais ko lang muling makita ang iba't-ibang pinta mahal kong Diego. Nababagot ako sa tahanan kaya ako'y pumarito." Hinawakan ko ang kaniyang kamay na ikinabigla niya. Napatingin ako sa kaniya at isang namumulang pisngi sa aki'y bungad na bungad. "Pa---papuwi naba kayo Diego?" nauutal na dagdag na wika ni Eliza.

"Ako'y uuwi na Eliza," biglang saad ni Miguel. "Ikaw Diego?" dagdag niyang katanungan.

"Miguel, ihahatid ko lang si Eliza sa kanilang tahanan. Mayamaya'y pagkatapos kong maihatid si Eliza ay uuwi narin ako sa tahanan," ngiti kong tugon.

"Mag-iingat kayo pinsan," Miguel. "Binibini, uulitin kong ikinagagalak kong masilayan ka." Agad siyang tumalikod pagkatapos sa sinabi at sabay naming sinulyapan ni Eliza ang kaniyang pag-alis.

Nawala ang seryoso kong pagmasid kay Miguel ng napakinggan ko ang halakhak ni Eliza. "Mahal, nagsiselos kaba?"

Napatingin ako sa kaniya. "Ako magseselos?"

"Lubusang di maipinta ang iyong mukha iniibig kong Diego, magsabi kana ng puro katotohanan." Muli siyang humalakhak. Ang katunayan, sa kaloob-looban ko ako'y nagseselos.

"Oo nagseselos ako, ayaw kong maagaw ka ni kahit na sino." Hinaplos niya nalang bigla ang aking mukha kalaunan at tinitigan ako sa mata. "Ikaw lang ang tanging iibigin ko." Napanatag ako sa wika niya.