Chereads / BAHAGI NG ATING KABANATA (On-going) / Chapter 5 - KABANATA IV Unang tapak sa Unibersidad ng San Felipe

Chapter 5 - KABANATA IV Unang tapak sa Unibersidad ng San Felipe

Mahal kong Eliza,

Kamusta kana aking binibini? Hindi ko maiwasang hindi ka aalahanin. Alam ko'y kaybilis lang akong nakadama ng pangungulila sa'yo ngunit pakahayaan mo na ay hindi ko maiwasan ito. Kahit kasama kita kagabi sa kaarawan ni Ama ay hindi ko maiwasan. Pasensya kana, mahal. Eliza, pasensya kung tinawag kitang mahal sa liham na ito ngunit kung iyong maaari ay payagan mo akong tawagin ka sa ganon kahit wala pang tayo. Napakaespesyal mo sa akin. Ikaw ang katangi-tanging leon na bumihag sa aking katauhan. Matagal mo na akong nabihag. Ako ang paru-paro, ikaw ang aking bulaklak. Sisikapin nating dalawa na magiging mahalimuyak ang ating nasimulang nadarama. Ingatan mo ang iyong sarili. Bibisitahin kita sa iyong tahanan balang-araw. Sa ngayo'y liham na muna. Sana matanggap mo ito. Kinalulugod kong ikaw ang aking nililigawan. Iniibig kita.

Nagmamahal,

Diego Guevarra

Iniabot ko kay Ama ang liham. Nakuwento niya sa akin na siya'y tutungo sa tahanan nila Eliza sapagkat ay may mahalaga silang aatupagin tungkol sa politika kaya hindi ako nag-aatubiling gawin ang liham para sa kaniya at ngayo'y natapos at si Ama'y tutungo na.

"Diego, naalala ko ang aking pagkabinata riyan sa'yo. Noong nililigawan ko ang iyong Ina ay ganito ang aking ipinipamalas," natutuwang wika ni Ama.

"Salamat Ama. Hindi niyo ako pinapabayaan ni Ina sa ganitong kabanata ng aking buhay. Palagi kayong nakaalalay."

"Ikaw ang katangi-tanging anak namin Diego. Kung ano ang kasiyahan mo ay buong-suporta ka namin." Muling ngumiti ito. "Sa gayon Ama, maraming salamat muli."

"Wala iyon Diego. Iiba na tayo ng landas. Pupunta na ako sa tahanan ng pinakamamahal mo."

"Sige Ama at ako'y lilisan narin sa tahanan upang tumungong unibersidad." Siya ay tumango at nagsialisan na.

Sa Unibersidad ng San Felipe

Walang katiyakan akong napababa sa aking sinakyang karwahe. Dali-dali kong tinahak papasok ang Unibersidad ng San Felipe. Ang unibersidad na ito'y sikat sa kursong abogasya. Kauna-unahang tapak ko pa rito at ganon din sa kolehiyo. Matagal ko ng nais ang makapag-aral ng abogasya. Nang dahil sa aking mga pinaglalaban sa buhay.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may napakinggan akong mga tinig sa isang silid na hindi kalayuan sa aking kinaroroonan.

Bukas ang silid na ito at nasilayan ko ang mga binatang nasa loob. Sila ay nakipagdebatehan.

"Propesor, ang sa akin, ang mga dukha o mahihirap ay may karapatang mamuno at makipagsabak sa politika." Sinusuri ko ng mabuti ang susunod pang mga opinyon galing sa mga binata.

"Ang mga dukha ay walang puwang sa kanilang kinabibilangan. Ang mga dukha'y salot. Walang mga patutunguhan," wika ng isang binata na nasa unahan na biglang tumayo.

"Paano mo iyan nasabi?" wika ng kaninang unang nagbigay ng opinyon.

"Sapagkat ang mga dukha ay walang pinag-aralan. Hindi sila nabibilang sa mga mamumuno. Ano ang mangyayari sa bayan kung mga dukha at walang pinag-aralan ang siyang mamahala," muling wika nito.

Napukaw ang aking kaluluwa kaya ako'y bigla nalang tinahak ang loob ng silid. Sila ay natigatig sa aking pagsulpot.

"Mga Ginoo, inaanyahan kong manatili kayong tumayo." Sila ay kusang nanatiling tumayo, ang mga kaninang binata.

"May kani-kaniya kayong ipinaglaban at napakinggan ko ang inyong bawat panig. Ngunit ang nagpasidhi sa aking damdamin ay ang iyong winika Ginoo," turo ko sa binatang nakaupo sa unahan. "Kung hindi mo mararapatin ay maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?"

"Ginoo, aking sasabihin kung ika'y payag makipagdebate sa akin. Kung hihindian mo ay baka'y ikaw ay duwag."

Tumango ako. "Sige."

"Ano ang ipinaglalaban mo tungkol sa mga dukha sa larangan ng politika?"

"Alam mo Ginoo, kikilitisin ko ang iyong opinyon. Ang iyong opinyon ay hindi patas at hindi makatarungan." Biglang nakakitaan ko ang binata ng nag-iibayong damdamin.

"At bakit Ginoo? Ang mga dukha ay isa lamang kahihiyan sa bayan. Sila ang dahilan ng paglaglag ng ekonomiya. Sila'y nangunguna." Napangisi ako ng bahagya sa kaniyang sinabi.

"Kung ang tanging problema mo ay walang pinag-aralan ang mga dukha ay bigyan ng edukasyon. Simple," aking wika.

"Edukasyon? Ikaw ba ay nagpapatawa? Dagdag lang ng problema kung lalaan ng salapi para sa kanila."

"Ano ba ang salapi? Di ba ito ang ginagamit upang makuha ang nais? Gamitin ito sa tama. At isa sa tama ay ang pagbibigay edukasyon sa dukha," aking tugon. "Ang mga dukha ay may kakayahan. Kagaya ng makapangyarihan sa bayan, ang mga dukha'y may karapatan. Saan ba nagmula ang mga pilosopo at matatalino, sa walang alam." Natahimik siya sa aking sinabi.

"Tinahak natin ang kursong abogasya hindi para sa mayayaman at may makapangyarihan lamang kundi ay para sa mga dukha upang mapasigaw ang kanilang karapatan. Kung tinahak mo ang abogasya na hindi para sa mga dukha, ika'y hindi nararapat Ginoo." Mas lalo siyang tumikhim at bakas sa kaniyang mukha ang kahihiyan.

"Ngayon Ginoo, maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?"

Hinintay ko siyang magwika, "Ako si Elias Miguel Guevarra."

Hindi ako makapaniwala. Siya ang aking pinsan na ngayon ko lang nasilayan.