Chereads / BAHAGI NG ATING KABANATA (On-going) / Chapter 6 - KABANATA V Ang Magpinsan

Chapter 6 - KABANATA V Ang Magpinsan

"Nakakahanga ang iyong mga katwiran Diego," biglang wika ni Miguel habang aming tinahak ang malawakang kalsada patungo sa aming tahanan.

Ngayo'y nakasakay kami sa karwahe. Nais kong sorpresahin si Ama. Alam kong siya'y magiging magalak kapag nasilayan niya ang anak ng kaniyang matagal na hindi nakikitang kapatid.

"Salamat." Siya ay ngumiti sa akin. "Sa gayo'y abogasya ang iyo ring tatahakin katulad ng sa akin Diego."

"Matagal na panahon ko ng nais makapag-aral ng abogasya. Ang nagtulak sa akin ang aking mga prinsipyo't pinaglalaban Miguel."

"Ikinagagalak ko talagang nasilayan na kita. Palaging bukambibig ni Ama ang tungkol sa iyo at sa kaniyang kapatid na kasalukuyang Kapitan ng San Rafael," maligayang batid ni Miguel na siyang aki'y ikinagugulat.

"Kung sa gayo'y hindi lang pala si Ama ang nag-aatubiling mahanap kayo," aking tugon. Malalaking mga gusali at mga museo ang aming nakikita habang kami'y nakasakay parin sa karwahe.

Buong masinsinan ay kami'y nag-uusap ng kung ano-ano mang mga bagay. Ang ama ni Elias Miguel ay ang matagal ng nawawalang kapatid ni Ama. Simula nang naghirap ang pamilya ni Ama noo'y lumayas ang kaniyang kapatid, ang kaniyang kaisa-isang kapatid. Ngunit sa desididong hanapin ni Ama ang kapatid ay kaunting impormasyon lang ang kaniyang nakalap nang dahil sa mga kuro-kuro. Ang kaniyang katiting na nalalaman lamang ay naging sikat ito sa pinagmulang bayan at may kaisa-isang anak na Elias Miguel Guevarra ang ngalan.

Sa kalagitnaan nang aming pagkasakay sa karwahe ay may nadaraanan kaming isang pulubi. Naaninag namin ang pag-aalipastangan sa kaniya na nagmumula sa mga kapareho naming binata. Ang pulubi'y nagbuwal sa lupa nang ito'y pinagbubugbog nang mga binata. Hindi ko ito matiis kaya pinahinto ko ang karwahe at saka'y tinahak papunta sa pulubi't binata. Sumunod naman si Miguel.

"Mga mapangniil, mga mapang-abuso sa kapwa. Kayo ang katunayang sakit ng bayan. Ang bayan ay dumaraing nang dahil sa inyong ipinamalas. Mga matatalino nga ngunit walang mga damdamin," malakas na wika ko at sila'y napatigil. Nagbabadiya ng kapahamakan ang kasalukuyang nagyugyog sa akin.

"Ano ba ang pakialam mo sa pulubing ito? Isa lang itong walang maitulong sa bayan Ginoo, ngunit ikaw pa ay nagmamalasakit?" tugon ng isa na nagpugal ng titig na sumasaksak sa aking buto't laman. "Humihingi ng pagkain, hindi man lang naghanap ng pagtratrabahuan para makakain," inis na dagdag nung isa.

"Hindi kahali-halinang tanawin ang aking napagmasdan sa ngayon. Malinis nga sa panlabas sa loob ay madungis. Tunay na sakit ang sa inyo'y naangkin," hinahon kong wika. "Pakatandaan niyo'y mas mabuting manghingi kaysa magnakaw," aking dagdag.

"Ang kaban ng mahihirap ay ninakaw ng mga nagmamalinis. Mapang-abuso sa kapangyarihan. Mga suwail sa bayan. Kabataan nga ba talaga ang pag-asa ng bayan mga Ginoo? Ano ang masasabi niyo?" Sila'y tumikhim. Sinulyapan ko ang pulubi at naaninag ko ang kasiyahan na nag-uumapaw sa kaniyang mga mata. "Kung iyon ang sabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, baka hindi kayo kabilang." Sila'y marahang yumuko sa kahihiyan.

"Paumanhin Ginoo, hindi na ito mauulit."

Napangiti ako ng bahagya. "Huwag sa akin kayo humingi ng kapatawaran kundi sa taong inyong tinapakan. Sa kaniya," turo ko sa pulubi. Napasulyap nalang ako kay Miguel na inilahad ang kamay sa pulubi at nakaangat ang sa akin ang kaniyang paningin.

"Mula ngayon Diego, hindi kana mag-iisa pa sa mga pinaglalaban mo." Lumikha ng katuwaan sa aking damdamin ang kaniyang ipinakita. Kusa niyang binago ang kaniyang baluktot na mga pinaglaban.