Zia POV
Nang magising ako kinaumagahan napahawak ako sa noo ko. Masakit ang ulo ko. Marahil ay dahil sa ininom kong wine kagabi. Naparami ata ang nainom ko.
"Ano bang nangyari kagabi?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame. Bestfriend ko na nga ata ang kisame. Nitong nagdaang araw lagi na lang akong nakikipagtitigan sa kisame.
Inalala ko kung ano ba nangyari sa party. Bigla na lang nagflashback ng maalala ko.
Habang nasa dulo ako ng mesa ay nililibot ko ang mga mata ko. Maraming tao. Lahat nagkakasayahan, pati si daddy na panay ang tawa habang nakikipagusap sa kanyang mga kumpare at sa ibang bisita. Makikita talaga sa mga bisita na mga maykaya sa lipunan. Magagara ang mga damit at mga nagkikislapan ang mga alahas.
Hanggang sa napagawi ang mata ko sa grupo ni Xander. Masaya syang nakikipagkwentuhan kina Gio at sa babaeng kasama nito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit parang may kirot akong nararamdaman ng makita kong masaya sya sa kasama nilang babae. The way she looks Xander ay parang may gusto ito.
"hmpft! ano namang paki mo Zia? kahit pa makipaglandian sya sa harap ng maraming tao. Wala kang pakealam, hindi nyo naman mahal ang isa't isa" anas ko. Nababaliw na ata ako, kinakausap ko na ang sarili ko.
Pero kahit ibaling ko sa iba ang tingin ko, ay parang may sariling magnet ang lalaking yun sa mga mata ko. Kusang bumabalik parin doon ang paningin ko.
"Ano ba Zia! May sarili bang utak ang mga mata mo? Bakit ka ba sulyap ng sulyap dyan!" bulong ko sa sarili ko.
Tinig-isang lagok na lang ginawa ko sa wine na sinasalin ko sa wine glass. Hanggang sa naubos ko na ang isang bote.
"wow Zia ha? Lakas mo na uminom ha!" anas ko sa sarili ko. Medyo nahihilo na ako pero nagawa ko paring humingi ng isa pang bote ng wine sa waiter.
Nang madala sakin yung wine ay kinuha ko iyon at umalis sa table ko. Hindi ko ns kaya ang mga nakikita ko. Naglakadlakad ako habang hawak hawak ko ang isang bote ng wine at isang wine glass.
Nakita ko ang gazebo sa may garden. Naisipan kong doon muna pumwesto para makalayo naman ang mata ko sa lalaking nakikipaglandian sa iba.
'Hmm, bakit parang nagseselos ka Zia?' sabi ng utak ko.
"No! im not and i should not" sagot ko naman, tipong may kausap ako. Hindi na ako nakampante sa wine glass kaya tinungga ko na ang boteng dala ko. Hanggang halos maubos ko yung laman ng wine. Umiikot na talaga ang paningin ko kaya napapikit ako hanggang sa nakatulog na ako.
-end of flashback-
Bakit ganun? Parang nanaginip pa ako kagabi na hinalikan ako ng isang lalaking di ko maalala ang mukha? Blured kasi sa vision ko yung mukha nya. Pero ang nakakapagtaka bakit pakiramdam ko parang totoo yung nangyaring yun.
Napahawak ako sa labi ko. Pilit na dinadama ang panaginip ko. "Para talagang totoo" sabi ko sa sarili ko. 'Oh my God! Hindi kaya nahalikan ako ng kung sino mang lalaki sa party? oh no..! Sino naman kayang mapangahas ang naglakas loob na halikan ako?'
Napabaling naman ang atensyon ko sa pinto at nawala ako sa pagiisip nang biglang may kumatok.
"Pasok po" sabi ko ng pasigaw para marinig ng kung sino man ang nasa labas ng kwarto ko.
Pagbukas ng pinto ay si manang tessa lang pala.
"Good Morning po senyorita, heto po ang breakfast nyo. Nandito na din po ang gamot para mawala po ang hangover nyo" sabi nito habang dahan dahang ibinababa sa table yung dala nito.
"sige po manang maraming salamat po" sagot ko dito.
"labas na po ako senyorita" tumango na lamang ako bilang sagot dito.
Pagkalabas ni manang tessa ay bumangon na ako at nagtungo sa banyo para magtoothbrush at maghilamos. Pagkatapos nun ay kumain na ako at ininom ang gamot.
Nagcheck muna ako ng email bago nagtungo sa banyo at maligo. Kailangan ko ng magayos dahil may pasok pa sa opisina.
Pagdating sa office ay pinagtitinginan ako ng mga empleyado ko. Marahil ay dahil sa suot kong shein gigot sleeve adjustable belted a-line dress na kulay itim. Ako na nga ang ms. minchin 2.0 ng princess sarah.
Napapangiti ako sa naisip ko. Kulang na lang talaga ay salamin para mas lalo pang matakot ang mga empleyado ko sakin.
Pagdating ko sa office agad kong sinabihan si Mia na wag na itong mag abala ng breakfast.
"Mam dumating na po ang wedding invitations nyo" bungad nito sakin sabay abot ng schedule ko.
"okay Mia, padala na lang kay mang nestor yan mamaya. Sya na maghahatid sa mga bisita ko sa kasal" sagot ko dito.
"okay mam. I'll make you coffee mam"
"sige please Mia. And thank you" mabait naman ako kay Mia, pero kahit ganoon ay hindi parin sya nakikipag feeling close sa akin. Hindi tulad ng ibang empleyado ko na mabait lang kapag kaharap ako. Kaya mas lalo akong nagsusungit.
- - -
2 weeks na ang nakakaraan pero hindi na ulit nagpakita pa si Xander sakin. Which is ikinatuwa ko naman.
Sobrang naging busy ako sa trabaho ko. Ito lang lagi routine ko. Gigising sa umaga, magbibihis at papasok sa office. Aattend ng ilang meetings tapos babalik sa office kapag may time pa. Minsan nagoovertime na din.
May out of the country pa akong mga meetings pero dahil ayaw ni daddy na lumayo pa ako ay sa iba ko na pinapa assign ang trabahong ito.
Tinatambakan talaga ako ni daddy ng trabaho.
Sa sobrang busy hindi ko na namamalayan ang mga araw na nagdaan. Ang bilis ng panahon 2 weeks na lang ay ikakasal na ako. Heto na naman ang lungkot na nararamdaman ko. Wala na ba talaga akong choice kundi magpatali na lang? Kung gagawa naman ako ng paraan ay kaya ko namang hindi matuloy ang kasal. Pero ayokong kamuhian ako ni daddy.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Napasulyap ako sa caller, si Xander ang tumatawag.
"Yes?" bungad ko dito ng masagot ang tawag ko.
"Stacey invites you on her graduation day. She will be glad if you come. But if your busy i'll just explain to her kung bakit hindi ka makaakaattend sa graduation nya ."
"i'll come!" agad kong sagot sakanya.
"you sure? i mean i dont want to bother you.." anas ng nasa kabilang linya.
Bakit pakiramdam ko ayaw nya akong papuntahin doon?
Stacey is a sweet one. I like her 'coz i dont have a sister. Madaling pakisamahan si stacey dahil mabait ito at masayang kasama. Unlike her brother na ungentleman highblood pa palagi.
"i said i'll come to her graduation. Ayaw mo ba akong pumunta? Just tell me, so that i can tell her" agad kong panunumbat dito.
"no.. no.. no.. its not that.. I just think your busy kaya inunahan na kita agad. And im sorry for that. Well i fetch you para sabay na lang tayo pumunta dun. That would be on friday 1pm.. There's a party also in the house after the ceremony. I hope makarating ka rin doon" mahabang pagexplain nito.
"we'll see" tipid kong sagot.
"see you on friday!" bakit parang excited ang boses ng mokong na to? Napakunot pa ang noo ko.
"okay" sagot ko na lamang at binaba ko na ang tawag nito. Hindi ko nahinintay n makapagpaalam pa sya.