Mariin ang aking titig sa mga kagamitang panulat na siyang aking kasama sa aking madilim na silid ngunit ang tanging umiilaw ay ang buwan na siyang aking kasalukuyang kinakaharap. Andito'y nabihag na ng buwan mula sa nakabukas na durungawan. Habang nakaupo sa silyon ay abala ako sa pag-iisip ng susulatin para sa aking sisimulan na nobela. Nais kong gumawa ng maraming mga kabanata para sa nasimulan naming kuwento ni Eliza.
Kung bibihagin ka talaga ng pag-ibig ay hindi mo malalaman. Sapagkat ang pag-ibig ay kusang dumarating na hindi mo inaakala. Ang aking mga kasalukuyang iniisip ay hindi guni-guni ngunit tunay. Nais kong maging katuturan ang aming kabanata ni Eliza, ang bawat bahagi ng aming kabanata.
Lubos kong galak na naging nakapalagayang loob ko ang ama't ina ni Eliza. At sa aking panliligaw ay sila'y payag. Ni walang tutol ang aking natamo. Ngunit binigyan ako ng tagubilin ng kaniyang ama.
Ang pagbabaliktanaw sa nangyari sa kaarawan ng Ama ni Diego
"Don Valencio at Donya Monica, kung kayo'y nababanta kung bakit pagkatapos ng selebrasyon ng aking kaarawan ay tayo'y nagtitipon-tipon ay may nais sanang imungkahi ang aking kaisa-isang anak na si Diego," seryosong wika ni Ama. Ang ibang mga panauhin ay nagsisialisan na sa aming tahanan. Malugod na pasasalamat naman ang ibinigay ng mga malalapit na kaibigan ni Ama bago sila umalis. Sapagkat nadatnan pa namin sila nung kami'y kakaabot lang ng tahanan ay sila naman ang papaalis.
Sa kasisimulang tipon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba nang kaharap ko ang ama at ina ni Eliza. Nakakunot-noo pa ang mga ito ng kami'y tanawing dalawa ni Eliza. Magkahawak-kamay kaming nakaharap sa kanila. Mukhang nababasa narin ng kaniyang Ama ang aking imumungkahi. Mayamaya'y sinimulan ko ng sambitin ang kanina pang bumabagabag sa aking balintataw. "Don Valencio at Donya Monica, kayo ay isa sa mga makapangyarihang lahi ng Bayan ng San Rafael, at matalik niyong kaibigan ang aking Ina't Ama. Sa kaniyang tinahak sa politika ay isa kayo sa mga hindi nag-alinlangang tumulong sa kaniya noong pangangampanya. Kaya lubusan ang aking galak sa inyong kagandahang loob. Kayo po ay aking nirerespeto kagaya ng aking Ina't Ama." Lumapit ako sa kanilang kinaroroonan at saka'y yumuko kay Don Valencio at hinalikan naman ang kamay ni Donya Monica.
"Ano ba ang bumabagabag sa'yo binata?" ang Ama ni Eliza. Sinulyapan ko si Eliza at inilahad ko ang aking kamay upang siya'y patayuin, gaya ng akin. Tumingin ako sa gawi nila Ama't Ina at binigyan ako ng pagpapakahulugang sisimulan ko na ang pag-amin sa pamamagitan ng kanilang mata. Ako'y tumango.
Kahit man ay sumisidhi ang kilabot dahil sa kaba ay buong tapang kong hinarap si Don Valencio at Donya Monica.
"Nais ko sanang ligawan ang inyong dalagitang si Eliza."
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at mas napahigpit ang aking pagkahawak sa kamay ni Eliza ng humahalakhak sa tawa ang kaniyang ama. "Binata, wala kaming tutol ni Donya Monica. Akala ko kung ano ang iyong imumungkahi, yun lang pala," wika nito na ikinalubusan kong ikinatutuwa. Bigla nalang akong napayakap kay Eliza. Hindi ko mapigilan ang saya. Kasalukuyan sa aki'y namumutawi.
"Basta'y pakaingatan mo lang Diego ang damdamin ng aming anak. Oras mo na ngayong gawin siyang iyong responsibilidad." Tumango ako sa habilin ng kaniyang Ama.
"Iyon po ay palagi kong gagawin para sa inyong anak Don Valencio. Ikaw po ay makakaasa. Magiging kaaya-aya po ang bawat kabanata namin ni Eliza."
-
Hindi ko mapigilang mapangiti habang sinimulan ko na ang pagsusulat ng aming unang kabanata. Tinta't pluma ang siyang aking kaagabay sa pagtahak sa aking sinimulang nobela para kay Eliza.