Matatayog na punong-kahoy. Preskong hangin na humahaplos sa aming balat. Mga halamang kaaya-aya sa paligid. Berdeng kulay na kapatagan. Mga gintong butil ng palay. Mga iba't-ibang mga hayop na kinakalooban ng mga pusa, aso, may mga maliliit na bibe na buntot na buntot sa kanilang ina. Maihahalintulad sa mga sundalong nagmamartsya. May mga kalabaw na nagbibilad sa araw sa palayan. Nakakahalinang tanawin. Napatingin ako kay Eliza na malikot ang mga mata na nakatingin sa kapaligiran.
"Ina, bukas kapa babalik sa ating tahanan, kung ako'y di nagkakamali?" tanong ko kay Ina na nakatuon sa mga batang mag-aaral. Siya ay tumango.
"Huwag ka na po munang umalis Binibing Estepha, kami po ay siguradong mangungulila sa inyong pag-alis." Napatingin ako sa gawi ng bata. Ngumiti lamang si Ina nito at saka'y ipinatuloy ang pagkain.
"Ina, maaari bang maiwan na muna namin kayo rito. Nais ko lang ipasyal si Eliza." Muling tumango si Ina. Nilapitan ko si Eliza sa kaniyang kinauupuan at kinuha ang kamay at hinila.
Mainam ang pakikitungo ng mga tao rito. Masasabi mong tunay ang kanilang pakikitungo. Muling namulaklak ng kasiyahan kay Eliza nang masilayan ang mas kaaya-aya pang mga tanawin. Tila hinahalukay ang aming kaluluwa at hinihiwalay ito sa aming katawan. Kakaiba ang mga tanawin dito, hindi maihahalintulad sa aming bayan, wala ni masyadong makikitang mga berdeng halamanan. Nakakalungkot isipin na habang tumatakbo ang oras ay mas lalong tumitindi ang galaw ng pagbabago.
"Batid mo ba ang pagbagal ng takbo ng oras dito mahal?" si Eliza na nakatanaw sa kalayuan.
"Sobrang bagal nga ng pag-usad. Hindi katulad sa ati'y kaybilis," aking winika. Hinawakan niya ng mahigpitang ang aking kamay.
"Ang pangarap ay hindi pangarap lamang. Ito'y matutupad basta't kasa-kasama ka." Habang ito'y nanatili paring pasulyap-sulyap sa kung saan. Bawat salita na sa kaniya'y nanggangaling ay gumagawa ng kakaibang dulot sa akin. "Balang-araw nais kong manirahan tayo sa ganito. Simple at walang gulo. Puro katahamikan."
Nang sa ganoo'y sinabi ay nahinuha ko sa aking sarili na kinakitaan na ni Eliza na ako ang magiging wakas ng bawat naming kabanata.
Magkaagapay na sasaluhin lahat ng balakid na maaaring mag-alipastangan sa amin. Ayaw ko ng pakawalan pa ang babaeng ito. Naguguhit na sa aking balintataw ang aming kasalukuyan. Lahat-lahat sa kanya, pati pag-ibig ko. Siya ay kabiyak ng aking puso. Kusa akong nababaliw ngunit hayaan na sapagkat naging dahilan rin ng saysay sa buhay.
Walang maapuhap na mga salita mula sa aking mga narinig sa kaniya. Kusa nalang tumikhim ang aking mga bibig at napamaang.
Hubad na katotohanan, mula nung unang napaibig ay wala na akong nakikita pa kundi siya. Wala ng makakahigit pa sa kaniya. Walang sinuman ang makakapanaig, kahit na si Maria Clara. Sapagkat si Maria Clara ay para kay Crisostomo Ibarra at si Eliza ay para kay Diego Guevarra. Hindi sila magkasintulad sapagkat si Eliza ay si Eliza. Walang makakatinag.
Ang kaniyang hiyas ay mahirap hanapin. Hindi ko hinanap ngunit kusang dumating.
Nawala ang aking iniisip ng pinahiran niya ang aking mukha ng putik. "Nanghahatak ka ng masidhing damdamin Eliza!" Hinabol ko siya sa kapatagan at parehong dinamdam ang bawat putik na tumatalsik at nagpapadagdag ng timpla sa pag-iibigan.